Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Co-writer is PrincessAmores711
---------

Coleen's POV :

Ang lakas ng ulan at gabi na din yung nagdrive ako papauwi.

Tapos biglang nag-ring yung phone ko kaya sinagot ko.

"Ma?" Sabi ko habang focus parin sa daan.

"Coco, saan ka na ba?" Tanong ni mama.

"Papauwi na ako, nagda-drive pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Huh? Diba di ka pwede magdrive?!" Nagaalalang sabi ni Mama.

"Ma, matanda na ako." Sabi ko.

"Anong matanda? Baka di ka umabot ng pagiging matanda kung ipagpatuloy mo pa ang pagdrive!" Galit na sabi ni mama.

"Mama naman. Di na nga ako baby." Kalmadong sabi ko habang nililiko ko yung sasakyan.

"Coleen, lagot ka talaga sakin pag-uwi mo sa bahay!" Galit na si mama.

"Sige na ma. Papatayin-."

Bago ako matapos sa pagsasalita ay may sasakyang bumunggo sa sasakyan ko at ramdam ko ang malakas na pagkaka-untog sa ulo ko.

Nagising ako at nasa harap ko si mama at papa.

Si mama iyak ng iyak habang si papa ay pinakakalma si mama.

"Ma? Pa?" Sabi ko pero di ako nila pinansin.

Pumasok ang doktor at tumayo si papa at mama.

"Dok, ano po?" Tanong ni papa.

"Malakas ang pagkaka-impact sa ulo nya. Ayokong magsalita ng tapos pero di ko alam kung kailan sya gigising." Sabi ng doktor.

"Pero mabubuhay pa po ba sya?" Tanong ni mama.

"Malaki ang chance na mabuhay si Ms Trinidad, pero baka paggising nya ay malaki ang pagiging pagbabago sa kanya." Sabi ng doktor sa kalmadong tono.

Nakita ko na napa-upo si mama at umalis ang doktor, pero di ko maintindihan bakit sinabi nya na di nya alam kung kailan ako gigising, eh nandito ako, gising na gising.

"Papa, mama? Ano po ba nangyayari sa inyo?" Tanong ko sa kanila pero parang di ako nila naririnig.

Tumayo ako at nilapitan sila.

"Wag ka nang umiyak, narinig mo naman yung doktor diba? Mabubuhay anak natin." Kalmado si papa nung sinabi nya yun.

"Alfred, anong gagawin ko kung di gumising si Coleen?" Patuloy sa pag-iyak si mama.

Yumakap si papa at patuloy nyang pinakakalma.

Di ko naiintindihan kung ano ba ang ibig nilang sabihin pero laking gulat ko nung makita ko ang sarili ko nakahiga sa kama at walang malay.

"Ano.... Ano to?" Napatanong ako sa sarili ko kung ano ba ang nangyayari.

Ayokong maniwala na kaluluwa nalang ako.

At isang babae ang nakaitim ang biglang dumating sa harap ko.

"Hello, Coleen?" Sabi nya at patuloy na ngumiti sakin.

"Sino ka?!!" Napasigaw ako sa takot.

"Wag kang mag-alala, di kita kukunin kasi di mo pa oras?" Sabi nya sakin.

"Ano ka dyos?" Tanong ko.

She shake her head and say, "Hindi.. Kilala ako bilang isang Grim reaper, tutal di mo pa oras, hindi kita kukunin." Sabi nya sakin.

"Kung ganun, ibalik mo na ako sa katawan ko." Sabi ko sa kanya kasi natatakot na ako.

Tumingin sya sa orasan nya.

Wow! High tech na pala pati grim reaper ngayon.

"Hindi pwede, may mga bagay ka na dapat ayusin." Sabi nya at patuloy parin na ngumingiti.

Ano ba! Maganda ka na!! CHAR!

"Eh ba't di mo parin ako binabalik sa katawan ko kung may dapat pala akong ayusin?" Sabi ko.

"Dahil bulag ka sa mga nangyayari kaya kailangan mo gawin to sa ganitong paraan, at hindi mo ako pwedeng sisihin kasi hindi ako ang may gusto nito."

"Sino?" Tanong ko.

At tinuro nya ang taas.

"Ang dyos.. Sya lang ang nakakaalam ng rason bakit ginawa nya to sayo, kaya samahan mo ko." Sabi nya at hinihila ang kamay ko.

"Ayoko!" Sabi ko habang pinipigilan sya.

"Di ako sumasama sa strangers!" Sabi ko sa kanya.

"Talaga? Eh di sige, magpapakilala ako. Ako si Ashley Cloud Santos Garcia, pero you can call me Ash for short." Sabi nya sakin.

"Eh di sana sinabi mo nalang ash, hindi yung pinahaba mo pa yung storya!" Sabi ko sa kanya.

"Gumalang ka kasi ako matagal na akong nububuhay, ikaw bata ka pa." Sabi nya bigla sakin sa seryosong mukha.

"Sige, ate Ash." Sabi ko kasi seryoso na sya.

Tapos bigla nalang kami nasa labas at natatakot ako kasi pagtingin ko sa baba ay wala akong inaapakan.

"Ha! Huy! Ibalik mo ko!" Sabi ko sa kanya.

"Sandali kasi, nagko-concentrate ako dito!" Sabi nya habang nakapikit.

Concentrate?! Pwede ka naman magconcentrate sa lupa ba't kailangan pang lumipad?

"Okay, bababa tayo." Sabi nya.

Malakas ang impact nung bumaba kami.

"Ano, nagenjoy ka ba?" Tanong nya sakin.

"Talaga! Pinag-lalaruan mo ba ako! Nung nabubuhay ako hindi ako ginaganito ng kahit sino!" Sabi ko kasi nagagalit na ako.

"Alam mo Coleen, ikaw nga ang future CEO ng kompanya nyo, pero ang tanong handa ka ba sa mga magiging pagsubok mo?" Sabi nya sakin.

Tumango ako at sabi, "Malamang!" Confident ako kasi magaling ako.

"Talaga ba? Maaari kang yumaman pero pano ang mga trabahador mo? Ikaw nagpapakasasa sa pera habang sila ay pagod at kulang ang sweldo." Sabi nya sakin.

Bigla akong napaisip nung marinig ko yun.

"Hindi maari, nagpatupad ako na dapat taasan ang sweldo nila." Sabi ko.

"Pero kahit saan may magnanakaw.. Isa yun sa mga bagay na aayusin mo habang multo ka." Sabi nya sakin.

Bigla syang nagsimulang maglakad papalayo.

"Ate Ash!" Tawag ko sa kanya.

Tumakbo ako papalapit at mabubunggo na sana ako ng isang nagbibisekleta pero bigla nya itong tinutok sa ibang direksyon at napatigil ito.

Natakot ako kasi akala ko mabubunggo na naman ako.

Nilapitan nya ako at sabi, "Miss, okay ka lang?" Tanong nya.

"Huh? Nakikita mo ko?" Tanong ko sa kanya.

"Anong klaseng tanong yan?" Isang tanong din galing sa kanya.

Bumalik si Ate Ash at sabi, "Imposibleng makita ka nya." Sabi nya sakin.

"Adik ba kayo? Anong rason para di ko kayo makita?" Sabi ng babaeng yun.

"Hindi sa ganun, ikaw lang ba talaga nakakakita sakin?" Tanong ko ulit.

"Miss, bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ako na nga tong naabala ninyo kasi kayo tong harang ng harang sa daan." Parang nagagalit sya pero hindi.

"Hoy! Sino ka para sabihin yan?!" Galit na tanong ni ate Ash sa kanya.

"Ate Ash, tama na." Sabi ko.

"Wow, kahit nga saan ako magpunta may mga taong kagaya mo!" Parang galit na rin yung taong malapit na bumunggo sakin.

"Halika dito, uupakan kita!" Parang ready na si Ate Ash na sumuntok.

"Sige, suntokan nalang!" Sabi ng isa.

Di ko alam kung pano ba sila aawatin, pilit kong nilalayo si Ate Ash sa taong yun pero lapit sya ng lapit.

Mabuti nalang kasi walang ibang tao ang dumadaan, kung nagkataon ay iisipin ng iba ay may sira sa ulo tong taong to.

"Sandali!!! Tama na kasi!!!" Sigaw ko sa kanila at bigla silang tumigil.

Tumingin ako sa taong malapit na makabunggo sakin at sabi ko, "Ako na ang hihingi ng tawad kasi kasalanan ko rin naman. Kaya please, tulungan mo muna ako." Sabi ko at kinapalan ko na mukha ko.

"Saan?" Tanong nya sakin.

Tapos bigla ko hinila ang batok nya at hinalikan sya.

Wala akong maisip na gawin kasi yun yung nangyari sa korean drama na napanood ko kaya ginaya ko para makabalik na ako sa katawan ko.

Alam ko na nagulat sya pati si Ate Ash sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.

Binuksan ko ang mga mata ko at ganun parin ang lahat.

Tinulak ko sya papalayo at sabi ko, "Ba't hindi parin ako bumabalik sa katawan ko?" Tanong ko sa sarili ko.

"Tanga! Hindi porket hinalikan mo sya ay babalik ka!" Sabi ni ate Ash.

"Baliw ka." Gulat parin sya nung sinabi nya yun.

Bigla nalang syang tumakbo at sumakay ng bisekleta nya papalayo.

Nakita namin na naiwan nya ang ID nya kaya pinulot ito ni ate Ash.

"Gabrielle Ruedas Skribikin?" Sinabi nya ang buong pangalan nya.

"Huh? Gabrielle ang pangalan nya?" Tanong ko.

Pinakita nya yung ID sakin.

Wow! Maganda parin sya kahit sa picture! Teka, ba't parang kanina pa ako nagagandahan sa mga babae?

------

Welcome back guys, another walang kabuluhang storya na naman ang mababasa nyo sa otor nyo. Sorry, wala kong maisip na makwento kaya ganito.

Sana nagustuhan nyo ang chapter 1.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top