Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

CHAPTER XIX

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Tapos alam mo ba? Kanina, hindi makapaniwala yung instructor namin na anak ako ng may-ari ng isang airline. He's American that's why he probably doesn't know, plus baguhan lang din siya." Pagke-kwento ni Haze habang kumakain kami ng hapunan is Kenny Roger's.

"Nagtanong-tanong pa siya sa mga kasama ko kasi ayaw talaga niya maniwala! Bakit daw sa SHU ako nag-take ng flying school, bakit daw hindi nalang alo kumuha ng personal instructor, basta yun! Ang dami talaga niyang tanong. Daig pa niya ang question and answer portion, eh!" Dagdag pa niya at napatawa nalang ako nang bahagya habang kagat-kagat ang tinidor ko.

"Feel ko nga favorite niya ako, eh. Pero feel ko rin mainit dugo niya sa 'kin. Favorite niya akong utusan pero lagi naman akong pinupuri. Hindi ko na maintindihan yung instructor namin na yun, tapos--" Narinig ko siyang tumigil sa pagsasalita, nagulat nalang ako nang hawakan niya ako sa magkabila kong pisnge at iniharap sa kaniya.

Napatawa ako sa reaksyon niya dahil nakakunot ang noo niya habang bahagyang nakanguso, "Okay ka lang ba? Tulala ka," Napatawa ako at inalis ang kamay niya sa mukha ko,

"Oo, okay lang ako, pagod lang siguro ako." Sagot niya at utay-utay naman siyang tumango.

May pasok ako kaninang umaga at sinundo niya ako kaninang hapon at dumiretso na kaming kumain ng hapunan.

"You're really that tired?" he worriedly asked,

I slowly nod before taking a bite out of my sausage, "Yep, pagod lang talaga at antok." Sagot ko at nag-hum siya,

Habang ngumunguya ay hindi ko namalayan na natulala pala ako hanggang sa tinapik ako ni Haze sa balikat,

"Busy kaba bukas?" Tanong niya at napakunot ang noo ko,

"Ano... plano ko mag-aral," sagot ko at ngumuso siya bago utay-utay tumango,

"Exam?" Tanong niya at umiling ako, ngumuso ulit siya bago tumango, "Pwede bang ano... mag-date tayo bukas? Whole day? Pwede ba?" Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko nang makita ang reaksyon niya.

Sa totoo lang ay na gui-guilty ako. Hindi ko siya gaanong nabibigyan ng oras nitong mga nakaraang linggo. Oo, sinusundo niya ako pagkatapos ng klase ko pero pagkahatid niya sa akin sa kwarto ay hindi ko na siya halos nakakausap kahit sa messages dahil kung hindi nag-aaral ay nakakatulog agad ako.

I gave him a smile, "Of course, date tayo bukas. Saan ba?" Tanong ko at gumuhit ang ngiti sa labi niya,

"Ayun! Ayos! Ahm... mall? Ano kasi... may sale." ani nito at napatawa ako,

Pabiro ko siyang hinampas sa braso, "Sale naman ng ano? Ikaw ha! Bakit alam mo na 'yang mga sale-sale na 'yan?" Tanong ko sa kaniya at napangisi siya.

"Siyempre sa 'yo, tsaka... alam kong mahilig mag shopping girlfriend ko kaya inaabangan ko yung mga sale." sagot niya at parang sumabog ang kilig sa dibdib ko.

'Girlfriend ko' shaks! Ang sarap pakinggan!

"Bukas tayo, ha? 7am, sunduin kita, breakfast tayo sa Tagaytay tapos mall na." Ani niya at napatawa ako,

"Akala ko ba mall lang? Tsaka 7am? Tulog pa ako nun." Ani ko at napanguso siya,

"Grabe naman, sige na, minsan lang, eh." Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang nagsusumamo niyang mukha.

Ang cute niya! Nagpapa-cute talaga siya sa 'kin! Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko!

Napa-irap ako, "Sige na nga, paano ako makakahindi sa 'yo?" Ani ko at ngumisi siya bago nagpatuloy sa pagkain.

Alas otso na nang makabalik kami sa dorm. Inihatid niya ako sa kwarto at agad din siyang umalis pagkatapos i-check ang bawat sulok ng dorm para masigurado na walang ibang tao sa loob. Pagkasara ko ng pinto ay kumawala ang isang buntong hininga sa bibig ko.

Mag-isa nalang ako. Si Faye at Marga ay madalang nang umuwi ng dorm. Masyadong stressing ang 4th year para sa kanila at hinahanap-hanap nila ang comfort ng sari-sarili nilang bahay. Pero paano naman ako na hindi na umuuwi sa bahay? Siguro nga ang pinakang comfort place ko na ay ang dorm, pwede rin namang si Haze.

Naglinis lang ako ng katawan bago natulog kaagad dahil baka hindi ako magising nang maaga.

Quarter to seven na nang magising ako. Napabalikwas ako ng kama nang mapagtanto na hindi ako nagising sa alas sais kong alarm. Nagmamadali akong naligo, binasa ko lang ang buhok ko ng tubig bago nagsabon.

Kakalabas ko palang ng banyo nang may kumatok sa pinto.

"Wait lang!!" Sigaw ko na halos madulas-dulas pa dahil nagtutulo ako,

"Are you rea--"

"Sorry! Hindi ako nagising sa alarm ko!" Natulala sa akin si Haze bago agad akong itinulak papasok ng kwarto at isinara ang pinto sa likod niya.

"It's fine, get dressed na, nagtutulo ka." ani niya at tumango ako bago tumakbo papasok ng bedroom.

"Don't run!"

Mabilis lang akong nagbihis, nagsuot ako ng fitted top at baggy jeans bago nagsuot ng Sneakers at nagdala ng tote bag na laman ang mga gamit ko, hindi ko nagawang mag-make up pero nagawa kong tuyuin ang buhok ko kahit kaunti.

"I'm sorry, 7:24 na, hindi kasi ako nagising sa alarm ko at--" Niyakap ako ni Haze,

"It's fine, ssshh~ praning ka masyado." Bahagya niya akong isinayaw habang yakap-yakap.

"Baka kasi nainip ka at ayaw mo na hindi ako on time." ani ko pagkakalas niya sa yakap,

Napakunot ang noo niya, "Huh? Hindi ah, tsaka parang hindi ako na la-late, ah? Ikaw nga itong ayaw sa hindi on time kaya exactly 7 nasa labas na ako." Sagot niya at pinandilaan ko siya bago ito hinawakan sa kamay at hinigit na palabas ng kwarto.

"Traffic naba? Mata-traffic na ba tayo?" Isa pa ito sa iniisip ko, baka kasi ma-traffic kami dahil sa sobrang tagal ko.

"No, hindi naman, kaya pa." Sagot niya habang focused sa kalsada, napatango ako bago tumingin din sa kalsada.

"Hala, traffic na," ani ko nang tumigil kami sa isang red light,

"Hindi ah, red light lang," sagot niya at tumango ako, pero parang traffic talaga, inabot din kami ng ilang minutk bago umandar.

8:30 na nang makarating kami sa Starbucks ng Tagaytay, siya na ang nag-offer na um-order habang pina-upo niya ako sa table na may magandang view.

Nang makabalik siya ay nagpicture kaming dalawa at kinuhaan ko na rin ng picture ang view ng Tagaytay.

"Na picture-an mo na ba?" Tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang tinidor niya, napangisi ako bago tumango at itinabi ang cellphone ko.

Nag-almusal lang talaga kami sa Tagaytay at agad din umalis pagkatapos kumain. Hindi man niya sabihin na takot siya sa traffic pero ramdam ko na traffic talaga ang iniisip niya.

"Sorry talaga, traffic tuloy tayo." ani ko habang nakatigil kami sa Quirino Highway,

"Uy hindi ah, 'wag mo masyadong isipin. Tsaka tulog mo yun, alam kong pagod ka, sorry pinilit kitang gumising nang maaga." Malambing ang pagkakasabi niya nito,

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko bago tumingin sa gawi ng bintana.

Agad ding napawi ang ngiti sa labi ko nang may ma-alala. Shit, oo nga pala.

Pagkadating namin ng mall ay agad akong hinigit ni Haze sa Watson's, naka sale nga rito at maraming deals. Dala-dala niya ang basket habang pumipili ako ng mga make-up.

"Kabilang side," ani ko habang tina-try sa kamay niya ang lipstick na pinapamilian ko.

"Mas maganda yung una 'no?" Tanong ko at napakunot ang noo niya bago pinagmasdan ang kamay niya,

"Parehas naman maganda," sagot niya at napanguso ako, "Isa lang bibilhin ko," sagot ko at tumango siya,

"Kunin mo na rin yung isa, ako magbabayad." Ani nito na ikinagulat ko,

"Sira, hindi na 'no, ayan ka nanaman sa mga pagbili-bili mo para sa 'kin." Turan ko at napatawa siya bago dinampot ang shades ng dalawang lipstick,

"Oo nga, ako na magbabayad nitong isa." ani niya at gumuhit ang ngiti sa labi ko,

"Bahala ka nga," Kunyari ay hindi ako kinikilig,

Inakbyan niya ako at sinamahan ako sa paglilibot sa Watson's.

Apat na bag ng Watson's ang bitbit niya paglabas namin. Pagkatapos ay itinuro ko siya sa Uniqlo at doon naman ay siya ang aking ipinamili.

"Bagay sa 'yo 'to." ani ko nang itapat sa katawan niya ang damit, natawa ako nang para siyang bata na ngumiti at tumayo nang maayos para makita ko kung bagay ba talaga sa kaniya yung damit.

"Cute mo, kagatin kita diyan, eh." Ani ko bago inilagag sa basket ang itim na t-shirt.

"Sige nga, sample." Panunukso nito at sinamaan ko siya ng tingin,

"Ewan ko sa 'yo." Ani ko bago ini-angkla ang aking braso sa kaniyang braso.

Habang naglalakad-lakad at tumitingin-tingin ay bigla nalang akong nanggigil sa kaniya at kinagat ang braso niya.

"Ahh--!" Napatawa ako nang napasigaw siya.

"Nangangaggat ka nalang bigla!" Paiyak na yata siya,

Napahagalpak ako ng tawa, "Masakit ba?" Tanong ko at ngumuso lang siya habang hinihimas ang kaniyang braso na kinagat ko.

Pagkabayad namin sa Uniqlo ay dumiretso kami sa Prescripto para bilhan siya ng pabango.

"Hindi mo ba gusto yung pabango ko?" Tanong niya natawa ako nang bahagya habang may hinahanap na pabango.

"Gusto siyempre, pero naamoy ko kasi yung prof ko at super bango niya! Tapos malayo palang siya amoy ko na! Bagay sa 'yo 'to..." sagot ko,

"Ito! Ang bango! Amuyin mo!" ani ko bago ipina-amoy sa kaniya ang pabango,

Napakunot ang noo niya, "Familiar sa 'kin, anong number 'yan?" Tanong niya,

Tiningnan ko ang label, "83," sagot ko at nagparte ang labi ko bago utay-utay tumango,

"Pabango ko 'yan noong senior highschool." ani niya at nagparte ang labi ko,

"Weh? So sawa kana dito?" Tanong ko at napakunot ang noo niya,

"Of course not, if you want me to smell like that, go, I'll use it." Sagot niya at tumango ako,

"Sure ka? Baka ayaw mo kasi... pabango mo 'to noong kayo pa ni Camille--"

"Hindi ah, ito naman." Depensa niya agad at umismid ako,

"Sus, ewan ko sa 'yo." Ani ko bago inibalik ang tester,

"Nagtatampo kaba?" Tanong niya at ngumuso ako habang naghahanap pa ng ibang pabango,

"Do you really want that one? Ayaw mo ba dahil pabango ko 'yan dati? It has nothing to do with Camille naman." Panunuyo niya habang naglalakad-lakad ako,

Bumuntong hininga ako, "Eh kasi... baka kapag naaamoy mo yung pabango na yun naaalala mo si Camille." ani ko at napangiwi siya,

"Hindi 'no, di ko na-aalala si Camille." Sagot niya at ngumuso ako,

"Sure ka? Kasi gusto ko talaga maamoy sa'yo yung pabango na yun, lakas maka-amoy pogi." Ani ko at natawa siya bago tumango,

"Then get it, I can also pay for it if you want." He offered but I shook my head.

"No, I got it!" I happily leaped towards the counter. Pagkabili namin ng pabango ay dumiretso na kami sa kainan para magtanghalian.

Noong mga unang minuto ay okay pa ako, masaya pa ako. Tinitingnan pa nga namin ang mga pinamili namin sa Watson's. Yung pabango ay gusto ko nang ilagay sa kaniya pero may pabango pa siyang suot.

Kumakain na kaming dalawa nang may makita ko na nagpalungkot sa akin. Na-alala ko nanaman. Kainis!

Matagal pa naman, I really shouldn't worry about it too much.

"Okay ka lang? Namumutla yung labi mo." Napalingon ako kay Haze nang magsalita ito.

Napakunot ang noo niya bago pinagmasdan ang mukha ko,

"Talaga? Wait baka kulang lang ako sa liptint." Ani ko bago uminom ng tubig at kinuha ang lip tint ko sa bag. Habang naglalagay at nanalamin sa cellphone ay naramdaman ko na sumandal si Haze balikat ko. Paglingon ko sa kaniya ay nakanguso ito.

"Ano 'yan?" Taka kong tanong,

"Ako rin, lagyan mo rin ako." Natawa ako sa kaniya,

Hinawakan ko siya sa baba bago pinahiran ng tissue ang kaniyang labi at at nilagyan ng kaunting liptint bago ito ikinalat gamit ang daliri ko.

"Ganito ka, pha pha pha." Ginaya niya ang ginawa ko at gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Cute ka, kain kana ulit." Ani ko bago itinabi ang lip tint ko,

"After kumain, kapag maglalagay ka, lagyan mo rin ako." Ani niya habang kumakain, napatawa ako nang bahagya bago tumango.

Pagkatapos namin kumain ay nag CR ako at doon nag retouch, nang bumalik ako ay pinagmasdan niya mukha ko.

"Naglagay kana?" Bakas sa boses niya ang pagkadismaya,

Napatawa ako bago kinuha sa bag ko ang liptint, "Ito na nga po, lalagyan kana rin." Ani ko bago siya hinawakan sa baba, nagparte ang labi niya at hinayaan akong lagyan siya.

"Okay ba?" Tanong niya pagkatapos, tumango ako,

"Pogi ba?" Tanong ulit niya at natawa ako, "Siyempre naman," napangisi siya,

Pagkatapos ay pumunta na kami sa sinehan, sakto at 15 minutes nalang ay magsisimula na ang palabas na gusto niyang panoorin. Ilang linggo nang palabas ang movie pero hindi niya pinapanood dahil gusto niya raw ay kasama ako, buti nalang available pa rin sa cinema.

Habang nanonood ay ramdam ko ang antok dahil siguro sa lamig at pagka-komportable ko sa bangko. Kahit malakas ang tunog sa sinehan ay hindi ko na napigilan ang antok at tuluyan nang nakatulog.

Nagising ako nang magsigawan ang cinehan, climax na pala ng palabas.

"Sorry nakatulog ako," ani ko habang nagkukuskos ng mata.

"Okay lang, alam kong pagod ka." ani ni Haze habang tutok na tutok sa pinapanood.

Sa mga huling minuto ng palabas ay hindi na ako nakatulog at nanatiling gising.

Madilim na nang umalis kami ng mall. Napansin yata ni Haze na masama ang pakiramdam ko kaya naman sa dorm na siya makikitulog. Ipinagluto niya na rin kami ng hapunan.

Bandang alas dose ng gabi ay narinig kong may tumatawag sa cellphone ko. Hindi ko man tingnan kung kanino nanggagaling ang tawag ay alam ko na kung sino ito.

Hinayaan ko lang ito hanggang sa tumigil sa pagtunog. Pero maya-maya ay tumunog ulit ito na hinayaan ko lang ulit mawala. Sa pangatlong beses ay nagulat ako dahil biglang bumangon si Haze.

"'Wag, hayaan nalang natin," pigil ko sa kaniya,

"Ha? Akala ko tulog ka, nagising kaba nung tawag?" Tanong niya at umiling ako, ako ang dumampot ng cellphone at tama nga ako kung kanino nanggagaling ang tawag. Pinatay ko ang cellphone ko at ipinatong ito sa lamesa.

Kinabukasan ay maagang gumising si Haze para magluto ng almusal habang ako namn ang naliligo. 9am pa raw ang schedule niya kaya naman inihatid pa niya ako sa university.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Faye nang makita ko nang tanghali,

"Umiiyak kaba?" Tanong ko nang tabihan ito,

Umiling siya pero nang tingnan ko si Marga ay tumango ito, "Bakit? Anong nangyari? Gusto mo bang pag-usapan?" Tanong ko at umiling ito,

"Sige, basta andito lang kami, ha? Pwede kang mag-kwento." Ani ko at tumango siya,

Iba pala talaga ang stress ng 4th year, akala ko sabi-sabi lang noong una at OA lang mga seniors namin.

Pero bakit sila kuya Edward at Xandro? Chil lang last year? Parang hindi manlang sila nahihirapan.

Sa last period ko ay medyo madilim na, naka aircon din kami kaya sobrang lamig. Dahil naka long sleeves naman ako ay hindi ko gaanong ramdam ang lamig.

Pero ang isa kong kaklase ay nilalamig kaya naman ipinahiram ko na sa kaniya ang cardigan ko.

7pm na nang masundo ako ni Haze. Natagpuan ko siya sa may parking na may kausap.

"Hello," nahihiya kong bati sa kanilang dalawa,

"Oh, hey, bro this is Cass, my girlfriend. Cass, this is Emilio, blockmate ko last year." He introduced me to his friend,

"Hey, Cass, I've heard a lot about you, last year pa." I shyly smiled at him as I shake hands with him.

"I was asking Haze why didn't attend flying school sa California, I know it was his dream, pero anong sagot mo, bro?" Tumingin ako kay Haze,

Nakita ko siyang ngumiti bago lumingon sa akin, "Of course I don't want to leave Cass."

My smile dropped, hindi siya umalis ng para mag-aral sa ibang bansa dahil sa 'kin? Seryoso ba? Ginawa niya yun? Piliin ako kaysa sa dream school niya?

"Sige na bro, una na ako, see you around." Paalam ng kaibigan niya at bahagya akong kumaway.

"Tara na?" Aya niya, natauhan ako bigla at bahagyang ngumiti bago tumango.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at akmang papasok na ako ng kotse niya nang may biglang tumawag sa akin.

"Cass, saglit!" Agad akong napalingon,

"Oh, Allan, bakit?" Taka kong tanong rito,

Hinihingal pa siya bago inilahad ang cardigan ko, "Cardigan mo, thank you nga pala sa pagpapahiram sa akin." Ani niya at nagparte ang labi ko bago kinuha ang cardigan ko,

"Ah oo nga pala, you're welcome." Sagot ko, tumayo nang maayos si Allan bago ngumiti,

"Pauwi kana?" Tanong niya at tumango ako,

"Sige, ingat!" Nakangiti niyang turan bago naglakad paalis.

Papasok na sana ako ng sasakyan nang mapansin si Haze na masama ang tingin kay Allan.

"Selos ka?" Pang-aasar ko rito, nagbalik siya ng tingin sa akin bago napakunot ang noo, "Of course not."

-------------
A/n: hanep mga ate ko, nag fire drill kami sa school tapos yung real life Haze ko ipinamunas ng alikabuking fire extinguisher yung towel ko! Ginawa ba namang basahan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top