Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

MY HEART's GUARDIAN - CHAPTER 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Nine:

Diretsong pumasok sa kusina si Devin at binuksan ang ref at kumuha ng isang malamig na San Mig Light at binuksan iyon at tumungga. Isang malaking lagok ang ginawa nito at biglang nangalahati ang beer na hawak. Maya lang ay idinampi nito ang malamig na beer sa bibig na namamaga.

"Hindi ka talaga nag-iisip. Baka ma-infect yang sugat mo dahil madumi yang beer na hawak mo. Here use this." Litanya ni Samuelle habang inaabot sa kanya ang ice bag na na puno ng ice.

Hindi siya kinibo ni Devin at muling lumagok ng beer at muling dinampi ang beer sa bibig.

Bumuntunghininga si Samuelle at inilapag ang bitbit na ice bag sa mesa at mabilis na tinalikuran sa Devin. Nagdadabog itong umakyat ng hagdanan papunta sa kwarto at pabalibag na isinara ang pinto.

Sinundan lang ni Devin ng tingin ang dalaga at nung matantong nakapasok na ng kwarto si Samuelle ay saka nito kinuha ang ice bag at idinampi sa bibig. Muling nagbukas ng isa pa ng beer at dinala ito sa sala at tahimik na umiinum habang nanunuod ng basketball. Dinampi dampi pa rin nito ang hawak na icebag sa bibig.

Muling bumukas ang pintuan ng kwarto ni Samuelle at bumaba ang babae na nakashorts na ng maiksi at nakasandong puti. Hindi naiwasang sundan ng tingin ni Devin ang babae unconsciously.

Meron itong mahaba at magandang hubog na mga binti at maliliit at firm na mga braso. Nakataas na ang mahabang buhok nito kaya na-aninag niya ang makinis nitong batok. Muling bumaba ang tingin ni Devin at napadako ang tingin niya sa sakto lang na hubog ng hinaharap ni Samuelle.

May kakaibang naramdaman si Devin sa mga sandaling iyon that made him uneasy. Mabilis nitong inabot ang throw pillow na nasa tabi at inilagay sa kanyang kandungan. Umupo pa ito ng tuwid nung dumaan sa harap nito si Samuelle.

Walang imik na tumabi si Samuelle kay Devin at sinimulang gamutin ang mga sugat nito. Napa-igtad ulit si Devin nung dumampi ang bulak na may betadine sa sugat nito. Pareho silang nagulat sa pag-igtad na iyon ni Devin.

Pero ni isa sa kanila ay wala pa ring kumibo. Tahimik lang na ginagamot ni Samuelle ang sugat ni Devin habang si Devin naman ay masusing tinititigan si Samuelle.

Dahil sa pagkokonsentrate sa pagamot kay Devin ay di napapansin ni Samuelle ang titig nito sa kanya. Wala pa rin silang kibuan ang dalawa hanggang matapos gamutin ng dalaga si Devin.

Akmang tatayo na si Samuelle nung hawakan ni Devin ang kanyang kamay kaya muli siyang napaupo.

"Thank you." Mahinang sambit nito.

Tumango lang si Samuelle at muling tumayo para pumunta sa kusina para itapon ang mga bulak na ginamit at para na rin maghugas ng kamay.

Umayos ng upo si Devin na kanina ay nakasalampak na nakaupo sa sofa at tila nag-iisip. Maya-maya lang ay mabilis itong tumayo at sinundan ang direksyon ni Samuelle.

Kasalukuyang naghuhugas ng kamay si Samuelle sa may lababo at dahan-dahang lumapit si Devin dito hanggang wala pang isang metro na lang ang nalalabing pagitan nilang dalawa.

Pagkaharap ni Samuelle ay nagulat ito sa bulto na nakaharang sa kanyang daanan.

"Ano ba, bakit ka nang gugu..."

Pero hindi na natapos ni Samuelle ang sasabihin dahil sinelyuhan na ni Devin ang bibig nitong nakaawang.

Devin's kiss was sweet and passionate at first pero nung mapansin ang hindi pagtugun ni Samuelle ay mas lalo nitong nilaliman ang halik sa dalaga.

Hindi alintana ni Devin ang sugat sa bibig dahil hilong-hilong na ito sa paghalik sa kanya. Mas lalo pa itong nabaliw nung mapansin ang pagtugun ni Samuelle sa mga halik nito.

Kung kanina ay may isang metro pa ang kanilang pagitan ay ngayon ay parang gahibla na lang ng buhok ang espasyong naghihiwalay sa kanilang dalawa. Hindi namalayan ni Samuelle na pumapapaikot na pala ang braso niya sa batok ni Devin habang ang mga kamay ng huli pumupulupot na din sa katawan niya.

Mas lalong nilaliman ni Devin ang halik kay Samuelle and she has the sweetest lips. Maraming naging girlfriend at flings si Devin pero this is the first time that he tasted the sweetest lips ever. Parang marshmallow sa lambot ang bibig ni Samuelle at kahit na may bahid na amoy ng alak ang bibig ng dalaga ay batid ni Devin na mabango pa rin ang hininga ni Samuelle.

Ang bibig ni Devin ay unti-unting bumababa. Trailing kisses on Samuelle's neck down to her bosom. Hindi lang ang bibig nito ang naging abala kundi pati ang mga kamay nito sa pagdama ng katawan ni Samuelle. Liyong-liyo din si Samuelle dahil sa sensasyong nadarama sa mga oras na iyon.

Muling bumabaybay ang mga labi ni Devin pataas sa leeg hanggang muli nitong sinakop ang mga labi ni Samuelle. He pressed his hard body towards hers to let her know the effects of her kisses on him.

Nanlaki ang mga mata ni Samuelle nung maramdaman ang isang matigas na bagay na nakadiin sa bandang harapan niya. Bigla siyang natigilan sa ginagawa. Ang naging reaksyon ni Samuelle na iyon ay tila isang malamig na tubig na bumuhos kay Devin at naging realisasyon para dito sa nagawa sa kinakapatid.

"Stop!" Biglang sambit ni Devin.

Kapwa habol nila ang mga hininga at wala pa ring imikan. Mabilis na lumihis si Samuelle at tumakbo paakyat sa kanyang kwarto at mabilis na nilock ang pintuan.

Samantala ay naiwang nakatayo lang si Devin sa kusina. Hindi ito makapaniwala sa nagawang kapangahasan sa kinakapatid. Para itong nahiya sa sarili dahil hindi nito napigilan ang kapusukan.

Pinalandas nito ang kamay sa buhok at lumapit sa lababo at naghilamus. Bigla itong napangiwi nung muling maramdaman ang hapdi ng sugat sa bibig. Muling kumuha ng isa pang bote ng beer at mabilis na tinungga iyon bottoms up kaya napadighay ito ng malakas pagkatapos simutin ang iniinom.

Nagsimula na itong pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay at huminto sa tapat ng saradong pinto ng kwarto ni Samuelle. Nakatayo lang ito ng ilang saglit at akmang kakatok pero nagbago ang isip at tumuloy sa sariling kwarto na nasa kabisera lang ng kwarto ni Samuelle.

Habol ang hininga ni Samuelle matapos niyang mabilis na akyatin ang hagdanan at nagpapadaling ikinandado ang pintuan ng silid. Taas-baba ang kanyang hininga habang nakasandal sa pintuan.

"Oh my God, he kissed me!" Paulit-ulit na sigaw ng kanyang isip habang taas-baba pa rin ang kanyang paghinga.

Makailang beses ding naitanong ni Samuelle sa sarili sa napansing intensidad ng pagbabantay ni Devin sa kanya na tila mas matinik pa ata sa mga guardia sa monomento ni Rizal sa Luneta. Dati iniisip niya na dahil nakapangako lang ito sa ina na babantayan siya kaya ganun ito. Pero minsan naman ay sumagi sa isip niya na baka naghihiganti ito sa ginawa niyang pangungulit nito nung sila'y bata pa. Pero gayun pa man ay hindi naiwasan ding isipin ni Samuellw na baka ganun na lang ang pagbabantay ni Devin sa kanya dahil may gusto ito sa kanya.

Pero ang nangyari kanina ay nagpapatibay ng kanyang hinala na ang panghuling iniisip ang siyang totoong rason kung bakit gayun na lang ito kung magbantay sa kanya. May gusto sa kanya si Devin. May gusto rin sa kanya si Devin!

Dahil sa tinurang iyon ay napangiti si Samuelle at mabilis na lumapit sa kanyang dresser para tingnan ang sarili at napabulaghit bigla ng tawa nung makita ang sarili sa salamin.

Ang kanyang puting-puting sando ay tila nagkaroon ng desenyong parang mga yellow na check marks. Mga bakas iyon ng halik ni Devin kanina na kakalagay lang niya ng Betadine sa sugat nito sa bibig.

Biglang namula si Samuelle nung muling maisip ang nangyari kanina lang. Mabilis niyang hinubad ang suot na tank top at kumuha ng panibagong pampalit. Matapos ang ritwales sa katawan ay pumailalim na siya sa comforter na sinubukang matulog. Nakailang baling na siya pero di pa rin dalawin ng antok. Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari kanina at sa tuwina'y napapangiti siya.

Sa kakabaling niya ay napansin niya ang cute na tila nakangiting ubeng unggoy na naka-upo sa may sulok ng kanyang kama. Umupo si Samuelle at inabot ang unggoy at gigil na niyakap iyon at di pa nakuntento ay inginuso ang bibig sa gawing bibig na rin ng stuff toy.

"SamVin, ang yummy humalik ng daddy mo ha. May sugat pa yan pero yum yum talaga. I think your daddy loves me! Do you think he loves me?"

Parang batang kunyari pinatango ang stuff toy at parang sirang napangiti si Samuelle at biglang nag-aastang parang si Toni Gonzaga nung sabihin nitong I love you Piolo sa isang sikat na softdrinks commercial.

"I love you Devin!" at muling mahigpit na niyakap ang walang kamalay-malay na laruan at makalipas lang ilang saglit ay mahimbing ng nakatulog si Samuelle na may ngiti sa labi.

Samantala, dalawin-hindi ng antok si Devin at nanatiling nakatitig lang sa kisame ng kwarto. Hindi ito makapaniwala sa nagawa kanina lang. Sobrang laki ng epekto sa kanya ni Samuelle at bigla siyang nakalimut at nagawa ang di inaasahan. Pinagsisihan ba niya ang nagawa kamakailan lang? HINDI!

She's got the sweetest lips at gabundok na ang pagpigil ni Devin sa sarili kaninang katukin si Samuelle at muling kuyumusin ng halik ang malambot nitong mga labi.

Dahil sa isiping iyon ay muling nag-iba ang timpla ng katawan ni Devin. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay kumatok na siya sa kabilang kwarto at gawin ang magpapahupa sa init na nadarama sa mga sandaling iyon.

Bumuntunghininga si Devin at pilit pinapakalma ang sarili at pinilit na rin ang sarili na makatulog. Muling bumalik sa kanyang alaala ang paghalik kanina kay Samuelle at dahil dun ay nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.

Sunod-sunod na mahinang katok sa kanyang pinto ang gumising kay Samuelle. Naalimpungatan siyang tumayo at kahit medyo nakapikit pa ang mga mata ay dahan-dahang binuksan ang pinto.

Napasinghap siya nung mapasino ang kumakatok. Si Devin at hubad baro ito at nakapajama lang at nakayapak na nakangiting nakatingin sa kanya.

Akmang magsasalita si Samuelle pero bago pa mangyari iyon ay sinelyuhan ni Devin ang kanyang mga labi. Banayad ang halik nito sa kanya pero maya-maya lang ay naging magpaghanap na. Hindi na napigilang muli ni Samuelle na tugunin iyon at dahil dun ay mabilis na nakapasok ng kwarto si Devin at isinara nito ang pintuan at pinangko siya nito at binitbit patungo sa kama na hindi man lang hinihiwalayan ang kanyang labi.

Pagkalapag nito sa kanya sa kama ay kumumbabaw ito agad sa kanya at ang mga labi nito ay lumalandas na kanyang leeg hanggang sa kanyang balikat. Dahan dahan din nitong pinalandas ang mga kamay hanggang sa dulo ng kanyang suot na sando at ito'y dahan-dahan inangat without letting go of her lips.

Liyong-liyo na si Samuelle sa sensasyong nadarama sa sandaling iyon at di niya napigilan ang sariling mapaliyad nang sakupin ni Devin ang isa sa kanyang kambal. Ang kanyang mga kamay na kanina ay nakapulupot lang sa leeg Devin ay nasa buhok na nito at mahinang sumasabunot dahil sa kiliting nadarama.

Hindi alintana ni Devin ang ginagawa ni Samuelle dahil abala ito sa ginagawa. Binibigyan nito ng atensyon ang hinaharap ni Samuelle gamit ang mga labi habang ang dalawang kamay ay abala din sa pagdama sa iba pang kaselanan ni Samuelle.

He can't prolong the agony anymore at dahan dahan nitong ibinaba ang suot na short ni Samuelle kasama ng panloob nito at tumambad sa kanya ang pinakaingat-ingatang kayamanan ng dalaga at dun na nalipat ang atensyon ng kanyang mga labi.

Nung mabatid ni Devin ang kahandaan ni Samuelle ay hindi na ito nagdalawang isip para pag-isahin ang kanilang katawan. Tumayo ito na muntik ng ikaprotesta ni Samuelle pero panandalian lang pala yun nagtalop lang ito ng suot at muling bumalik sa pagkumbabaw sa kanya.

Samuelle let out a small cry when he first entered her. Napangiti si Devin nung matuklasang ito pala ang naka-una kay Samuelle kahit na nanirahan pa ito sa ibang bansa ng labing-dalawang taon. Gustong patigilin ni Samuelle si Devin dahil sa nadaramang sakit pero temporary lang pala yun dahil ang sakit ay napalitan na ng ibayong sarap habang kapwa sila sumasayaw sa makamundong tugtug.

Makalipas ng ilang sandali ay abot na nilang dalawa ang ruruk ng kaligayahan na ang tanging saksi ay ang kulay ubeng unggoy na nakangiting nakatunghay sa kanila sa isang tabi. He collapsed on top of her without even spilling any single drop of his soldiers at nananatili sila sa ganung ayos nung biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang Ninang Girlie niya na kagaya nila ay gulat na gulat sa nangyari.

"What is the meaning of this?" dumadagungdung tanong nito.

Biglang dilat silang dalawa at singbilis ng kidlat na tumayo at tumungo sa banyo.

Ang malakas na tinig ng dutsa ang tanging naririnig sa mga oras na iyon.

Pareho silang nakatunganga habang naliligo. Panaginip lang pala ang lahat ng iyon pero parang totoong totoo. Magkahiwalay nilang pinapawi ang init ng katawan dulot ng nakakataas balahibong panaginip na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top

#samvon