Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

CHAPTER XXI

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Okay ka lang ba?" Agad akong tumango sa tanong ni Allan habang nakatutuok ang atensyon sa prof na  nasa harap at pinaglalaruan ang ballpen kong hawak. 

"Sure ka? Parang hindi, ngiti nga diyan!" Pangungulit nito na hindi ko naman pinapansin. 

May kinutkot ito mula sa bag niya na bahagyang ikinakunot ng noo ko. 

"Cookies? Favorite mo 'to, kung okay ka lang talaga hindi mo tatanggihan 'to." Napapikit ako nang mariin bago ito sinamaan ng tingin. 

"Tangina Allan, kapag hindi ka tumigil gigilitan kita!" Pabulong kong sigaw rito, nanlaki ang mata nito bago ini-urong ang pagkain na iniaalok. 

Napasimangot ito, "Inaalok ka lang naman, sungit." bulong nito na siyang ikina-irap ko naman. 

Hanggang pagkatapos ng klase namin ay binubulabog ako ni Allan. Dire-diretso akong naglalakad sa hallway habang siya naman itong nakasunod-sunod sa akin na parang ligaw na tuta. 

"Nasa canteen sila ngayon, nag-aaya ng miryenda." ani nito at tumango lang ako bago lumiko papuntang canteen. 

Pagkalabas namin ng building ay agad ko silang natanaw sa may canteen. Nang makalapit ay ibinaba ko ang bag ko sa lamesa at ibinagsak ang sarili ko sa bangko. 

"Oh? Bakit nakasimangot 'yan?" Narinig kong tanong ni Simon habang nagpapaka-busy ako sa cellphone ko.

Walang sumagot sa kanila, napa-igtad ako nang sundutin ako ni Simon sa tagiliran, "Anong problema mo?" Inulit-ulit nito ang pagkiliti sa akin, nang mapuno ako sa kakulitan nito at hinampas ko ang braso nito. 

Nakita kong kumunot ang noo ni Simon, "Napa-ano ka?" Takang tanong nito, 

Napabuntong hininga ako bago napahilamos sa mukha, "Putangina~~!!!" Para akong maiiyak, 

Narining kong humagikhik si Simon, "Parang tanga!" Nag-angat ako ng tingin at sinamaan ito ng tingin. 

"Si Haze kasi!!" Pagmamaktol ko, 

Napakunot ang noo ni Simon, "Inaaway mo nanaman boyfriend mo--" 

"Hoy! Hindi ah!" Putol ko sa kaniya, "Nakakainis! Naiinis ako!!" Napapadyak ako sa sahig na parang bata, 

"Ano ba kasing nangyari?" tanong  ni Simon, kinuha ko ang braso ni Matt at inilagay ito sa balikat ko. 

"Ate ko? Ano 'yan?" Gulat na tanong ni Matt, 

"Diba ganito, night before defense namin, diba nagpasundo ako kay Haze kasi dinatnan ako? Tapos nakahiga kami sa kama, nag-selfie kami, hawak ko yung cellphone niya tapos boogsh! May nag pop-up na notif! Amanda Nathalie, babae, may naiwan daw si Haze 'here' kung saan man!" Pagpapaliwanag ko sa kanila, inalis ko ang braso ni Matt sa akin bago napabuntong hininga, 

Nakita kong nag-seryoso ang mukha ni Simon, "Nangbababae siya?" Seryoso nitong turan, napanguso ako bago nagkibit balikat. 

"Balita ko... hindi naman mga cheater yung mga yun, babaero lang." Basag ni Allan, napalingon kaming lahat sa kaniya, napangiwi ang labi ko. 

"Hindi nakakatulong yung sinabi mo, Allan." ani ni Matt at napabuntong hininga ako bago sumubsob sa lamesa. 

"Anong ginawa mo? Anong ginawa niya noong dumating yung message?" tanong ni Simon, bakas ang pag-aalala sa boses. 

"Ano... ibinalik ko na  sa kaniya cellphone niya tapos nag-aya na matulog. Nawala ako sa mood bigla." sagot ko, ilang segundo silang natahimik bago biglang napatawa nang pagak si Allan na ikinaagaw ng atensyon namin. 

"Kaya pala bad mood ka nung defense! HAHAHAHA!" ani nito at napatawa rin si Faye at Marga, 

"Oo nga! Siya yung nanggisa sa panelist, eh!" Turan ni Marga na ikinatawa nilang lahat, napabuntong hininga ako bago sumobsob sa lamesa. 

"Pero serious talk, Cass, anong balak mo? Confront him?" tanong ni Simon, napa-angat ako ng ulo bago nagkibit-balikat, 

"Hindi ko alam, siguro papalipasin ko nalang muna? Pagmamasdan ko muna mga kilos niya kung may kakaiba." sagot ko at tumango silang lahat. 

Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. 

"Alam niyo... nag o-overthink lang ako! Wala 'to, miss ko lang siya. Makikita ko na rin naman siya mamaya pagsundo niya sa 'kin, eh." Sinubukan kong pagaanin ang pakiramdam ko. 

Nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong tiningnan, 

From: Alonzo Haziel

helo, xori d kita masundo maya, nasa tagaytay kmi now, papakainin dw kmi prof nmin d2, gagabihin eh, pero if need mu tlaga, susunduin kta, ingt s pag-uwi! 

"Ay putangina!" Napalingon silang lahat sa akin nang mapamura ako, 

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Marga sa akin, 

Napakamot ako sa ulo ko, "Hindi raw ako masusundo ni Haze, nasa Tagaytay raw sila." Nakanguso kong turan,  natahimik sila at walang makasagot. Napabuntong hininga ako at sumubsob sa lamesa. 

"Alam ko na!" Napa-angat kami ng tingin kay Faye, "Mag-inom nalang tayo, dali na! Stressing na rin naman ang life! Deserve natin 'to!" 

Hinintay lang namin matapos ang last period nila Simon at Matt bago dumiretso sa isang resto-bar na alam ni Faye. Agad kaming kumain at uminom para makarami. 

Mabilis din akong nagpakalasing para makalimot at mawala sa isip ko ang mga pino-problema ko. Hindi ko na rin namamalayan ang oras dahil sa kakatawa at kakadaldal ganun na rin ang mga messages ni Haze. Naririnig ko itong tumutunog pero hindi ko ito pinapansin kahit sunod-sunod ang mga ito. 

"Alam niyo... tatawagan ko ang kuya ko. Itatanong ko kung may babae ba talaga si kuya Haze!" ani ni Faye habang may pinipindot sa cellphone niya. 

"Oo nga nang matahimik na si Cass!" ani ni Marga bago uminom, 

"Tama 'yan, tama, para hindi na mag-overthink itong isa." turan naman ni Matt habang ngumunguya, 

Hinintay namin na sagutin ni kuya Shawn ang tawag, at nang sumagot ito ay sinenyasan kami ni Faye na tumahimik. 

[Hello Faye? What's up?] Bungad na bati ni kuya Shawn, 

"Hoy kuya! Magsabi ka nga ng totoo! May babae ba si kuya Haze?!" Diretsong tanong ni Faye, 

[What!? Are you drunk, Faye? Nasaan ka?] tanong ni kuya Shawn, napangiwi ako habang agad namang umiling si Faye, 

"Sagutin mo nalang ako, kuya--"

[Nasaan kayo? Gabi na, Allison. Kasama mo ba si Cass?] Putol ni kuya Shawn kay Faye, 

Napahilamos sa mukha si Faye, "Kuya naman, eh! Sagutin mo nalang ako! May ibang babae ba si kuya Haze?" Pag-uulit ni Faye sa tanong, 

[Wala! Walang babae si Haze! You're drunk, Allison, tell me where you are.] Napilitan si kuya Shawn na sumagot,  

[Message Haze right now, tell him I might know where Cass is.] Hindi ko gaanong naunawaan ang sinabi ni kuya Shawn dahil parang may kausap itong iba at mahina rin ang pagkakasabi niya nito.

"Hehe, thank you!" ani ni Faye bago ibinaba ang tawag, 

"Oh! Kita niyo na? Walang babae si kuya, Haze." ani nito bago inilapag ang cellphone niya, 

Napangiwi ako bago sumandal sa balikat ni Simon, "Sabi na eh, nag o-overthink lang talaga ako." ani ko bago bahagyang napapikit. 

Nagising nalang ako nang may humawak sa braso ko at dahan-dahan akong itinayo, kahit lasing ay nakilala ko agad ito sa mukha. 

"Haze?" Halos kalahati lang ang bukas ng mata ko. 

"Hey, are you okay? Uuwi na tayo," Malambing ang pagkakasabi niya nito, naramdaman kong ibinalot niya sa akin ang braso niya at inalalayan akong maglakad. 

"Paano niyo nalaman na andito kami?" Napalingon ako kay Faye na binubuhat ni kuya Shawn at Edward, 

"I'm your brother, alam ko yun." sagot ni kuya Shawn, litong-lito ako sa mga nakikita ko, si Matt ay inaalalayan pa ni kuya Lorenzo maglakad dahil lasing na rin. 

"Hehe," napapatawa ako sa mga hitsura at kalagayan ng mga kaibigan ko. 

"Someone pay their bill?" Palabas na kami ng magsalita si kuya Shawn, "Wait lang, hindi pa kami bayad!" Nagpumiglas ako sa braso ni Haze, 

"Xandro! Pay their bill, I'll pay you double!" sigaw ni Haze bago hinigpitan ang pagkakayapos sa akin para hindi ako makawala. 

Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw. Naglibot ako ng tingin sa paligid at nakitang tulog pa si Faye sa kama niya. Pagkatayo ko mula sa kama ay agad naman akong napadaing sa sakit ng rashes ko sa buong katawan. 

Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin si Marga na nagkakape sa lamesa. "Gising kana pala, si Faye?" tanong nito at tumuro ako sa kwarto. "Tulog pa," sagot ko bago naupo sa harap niya. 

"Wala akong ma-alala sa nangyari kagabi." ani ko at napatawa siya bago tumango, "Ako rin, HAHAHA! Mahalaga nakauwi tayo nang buo." sagot nito at napatawa ako bago tumango. 

Habang nag-aalmusal kami ay nakita ko ang mga messages sa akin ni Haze mula sa kahapon at sa ngayong umaga. Hindi ko pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa pag-aalmusal bago naligo at pumasok. 

Pagkatapos ng first period namin ay dalawang oras kaming bakante. Nagre-review ako sa may canteen dahil malamig ang simoy ng hangin dito. Nang mapagod nang bahagya ay dinampot ko ang cellphone ko at nag scroll sa Instagram. 

Napunta ako sa mga Instagram stories at nadaanan ang story ni ate Sav. 

Napakunot ang noo ko bago tinititigan at kinilatis ang larawan. Picture nila ito sa Tagaytay kagabi, andito si Haze, kagaya ng ngiti niya ay hindi labas ang kaniyang ngipin at nakataas lamang ang kaliwang bahagi ng kaniyang labi. 

Pero ang mas naka-agaw pa ng atensyon ko ay ang katabi niyang babae na halos iilang pulgada nalang ang layo sa mukha niya. Matangkad ito, maputi, maganda, mahaba ang buhok at halatang may lahi. 

"Ito ba yun? Ito ba yung Amanda Nathalie na yun?!" Namuo ang inis sa loob-loob ko. Agad akong nag-exit ng Instagram bago pumunta sa Facebook bago hanapin ang Amanda Nathalie na 'yan. 

Pagka-search ko palang sa pangalan niya ay agad bumungad sa akin ang account at mga posts na naka-tag ang Amanda Nathalie. 

Meron kaming 7 mutual friends, pagpunta ko sa account nito ay mas nakumpirma ko na ito ang Amanda Nathalie na hinahanap ko dahil friend niyo si Haze at ate Sav. 

Tama ang hinala ko na may lahi siya, mayaman, at nagpipiloto rin. Naramdaman kong kumulo ang dugo ko nang makita ang mga post nito mula sa kagabi at nakita ang ilang litrato na kasama si Haze at magkatabi silang dalawa. 

Pinatay ko ang cellphone ko bago ito binitawan. 

Naka-ilang buntong hininga ako bago inayos ang gamit ko at pumunta na sa kasunod kong klase. 

Buong araw masama ang pakiramdam ko. Hindi ako kumain ng tanghalian at natulog nalang sa clinic. Pagsapit ng hapon ay pinasukan ko nalang ang nag-iisa kong klase bago kumain sa canteen pagkatapos. 

Payapa akong nagmi-miryenda nang tumunog ang cellphone ko. 

From: Alonzo Haziel 

something good happened today? I'll pick you up later,,,

Naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko at agad akong nakatipa ng sagot sa kaniya. 

To: Alonzo Haziel 

'wag na, may gagawin kami, uuwi nalang ako kasama sila Simon

Agad niyang nabasa ang message ko at sumagot,

From: Alonzo Haziel

I can wait nman,, 

To: Alonzo Haziel

wag na

                                            You restricted Alonzo Haziel  

                                                  They can't see when you're online or when you've read their messages. 

Mag a-alas kwatro nang matapos ang klase ko, alam kong patapos na rin ang klase ni Haze para sa araw na ito at baka dumating na ito para sumundo kaya naman nagmadali akong umalis ng university at umuwi. 

Papasok ako ng dorm at inaayos ang dala kong bag nang may makabungguan ako. 

"Ay sorry po!" Agad akong napa-angat ng tingin, napakunot ang noo ni kuya Edward nang makita ako. 

Nanlaki ang mata ko bago agad pumasok ng dormitory. 

Isang buntong hininga ang pumakawala sa labi ko nang makapasok ako ng kwarto. Ibinaba ko ang bag ko sa sahig bago ibinagsak ang sarili ko sa sofa. 

"Andito kana pala?!" Nagising ako sa palirit ni Faye, 

"Ha? Anong oras na?" tanong ko bago nag-ikot ng tingin sa buong kwarto. 

"Ikaw ba'y okay lang? Anong nangyayari sa 'yo at lagi kang balisa?" tanong sa akin ni Faye nang maupo sa sofa, 

Umiling ako bago inayos ang magulo kong buhok, "Nagseselos ka 'no? Sa Amanda Nathalie na yun?" Seryosong turan ni Marga, 

Napabuntong hininga ako bago tumango, "Can't help it," I mumbled,

"If that's the case, kausapin mo siya. Tell him about it. Hindi yung kinikimkim mo." ani ni Marga, napahilamos ako sa mukha, 

"Baka isipin niya na nag-iinarte lang ako, baka isipin niya na---" 

Naputol ang pagsasalita ko nang may kumatok sa kwarto. Si Faye ang agad tumayo para pagbuksan ito. 

"Cass... halika," tawag nito, napakunot ang noo ko bago tumayo at lumapit sa pinto, laking gulat ko nang bumungad si Haze na may dalang bulaklak at pagkain. 

"Oh... what for?" I asked, he shyly smiled, "I know there's something wrong. And I also know you might not want to talk about it but I hope these could make you feel better." he softly said, I felt my throat tightening, I immediately threw myself at him for a hug. 

"I missed you," I said with teary eyes. 

"Iwan muna namin kayong dalawa," ani ni Faye bago sila lumabas ng kwarto ni Marga. 

Nanatili si Haze sa kwarto ng mga dalawang oras. Kinain namin ang dala niya at nagkwentuhan na rin. Pero hindi ko sinabi sa kaniya kung ano yung mali, kung ano yung mabigat na nararamdaman ko at kung ano yung bumabagabag sa isip ko nitong mga nakaraang araw. 

Pero kahit papaano ay gumaan nang kauntian ang mabigat kong nararamdaman. Kahit wala siyang maling ginagawa ay pakiramdam ko ay nakakabawi siya. Siguro ay stress lang ako kaya napa-praning ako. 

Pinakiramdaman ko rin ang pakikitungo niya sa akin at wala namang nagbabago. Hindi naman siya nanlalamig at wala rin namang gumambala na message habang magkasama kaming dalawa. 

Kinabuksan pagpasok ay hindi na ako buringot kagaya ng mga nakaraang araw. Parang wala na rin akong pino-problema. Siguro nga ay nami-miss ko lang si Haze kaya ganun ang pakiramdam ko. 

Nasa 2nd period ako, maganda ang pakiramdam ko, malamig ang ulo ko at buhay na buhay ang diwa ko. May sinend sa akin si Faye pero hindi ko muna agad ito tiningnan dahil nagpapaka-busy ako sa klase. 

Naglalakad ako sa hallway nang ma-alala na nag-message nga pala sa akin si Faye. Nang tingnan ko ito ay napakunot ang noo ko. Screenshot ito mula sa Twitter na tweet ni Amanda Nathalie at naka-mention si Haze dito. 

urNatNat@AmandzNathalie

not @H4ze_V3rgara outshining the prof 😭😭son-of-airline-owner things ig??  

May mga replies pa under ng tweet na yun. 

Lorenzo @YousefGalvez 

ano nanamang ginagawa mo @H4ze_V3rgara? Pabida masyado eh

Sand @Nicholash 

ibagsak niyo na nga po 'yan, masyadong pabida sa prof, tsk tsk tsk

BossLuc @RollsRoycee

kick out na 'yan! abuse of power!! 

 Napakunot ang noo ko nang mabasa ang mga reply ng congress sa tweet ni Amanda Nathalie. Close pala sila sa Amanda Nathalie na yun? Tsaka bakit ba masyadong papansin 'yang Amanda Nathalie na 'yan? May pag-mention pa kay Haze sa Twitter? Eh hindi naman active si Haze sa social media niya. Hindi naba siya pinapansin ni Haze sa personal at sa social media naman siya nagpapapansin? 

To: Allison Faye

salamat, ha? sira nanaman araw ko, bwiset! 

Pakiramdam ko ay lalagnatin nanaman ako. Hindi ako selosang tao, eh. Pero iba talaga ang kulo ng dugo ko sa Amanda Nathalie na 'yan! 

Pagdating ng hapon ay sinundo ako ni Haze. Binati pa niya agad ako at malawak ang ngiti, parang masyado kang masaya, ah? 

"I was thinking on bringing you to this one restaurant a friend told me, are you free tonight?" he asked, eyes focused on the road. 

A friend? Si Amanda Nathalie ba 'yan? 

"'Wag na, matutulog muna ako sa dorm." sagot ko habang diretso ang tingin sa kalsada. 

"Oh, what's with the sullen tone? Are you okay?" He sounded worried, 

I shook my head, "I'm fine, just tired." I replied and he hum. 

Inihatid niya ako sa dorm at bago umalis ay tinanong pa niya kung may gusto ba akong kainin para siya na raw nag bumili. Umiling ako at sinabing magluluto nalang ako mamayang gabi. 

Pagkapasok ng dorm ay agad akong kumuha ng damit pamalit at naligo. Agad ko rin binuhay ang aircon sa bedroom para masarap ang tulog ko. 

Hindi ko na namalayan ang pagdating nila Faye, 9pm na nang magising ako, malamig na ang kwarto at gutom na rin ako. 

Paglabas ko ng bedroom ay nadatnan ko sila Marga at Faye na nanonood ng movie. 

"Gising kana pala? Kumain kana diyan." ani ni Marga habang nakatutuok sa TV. 

Napakamot ako sa batok, "Gusto ko mag 7/11." Maikli kong sagot bago kumuha ng sumbrero at lumabas ng kwarto na cellphone, wallet at sarili ko lang ang dala. 

Pagdating ko sa 7/11 ay puno ang mga table, bumili na ako ng noodles, onigiri at malamig na inumin. Pagkabayad ko sa cashier ay niluto ko muna ang noodles ko bago ito dinala sa labas dahil puno na ang mga lamesa. 

Saktong-sakto ang mainit na noodles sa malamig na simoy ng gabi. 

Payapa, tahimik, malamig, nakakagaan ng pakiramdam. 

Napabuntong hininga ako, "Pagod," bulong ko bago humigop ng sabaw. 

"Miss may lamesa na sa loob, malamig diyan." Napa-igtad ako nang may magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang cashier kanina sa loob. 

"Ay... sige po," sagot ko bago tumayo, nahirapan akong damputin ang mga pagkain ko kaya tinulungan niya akong magdala pabalik paloob. 

"Hindi ba kayo nalalamigan sa labas miss? Gabing-gabi na, oh." ani nito nang maihatid ako sa isang lamesa. 

Nahihiya akong tumawa, "Okay lang po, mainit naman yung sabaw." sagot ko at ngumiti lang siya bago umalis na para bumalik sa cashier. 

Pagkatapos kong kumain ay itinapon ko na ang pinagkainan ko at akmang lalabas na nang magsalita si kuyang nasa cashier, "Bye po miss, ingat!" ani nito, nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik bago ako tuluyang umalis at bumalik ng dorm. 

Buong linggo nalang akong buringot. Maaga akong pumasok ngayon dahil may kailangan akong tapusin at naisipan kong pumasok nang maaga. 

Kakalabas ko lang ng library nang makasalubong ko si kuya Xandro, "Cass," tawag nito kaya agad akong napatigil sa paglalakad. 

"Bakit po?" tanong ko rito, 

May kinuha ito sa bag niya, "Ipinapabigay nga pala ni Haze." ani nito bago ini-abot sa akin ang isang paper bag galing Pan De Manila. 

"Hindi mo raw kasi pinapansin messages niya. Nagpapaalam na hindi ka niya masusundo today dahil may pupuntahan sila." ani nito at nagparte ang mga labi ko. 

Naka-restrict pa rin pala siya sa 'kin!

Agad kong binuksan ang Messenger ko at tiningnan ang restricted ko. Doon ay nakita ko nga ang sangkaterba niyang messages. 

"Bakit hindi nalang siya tumawag sa number ko?" Bulong ko sa sarili ko na narinig ni kuya Xandro. 

"Kuripot yun, ayaw magpa-load, data lang meron yun." ani nito at  bahagya akong napatawa, 

"Sige po, salamat." ani ko bago dumiretso na sa paglalakad. 

Bagamat hindi ko siya makikita ngayong araw ay medyo naging magaan ang pakiramdam ko dahil nag-uusap naman kami. Inu-update niya rin ako habang nasa Laguna siya. May inaasikaso sila rito at diretso na rin sila sa birthday mamayang gabi. 

Hindi man siya makapag-message nang tuloy-tuloy pero halos minu-minuto siyang nagse-send sa akin ng picture. 

"Ano ba 'yan, tunog nang tunog ang cellphone mo, Cass." Inis na turan ni Matt habang kumakain kami ng tanghalian. 

Napatawa ako bago dinampot ang cellphoen ko, "Si Haze 'yan, nag u-update lang." ani ko bago binuksan ng messages niya. Picture nila itong magkaklase habang nagtatanghalian. Pinasadahan ko rin ang bawat mukha na kasama sa picture at puro naman sila lalaki at wala ang Amanda Nathalie sa picture na ito. 

Pagsapit ng hapon ay nagdadalawang isip ito kung uuwi ba siya ng Manila para lang sunduin ako, dalawang oras lang naman daw ang biyahe pabalik. 

To: Alonzo Haziel

Para kang sira! Mag-enjoy ka diyan! 

 From: Alonzo Haziel

u sure? gxto q kc ikw mkita, miss u na 

Natatawa ako sa mga messages niya madalas. Tipid sa letters! Kung anong ikina-ayos at ikinatino ko mag-type, siya naman itong hindi ko halos maintindihan minsan! 

To: Alonzo Haziel

Ano bang gusto mo? 

From: Alonzo Haziel 

kiss

To: Alonzo Haziel

Bukas, mukbangin mo pa ako eh 

From: Alonzo Haziel

G

From: Alonzo Haziel

There's no turning back, Cassandra. Ihanda mo sarili mo. 

Napahagalpak ako ng tawa, agad akong napatakip ng bibig nang may mga taong lumingon sa akin na kumakain din sa canteen. 

To: Alonzo Haziel

huy! joke lang ih! ito naman! di mabiro! 

From: Alonzo Haziel 

no, wlang bawian, cnabi m na, touch move! 

Nagpipigil ako ng ngiti at tinawanan nalang ang sinabi niya. Inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta sa huli kong klase. Dumiretso rin agad ako ng uwi dahil pagod ako at maaga akong pumasok kanina. Nag body wash muna ako bago nagpalit at naidlip. 

Alas nuebe na nang magising ako. Sila Faye at Marga ay mahimbing nang natutulog sa mga kama nila. Paglabas ko ng bedroom ay may nakahain na chicken fillet sa lamesa. Ininit ko ito habang nagluluto ng noodles. 

Binuksan ko ang TV at sa sofa kumain ng hapunan. 

Habang kumakain at nanonood ay nag sco-scroll ako sa Facebook. Natigilan ako sa isang post kung saan naka-tag si Haze. 

Selfie nila itong nag-iinuman, parang pumutok ang litid sa sintido ko nang makita na nakahawak ang Amanda Nathalie na yun sa beywang ni Haze habang parehas silang umiinom. 

"Tangina mo talaga, Alonzo!" Para akong nanggalaiti sa galit, napa-inoom ako ng tubig bago ibinalibag ang cellphone ko sa sofa. 

Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng beer at potato chips sa pantry. Pinalitan ko ang pinapanood kong cartoon at naghanap ng ibang palabas. 

Makalipas ang isang oras at ilang bote ng beer ay natagpuan ko nalang ang sarili kong umiiyak. 

"Para naman kasing tanga! Tanginang kamay 'yan! Puputulin ko 'yan, eh!" Napasapo ako sa mukha ko bago nagpahid ng mga luha. 

Ano bang ikinaiiyak ko? Selos? Inis? Pangungulila? O yung takot na mapagtanto niyang maraming babae ang mas maganda sa 'kin? Yung mas bagay sa kaniya? Natatakot akong ipagpalit at maiwan. 

Natatakot ako na mawala siya sa 'kin at iwan nalang niya ako nang ganon nalang. Na ganun lang ako kadaling ipagpalit dahil siya na yun eh, si Alonzo Haziel na yun. Marami ang magkakandarapa sa kaniya sa oras na malamang single siya. Eh ako? Paano naman ako? 

"Cass? Uy! Alas otso na! Wala ka bang pasok?" Nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Faye, pagmulat ko ay mataas na ang sikat ng araw at nakaligo na rin silang dalawa. 

Napakamot ako sa ulo, "Wala akong klase ngayong umaga, una na kayo." sagot ko at tumango ito, 

Tumalikod na si Faye para kunin ang bag niya habang tinitigan ako ni Marga, "Umiiyak ka kagabi 'no?" tanong nito at napakunot ang noo ko bago siya binato ng unan. 

"Sira, pumasok na kayo." ani ko at inirapan ako nito bago lumabas. 

Inayos ko ang kalat ko mula sa kagabi bago nag-almusal at naligo. Hindi na rin ako nagdala ng maraming gamit pagpasok. Isa nalang naman ang klase. Tinatamad pa nga akong pumasok pero mas nakakatamad naman kapag nasa dorm lang. 

Pagkadating ko ng university ay dumiretso ako sa library at nag-aral. Hindi rin ako kumain ng tanghalian nang nasa oras. Pagkatapos pa ng klase ko ng alas tres nang lumabas ako ng university para kumain sa labas. 

Mag a-alas singko na nang makabalik ako ng university para sa mas maikling daan pabalik ng dorm nang biglang may mag message sa akin. 

From: Alonzo Haziel

Susunduin kita,,, 

To: Alonzo Haziel

busy ako

Mabilis ko rin siyang sinagot at akmang ibubulsa na ang cellphone ko nang tumunog ulit ito. 

From: Alonzo Haziel

You don't look busy rn

Napakunot ang noo ko bago naglibot ng tingin. Hindi sa kalayuan ay nakita ko ang asul niyang sasakyan. Nakasandal siya rito at nakatingin sa gawi ko. Naka polo shirt na brown na naka-tuck in sa pantalon niya habang nakashades. 

Napabuntong hininga ako bago nag-martsa papunta sa gawi niya. 

"Andito ka pala," Malamig kong turan nang pagbuksan niya ako ng pinto, laking gulat ko nang may bouquet ng bulaklak at box  ng cookies sa passenger seat. 

"Para saan 'tong mga 'to?" tanong ko bago dinampot ang bouquet at ipinatong naman sa dashboard niya ang cookies. 

"For you, just gifts." sagot niya at umismid ako bago sumakay. 

Confirmed. May kasalanan 'to. 

Sumakay na siya sa driver's seat, "How's your day?" he asked, 

I sighed and lean by the window, "Saks lang," Maikli kong sagot, niyapos ko ang bouquet bago pumikit. 

"Isa lang klase mo today, right? I was thinking of maybe a date tonight? What do you think?" he asked and I nod, "Yeah, sure." I shortly replied, 

"You good? Isang linggo ka nang ganiyan. There's something wrong? What's our problem? You know you can tell me. And if it's a me problem, please tell me so I could--" 

"Haze!" I snapped, his eyes widened and took few glances at me, 

"Could you please--! Ughh!! Amanda Nathalie! Yun! Siya yung problema ko! Always with you sa pictures, always nakadaikit sa 'yo! May pag mention pa sa 'yo sa Twitter!" Halos mangilid ang luha ko, 

Nakita kong kumunot ang noo nito bago nagbalik-balik ng tingin sa akin at sa kalsada. 

Napatawa ito na ikinakunot ng noo ko, "Nagseselos ka?" tanong niya at napasinghal ako, 

"Oo, Haze, oo, tangina nagseselos ako! Sinong hindi! Lalo na yung picture na nakatag sa 'yo kagabi? Na nakahawak sa tagiliran mo?! Hello!? May girlfriend ka, Haze! Andito ako, oh!" Hindi ko na napigilan ang mga luha na nag-unahang umagos sa pisnge ko. 

Nagulat ako nang biglang lumiko si Haze, "Saan tayo pupunta? Hindi 'to papuntang dorm." ani ko habang nagpapahid ng luha. Hindi siya sumagot at patuloy sa pagmamaneho. 

Naging pamilyar sa akin ang kalsada na dinadaanan namin, hanggang sa tumigil kami sa parking ng condominium building niya. Nagpahid ako ng luha at inayos ang damit ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at ipinagdala pa ng gamit at ng cookies. 

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami ng condo niya. Pagpasok namin ay laking gulat ko dahil may decoration ito, mga lobo at mga nakahaing pagkain. 

"Ano 'to?" Naguguluhan kong tanong, napatawa siya, "It's our 5th monthsarry, silly. I just thought we could celebrate it. I know we don't celebrate it every month since you don't want that but... I just thought this could make you happy?" 

Nahulog ang panga ko, sa sobrang pagka-occupied ko sa mga bagay-bagay ay hindi ko namamalayan ang araw. Monthsarry nga namin, hindi namin ito cine-celebrate buwan-buwan dahil ayaw kong magmukha itong responsibilidad na gagawin naming dalawa kaya naman laking gulat ko na naghanda siya para rito. 

Napanguso ako habang pinipigilang umagos ang mga luha. Pagharap ko kay Haze ay bahagya siyang napangisi bago ako niyapos. 

"Aww, are you gonna cry?" he teased while slightly swaying our bodies together. 

Pabiro ko itong hinampas sa tagiliran, "Kainis ka!" ani ko habang nakasubsob sa dibdib niya. 

"Also... Shawn mentioned about Nathalie," Agad kong naalis ang mukha ko mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya. 

Sinamaan ko siya ng tingin, napatawa siya nang bahagya bago pinisil ang ilong ko, "To assure you, nothing, as in nothing is between me and Nat." He softly said while slightly combing my hair with his fingers. 

"She's clingy, yes, I also hated that. And I've mentioned already that I have a girlfriend. A perfect and awesome, girlfriend." he planted a soft kiss on my forehead, I scoffed, "Bolero," I mumbled, he chuckled and pinch my left cheek. 

"Selosa," Nahulog ang panga ko sa sinabi niya bago siya bahagyang itinulak, "Hindi 'no!" Tanggi ko, natawa siya bago ako hinigit palapit at muli akong niyakap. 

"Now you know how I felt about that Allan guy." he said in a low, teasing voice, 

We both burst out laughing thinking that he got jealous of Allan. "Nagseselos ka dun?" tanong ko at agad siyang tumango, "Obvious ba?" 

"Hindi," sagot ko agad at lalo siyang napahagalpak ng tawa, "Talaga ba? Hindi mo pansin na nagseselos ako?" tanong nito at aagd akong umiling. 

Napahagod ito ng buhok, "Gosh, oo nga pala, you're oblivious." he slightly flicked my forehead. 

He gave me a peck on the lips before leading me towards the dining. There's a lot of foods and most of it are my favorites. 

Just like what we both needed, we had a great time together. We catch up with each other's lives and he told me what happened with his week and I also told him mine. 

He won't stop teasing and making fun of me for getting jealous with Nathalie and when I try to tease him about Allan he seems very unbothered. 

"Lugi naman ako, eh! Hindi ka naaasar!" Pagmamaktol ko, natawa siya bago sumubo ng dessert, "Come on, why would I be bothered by that guy?" Napasinghal ako sa sinabi niya, 

"Lugi, non-chalant magselos." turan ko a napatawa siya bago uminom ng wine. 

Nagkaakitan kaming dalawa na manood ng movie kaya naman pagkatapos kumain ay iniligpit muna namin ang mga ito bago dumiretso sa kwarto niya. Madilim na sa labas at patay ang mga ilaw, malamig ang buong kwarto kaya naman komportableng-komportable akong nakahiga sa kama niya. 

I'm comfortably laying beside him, his arms wrap around my shoulders, his thumb slightly brushing a part of my skin. 

I snuggled closer towards him for more contact. I moved closer towards his neck and inhaled his scent. I was being too... clingy. 

"You good?" he asked, probably feeling the sudden movements. 

I hummed and continue snuggling towards him, wrapping my arms around his body. 

"I missed you," I mumbled before resting my chin on his shoulder, he chuckled and faced me. 

"Now, when you said you missed me... is it... my presence or are you pertaining to something else." he asked, raising his left brow that I find very attractive. 

I pouted and my hands trailing on his shoulder up to his nape. 

I looked straight at his eyes, hoping he would get what I mean. 

He slightly chuckled, "Don't give me the eyes, Cassandra." he breathed out, 

I pouted again, "Bakit?" I asked innocently, playing with his hair, 

He sighed before looking back at the movie, "Let's watch," he said in a serious tone, 

I pouted and moved away before crossing my arms together. I stayed silent for few minutes, not uttering any word, neither of us are talking. Only the sound coming from the television echoing inside the whole room. 

I sighed, a little loud catching his attention. I saw his eyes moved and glanced at me for few seconds before looking back at the TV. 

I sighed again, louder this time. I flinched a little when he faced me. "You're really giving me a hard time right now." he said and I arched a brow. 

"What do you mean?" I asked, giving him the attitude, 

He flicked his tongue, "You know what you're doing Cassandra and... if you keep doing this I won't be able to hold myself." he said and a small smile crept on the side of my lips. 

I moved towards him, our faces inches apart, "Then don't hold yourself, do what you want. Do what we both want." 

I yelped when he pinned me down on the bed, hovering on top of me. "Isa, Cassandra, 'wag kang magbibiro ng ganito." May pagbabanta ang boses niya, 

"Dalawa, Alonzo, mukha ba akong nagbibiro?" sagot ko rito, nakita kong bumaba ang tingin nito sa mga labi ko bago nagbalik ng tingin sa mata ko, 

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga, "Walang bawian, Cass, ginusto natin parehas 'to." 

---------

A/N: hindi na ako sanay magsulat ng smut mga meshart, imagine what you want to imagine HAHAHAH 






























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top