Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

CHAPTER XI

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"1... 2... 3... and pak! Pak! Pak! Nice one!"

Isang buntong hininga ang lumabas sa aking bibig bago nagpahid ng pawis sa noo gamit ang likod ng aking kamay.

Panibagong araw nanaman na abala kami sa pag pa-practice para sa cheerdance. Medyo nasasanay na rin ang katawan ko sa mga pinaggagawa namin at hindi na gaanong napapagod. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako hinihingal.

Mabuti rin dahil hindi ako inaatake ng hika, kinakaya naman ng katawan at sistema ko ang pagod.

"Pawis na pawis ka, naka-aircon naman tayo, ah." Pansin ng isa kong kasama, napatawa ako bago tumango, "Pawisin kasi talaga ako, normal na." sagot ko at tumango ito, naglakad ako papuntang tabi at utay-utay naupo sa sahig.

"Water break muna tayo guys, 20 minutes." Anunsyo ng trainer namin, nakahinga ako nang maluwag bago muling tumayo at kinuha ang wallet ko at agad lumabas ng silid.

Natutuyuan kasi ako ng pawis dahil sa aircon, kaya naman grabe na ako kung umubo, pumuputok-putok pa nga, eh.

Naglalakad ako papuntang canteen nang malayo palang ay nakita ko sila kuya Haze, Edward, at Xandro. Bahagya pa ngang nagtatagpo ang mga mata namin ni kuya Haze.

Nang halos tatlong metro nalang ang layo ko sa kanila ay ngumiti ako kay kuya Haze, pero laking gulat ko nang imbes na ngumiti pabalik ay pinandilaan ako nito.

Nahulog ang panga ko at napatigil sa paglalakad habang si kuya Haze ay nakalingon sa akin, sinimangutan ko ito bago pinandilaan pabalik at napangisi kaming dalawa sa isa't-isa.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang canteen dahil nagugutom na talaga ako.

Pagkadating ko ng canteen ay saktong bumibili rin si kuya Shawn, nakatayo ako sa tabi niya at namimili palang ng pagkain nang bigla itong napatawa. Napakunot tuloy ang noo ko, "Anong nakakatawa, kuya?" Taka kong tanong dito, may sira ba ito sa utak? Bigla-bigla nalang tumatawa!

Umiling si kuya Shawn habang nakatakip ng bibig, "Kasi... I remember, last time, ikaw ang nagbayad ng 7 pesos ko na kulang. And I think destiny is telling me that I should pay you back that's why nagkita tayo rito." sagot nito at napatawa ako, "Sus! Si kuya, wala yun!" ani ko pero umiling ito,

"No, no, I'll treat you, no buts!" ani nito at napasimangot ako, I watch as he order food for me. A hotdog sandwich with fries and drinks.

Siya na rin ang nagdala nito papunta sa isang table kung saan kami kakain.

"So... how's life?" Panimula nito nang maka-upo kami, napatawa ako bago kumagat sa hotdog, "Pagod po haha," sagot ko rito habang ngumunguya. Napatawa ito bago tumango, "Cheerdance ba?" tanong nito at tumango ako, "Sobra po, nakakapagod." sagot ko at nag-hum ito.

"Ikaw kuya? Kamusta? Training?" tanong ko rito at ngumisi ito, "Pfft! We both know you're not interested in my life, for sure kay Haze, oo. Why not just ask him about his day?" May halong pagbibiro na nagtatampo ito kaya naman napahagalpak ako ng tawa bago ito hinampas sa kamay.

"Si kuya! Parang sira!!" Tumaas pa ang tono ng boses ko at parehas kaming napahagalpak ng tawa, "Come on! We both know it's Haze who's always in your mind." Pagbibiro nito at napahagalpak nanaman ako ng tawa.

"Hindi ah!!--"

"Pero madalas?" Putol nito sa 'kin at nawalan na ng tunog ang tawa ko at hindi na halos makahinga. "Si kuya! Ah ah naman!" Pagmamaktol ko at humaglapak ito ng tawa,

Sumimangot ako bago kumagat sa hotdog, "Sige na nga, parang ganun na rin." ani ko at napahagikgik ito bago napahagod ng buhok patalikod, "Ano nga ulit nagustuhan mo dun?" tanong nito at napa-illing ako, "Hindi ko na alam kuya, hindi ko alam." Sumipsip ako ng inumin,

"Is it because he looked good in his pilot unfirom?" tanong niya at nag kibit-balikat ako, "Ang sama naman siguro kung dahil lang doon." Dagdag pa niya at tumango ako, "Hindi ko naman sinabi na dahil doon kaya ko siya nagustuhan." sagot ko at nag-angat ito sa akin ng tingin.

"Then what?" tanong niya, nagtaas ako ng tingin at ilang segundong nakipagtitigan sa kaniya bago nagkibit balikat, "Hindi ko alam kuya, siguro...-- awan!" Sumuko na ako at isinubo ang huling kagat ng hotdog. Napatawa si kuya bago napa-iling, "Whatever it is, I wish mapansin kana niya." ani nito at napatawa ako,

"Pinapansin naman niya ako," Pagyayabang ko at napatawa siya nang pagak, "I mean... romantically." ani niya at utay-utay akong tumango, "Ahh... well... at least pinapansin niya ako. Hindi ba talaga siya interesado sa love?" tanong ko rito, "Hindi pa ba siya nai-in love? Girlfriend? Ex?" I added, kuya Shawn slightly tilted his head, "Well... there was--"

Napa-angat kami ng tingin ni kuya Shawn nang biglang may tumawag sa kaniya, si kuya Edward.

"Wala na ba kayong practice?" tanong ni kuya Edward, doon ko lang napansin na kasama pala nito si kuya Xandro at Haze na nakasalubong ko kanina.

Napakamot sa batok si kuya Shawn, "Nagpapahinga lang, I got hungry." sagot nito, nagtagpo ang mga mata namin ni kuya Haze na may kinakaing Chips Delight, bigla nitong inilahad sa akin ang bag ng cookies, "Sa 'yo nalang." alok nito na inabot ko naman "Thank you po," sabi ko,

Nag vibrate ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko kung sino ang nag message habang ang apat ay may pinag-uusapan.

"Uh... kuya Shawn, una na po ako, magsisimula na ulit practice namin." Paalam ko rito bago tumayo, "Kuya Edward, kuya Xandro, kuya Haze, una na po ako." Paalam ko sa iba bago umalis.

Pagkabalik ko ay tuloy-tuloy na ang practice namin sa puntong lahat kami nalingat sa oras. Ni-hindi ko nga magawang hawakan manlang ang cellphone ko at maupo dahil dire-diretso kami at walang pahinga.

Mag a-alas dos na nang hapon nang magpahinga kami para kumain ng tanghalian. Kahit mainit ay naglakad ako papuntang canteen na walang payong, para akong niyayakap ni Satanas habang naglalakad.

Pagkadating ko ng canteen ay medyo nagulat pa 'ko dahil kumpleto ang congress sa isang table.

"Cassandra!" Agad akong lumingon sa gawi ni kuya Lucas na tumawag sa akin, nakita ko itong kumaway kaya kumaway rin ako.

"Kain na!" Alok nito at napatawa ako, "Di ko nga po alam kakain ko. Ano bang masarap?" tanong ko rito, natawa ako nang lahat sila ay lumingon sa mga kinakain nila.

"Chicken wings, parmesan flavor." ani ni kuya Howard, "Ito Cass, beef pepper steak, masarap siya." ani naman ni kuya Lorenzo,

Si Kuya Lucas naman ay itinaas ang burger na kinakain niya, "Hindi hindi, 'wag ka makinig diyan, ito ang masarap! 280 lang!" ani nito at napatawa ako ganun din ang iba.

"Try mo yung pesto pasta, it's really good." ani naman ni kuya Adrian, "Yung alfredo pasta rin, masarap, pati yung garlic bread nila." sagot naman ni kuya Edward. Naku po! Ang dami namang masasarap na nire-recommend nila.

"Try fish fillet na rin," si kuya Xandro ang pinakang walang energy sa nagsalita,

Nagulat ako dahil biglang pumalakpak si kuya Shawn, "Siomai rice talaga Cass, super sarap! Hindi ka magsisisi!" ani ni kuya Shawn at napatawa ako ganun din ang ibang congress.

"Try mo yung baked mac, I like it." ani naman ni kuya Haze, napansin ko na iba't-iba sila ng kinakaing magkakaibigan, kung kami siguro itong lima, magkakaparehas kami ng bibilhin.

"Naku! 'Yan Cass, masarap 'yan!" ani ni kuya Lucas, "Oo nga, masarap pumili ng pagkain si Haze, magaling ang panlasa niyan!" Dagdag pa ni kuya Lorenzo na parang bayad sila ng pinagbilhan ng pagkain ni kuya Haze.

"Endorser ba kayo ng baked mac? Ha?" Pagbibiro ni kuya Edward at tumango ako para sumang-ayon sa sinabi nito.

Inilibot ko ang aking tingin sa kanilang table, "Masyado bang mahirap mamili, Cass?" tanong ni kuya Lucas at bahagya akong natawa bago tumango, "Opo, pero mukhang siomai rice nalang bibilhin ko." ani ko at biglang sumigaw si kuya Shawn at pumalakpak naman ang congress.

"YES! Grabe, maraming salamat po boss sa pagtanggap sa aking... suggestion?" Napatawa kami sa reaksyon ni kuya Shawn na animo'y nanalo sa lotto.

"Sige na po, una na ako, gutom na talaga." Paalam ko sa mga ito at bumili na ng siomai rice na ini-rekumenda ni kuya Shawn.

Pagkabili ko ng pagkain ay nadaanan ko pa ang congress sa table. Kumaway sa akin si kuya Shawn kaya naman kumaway ako pabalik, maski ang ibang congress ay kumaway rin sa akin. When I try to make an eye contact with kuya Haze, he didn't even spare me a glance. He's busy with his phone, watching a basketball game.

Kinain ko na sa practice room namin ang pagkain na binili ko. Ilang minuto lang na nagpahinga bago bumalik sa pagsasayaw. Utay-utay na nabubuo ang routine namin, nagkakahitsura na rin ito at malaki na ang pinagbago, malapit-lapit na rin kasi ang sport fest.

"Tapos na kayo?" tanong sa akin ni Faye, sinundo ako ng dalawa dahil buong araw daw nila akong hindi nakita.

Tumango ako bago napabuntong hininga, "Yep, finally," pagod kong turan. Pumalakpak si Faye bago kinuha ang bag na hawak ko, "Alam ko na kung paano mawawala ang pagod mo!" ani nito at napakunot ang noo ko, "Paano naman?" Taka kong tanong dito,

"You'll see, pero umuwi muna tayo at magbihis ka dahil kailangan mo naman ay presentable ka." ani nito at napakunot ang noo ko.

Pagkadating namin ng dorm ay agad akong pinagbihis ng dalawa. 'Wag pa nga raw basta-basta kaya naman napahanap tuloy ako ng damit na isusuot. Pinatingnan ko pa sa kanila kung pwede naba ang suot ko at mabuti naman ay hindi na sila nag-inarte pa.

Pagkalabas namin ng dorm ay nag-jeep agad kami at hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Nagka-ideya lang ako nang tumigil na ang jeep sa isang kainan, bagong bukas na kainan at mula sa labas ay kita ko na marami ang tao sa loob.

"Naghihintay na sila sa loob," ani ni Faye at napakunot ang noo ko, "Sila? Congress ba 'yan?" tanong ko rito, natigilan sa paglalakad si Faye at Marga bago napahagalpak ng tawa, "Medyo... medyo mataas ang pangarap mo dun, ah! Pero hindi! Mga ka-blockmates natin! Nag-aaya ng inuman!" sagot ni Faye at bahagyang nagparte ang labi ko.

Hinigit na ako ng dalawa sa loob at sinabi na may table raw na naka-reserve sa amin sa itaas kaya naman pumunta na kami ng 2nd floor.

Pag-akyat namin ay agad kaming binati ng mga kaklase namin.

"Ayan na ang ating cheerleader!" sigaw ng isa kong kakaklase, si Jessie! Tumayo pa ito at niyakap ako na animo'y ang tagal naming hindi nagkita, sabagay, busy ako sa cheerdance, busy naman siya sa girl's basketball training niya.

"Makayakap ka naman kay Cass, parang hindi nagkikita, ah!" Sita ni Mandi habang nag-aayos ng kaniyang mascara.

"Naka-order naba kayo?" tanong ni Marga bago naupo sa tabi nila Jessie at Trisha, ako naman ay naupo sa tabi ni Eman at Faye.

Naglilibot ako ng tingin sa paligid ng kainan nang mapansin ko ang isang table ng kalalakihan sa kalapit na table.

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang mga mukha na nakalingon sa amin, aba ang congress!

Hinampas ko si Faye sa braso, "Faye! Sila kuya oh!" Turo ko sa kapatid niyang naka-kaway na agad sa akin.

"Ay!" Napatakip ng bibig si Faye, "Hi Kuya! Libre mo kami!" sigaw nito, mabuti nalang at mga taga university lang din ang ibang tao at kilala na ang magkapatid na Estrella. Napatawa si kuya Shawn bago nag-thumbs up, "Fine, your food is on me." ani nito at nagdiwang ang mga kaibigan ko.

"Ayan, order-in niyo na buong menu." Pagbibiro ni Eman sa tabi ko at bahagya ko itong hinampas sa binti.

"Order tayo ng alak, ha? Cass, g ka ba?" tanong sa akin ni Faye at tumango ako, "Go, rashes lang naman 'yan." Alam kong pagsisihan ko ito ng isang linggo pero... isang linggo lang naman.

Um-order sila ng alak at halos si Faye at Marga ang pili nang pili ng alak, "Kuya Shawn, oh! Si Faye! Lasinggera!" Pagsusumbong ko sa kapatid nito, napatawa kaming magkakaibigan ganun din ang congress.

"Hoy! Hindi na ako bata, 'no! I'm on legal age na kaya!" Pagmamaktol ni Faye at hindi na nakasagot pa si kuya Shawn.

Ilang minuto kaming naghintay ng mga pagkain na in-order namin, nagkamustahan muna kami, nagtawanan na halos hindi na makahinga. Kaniya-kaniya ang ingay namin, kaniya-kaniyang kwentuhan sa bawat table.

Pero hindi nakakatakas sa mga mata ko ang mga babaeng lumalapit sa table ng congress para magpa-picture sa kanila.

'Subukan niyo talagang magpa-picture sa crushiecakes ko, gi-gripuhan ko kayo!'

"Kamusta naman love life mo, Cass?" Napalingon ako kay Kaylie, nakakagulat na tungkol talaga sa love life ang tinatanong niya dahil sa aming lahat, siya yung mukhang hindi iteresado rito.

Napasimangot ako bago napasimsim ng alak, "Ayun, nasa kabilang table," lahat sila ay sabay-sabay napalingon sa table nila kuya Haze.

"Siya pa rin?" tanong ni Kaylie at tumango ako habang nakanguso, "I mean... crush lang naman," ani ko at napatawa ang mga ito, "Umamin kana ba?" tanong ni Seann at napanguso ako bago umiling, napasaltik ito ng dila, "Sus, hindi dapat ganun, dapat, gawin mo, 'Kuya Haze, gusto kita, wala ka nang magagawa.' ganun dapat!" ani nito at napahagalpak kami ng tawa, "Parang sira 'to!" turan ko bago sumimsim ulit ng alak. Hindi man ako madalas uminom pero kung uminom ako ay sagaran at animo'y wala nang bukas.

"Kailan mo balak umamin?" tanong sa akin ni Trisha, napasubo muna ako ng pagkain bago napa-isip, "Ano... siguro... foundation day na?" Hindi sigurado ang sagot ko pero lahat sila napatango,

Nawala sa usapang crush ko kay kuya Haze ang pag-uusap namin. Napunta sa kalokohan, mga memories, mga gusto palang nilang gawin. Isali pa na may kabastusan na bentang-benta sa mga lasing naming katauhan.

"Sa tingin mo Cass, may chance ka kung aamin ka kay kuya Haze?" Natigilan kaming lahat sa tanong ni CJ bago napahagalpak ng tawa, "Parang sira 'to! Siyempre hindi ko alam!" sagot ko rito,

"Pero ano... sa tingin mo lang---"

"Ayaw kong tingnan." Pamimilosopo ko rito, binato tuloy ako ng gamit na tissue. "Hindi kasi, isipin mo, nabanggit mo na rin naman kanina yung mga pinaggagawa niya dati, yung hatid-sundo, sabi mo pa na marami na kayong interactions." turan nito at bahagya akong napasimangot.

"Sa totoo lang... hindi ko talaga alam. Ayaw ko lang kasing mag-assume, tsaka... si kuya Haze 'yan, Vergara 'yan, congress 'yan, mahirap na." ani ko at napatawa si CJ habang ngumunguya.

Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras, ang bilang ng alak na naubos namin. Basta natauhan nalang ako nang hindi na ako makalakad nang maayos.

"Stress na stress na ba kayong tatlo sa buhay at mas nakarami pa yata kayo ng alak kaysa sa pagkain?" Hagas na turan ni Kaylie, tapos na kami at uwian na pero kaming tatlo nila Faye at Marga ay hindi na makatayo nang maayos.

"Deprived kasi 'yang mag 'yan sa alak, kaya kapag naka-inom, boogsh! Sobra-sobra!" Hindi ko alam kung nag se-sermon ba si Jessie o nang-aasar, hindi na nga halos ako makakilala ng mukha.

"Gayahin niyo kami, every other night pero unti-unti lang." Dagdag pa ni Jessie na nahampas ni CJ,

Nakahawak ako kay Mandi, si Faye ay kay Eman at Seann habang si Marga naman ay kay Trisha, pare-parehas bibigay na ang mga binti.

"Anong gagawin natin diyan?" si Kaylie yata yun?

"Ihatid na natin? Hindi makaka-uwi 'yang tatlong 'yan." Si Seann? O si Eman? Hindi naman si Simon yun, wala naman siya dito-- o baka pumunta? Ha?

"Kuya Shawn!" Napalingon ako sa gawi ng table nila kuya Haze nang isa sa mga kaibigan ko ang tumawag kay kuya Shawn, uy si crushiecakes ko tumingin!

May mga sinabi ang mga kaibigan ko, pero hindi ko na maintindihan. Wala na akong naiintindihan, hindi ko nga na-aalala kung paano ako nakatayo, kung sino yung nag-alalay sa 'kin. Basta nakatayo na ako at hawak na ni Mandi.

Nagulat ako nang mamukaan ko si kuya Haze, "Lasing ka?" tanong nito, napatawa ako bago tumango, "Saks lang," sagot ko rito, binitawan ako ni Mandi at pumalit naman si kuya Haze sa pag-alalay sa 'kin.

"Lucas, Lucas! Tulong! Dali!" Nilingon ko si kuya Shawn na inaalalayan na si Faye na halos bumagsak sa sahig, "Hehe si Faye, lasing." Itinuro ko si Faye, hinawakan ni kuya Haze ang kamay ko at ibinaba, "Lasing kana nga, tara na."

Sinusubukan kong kilalanin kung sino ang umaalalay sa mga kaibigan ko, pero ang kilala ko lang ay si kuya Shawn at Lucas kay Faye, si Marga... hindi ko na alam.

"Can you walk?" Nagbalik ako ng tingin kay kuya Haze at napakunot nag noo ko, "Ha?" Hindi ko siya maintinidhan, "Kaya mo bang maglakad?" tanong niya at tumango ako, tumango rin siya, "Good," ani nito bago inayos ang pagkakahawak sa balikat ko.

"Haze, kaya mo ba?"

"Yes yes, si Adrian? Howard ayusin mo, bantayan mo si Adrian! Don't let him drive!"

"Gagi si Adrian, lasing 'yan! Howard, ikaw na magmaneho ng sasakyan ni Adrian!"

May mga nagsasalita at si kuya Haze lang ang nakikilala ko dahil siya ang malapit sa akin at pinakamalakas ang boses.

"Sa sasakyan ko na si Cass. Shawn, si Faye na sa 'yo? Si Margaret?" turan ni kuya Haze na medyo malinaw sa 'kin,

"Yes bro, ako na bahala sa kapatid ko. Ed? Si Marga?" Si kuya Shawn yata yung nagsasalita, hindi ko na alam, nakapikit na ako at nakasandal kay kuya Haze, umiikot ng 360 degrees ang paligid ko.

"Cass? Hey, wake up?" Inalog ako ni kuya Haze kaya naman napamulat ako, "Bababa na tayo, okay? Take 1 step at a time," ani nito at tumango ako.

Habang bumababa ng hagdan ay may mga ibinubulong sa akin si kuya Haze na hindi ko naman naiintindihan. Mino-motivate niya yata ako na humakbang? Para naman siyang sira, kaya ko naman!

"Uyy! Cass! Ingat!" Muntikan na akong mahulog dahil hindi ko napansin ang isang baitang ng hagdan, napasigaw pa si kuya Haze kaya napatawa ako.

"Para kang sira, chill ka lang." Natatawa kong turan dito, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko hanggang sa makababa na kami nang tuluyan. At nakalabas na nga kami ng kainan at inalalayan ako nila Seann at Eman na makapasok sa sasakyan ni kuya Haze.

"Thank you," sabi ni kuya Haze sa mga kaibigan ko, "Thank you mga broski, solid kayo!" sigaw ko sa dalawa na parehas napatawa, nilagyan ako ni kuya Haze ng seatbelt at isinara na ang pintuan ng sasakyan.

Naramdaman ko na ang pag-andar ng sasakyan, doon ay agad kong naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Agad akong napalunok ng laway nang maramdaman na parang naglaway ako bigla at nasusuka na.

Napapakunot ang noo ko at bahagyang napapa-ungot. Tangina, nasusuka talaga ako!

"Cass? Are you okay?" Umiling ako sa sinabi ni kuya Haze,

Mariin akong napapikit bago muling napalunok ng laway at napasapo sa noo, susuka na ako, hindi ko na kaya!

"Kuya Haze stop the car! Please!" sigaw ko, biglang preno ni kuya Haze na halso sumobsob ako sa unahan, agad kong tinanggal ang seatbelt at lumabas ng sasakyan para sumuka sa tabing kalsada.

"Cassandra!" Narinig kong sigaw ni kuya Haze, agad niya akong dinaluhan at hinimas sa likod habang suka lang ako nang suka sa damuhan.

Narinig kong tumunog ang cellphone ni kuya Haze na agad niyang sinagot, "Hello? Xands?"

[Haze, what happened?! Why'd you stop? Okay lang ba kayo? Si Cass?] Hindi ko alam kung sino sa congress yun pero naka loud speaker si kuya Haze.

"Cass is throwing up, una na kayo." sagot ni kuya Haze, obvious naman siguro dahil ang lakas ng tunog ng pagsuka ko rito,

[Okay okay, tell us when you need help. Plus Haze, naka-inom ka rin, be careful, drive safe bro.] Pinatay na ni kuya Haze ang tawag,

"I-suka mo lang 'yan, I'm here." ani nito habang hinihimas-himas ang likod ko. Nang tumayo ako ay inalalayan ako nitong bumalik ng sasakyan, may kinuha siyang tubig sa compartment box at agad ini-abot sa akin.

"Ganito kaba talaga uminom? Sagaran?" tanong niya at nagkibit balikat ako habang umiinom.

"Aghh!" Huminga ako nang malalim pagka-abot ko ng bote kay kuya Haze, "Okay na?" tanong nito, may bahid ng pag-aalala sa boses.

Tumango ako habang nagpapahid ng labi, "Tara na, uwi na tayo." Paalis na sana siya nang hawakan ko siya sa kamay para pigilan.

"'Wag! Ayaw kong umuwi ng dorm." ani ko at nakita kong napakunot ang noo nito.

"Huh? But I need to get you--"

"Ayaw ko nga, eh! Ayaw ko nga sa dorm!" Naramdaman ko ang pagluha ng mga mata ko, "Ang kulit mo naman, eh! Ayaw ko dun! Gusto ko sa iba!" Nag-unahan umagos ang mga luha ko sa aking pisnge.

"Pero saan tayo pupunta? 11pm na, Cass." tanong nito at umiling ako, "Kuya naman, eh! Ang kulit mo! Ayaw ko nga! Ikaw bahala! Basta ayaw ko sa dorm!" Napahagulgol ako ng iyak, lumuhod si kuya sa harap ko bago pinahid ang mga luha na nasa pisnge ko.

"Fine, fine, tahan na, hindi tayo uuwi sa dorm, tahan na, okay?" Malumanay nitong turan at tumango ako.

Isinandal niya ako sa bangko at nilagyan ng seatbelt bago isinara ang pinto at umikot sa kabila. "'Wag sa dorm, ha?" Pa-alala ko rito at napatawa ito bago tumango, "Yes, hindi po sa dorm." sagot nito bago nagmaneho paalis.

Binuksan na rin ni kuya Haze ang bintana at pinatay ang aircon. Ang saya naman!

"Cass, don't stick your head out...!" May halong pagka-alarma sa boses nito kaya napatawa ako, "Masyado kang nerbyoso." turan ko bago ipinasok ang ulo ko sa sasakyan,

"You worry so much," bulong ko na narinig pala niya, "Of course, I worry about you cause I care about you." sagot nito at napasinghal ako sa kung anong sinabi nito na hindi ko lubos naintindihan, "KJ," bulong ko bago sumilip sa labas ng sasakyan.

Maya-maya ay tumigil na ito sa isang water fountain, agad gumuhit ang ngiti sa labi ko at agad tinanggal ang seatbelt. Hindi ko na nga hinintay si kuya Haze at nagsarili na lumabas ng sasakyan.

"ANG GANDA!" Sumasayaw ang mga tubig na makukulay at maiilaw kasabay ng tugtog na nagmumula sa speakers.

"Wow, I'm surprised na bukas pa 'to kahit it's almost... 12 midnight." ani nito, ako naman itong nagtatakbo papunta sa fountain para mas makita pa ito nang malinaw.

"HALA! Yung salamin ko!" Napakapa ako sa mga mata ko, kaya pala ang labo ng paningin ko!

Humarap ako sa kasama ko, "Yung salamin ko! Hala! Hala!" Nag-panic ako bigla, nilapitan ako ng kasama ko at hinawakan sa balikat, "Hey, chill, relax, my friends sure have it, don't worry." Inakbayan ako nito at sa hindi ko maipaliwanag na rason ay kumalma ako sa hawak niya.

"You like the fountain?" tanong nito at nag-hum ako, parehas kaming nanonood ng mga tubig na sumasayaw.

"Sobra, ang ganda nga, eh." Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya, ilang minuto kaming natahimik, wala nang ibang tao sa paligid, tanging kaming dalawa at ang mga fountain.

Napabuntong hininga ako, "Sana, one day, si kuya Haze naman ang kasama ko rito." turan ko, "Ang ganda ng moment, oh. Tahimik, malamig, ang sweet, ang romantic, siguro kapag si kuya Haze na ang kasama ko rito, kikiligin ako nang sobra." Napangisi ako sa na-imagine ko, kami ni kuya Haze, siguro naka-upo sa may mga bench, kaso masyadong malayo sa fountain.

Siguro nakatayo nalang, yung ganito rin kalapit, naka-akbay rin siya sa 'kin, tapos siguro suot ko ang jacket niya kasi iisipin niya nilalamig ako.

Tumawa ang kasama ko, "But I'm---"

"Pero ang imposible naman ng iniisip ko, ang taas masyado ng pangarap ko." Putol ko rito, narinig ko itong nag-hum.

"Bakit naman? Bakit naman naging imposible?" tanong nito at napatawa ako, naramdaman ko rin ang pamamasa ng mga mata ko, "Kasi... hello, si Alonzo Haziel Vergara yun 'no! Anak ng may-ari ng SilverSky Airlines, tagapagmana pa! Mayaman, pogi, matalino... attractive, charismatic, congress pa! He's a walking full package..." Napanguso ako at mas lalong napasandal sa kasama ko.

"Some says he's also a walking red flag--" Agad akong napalayo sakaniya at hinampas ito sa braso, "HINDI AH! Ano kaba! 'Wag mo nga 'yan sabihin sa crush ko! Hindi siya red flag, 'no! Talagang... he's just too much for me, hindi ko siya deserve, hindi kami bagay." Napanguso ako at napatungo, nanikip ang lalamunan ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

Napahikbi na ako at agad pinahid ang mga luha na nag-uunahan na umagos sa pisnge ko, "Bakit kasi ang trippings ng universe! Bakit magkakagusto ka pa sa taong hindi mapapasa'yo, like... what the fuck!? Nakakaputangina lang! Nakilala ko pa siya, nakita ko pa, hindi rin naman pala para sa 'kin! Dun pa sa taong hindi ako papatulan!" Naramdaman ko ang mga kamay nito sa balikat at ulo ko at utay-utay akong isinandal sa balikat niya.

"Why do you think so high of me-- I mean, Haze?" tanong niya at nasamid ako sa sarili kong laway, "Bakit sa tingin mo hindi ka niya papatulan?" Malumanay nitong tanong at lalong umagos ang mga luha sa pisnge ko.

"Eh kasi! Hello!? Ito ako, oh! Hindi ako sexy kagaya ng girlfriend ng mga kaibigan niya, hindi rin ako maganda, hindi ako maganda manamit, t-shirt at pantalon lang ako, I mean... minsan nag-aayos din naman ako! Pero I feel like... dapat natural akong maganda para maging maganda. Ang hirap din kaya yung araw-araw mag ma-make-up, mag-aayos ng buhok, minu-minuto aayusin ko sarili ko! Like... can't I just wake up pretty!?" Napatakip ako sa mukha ko nang bagong pangkat ng mga luha ang bumuhos sa magkabila kong pisnge.

"Hindi ako yung tipo ng babae na lilingunin niya, yung... titingnan niya, yung... sa gitna ng maraming tao... hahanapin niya. He wouldn't even spare me a glance in a room full of other women. I'll just be... the girl that would be looking at him from afar while he look at other girls." Napahikbi ako at kinapos ng hininga, naramdaman ko ang paghimas ng kamay sa likod ko.

"You think he doesn't look at you?" tanong nito at tumango ako, "Sa tingin mo hindi ka niya pinagmamasdan kapag kumakain ka?" tanong niya at bahagya akong natawa, "Sana hindi, matakaw pa naman ako, pero malamang ay hindi niya ako pinapanood." sagot ko at nag-hum ulit siya.

"Kapag nakakasalubong mo siya... you think he don't get alarmed that you two are only meters apart?" tanong nanaman niya at umiling ako, "Kahit sulyap hindi nun ginagawa." sagot ko at natawa siya,

"What if mahiyain lang siya?" tanong nito, "What if hindi lang talaga niya ako gusto?" tanong ko pabalik at natawa siya.

Bumuntong hininga ito, "Why do you... like him so much that you question your worth just because of him?" His voice suddenly sounded sad.

I shrugged, "I don't know, I just... know, I just see it, I feel it." I answered, "See, he's a red flag--"

"No, people just stereotype him because of his friends." I cut him off, he once again let out a sigh,

"Maybe you're the only one who's trying to see the good side that actually doesn't exist?" he asked and I shook my head, "Cause he's actually a good guy," I shortly answered,

Napatawa ito, "Lagi siyang tulog sa klase," turan nito at napatawa ako, "He's probably puyat kaka-aral," sagot ko habang nakatulala sa mga fountain,

"Lagi siyang tulala,"

"Marami lang siyang iniisip,"

He snorted, "Sabog siya, it takes him several 'ha?' maintindihan lang sinasabi ng mga kaibigan niya." ani nito at napatawa ako, "Same,"

"He's always playing mobile games,"

I smiled, "We all have other ways to have fun." I answered, not seeing any problem with it.

"He likes to drink,"

"He's no longer a minor or a kid, as long as he knows how to handle himself." I answered and he laughed, "He's always partying--"

"Geez! Let the man have some fun! Hindi naman porket laging nasa bar masama na agad." I cut him off, getting kind off pissed.

He hummed, "You really see no bad in him 'no?" he asked, and for a seconds I got silent, searching for the right answer.

"He ignores me, he doesn't even spare me a glance, he have this resting bitch face and sometimes it looks like he's glaring at me or he just rolled his eyes at me. Then... wala na, yun lang, to my eyes, he's close to perfect." I answered and I heard him chuckled,

I sighed, "I wish he knows how much I like him, 8 fucking billion hearts and my heart beats for him." I mumbled,

"Hey," I called and he hummed, I looked up at the person I'm with and his face is kinda blurry, I do not recognize the person. "Uwi na po tayo? Inaantok na ako," Pag-aaya ko rito, he smiled and nod before guiding me back to the car.

The moment my back hit the car seat, I immediately fell asleep.

'Ang kati, puta!'

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magkamot sa parteng tagiliran ko. Unang kamot palang alam ko na isang linggo akong magdudusa.

"What the fuck... si Cass... Haze, Haze... tingnan mo gago!"

"Gagi ang pula!"

"Tanga ibaba mo yung damit!"

Nagising ako sa ingay sa paligid, sa nag-aaway, sa nagsisigawan. Pagkamulat na pagkamulat ko ay bumungad sa 'kin ang mukha nila kuya Haze, Edward at Xandro,

"Cass," Nang lumingon ako sa may windshield ay andoon naman si kuya Howard, Lorenzo, at Lucas na nakasilip. Agad tuloy akong napabalikwas at bumangon pero para akong sinuntok sa ulo nang tumama ang sakit dito.

"Aray!" Agad akong napasapo sa ulo ko, "Aray, aray, aray!" Napapikit ako at napasinghal,

"Hangover malala," may bumulong na kung sino man sa kanila, "May dalang pagkain sila Adrian, kumain ka muna," Alok sa akin ni kuya Haze, akmang aabutin ko na ang pagkain na inaabot nito nang bigla akong mapadaing.

"Aray!" Agad akong napakamot, "Ang sakit!!" Halos mapaluha ako, para akong may mga langgam sa ilalim ng balat at kinakagat nila ako.

Nagulat ako dahil bigla nalang itinaas ni kuya Edward ang damit ko sa tagiliran, "Gago, Edward--"

"Ang pula!" Nanlaki ang mata nito, "Gago ka Haze! Are you okay, Cass?!" May halong pagkalarma sa boses nito. Maski tuloy ako ay nagulat at napalingon kay kuya Haze,

"A-Ah... kuya rashes lang po 'yan--"

"What?! You should go see a doctor! Definitely! That doesn't look okay! You're swelling! Namamaga yung buong... tagiliran mo!" Sumisigaw na si kuya Edward sa habang nakapasok ang ulo sa loob ng sasakyan.

Lalong sumasakit ulo ko kay kuya, "Kuya normal lang po 'yan--"

"No no! It doesn't look normal, Cass. I swear, rashes dahil saan? My God! If Haze won't take you, ako ang magdadala sa 'yo sa ospital---"

"Sebastian, would you stop! Ang ingay-ingay mo!" Sigaw pabalik dito ni kuya Haze, napapagitnaan ako ng dalawang tao na nagsisigawa, what a good way to start my day.

"That's normal to her, dumbass! You panic so much! She had explained this to me before. It's her allergic reaction on alcoholic drinks!" Pabaling-baling ako ng tingin kay kuya Haze at Edward na nagtatalo sa magkabila ko.

Naagaw ang attensyon ko nang may kumulbit sa balikat ko, paglingon ko ay nasa likod pala si kuya Adrian at Shawn, "Kumain kana, mahaba-habang paliwanagan pa 'yan kay Edward. Nerbyoso talaga 'yan, hindi namin alam kung bakit pa 'yan nag medicine." ani ni kuya Adrian at napatawa kaming tatlo, bubuksan ko na sana ang pagkain na nasa pagitan namin ni kuya Haze nang tawagin ako nito.

"Bakit ka nga ba uminon kagabi? You know allergic ka sa alak, why would you drink... hard?" tanong nito at natigilan ako.

Bakit nga ba? Anong dahilan ko? Wala naman akong exam na tinapos. Kahit anong requirements, nagka-ayaan lang talaga?

Napangisi ako, "Trip ko lang po," sagot ko at napabuntong hininga silang dalawa.

"Fine, go eat--"

"Aray!" Napadaing nanaman ako, "Go eat your food, tapos drink this after." ani ni kuya Haze bago ini-abot sa akin ang isang gamot, nahihiya akong tinanggap ito.

Umalis na si kuya Edward mula sa pagkakadungaw at ganun din si kuya Haze, si kuya Shawn at Adrian ay naiwan sa likod.

"Saan kayo pumunta kagabi? Hindi umuwi si Haze, ikaw rin daw. Dito namin kayo natagpuan kagabi, nakakatawa nga kayo, eh." tanong ni kuya Shawn at nahihiya akong napahilamos sa mukha ko.

'Aray, putek! Ang kati!'

Napakamot ako sa tagiliran ko, "Sa totoo lang po... wala po akong natatandaan kagabi, hehe." Nahihiya akong tumawa at nang lingunin ko ang dalawa ay nakatingin ito sa isa't-isa.

"Could it be..." lumingon sa akin si kuya Adrian,

"Okay ka lang?" tanong nito sa 'kin at napakunot ang noo ko, pinakiramdaman ko ang sarili ko, "Bukod po sa rashes... okay lang naman ako, tsaka yung ulo ko pala masakit." Nahihiya akong ngumisi, utay-utay tumawa ang dalawa.

Umiling si kuya Shawn, "Hindi bro, hindi, I don't think so." turan nito at napakunot ang noo ko,

Kuya Adrian shrugged, "I mean... hindi imposible... you know." ani nito at napakunot ang noo ko lalo, "Pwede po context? Hindi ko kayo maintindihan." Basag ko sa dalawa na sabay napalingon sa akin.

Napatawa si kuya Adrian, "That's better na hindi mo maintindihan, finish your food and drink your meds, lalabas lang kami." Kinulbit pa nito si kuya Shawn at sabay pa talaga lumabas ng sasakyan.

Akala ko tuluyan na silang umalis pero nagulat ako nang biglang buksan ni kuya Shawn ang pintuan ko at biglang inabot ang speaker at nagpatugtog nang malakas.

"'Wag kang basta-basta lalabas, dito ka muna, may pag-uusapan lang kami." Malakas nitong isinara ang pinto ng sasakyan at naiwan ako sa loob na naguguluhan.

Hinabol ko ito ng tingin at nakitang lumapit kila kuya Haze at ibang congress.

"Ay gago," nagulat nalang ako nang bigla batukan ni kuya Shawn si kuya Haze.

Habang kumakain ay pinapanood ko sila, dumating pa sa punto na hinabol ni kuya Haze si kuya Shawn paikot ng sasakyan kaya napahagalpak ako ng tawa habang kumakain.

Dahil sa gutom ay mabilis akong natapos kumain, pero gaya ng sabi ni kuya Shawn ay hindi ako lumalabas ng sasakyan. Nag-aaway yata sila sa labas, pero si kuya Shawn at Haze ay parang mga bata na nag-aaway, may tapakan pa 'yan ng paa na nagaganap.

Si kuya Lucas ang naglakad papalapit sa sasakyan at binuksan ito, "Tapos ka na kumain?" tanong nito at tumango ito, "Labas kana diyan, tapos na silang mag-away." Napapatawa ako habang lumalabas, "Nag-away po talaga sila?" Taka kong tanong at napatawa si kuya Xandro, "Nope, pero si Shawn at Haze talaga ang madalas nag-aasaran d'yan." sagot nito bago isinara ang pinto at napatawa kami parehas.

"Cass! Aakyat kana?" sigaw ni kuya Shawn, medyo malayo sila sa amin, "Opo! Salamat po pala! Kuya Haze, thank you!" Kumaway ako sa kanila bago naglakad papasok ng dorm.

Hapon na ako naka-attend ng practice, at siyempre nagsabi naman ako ng totoo na may hangover ako. Isama pa na halos isang oras ako sa banyo dahil kapag may malamig na nasa rashes ko, hindi sila kumakati. Kung pwede lang na sa pool muna ako, gagawin ko. eh.

"Rashes?" tanong sa akin ni CJ habang nagpapahinga kami.

Tumango ako habang nakadikit ang bote ng malamig na tubig sa tagiliran ko, "Naiiyak na ako sa sobrang sakit at kati." sagot ko rito, para talaga akong kinukurot mula sa loob ng balat ko.

"Ayan, alak pa," Pang-aasar nito kaya pinandilaan ko siya.

Lumapit ako sa water dispenser para sana kumuha ng panibagong malamig na tubig nang biglang bumukas ang pinto.

"OMG si kuya Edward... pati si kuya Xandro!" Narinig kong bulong ng mga babae sa tabi nang pumasok si kuya Edward at Xandro.

"Si Cassandra po?" tanong ni kuya Edward, mga halatang galing training ng basketball. Ang mga kasama ko sa kwarto ay halos lahat lumingon sa akin, "Bakit po?" Nagtataka kong tanong,

Itinaas ng dalawa ang mga dala nila, "Ice pack, para sa rashes mo, this might... sooth it a bit?" sagot ni kuya Edward at nahulog ang panga ko bago napatakbo papunta sa kanila.

"Hala thank you po! This would really help! Nagtitiis ako sa bote ng tubig, eh." sagot ko at napatango-tango si kuya Edward. "'Yan ba talaga ang remedyo mo d'yan?" tanong niya at tumango ako.

"Yes po, no choice, eh, tiis lang talaga." sagot ko at tumango ang dalawa at kalaunan ay umalis na rin.

Pero hindi ko naman alam na may sa mga tatay pala ang mga ito na kapag may nagustuhan kang isang bagay ay bibilhan ka ng marami. Ang sitwasyon ko lang ngayon ay dahil nalaman nilang nakakagaan ng pakiramdam ko ang ice pack ay dinadalhan na nila ako nito sa practice.

"Ikaw naman ang inabala nila, kuya. Kahapon si kuya Howard at Lucas." Pagbibiro ko kay kuya Adrian at napatawa ito,

"Sino po ba ang nagpapadala nito?" tanong ko pagka-abot sa mga ice pack, "Si Haze at Edward, si Edward ang nagpapa-alala, si Haze ang nagpapabili. Yun na nga halos ang laman ng group chat namin, eh." ani nito at parehas kaming napatawa.

"Hala sorry po, na-abala ko pa kayo." ani ko at umiling ito, "It's fine, at least we get to leave the campus. Boring din kasi talaga at halos walang klase." sagot nito at napatango ako. "Salamat po ulit dito."

It was the next day, paniguardo isa nanaman sa kanila ang susulpot sa practice room namin. Medyo mas kailangan ko siya ngayon dahil madalas ay ika-apat o ika-limang araw lumalala ang rashes ko.

Biglang napabulong ang katabi ko sa linya, "OMG si Haze!" Napalingon ako sa pinto nang iniluwa nito si kuya Haze na paika-ikang pumasok ng kwarto.

"Si Cass po?" Halos matumba ito sa may pinto kaya agad akong napatakbo papunta dito para alalayan siya. "Anong nangyari sa 'yo!?" May bahid ng pagkataranta ang boses ko, agad ko siyang dinala sa malapit na bangko.

Napatawa ito, "I got cramps during training then end up tripping, in short... napilay ako." sagot nito at napabuntong hininga ako.

Itinaas nito ang plastic bag na hawak niya, "Ice pack?" he smiled at me at napabuntong hininga ako bago kinuha ang plastic sa kamay niya.

Napalingon ako sa mga kasamahan kong nakatingin, hindi rin tumutugtog ang kanta dahil alam kong ayaw nilang iparinig kay kuya Haze, "You can't stay here." bulong ko sa kaniya, lumingon din siya sa mga kasamahan ko bago nagbalik ng tingin sa 'kin, "Then I'll be waiting outside." sagot nito at nahulog ang panga ko.

"Why won't you just stay sa court at manood ng practice nila?" tanong ko rito, "They asked me to go to the clinic, I'd rather be here." sagot nito at napakunot ang noo ko.

"At least let me help you get outside, maupo ka muna doon." turan ko at tumango ito.

Inalalayan ko itong makalabas at maka-upo sa bench sa malapit. "I'll try to be back quick, dito ka lang or message me if aalis ka. Pero if aalis ka, call one of your friends. Para kang sira, kuya! Pilay ka at naglalayas ka mag-isa!" Sermon ko rito at napatawa ito, "Yes yes, now go inside na, they need you there." Pagtaboy sa 'kin nito, naglalakad ako palayo sa kaniya ay sinesenyasan ko itong 'wag aalis doon.

Nang sabihin ng trainer namin na pwede na kaming mag lunch ay napaharipas ako ng takbo palabas para puntahan si kuya Haze. Nadatnan ko itong naglalaro sa cellphone niya pero nang makita ako nito ay agad niyang pinatay ang cellphone niya.

"Lunch?" tanong nito at tumango ako, "Halika, I'll help you stand up." ani ko at kinuha ang braso nito para ilagay sa balikat ko, "You sure? Mabigat ako," ani nito nang makatayo siya, "You bet, kaya ko." ani ko bago siya inalalayan maglakad papuntang canteen.

Nang makarating kami doon ay agad ko siyang ini-upo, gagi, ang bigat nga!

"Anong gusto mo?" tanong ko rito at tumingin ito sa paligid, "Won't you eat with your friends? They might be looking for you." ani nito at napasinghal ako, "Beh, sa lagay mo na 'yan, iiwan kita? Heck no! Baka madapa ka pa at lumala pa 'yan." sagot ko rito at napatawa siya,

"I'll have ano nalang... whatever you'll have." ani nito at tumango ako, "And... use my card." May kinuha ito mula sa wallet niya,

Ini-abot nito sa akin ang isang Debit Card, "Sure ka? Tumatanggap ba sila ng ganito?" Taka kong tanong at tumango ito.

"Yes, tumatanggap sila, now go, baka gutom kana." turan nito at tumango ako bago naglakad palayo, hawak nang mahigpit ang kaniyang card dahil baka maiwala ko ito. Magkano kaya ang laman nito? Kaya siguro nitong bumili ng isang bahay o sasakyan.

Tama naman siya dahil ang pinagbilhan ko ng pagkain namin ay tinanggap ang card na ibinigay niya.

"This looks like a breakfast meal." he said while eating, I laughed, "Pang-almusal kasi talaga 'yan. You said you'll have what I have, eh. I'm craving silog meals." sagot ko rito at napatawa siya bago sumubo.

Ilang minuto kaming natahimik at kumakamin nang bigla itong magsalita, "Bakit ka may sugat sa noo?" tanong nito at agad akong napakapa sa parte ng noo ko na alam kong may sugat.

Napangisi ako, "Natumba kasi ako kanina at nauntog sa lamesa, pero okay lang naman, simpleng sugat lang." sagot ko at napakunot ang noo nito.

Bumaba ang tingin nito sa braso ko, "You have bruises din." Nagulat ako nang bigla nitong dakmain ang kamay ko at hinigit palapit sa kaniya ang buong braso ko.

"Are you... okay? These looks serious." He sounded worried and serious, but I just couldn't hold my laughter.

"Oo naman! Ito naman, mas grabe pa yung nasa tuhod ko, ano kaba!" Binawi ko ang braso ko mula sa kaniya.

"Don't worry so much about me. Worry about yourself, you're in worse condition that me." ani ko bago tumawa at sumubo ng kanin. He didn't mention about my bruises throughout my whole lunch.

Pagkatapos kumain ay gusto ko siyang dalhin sa clinic para at least doon naka-aircon siya, pero mapilit siya at naghintay pa rin sa labas ng practice room namin. Kaya ako naman, halos oras-oras siyang binibisita.

"Paano tayo uuwi niyan? Magpasundo ka sa mga kaibigan mo." ani ko rito habang naglalakad kami, kakatapos lang ng practice.

Bumuntong hininga ito, "Shawn is at his badminton practice same with Howard. While Xandro, Edward, Lucas and Lorenzo, volleyball. Adrian is at a family dinner, wala akong kaibigan sa mga oras na 'to." Pagdadrama nito na parehas kaming natawa.

"Driver?" tanong ko at umiling ito, "I am so confident that I can drive myself home in any circumstances but I didn't think of this." sagot nito at napa-irap ako, "What about you? Can you drive?" tanong nito at napasinghal ako.

"Kung gusto mo na makita agad si Lord, sige, sa akin mo ipamaneho 'yang sasakyan mo." Pagbibiro ko rito at napasimangot siya.

"Commute?" Napalingon ako sa kaniya, "Kaya mo? Aakyat ka ng jeep?" tanong ko at utay-utay itong tumango.

"Kakayanin, plus you're here, you'll help me." sagot nito at napatawa ako bago tumango. Naglakad na kami palabas ng university at naghintay ng jeep. Pagdaan ng jeep ay natagalan kami sa pagsampa nito, ayaw pa kasi niyang humawak sa ibang sakay ng jeep kahit inaalalayan na siya.

Habang naka-upo ay halos siksikin ako nito, nakakapit din siya sa manggas ng sweatshirt ko na parang bata.

"First time mo ba sumakay ng jeep?" Pang-aasar ko rito habang naglalakad kami papunta ng dorm,

"It wasn't my first time but I'm just not used to it." sagot nito at napatawa ako, "Ayan, kotse pa, mga mayayamaan nga naman." Pang-aasar ko pa lalo dito pero hindi na siya sumagot, busy yata sa pagco-concentrate sa paglalakad sa isang paa.

"Let's go sa lobby, baka naka-uwi na ang isa sa kanila para hindi kana mahirapan na ihatid ako." ani nito at tumango lang ako habang inaalalayan siya papuntang lobby. Pagka-upo namin ay agad siyang may tinawagan.

Mabuti naman at may sumagot,

"Hello, bro nasaan ka?"

[Well hello there Haziel, ang pilay kong kaibigan, I'm still... driving, why?] Nakilala ko agad ang boses ni kuya Lorenzo.

"Useless, malayo kapa ba? Ihatid mo 'ko papuntang kwarto. I don't wanna bother Cass anymore, she's tired na." sagot ni kuya Haze at napatawa ako,

[Oh, you're with her? Hi Cass!] sigaw ni kuya Lorenzo, [Iharap mo yung phone mo sa kaniya, I'm waving here!] sigaw ni kuya Lorenzo at napatawa ako, nag-angat ng tingin sa 'kin si kuya Haze, "'Wag kana, bye." Pinatay nito ang tawag at napatawa ako,

"Sama ng ugali, eh." ani ko at napatawa ito habang may tinatawagan nanaman.

[Haze, kamusta?] I didn't recognize the voice at first, "Hey Ed, nasaan ka? Ihatid mo nga ako sa kwarto--"

[Hi Haze na pilay! Deserve mo 'yan! Gahaman ka kasi sa bolang hayop ka!] Naputol sa pagsasalita si kuya Haze nang biglang sumingit si kuya Lucas, ang lakas ng sigaw, eh! Nag-echo pa yata sa buong lobby!

"Sira! Pulikat nga diba?! Di kaba nag-iisip?!" Sagot naman ni kuya Haze at lahat kami napahagalpak ng tawa.

Grabe naman ang love language nilang magkakaibigan, ramdam na ramdam ko yung love, eh.

[Malapit na kami, me and Xandro will check you later.] ani ni kuya Edward,

"Thanks bro, andito kami sa lobby ni Cass. Kayo nalang maghatid sa 'kin papunta ng kwarto, pagod na si Cass." Nilingon ako ni kuya Haze at bahagyang ngumiti.

[Kasama pala niya si Cass?] Mahina lang yung boses pero ina-assume ko na si kuya Xandro iyon.

[Sure, sure, 5 minutes, we'll be there.] sagot ni kuya Edward at nag-hum lang si kuya Haze, "Thanks bro, ingat, bye." Pagkapatay nito ng tawag ay sumobsob ito sa lamesa.

"Nakakapagod maging pilay." turan nito at napatawa ako, "Ngayon palang 'yan, lalo kang di makakalakad paggising mo bukas." ani ko at bigla itong napa-angat ng tingin.

"For real ba?" Bakas sa mukha nito ang gulat, napatawa ako at tumango, "Oo, for real, for real! Ganiyan ang liay, mamamaga pa 'yan, to the point na di ka na talaga makakalakad." sagot ko at nahulog ang panga nito.

"Tinatakot mo lang ako--"

"Hindi! Si kuya Xandro ang pinakang nakaka-alam niyan, siya pa tanungin mo." Putol ko rito, napanguso ito bago sumobsob ulit sa lamesa.

Nagulat kami dahil nang dumating sila kuya Edward ay kasama na nito si kuya Shawn at Howard.

"Hey Cass, kamusta?" Bati agad ni kuya Shawn sa 'kin, "Si Haze yung pilay, oh, di mo ba siya kakamustahin?" tanong ni kuya Howard kay kuya Shawn.

Napatawa ako nang lingunim ni kuya Shawn si kuya Haze, "Kaya na niya 'yan, malaki na 'yan." ani nito na ikinatawa nila.

"Okay lang po ako, pagod lang talaga." sagot ko at nag-hum ito, "That's great, well... we gotta go, aalagaan pa namin ang big baby na 'to." Pang-aasar nito kay kuya Haze na ngayon ay buhat-buhat na ni kuya Howard at Edward.

"Gago, hintayin mo na makalakad ulit ako, sisipain kita." Asar na sagot ni kuya Haze at napatawa si kuya Shawn, "Hinatayin ko 'yan boss. Cass, una na kami, ha?" Paalam nito at tumango lang ako bago nagpaalam na rin sa ibang congress.

Pagkakain at pagkaligo ko ay dumiretso na ako sa kama. Kinamusta ko muna si kuya Haze kung kumain na ba ito o kamusta na.

from: Alonzo Haziel

sbi ni xandro mmamaga nga raw 'to, di muna aq makklaro

to: Alonzo Haziel

Told you! Ayaw mo pa maniwala sa 'kin! Mag do-doktor din ako 'no!

Napatawa ako sa reply ko rito, napahikab ako kaya naman ipinatong ko muna ang cellphone ko sa dibdib ko at ipinahinga ang mata ko.

Nagising nalang ako nang maliwanag na at agad akong napabalikwas sa kama. Nahulog pa ang cellphone na ipinatong ko sa dibdib ko kagabi. At pagkabukas ko nito ay nakita ko ang mag message ni kuya Haze.

from: Alonzo Haziel

akala ko ksi tinatakot mo lng aq heheh

from : Alonzo Haziel

ikw ba? kmusta?

from: Alonzo Haziel

pagod kna siguro, bkit di kpa tulog?

from: Alonzo Haziel

may praktis pba kayo bukas?

from: Alonzo Haziel

gudnight

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang messages ni kuya Haze. Nakatulugan ko pala siya kagabi!

to: Alonzo Hazie

HALA KUYA! IYDHCWJFVDWVCIWEGI

to: Alonzo Haziel

I'M SO SORRY! NAKATULOG AKO!

You replied to Alonzo Haziel:

Yes puuu, may practice kami huhuhuhu

Pagkasend ko ng message kay kuya ay agad akong lumabas ng kwarto para kumain. Nagmaktol pa ako kila Marga at Faye dahil hindi ako nito ginising. Dali-dali nanaman tuloy ako nito.

Paalis na kami ng dorm nang saka mag-reply si kuya Haze.

from: Alonzo Haziel

grabe ka,, tinulugan ba nmn aq! hehe, joke lang

to: Alonzo Haziel

Sorry na ngaaa, ingat kaaaa, 'yang paa moo!!

Busy na ako sa practice nang saka ko lang na-alala kung nag training ba si kuya Haze o hindi. Nang mag-message ako rito para tanungin siya ay hindi ito sumasagot kaya naman nang magpahinga kami ay humaripas ako ng takbo papuntang court para makita kung andito ba ito.

At medyo hindi na ako nagulat nang makita itong nasa court.

"Talaga naman," bulong ko, hindi ba masakit ang paa nito, anong trip niya?! Tinitiis ba niya ang sakit?!

Nagtagpo ang mga mata namin at agad itong tumakbo sa gawi ko, paika-ika pa!

"Hi!" Halatang gulat siyang andito ako, "Magaling kana ba?" May halong asar sa boses ko, para siyang sira! Halata namang hindi siya magaling pero mapilit masyado!

Napakamot siya sa batok, "Hindi pa pero--" "Tigas ng ulo mo, para kang bata." Putol ko rito, ini-abot ko sa kaniya ang dala kong pagkain na ibinaon ko pa talaga mula sa dorm.

"I'll rest nang mabuti nalang mamaya." ani nito at natawa ako sa sinabi niya, "Thank you sa assurance, ha? Grabe, nakampante ako." ani ko at natawa siya, "Gagaling na ako, may miryenda na, eh." ani niya at napa-irap ako, "Para kang sira, kuya! Sige na, 'wag kang masyadong magpapakapagod, kaya mo na 'yan, matanda kana." ani ko bago siya tinapik sa balikat at umalis ng court.

Hindi naman siya natagalan maka-recover, ganun din ako sa rashes ko. Bago pa sumapit ang Sport Fest ay parehas na kaming magaling. Natapos na namin ang buong cheerdance routine at mukhang nasiyahan naman na siya sa training niya.

Mukha ngang pagkagaling nito ay hindi na ito kumalas sa training niya. Ang pagkaka-alam nga namin ay batak daw ang Aviation team sa training.

"Ito na!!! I'm so excited! Ready na akong mag-cheer sa Medicine!!" Tuwang-tuwang turan ni Faye habang naglalakad kami ng campus.

Kalat na kalat na ang iba't-ibang kulay sa paligid, may designated kasing kulay kada course. At kaming mga medicine ay mga naka-green. Ang law ay mag naka-itim pero wala naman silang mga representatives sa ibang sports, mga batak sa pag-aaral.

Si kuya Shawn nakita ko kanina, nakadilaw, iyon ang naka-assign sa engineering. Sila Simon at Matt mga naka pink naman, iyon naman ang sa architecture.

"Excited na akong kumain," bulong ko habang naglilibot ng tingin para makita kung may food stall na ba.

"Diba! Ang daming lists ng food stalls ngayon! Ready na nga yung wallet ko, eh." sabi ni Marga sa tabi ko at pare-parehas kaming napahagalpak ng tawa.

Naglilibot kami ng tingin nang may nahagip ang mata ko. Ang buong congress!

Una kong nakita si kuya Edward at Howard, kasunod kong napansin si kuya Lucas, pahuli na nang makita ko si kuya Haze na bagong gupit!?

"Shet, pogi!" Napatakip ako sa bibig ko at napatigil sa paglalakad, "Hoy! Tingnan niyo naman ang crushiecakes ko! Ilang araw rin kaming di nagkita! Bagong gupit!" Hindi nanaman ako mapakali sa sobrang kilig. Masyado akong nasanay sa medyo mahaba niyang buhok kaya naman ngayong bagong gupit siya ay parang nakakita nanaman ako ng artista.

"Lalo siyang gumwapo!!" Pinapanood ko lang siyang maglakad ay parang sasabog nanaman ako.

Hinahabol ko siya ng tingin nang bigla silang harangin ng isang grupo ng mga babae. "Ay, putek, 'wag yung crush ko!" Napahagalpak ng tawa si Faye at Marga.

Pinagmasdan ko ang babae at kay kuya Edward ito lumapit para magpa-picture, doon ay nakahinga ako nang maluwag. Ayan tama 'yan, 'wag sa crushiecakes ko.

"Aba! Aba! Cass tingnan mo! Yung isa!" Hinampas-hampas ako ni Marga nang lumapit ang isang babae kay kuya Haze.

"Outsider 'yan, for sure! Iba ang ID lace, eh!" turan naman ni Faye, hindi ko na pinansin ang sinabi ng mga kaibigan ko dahil pinagmamasdan ko si kuya Haze na kausap ang babae.

Itinaas ng babae ang cellphone niya na animo'y magpapa-picture kay kuya Haze. Pero nagulat ako nang biglang tumingn sa gawi ko si kuya Haze at bahagyang ngumiti bago nagbalik ng tingin sa babae at umiling.

"Huy! Alam niyang andito tayo?!" Hinampas ako ni Faye sa balikat.

"Oo nga! Tumingin! Nakita naba niya tayo?!" Pati si Marga ay nakihampas na rin, nagkibit balikat ako, "Hindi ko alam, malay ko!" Nagpanic ako bigla! Grabe, ilang araw kami noon na nagkakasama ni kuya Haze pero parang iba yung tingin niyang yun! May ipinapahiwatig!

Nanatili kaming nakatayo doong tatlo at pinanood na magpa-picture ang ibang babae sa ibang congress. Habang si kuya Haze ay tahimik na nakatayo sa tabi. Si kuya Lucas nga ay sa kaniya pa nagpa-picture kasama ang dalawang babae. Lakas talaga!

"Papalapit! Papalapit!" Kinurot ako ni Faye sa braso nang maglakad silang walo sa direksyon namin, "Gagi tara na! Sasabog ako kapag nakasalubong ko si kuya Haze!" Saktong talikod namin sa gawi nila kuya Haze nang tawagin naman kami ni kuya Shawn.

"Allison! Diba sabi ko i-suot mo yung jersey ko?" Agad humarap si Faye, "Asa ka! Loyal ako sa medicine 'no!" Sigaw ni Faye, maya-maya ay nasa harap na namin silang walo.

Para akong mahihimatay bigla, hindi lang pala si kuya Haze ang malakas ang dating, silang lahat naman pala. Kaya pala ang dami-daming nagkakagusto sa kanila!

Napanguso si kuya Shawn, "Hinihingi nga nung isang babae yung jersey ko, eh. Tapos ikaw itinatago mo lang?" tanong ni kuya at napatawa ako nang bahagya.

"Ewan ba naman at poging-pogi sa 'yo yung mga yun, eh mukha ka ngang tuko, eh!" Pang-aasar ni Faye sa kapatid, nahulog ang panga ni kuya Shawn habang ang ibang congress ay napatawa nang pagak.

"Tuko ka pala, eh!" Pang-aasar ni kuya Lorenzo kay kuya Shawn, may pagbatok pa yun kaya naman napatawa kaming lahat.

"Si Haze nga kahit ganiyan itsura niyan, may nagpapa-picture kanina." Napalingon kami kay kuya Adrian. Wow kuya, ha, ibi-bring-up pa talaga?

'Anong 'ganiyang' itsura?! Ang gwapo-gwapo kaya niya!'

Napsaltik ng laway si kuya Lorenzo, "Hindi nga pumayag si Haze. Bakit ba bro? Picture lang naman, eh." tanong ni kuya Lorenzo, may pag-akbay pa kay kuya Haze.

Sumulyap sa 'kin si kuya Haze bago tinanggal ang braso ni kuya Lorenzo sa balikat niya.

"Alam niyong hindi ako pumapayag sa mga picture-picture na 'yan." sagot nito at palihim akong suminghal.

'Pero sa 'kin pumayag.'

"Pero nung kay Cass, pumayag ka?" Napalingon ako kay kuya Howard na nakangisi, yung mapang-asar na ngisi.

Nanlaki ang mata ko, 'OMG ka kuya Howard! Nanadya kaba?!'

Nahihiya akong tumingin kay kuya Haze at nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti ito, "Well... she looks like a walking ball of sunshine kasi."

--------

A/N: HOYYY, ine-edit ko 'to and ang real life Haze ay nasa paligid lang, mga 3-4 meters apart

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top