Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

EPILOGUE I

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Alonzo, Alonzo, eroplano niyo, oh!" Napalingon ako kay Lucas nang hampasin ako nito bago tumuro sa langit. Sinipat ko ang eroplanong tinuturo nito bago nakilala ang mga kulay ng eroplano, "Oo nga, eroplano nga namin 'yan." Seryoso kong sagot, nanlaki ang mata ni Lucas habang napahagalpak naman ng tawa ang iba. 

"Gago joke lang yun, eh!" ani ni Lucas habang humagalpak ng tawa, 

"Sa kanila pala talaga! Ayos ka rin, ah!" Dagdag pa ni Lorenzo, napa-ismid ako bago dinukot ang cellphone ko para sana maglaro nang bigla silang magka-ayaan sa event hall. 

"Anong gagawin natin dun?" Taka kong tanong, napakamot sa batok si Shawn, "Tutulog, dun ka naman magaling-- malamang manonood ng welcome march!" sigaw ni Shawn at napatango ako bago ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. 

Naglakad kami papunta ng main event hall kung nasaan ang mga first year. Naglalakad palang kami sa daan ay marami na kaming mga nakakasalubong. 

"Mata mo Lucas, tumatarget ka nanaman ng babae." Saway ni Edward, napatawa ako ng bahagya bago napa-iling, "Lucas talaga, umagang-umagang, eh." Dagdag ko pa, 

"Ngi! Ako nanaman nakita niyo!" singhal ni Lucas at napahagalpak kami ng tawa habang naglalakad. 

Pagpasok namin sa event hall ay agad kaming gumilid para hindi humarang sa entrance. Sila Howard at Adrian ay agad pumunta sa stall ng org nila habang sila Lorenzo at Lucas ay naglibot-libot para maghanap ng mga pagkain. 

"Umupo nalang kaya tayo," Mungkahi ko habang nagalakad-lakad kami. Sobrang daming tao, hindi ko rin naman alam ang gagawin namin dito kundi ang maglibot-libot. Puro pagkain, merch at kung ano-ano lang naman ang itinitinda rito. 

"Tapos na pala yung march," ani ni Shawn at agad akong napalingon sa kaniya. "Oh? Edi alis na tayo?" tanong ko, napatawa si Xandro sa tabi. 

"Matutulog ka nanaman lang kung saan, maglakad-lakad ka kaya." ani ni Xandro at napasimangot ako bago tumango. 

Tumigil kami sa iba't-ibang stalls, mga pagkain, org, clubs, food stalls at iba pa. Nakabalik na sila Lorenzo at Lucas na may mga dalang drinks at fries. 

"Di na maka-alis sila Howard at Adrian sa stalls nila, mamayang lunch nalang daw sila sasama." ani ni Lucas at napatango kami. 

Naglibot ako ng tingin habang ang mga kaibigan ko ay nagkwe-kwentuhan, naglilibang. Napatigil ang mga mata ko sa isang direksyon, may nakilala akong mukha at sinisigurado ko kung siya nga ba iyon. Napatingin rin ako sa dalawang babae nitong kasama bago napatulala sa isa nitong kasama. 

"Hoy! Nakatingin ka sa kapatid ko!" Nagulat ako nang bigla akong hampasin ni Shawn sa balikat, 

Napakunot ang noo ko bago umiling, "Gago hindi! Siyempre kilala ko kapatid mo!" sagot ko at napatawa sila, 

"Sino tinitingnan mo? Si Marga? Si Cass?" tanong ni Shawn at napakunot ang noo ko bago nagbalik ng tingin sa babaeng kasama ng kapatid ni Shawn. 

"Sino?" tanong ko, kinikilala ang mga pangalan na sinabi niya. 

"Huh? Sino ba? Si Marga o si Cass?" taka niyang tanong, "Yung Cass," sagot ko,

"Kaibigan ni Allison, 'di mo kilala?" tanong niya at agad akong napa-iling, "Hindi, limot ko." sagot ko bago nakidampot ng fries ni Lucas. 

"Grabe kana Alonzo, may target kana agad sa mga first year." Pang-aasar ni Edward, agad ko siyang nilingon habang nakakunot ang noo, "Para tanga! Umay! Ayoko na!" singhal ko at napahagalpak sila ng tawa. 

"Si sad boy nga pala ito. Hindi ka palang nakaka-move on kay Camille, eh? Ano nga pre?" Inakbayan ako ni Lucas, may nakaka-asar na ekspresyon sa mukha niya. 

Suminghal ako, "Ulol!" ani ko bago inalis ang pagkaka-akbay sa akin ni Lucas at naglakad papalyo. 

Pagsapit ng tanghalian ay saka lang ulit namin nakasama sila Adrian at Howard. Malayo palang kami sa canteen ay kita na agad namin ang dami ng tao. 

"Sa simula lang 'yan, magsasawa rin 'yang mga 'yan at kakain sa labas." ani ni Edward at napatawa kami habang naglalakad papuntang canteen. 

Pagdating namin sa stall kung saan balak namin bumili ng tapsilog ay halos nasa bente katao ang nakapila. 

"Haba, sa iba nalang tayo!" Reklamo ni Lucas bago nagdabog pa, 

"Sa iba nalang kaya tayo? Saan niyo gusto?" tanong ni Adrian, 

Pinagmasdan ko ang mga taong nakapila at doon ay nakita nanaman ang babaeng kasama ng kapatid ni Shawn, "Kahit saan ako," turan ko. 

Pinagmasdan ko siya mula paa hanggang ulo, tumatawa siya nang malakas, magaslaw ang galaw, ang buhok niyang nakalugay ay nakadikit na sa kaniyang leeg dahil sa sobra niyang pawis. May suot siyang body bag, naka skinny jeans at puting polo shirt. 

"Alonzo, diyan ka nalang?" Natauhan ako nang tawagin ako ni Xandro, "Ha? Hindi," sagot ko bago agad sumama sa kanila. 

Habang naglalakad ay bigla akong inakbayan ni Lorenzo, "Parang iba ang tingin natin dun sa kaibigan ni Allison, pre? Trip mo ba?" Tumaas ang magkabilang kilay ni Lorenzo para mang-inis. 

Ilang metro ang layo namin sa iba kaya hindi nila narining ang sinabi ni Lorenzo, napasinghal ako bago napatawa nang bahagya, "Pass bro, mukhang maingay at madaldal. 'Di ko type." sagot ko at utay-utay napatango si Lorenzo bago nagkibit-balikat, "Okay, sabi mo, eh." 

"KITA mo nga naman! Nagkasabay tayo!" 

Agad akong napalingon sa likuran ko, nakadungaw si Shawn habang nagpa-park ng kaniyang sasakyan. Napatawa ako habang umiiling bago isinara ang ipintuan ng aking sasakyan. 

"Himala hindi ka late." Bati ni Shawn, napasandal ako sa sasakyan ko habang hinihintay itong lumabas. 

Napatingin ako sa relo, "May event diba? Tsaka aasikasuhin ko pa rin yung sa org natin." sagot ko at tumango ito bago lumabas ng sasakyan niya. 

"Ayos porma natin, ah. Pilotong-piloto ang dating." Bati niya sa damit ko, napatawa ako nang bahgya, "Ayos dating mo diyan, ah. Ready na maghalo ng semento." Bati ko naman sa suot niya, napatawa siya ng pagak bago ako hinampas ng hard hat. 

"Sira! Pupunta yata kami ng site mamaya, para sure na rin." sagot nito at tumango ako. 

"About ba dun sa meeting ng DPRT later, are you done with yours?" Shawn ask while we're walking to our own classes, 

I shook my head, "Nope," I said popping the 'p', "Pero, kaya ko naman tapusin, I just need few minutes." I replied and he hummed, 

Habang naglalakad ay makakasalubong namin ang kapatid niyang si Allison. Napatingin ako sa mga kasama nito at kasama niya ang madalas niyang kasama na sila Marga at Cass na kaibigan niya. Ilang segundong tumagal ang tingin ko sa kasama niyang si Cass habang malayo palang kami.

I look straight forward when we passed by them, I didn't bother looking at their direction when Shawn waved at his sister. 

I just dropped my things inside the classroom where we should be having our first class before we proceed to the event hall for an event. 

I'm clapping since the host told us so when I caught someone looking at me. She immediately looked away the moment our eyes met. It's Allison's friend, Cass. 

I pursed my lips before looking around if there's anyone looking before excusing myself to leave the hall to continue working on my DPRT paper. 

Before lunch, we had our meeting that ended a little bit late. We're walking towards the canteen when I saw her face again, eating with her friends. 

We're walking towards their direction, about to pass by their table. The moment we're beside them, Allison stood up, "Kuya, pwede po kaya magpa-picture ang kaibigan ko sa inyo?" 

Nagulat ako sa tanong niya, napatingin pa ako sa mga kaibigan ko para siguraduhin na ako ang kinakausap niya. Narinig ko ang pagak na tawa ng mga kaibigan ko bago tumabi, nang tingnan ko ang kaibigan ni Allison ay bahagya ako nitong sinisilip mula sa pagkakatungo. 

Nagparte ang labi ko bago tumingin sa gawi nila Lucas, nag-thumbs ang mga ito na animo'y binubugaw ako, "Sure, go lang." sagot ko. Napa-urong ako nang bahagya nang itulak ni Allison ang kaibigan niya sa akin. 

"Hello po," she greeted, I forced a smile for her, "Hi," I didn't know how to respond.

I didn't know what to do, I didn't know if I should smile or not, I don't even know how to pose. I just stood there beside her while she raise a peace sign for the picture. 

My eyes are shifting from the camera to my friends who are teasing me behind the camera. It took almost a minute, I got impatient and asked, "Okay na ba?" 

"A-Ah, yes po, salamat po!" she said, bowing a bit, I just nod before continue walking, my friends trailing behind. 

No one spoke until we reached the tables with our foods. "Diba siya yung ano... trip ni Alonzo noong 2nd year tayo? Yung tinarget niya noong welcome march?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Lucas, 

"Hindi ko trip yun---"

"Weh? Eh siya yung tinititigan mo noong 2nd year tayo." Pang-aasar pa ni Xandro, napa-irap ako bago sumubo ng pagkain, 

"Mukhang trip ka rin naman pre, ayaw mo nun? Gusto kana agad." Dagdag pa ni Adrian at napatawa ako bago umiling, 

"Hindi nga raw type ni Alonzo, sinabi na niya noong 2nd year pa." ani ni Lorenzo at napalingon silang lahat sa gawi nito, "Eh? Sabi niya?" tanong ni Shawn at tumango kami ni Lorenzo, "Oo, kulit niyo." turan ko bago sumubo. 

"NAGLALARO ka nanaman!" Napa-igtad ako nang bigla akong akbayan ni Shawn, 

Napasaltik ako ng dila bago napa-iling, "Akala ko naman kung sino na." turan ko bago nagbalik ng tingin sa cellphone ko, 

"Yiee! May iniintay ka 'no? Si nagpa-picture sa 'yo 'no?" Pang-aasar ni Lucas, napakunot ang noo ko bago siya sinamaan ng tingin, 

"Uy, may pangalan yung tao. Cassandra yung pangalan niya." ani ni Shawn at napa-iling nalang ako, 

Nang matapos ang laro ko ay iniwan ko na rin sila para pumasok. Puno ang schedule ko sa umaga kaya lunch na nang magkita-kita kami. Pagsapit naman ng hapon ay 2pm hanggang 4pm ang huli kong klase. 

Habang hinihintay ang iba naming kaibigan ay tumambay muna ako sa labas ng building namin habang naglalaro. Nang dumating na sila Lorenzo, Xandro at Lucas ay saka kami pumunta ng canteen para kumain. 

Pagpasok palang namin ng canteen ay bigla akong siniko ni Xandro, nilingon ko siya bago may itinuro ang mga mata niya. Nang habulin ko ito ng tingin ay nakita ko yung babaeng nagpa-picture sa akin. 

Napa-ismid ako bago nagpatuloy sa paglalakad para bumil ng hapunan. Pagka-upo namin sa isang table na medyo malayo sa kanila ay biglang nagsalita si Lorenzo. 

"Alam mo Alonzo, gusto ka nun." ani niya at napakunot ang noo ko, "Hindi, nagpa-picture lang yun." turan ko bago sumubo ng kanina, 

Napatawa naman si Xandro, "Ganiyan 'yan si Lorenzo, masyadong feelingero. Akala niya gusto siya ng lahat." Pang-aasar ni Xandro, halos maibuga ko ang kanin sa bibig ko habang sila naman itong napahagalpak ng tawa, 

"Huy hindi ah! Fake news ka!" ani ni Lorenzo at napapatawa ako habang umiiling, 

"Ay? Hindi ba totoo pare? Hindi ba?" tanong naman ni Lucas na parang nang-aasar pa lalo, umiling naman si Lorenzo, "Hindi pare, hindi totoo yun." sagot ni Lorenzo na parang sinasakyan nalang ang pang-aasar nila Lucas, napatawa naman ako habang ngumunguya. Ang liligalig. 

Habang nagtatawanan ay aksidente akong napalingon sa gawi nung babae, parehas kaming nagulat nang mahuli ko siyang nakatingin sa gawi ko. Iyon nga lang ay agad siyang nag-iwas ng tingin habang natigilan naman ako. 

Napatikhim ako bago nag-alis ng tingin at dinampot ang baso ko para uminom ng tubig. 

"Ayos ka lang Alonzo?" tanong sa akin ni Lorenzo, bahagyang nanlaki ang mata ko bago tumango, "Ayos lang," sagot ko bago nagpatuloy sa pagkain. 

Napansin ko ang pag-alis niya at ng mga kaibigan niya dahil sa pag-ingay ng mga bangko. Dumaan pa sila sa likuran namin at nakita ko ang mapang-asar na tingin ni Lorenzo sa akin. 

Payapa akong kumakain nang bigla akong tawagin ni Sir Toledo, "Haze! Halika rito!" Napakunot ang noo ko bago lumingon sa likuran ko, nakita ko yung babae na kausap ni sir Toledo. 

"Ayan na nga po!" bulong ni Lucas habang may mapang-asar na ngisi, 

"Tayo na! Tawag ka," ani pa ni Lorenzo, napabuntong hininga ako bago tumayo at naglakad papunta sa direksyon nila. Habang naglalakad ay nagtagpo pa ang mga mata namin na agad din siyang umiwas ng tingin. 

"Dito ka umupo," tinapik ni sir Toledo ang bangko sa tabi niya, nakangisi pa ito na nakaka-asar kaya naman napasimangot ako nang bahagya. 

I looked at the girl in front of me, she's avoiding any eye contact. Malikot ang mga mata niya at kung saan-saan nakakarating. Sa likod niya ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nagtatawanan at nang-aasar. 

"Oh, Haze, this is Cass, Cass, this is Haze." Miss Garcia introduced the two of us, I forced a smile at her while she hesitantly smiled at me. 

"Hello," I blurted out, not knowing what to do. I've never been in this kind of situation, ever! 

She smiled, "Hello po," she shyly said, I didn't know what to say next, I just sat there. 

Then she spoke, "Kilala ko po si kuya, their old condominium room is our room now." she said, napasigaw pa si sir Toledo bago ako nilingon. 

I didn't know how to react, but his reaction looks funny. I almost burst out laughing but I was able to control my reaction. 

"Kaya ayun po, kilala ko si kuya, we figured out na sila po ang gumamit dati." Dagdag pa niya, I was confused at first how she found out it was us who used to have their room now. 

"Ah, yung sticker names, oo." We used to put sticker names on our stuffs before so our things wouldn't get mixed up. Iyon siguro ang nakita nila sa kwarto nila. 

The whole time I'm sitting across her, she kept stealing glances. But whenever our eyes would meet, she would immediately look away. 

"Oh ano, may gagawin paba kayong dalawa? Haze, kumain kana ba? Ikaw Cassy?" tanong ni sir Toledo, 

I faked a cough, "Kakain palang ako, sir." sagot ko at tumango si sir Toledo, "Ah ganun ba? Sige kumain kana muna." Tatayo na sana ako nang bigla nila kaming pigilan, 

"Pero bago kayo umalis, picture muna." My lips parted,

"M-May picture na po--"

"Iba naman 'yon, dali Haze akin na phone mo. Phone mo ang gagamitin natin." Bahagyang nanlaki ang mata ko, sinamaan pa ako ng tingin ni sir Toledo na may halong pagbabanta. 

I sighed, reaching for my phone from my pocket. 

"Haze, tayo ka sa likod niya, hawakan mo yung sandalan ng chair niya." Utos pa ni Miss Garcia, napakamot ako sa ulo bago tumayo sa likod niya at hinawakan ang likod ng bangko niya. 

"Okay, 1, 2, smile!!" I forced a smile, 

"Ibang pose naman," Nag-thumbs up naman ako, nang bahagya ko siyang tingnan ay nakakiling naman ito, 

I forced another smile, "Ayan! Yehey!" Ini-abot sa akin ni sir Toledo ang phone ko, "Thank you po!" Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palabas, 

Pagka-upo ko ay nabalot kami ng kantyawan, "Ano yun Alonzo? Pamanhikan naba yun?" Pang-aasar ni Lucas, sinamaan ko ito ng tingin bago kinuha ang kutsara at tinidor ko. 

"Siraulo," bulong ko bago ipinagpatuloy ang pagkain. 

Nang matapos ay pumunta na kami sa parking para kunin ang mga sasakyan namin at umuwi ng dorm. Naligo na ako at nagpalit ng damit, paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa sala ng kwarto. 

"Bakit kayo andito?" Taka kong tanong kila Shawn, "Bakit? Bawal ba?" tanong pabalik ni Shawn, napa-iling ako bago naglakad papunta sa kanila, naupo ako sa solong sofa para wala akong katabi. 

May pinaanood sila sa TV habang ako itong kinuha ang cellphone ko para sana maglaro. Pero pagbukas ko ng cellphone ko ay gallery ang unang bumungad sa akin. Napakunot ang noo ko bago tiningnan ang mga pictures namin kanina. 

Napapatawa ako nang bahagya nang makita ang hitsura ko sa pictures. Halos iisa lang ang hitsura ko sa bawat pictures. Ang naiba lang sa iba ay naka-thumbs up ako. 

Nang bumaba ang tingin ko sa kaniya ay nakangiti lang siya, nakakiling o di naman kaya ay tuwid lang. Hindi katulad ng ngiti kong pilit ay mukhang genuine yung ngiti niya, pero hindi maipagkakaila sa mga mata niya na nag-aalangan din siya. 

"Ano 'yan?" Napa-igtad ako nang biglang magsalita si Shawn sa likod ko, agad ko namang naitaob ang cellphone ko. 

"Wala, chismoso." turan ko at napatawa siya bago ako inakbayan, "Balita ko pre nagkaharap daw kayo ni Gonzales kanina? Anong sabi?" Pang-aasar nito, sila nila Edward, Adrian at Howard na wala kanina ay bigla akong kinantyawan. 

"Hindi raw type pero nakipag-usap na, naks! Iba ka talaga Alonzo!" Pang-aasar pa ni Adrian, napasaltik ang dila ko bago inalis ang pagkaka-akbay sa akin ni Shawn. 

"Si sir Toledo ang may gusto nun. Napilitan lang ako," ani ko bago mabilis inalis sa gallery ang phone ko at pumunta sa games. 

"Asus sus sus! Deny pa more!" ani ni Shawn bago ako bahagyang sinakal at bumitaw, 

Napabuntong hininga ako, "Bahala kayo, ang kulit niyo!" ani ko bago naglaro, 

"Don't tell us... hindi kapa nakakamove-on kay Camille?" Napakunot ang noo ko bago mabilis na nilingon si Edward, 

"Siraulo," bulong ko habang naglalaro, 

"Yun naman pala, kaya pala hindi type si Gonzales at hindi pa nakaka-move on--"

"Nakamove-on na ako 'no." Putol ko kay Lorenzo, narinig kong napatawa ang iba sa kanila, 

"Sure ka? Parang hindi pa?" Nag-angat ako ng tingin kay Adrian, "Oo nga, kulit." sagot ko at napatawa sila, wala namang nakakatawa. 

"Baka kaya pa 'yan, Alonzo. Second chance," turan ni Adrian, napakunot lang ang noo ko pero hindi nag-angat ng tingin. 

"Sus, second chance, 'wag na! Ano nga, Alonzo?" tanong ni Xandro at tumango ako, "Matapos niya akong i-two time? Hindi na!" sagot ko at nabalot ng kantyawan ang buong kwarto, napangisi lang ako bago napa-iling. 

SA mag sumunod na araw ay lagi nalang nila akong inaasar. Madalang ko siyang makita kapag mag-isa lang ako. Pero kapag sasapit ng lunch o di naman kaya ay recess kung kailan ko kasama ang mga kaibigan ko ay saka ko naman siya nakakasalubong o nakikita kaya naman nagiging tampulan ako ng asar nila Lorenzo. 

Minsan naman ay sa dorm ko siya nakikita, pag dadating kami ay sakto rin silang dumadating. Pakiramdam ko ay sinusundan na niya ako minsan dahil sa dalas ko siyang makita. 

"Shit, late na ako..." Napabuntong hininga ako bago isinara ang pinto ng kotse ko. Hindi kasi ako natulog ngayon sa dorm at umuwi muna sa amin. Na-late ako ng gising at na-traffic pa. 

When I passed by the canteen, the smell of freshly baked brownies linger in my nostrils. "Miss magkano isang box?" tanong ko sa nagtitinda, 

"180 po," I pulled out a 200 pesos from my wallet, "Isa nga po," I handed her the money, "Keep the change po." I said before picking up a box of 6 pieces brownies and walking away. 

While inside the elevator, I'm looking at the box of brownies I bought. I personally like sweets and pastries. I could just eat this... or I could also just give it to my friends.

The elevator opened, I step out still looking at the box of brownies. Kapag ba ibinigay ko 'to sa isang tao, iisipin niya gusto ko na agad siya? What if trip ko lang ibigay? Parang ayaw ko pala kasing kainin.

Nagulat nalang ako nang may makabunggan ako, "Uy!" Muntikan na akong matumba sa kaniya mabuti nalang at nakapagbalanse pa ako. 

"I'm sorry, okay kalang ba?" Napa-upo siya sa sahig, nang mag-angat siya ng tingin ay laking gulat ko nang makita si Gonzales. Ilang segundo siyang natahimik, hindi nagsasalita at nanatiling nakatingin sa akin, 

"Nasagutan ka ba?" Nag-aalala kong tanong, may masakit ba sa kaniya kaya hindi siya makapagsalita? 

Hindi talaga siya sumasagot at nakatulala lang sa akin, "Miss? Ahm... Cassandra?" Tawag ko sa kaniya, nagulat ako nang bigla siyang tumayo. 

"O-Opo, okay lang po ako." sagot niya na animo'y natataranta, 

My lips parted before nodding, "Sure, if you say so." I said before looking around to see if may gamit paba siya sa sahig. 

"Yung mo brownies mo pala," Napakamot ako sa batok nang ituro ko ang brownies niya sa sahig. 

"Don't worry, I'll pay for it." I said, nakita ko siyang umiling bago ikinaway pa ang magkabila niyang kamay. 

"Okay lang po--" 

I handed her the box of brownies I bought. "Kakabili ko lang niyan, mainit pa." I told her, I again scratched the back of my head, "Sorry for dropping your brownies." I said, I waited for her reaction, she look up at me and I raised both of my brows. 

"Sure kaba na okay kalang? Kasi papasok na ako," I pointed at the classroom, she immediately nod as a response. 

I slowly nod, "Okay, sorry ulit, bye." I turned my back at her before walking inside the classroom. Dahil nakatalikod naman ang prof ay hindi nito napansin ang pagpasok ko. 

"Late ka nanaman!" Pabulong na sigaw sa akin ni Sav, napatawa ako bago umiling, 

Napahalumbaba ako habang nakatuon ang siko sa arm rest ng bangko ko. Dahil hindi ko naman nasimulan ang klase ay nakakatamad nang makinig. Hindi ko na namalayan ang pagbigat ng mga talukap ko at kalaunan ay nakatulog na ako. 

Nagising ako nang tamaan ako ng bag ng kakalse ko. "Sorry pare," ani nito, tuluyan akong nagising at nakita na tapos na pala ang klase. 

"Ayos ah, late kana nga, tinulugan mo pa yung klase." turan ni Sav, napatawa ako bago napa-iling at uminat. 

"Hoy sinong nagkalat ng brownies dito! Para kayong mga bata!" sigaw ng isa naming blockdmate, nanlaki ang mata ko bago napatayo, "Shit!" Napaharipas ako ng takbo palabas, "Alonzo!" Tawag pa sa akin ni Sav, 

Paglabas ko ay inapak-apakan na nila ang brownies na nasa sahig. Napabuntong hininga ako bago nilapitan ang brownies at pinulot ito. 

"Sa 'yo 'yan?" Nilingon ko si Savanna na nakasandal sa pader habang naka-cross ang magkabilang braso. 

Umiling ako bago nagbalik ng tingin sa brownies at pinulot ang maliliit na pirasong nadurog,"Kay Gonzales, nabangga ko siya kanina, natapon yung brownies niya. Binigay ko nalang sa kaniya yung binili ko." sagot ko bago tumayo at itinapon sa basurahan yung brownies. 

"Wait wait, so you're telling me na... andito si Cass kanina? Wait! So kayo yung nakita ko kanina?! At nagkabanggan kayo, tapos... may dala siyang brownies at nabangga mo siya tapos... yung brownies na binili mo, ibinigay mo sa kaniya?" tanong niya, napabuntong hininga ako, "Inulit mo lang yung sinabi ko." ani ko bago siya nilampas, 

"Alonzo ha! Hindi mo naman sinabi sa amin na may progress na pala kayong dalawa!" Habol sa akin ni Sav sa classroom, napabuntong hininga ako bago kinuha ang bag ko, "Ewan ko sa 'yo. Wala namang ibig sabihin yun." ani ko bago siya nilampas at lumabas ng classroom dala ang gamit ko. 

Halos tamarin akong pumasok sa panghapon kong klase. Pumasok nga ako pero tinulugan ko naman buong klase. Nagising ako noong pahuli na dahil nagpa-short quiz yung prof. 

"Iba ka talaga, tulog pero 6 over 10." Pang-aasar ng kaklase ko, napa-iling nalang ako bago inilagay sa bag ko ang papel at nag-ayos na ng gamit. 

Pagbaba ko ng building ay laking gulat ko dahil hinihintay ako ni Lucas at Xandro, "Basketball daw, g kaba?" tanong ni Xandro, ilang segundo akong napa-isip bago tumango, "Sige, g lang." sagot ko, sumakay na ang dalawa sa sasakyan nila at nag-convoy kaming tatlo papunta sa baskteball court. 

Hindi ko na nagawa pang makapagpalit ng short manlang o t-shirt, biglaan silang nag-aya, eh. 

Naglalaro kami nang bigla akong tawagin ni Lorenzo, "Alonzo, bebe mo." ani nito bago may itinuro gamit ang nguso, nang sundan ko ito ng tingin ay nakita ko sila Gonzales na naglalakad sa  may fence. Hawak-hawak pa niya ang box ng brownies na ibinigay ko. 

Nagbalik ako ng tingin kay Lorenzo bago ito sinamaan ng tingin, "Sira," bulong ko, napatawa naman si Lucas, "Yiee, lumingon, bebe niya nga." Pang-aasar pa nito at napa-ismid lang ako. 

Tinawag pa ni Shawn ang kapatid niya kaya naman tumigil pa ang tatlo sa paglalakad. Nanatili akong nakatalikod sa kanila dahil ayaw kong makita si Gonzales. Sila Lorenzo at Lucas naman ay naging tampulan ako ng kantyaw. 

Kinabukasan ay maaga na akong nakapasok, sa dorm na kasi ako umuwi at ginising na ako ni Edward. First period palang ay antok na antok na ako, kaya naman nang magka-vacant ako ay dumiretso ako sa kotse ko para matulog habang naghihintay ng kasunod kong klase. 

4:45pm natapos ang last period namin ni Sav. "Guys, may meeting kasi ang Acads org dito, kung gusto niyong makinig ay okay lang naman basta tahimik lang kayo. Pero if not naman ay baka pwedeng umuwi na kayo." ani nito, napatingin ako sa mga kaklase kong nag-aalisan, nagulat naman ako nang nagpasukan bigla sila Edward at Adrian. 

Hindi na muna ako umalis dahil sasabay na ako kila Edward pag-uwi. Habang naghihintay sila ng members ng club nila ay naupo kami nila Lucas sa may bandang likuran para maglaro. Ilang minuto ang lumipas at nagsidatingan na ang iba. 

"Alonzo, Lucas, kasama ba kayo?" tanong ni Edward, napangisi kami ni Lucas bago umiling, "Umuwi na kaya kayo? Mag-iingay lang kayo diyan sa likod." Sita nito, parehas kaming umiling ni Lucas, "Hindi boss, quiet lang kami rito!" sagot ko at narining kong napasaltik ng dila si Edward. Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili kami ni Lucas na naglalaro sa likod.

"Guys, settle down, 5pm na, yung mga hindi officers ay umalis na muna." Napa-angat kami ng tingin ni Lucas kay Edward, "Una na ako boss," Tumayo si Lucas, "Luh? Gago 'wag na! Dito nalang tayo." Pigil ko rito pero hindi na ako nilingon ni Lucas. 

Napatawa kami nang pabiro pa itong itinulak ni Edward palabas ng classroom. 

Nagtagpo ang mga mata namin ni Edward, "Hoy, Haziel, lumabas kana, tangina mo! Kanina pa kita pinapalabas, tigas ng ulo mo, COD pa!" sigaw ni Edward sa akin, napangisi ako bago nag-angat ng tingin. 

Doon ay nakita ko ang pamilyar na pangangatawan na nakatalikod sa akin habang naka-upo. 

Nagparte ang mga labi ko, "Hintayin ko na kayong matapos, sasamahan ko pa si Savanna umuwi, ibiniliin 'yan sa 'kin." sagot ko, hindi nag-aalis ng tingin sa cellphone. 

"Mahiya ka naman kay Cassandra," Napa-angat ako ng tingin nang magsalita si Sav, may nakakaloko itong ngiti habang nakatingin kay Gonzales. 

Nagsimula na ang meeting nila habang tahimik akong naglalaro sa likod. Si Lucas nasa baba lang ng building pero kalaro ko pa rin sa COD. 

Lumipas na ang isang oras at natapos na ang meeting nila, pero ang mga kaibigan ko ay hindi pa rin umuuwi at may inaasikaso pa. 

"Alonzo, pakikuha nga muna ako ng tubig." Nag-angat ako ng tingin kay Sav, napanguso ako bago napakamot sa batok at lumapit para kunin ang tubigan niya. 

"Ate, saan may water dispenser? Kukuha rin ako mamaya." Bahagya akong napatingin kay Gonzales, 

Napatingin muna sa akin si Sav, "Ah, wala kana rin tubig? Alonzo--"

"Ate 'wag--"

"Ikuha mo na rin si Cassandra." Bahagyang nanlaki ang mata ko, "Cass, yung tubigan mo? Dali at wala namang ginagawa si Alonzo." ani pa ni Savanna, 

Nakita kong kinuha ni Gonzales mula sa bag niya ang tubigan bago ito ini-abot sa akin habang nakatungo. 

"Cold or room temp?" tanong ko rito, saka siya nag-angat ng tingin, "Cold pero hindi yung malamig na masakit sa lalamunan." sagot niya, napakunot ang noo ko bago tumango at umalis. 

Papalabas na sana ako ng classroom nang madaan ko si Adrian, "Dri, samahan mo nga ako." Aya ko rito, hindi naman umangal si Adrian at sinamahan ako palabas, "Sa 'yo 'to," ani ko bago ibinigay sa kaniya ang tubigan ni Savanna. 

"Kanino 'yan?" tanong nito habang nilalagyan ko ng tubig ang kay Gonzales, "Awan," Patay-malisya kong sagot, 

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Adrian nang bahagya kong buhusan ng tubig ang kamay ko para tingnan ang lamig ng tubig. 

"Basta," sagot ko bago sinarhan ang tubigan matapos tantsahin ang lamig ng tubig. 

Pagbalik namin ng classroom ay lumapit ako kila Sav na nasa unahan, "Matagal pa ba kayo? It's 8pm already," Ini-abot ko kay Gonzales ang tubigan habang nakatingin kay Savanna, napahikab pa ako sa antok. 

"8:30 ang sabi ni Edward, ilang minuto nalnag, maghintay kalang diyan." sagot ni Sav, napanguso ako bago naupo sa isang bangko. 

Ginising ako ni Adrian nang natapos sila, inayos lang namin ang mga bangko bago umalis ng classroom at bumaba. Narinig kong nag-uusap si Savanna at si Gonzales pero hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. 

Nagulat nalang ako dahil kasama na namin siya pauwi at nasa unahan pa namin nila Adrian at Edward, ilang metro ang layo sa amin. 

Siniko ako ni Adrian, "Hindi ma ba talaga trip si Gonzales?" Bulong ni Adrian, napakunot ang noo ko bago napatawa nang pagak at umiling, "Hindi," 

"PRE punta nga tayo ng library," ani ko kila Lucas at Howard, nakita kong kumunot ang noo ni Lucas, "Bakit?" Taka nitong tanong, "Basta," sagot ko bago lumiko para pumasok ng library. 

Pagpasok ko ay agad kong nadaan ang mga tables kung nasaan si Gonzales, nag-aaral. Papalapit kami sa gawi niya nang biglang liparin ang isa niyang reviewer na nilipad papunta sa akin. 

Napa-igtad ako nang ma-untog siya sa binti ko, "Oh, Cass, okay ka lang?" tanong ni Howard, nag-angat siya ng tingin at doon ay nagtagpo ang mga mata namin. 

Agad akong nag-iwas ng tingin, kunyaring may hinahanap sa loob. "Okay lang po ako," narining kong sagot niya, 

"Bakit nga ba tayo andito, Haze?" Nilingon ko si Lucas bago napalunok ng laway, "May hahanapin lang ako na libro, tara na." ani ko bago nilampasan si Gonzales. Dumiretso agad ako sa aviation section, kunyaring may hinahanap. 

"Ano ba kasing hahanapin mo? Lunch time na, oh. Maawa ka naman sa 'min." Pagmamaktol ni Lucas habang nakasandal sa shelves, napabuntong hininga ako, "Gagi wala rito." bulong ko, "Tara na," Pag-aaya ko sa dalawa, tumango si Howard habang napakamot naman si Lucas. Pagdaan namin sa table kung nasaan si Gonzales kanina ay wala na siya doon. 

"Saan kayo galing?" tanong sa amin nila Xandro nang dumating kami sa canteen, "Si Haze eh, hinigit pa kami sa canteen, may hahanapin daw, wala naman." Pagmamaktol ni Lucas, napangisi lang ako bago umiling at nagsimulang kumain. 

"Guys, Revel mamaya? G?" Aya ni Adrian, "You know I'm g, bro." Lorenzo answered immediately, "I'm g, what time?" Edward asked, I kept my head low while eating, listening to their conversation. 

"6pm agad? After class?" Adrian suggested, I slowly nod, "G ako," I shortly replied, 

"G na kami ni Howard," sagot ni Xandro, "Shawn?" We all looked at Shawn, he shrugged, "Hindi ko sure," sagot niya at napabuntong hininga kami, "Wala kang choice, kasama kana." sagot ni Xandro at napahagalpak kami ng tawa. 

Nakatulugan ko ang last subject ko, kaya naman pagbaba ko ng building ay inaantok pa ako. 

"Pumasok kapa, tinulugan mo nanaman klase mo." turan ni Edward, kumpleto na silang naghihintay sa akin sa baba ng aviation building. Ang sari-sarili nilang sasakyan ay mga naka-park na sa harap ng building. 

Napabuntong hininga ako bago ipinasok sa sasakyan ko ang bag ko, "Boring kasi, pwede bang magpalipad na ako ng eroplano?" tanong ko at napahagalpak sila ng tawa. 

Bigla akong binatukan ni Shawn, "Atat ka masyado! Tara na!" Pag-aaya nito bago lumapit sa sasakyan niya, 

Itinuro ko si Shawn, "Siya yung hindi sure kanina, diba?" tanong ko at napatawa sila bago nagsisakayan na sa mga sari-sarili nilang sasakyan. 

Magkakasunod kaming walo papuntang Revel. Halos hindi kami masingitan at kung masisingitan man ay nag o-overtake kami, lalo na si Adrian. 

Nagkahiwa-hiwalay lang kami sa parking, hinintay pa namin sila Howard at Edward na napalayo ang parking bago kami tuluyang pumasok ng bar. 

"Anong atin guys?" tanong ni Adrian nang maka-upo kami, "Johnnie?" tanong ko at nagtanguan sila, "Johnnie tayo guys? Johnnie ha? Sure 'yan? Anong Johnnie?" tanong ni Adrian, 

"Blue Label bro," sagot ni Edward at tumango ako bago binunot ang phone ko sa bulsa, "Isa lang?" tanong ni Adrian at bahagya akong napatawa, lalakas talaga uminom. 

"Gold Label pare," sagot ni Xandro at tumango ulit ako, "Sure? Final?" tanong ni Adrian at nakitango nalang ako habang sila ay sumagot, 

Pagbalik ni Adrian ay dala na rin niya ang mga inumin habang may dalawang waiter ang nakabundot sa kaniya. 

"Anong pulutan natin?" tanong agad ni Lucas, "Ito ay inuman, hindi 'to handaan~~" Pang-aasar ni Xandro at napahagalpak kami ng tawa, sunod-sunod sinerve ang mga pagkain. 

"Calamari, OG!" Agad kumuha ng tinidor si Shawn para kumuha ng calamari, "Tatlong yung calamari na in-order ni Adrian, alam na gahaman kayo ni Haze si calamares." Napalingon ako kay Edward, 

"Grabe ka naman," ani ko bago kumuha ng sushi. 

Nang umalis ang mga waitress ay saka binuksan ni Adrian ang alak, kaniya-kaniya kaming dampot ng baso para salinan ni Adrian. 

"Problemado ka 'no?" Narining kong tanong ni Edward kay Adrian na umupo sa pagitan namin, "Kapag nag-aya ng inom, matic may problema na agad? Edi problemado masyado sa buhay si Lorenzo?" Pang-aasar ko at napahagalpak sila ng tawa, "Gago ka Alonzo, ako nanaman nakita mo!" ani ni Lorenzo at napatawa ako habang umiiling bago sumimsm ng alak. 

"Stressed lang, hindi naman masyadong problemado." sagot ni Adrian, "Alam mo pare, ride lang kailangan niyan." sagot ko bago kumuha ng calamares, 

"Exactly, bro! Diba!? Ang tagal ko nang hindi nakikipag-karera! Miss ko na, bro!" Sumimsim ng alak si Adrian, 

"Mamaya, ano? G?!" Pag-aaya ni Lucas, "G ako," Turan ko, "I'm in bro, alam niyo 'yan!" Umalis sa pagkakasandal sa sofa si Adrian, 

"Tumigil kayo, kakasimula palang natin may tama na agad kayo." Napalingon kami kay Edward, 

"Tanginang 'yan, may tama agad? Ulol!" ani ni Lucas bago sumimsim ng alak, napahagalpak kami ng tawa sa sinabi ni Lucas. 

Hindi tumagal sa amin ang isang bote at ganun din ang tatlo pa. Um-order pa si Adrian ng apat na bote ng parehas na alak. Nang maubos namin ang pang-walo ay nagka-ayaan silang sumayaw. 

"Si Alonzo, oh, hindi makasayaw! Lasing na 'yan!" Pang-aasar ni Lucas, tinaasan ko ito ng middle finger, "Siraulo, sumayaw ka dun!" Itinulak ko ito palayo, naiwan kami nila Howard at Shawn sa bangko, 

"Pusta ko, pagbalik ng mga yun, may babae nang kasama." ani ni Shawn at napatawa ako bago tumango, "Sure yun," ani ko, inilapag ni Shawn ang baso niya, "At hindi ako papatalo," ani nito bago naglakad palayo, papunta sa gitna. 

Natigilan kami ni Howard at nagkatitigan bago napahagalpak ng tawa, "Ikaw? Hindi ka sasayaw?" tanong ko at umiling ito bago umiling pero tumayo, "No, pero magba-banyo ako." ani nito at napatawa ako, "Baka dun ka makakuha, ha?" Pang-aasar ko at napatawa siya bago umiling at naglakad palayo. 

Napabuntong hininga ako bago dinampot ang phone ko na nasa lamesa. Gusto ko sanang maglaro, pero medyo nahihilo ako, baka matalo pa ako, bumaba pa rank ko. 

"Hey!" My head jolted up when a girl shouted in front of me, "Finally! I've been calling you kanina pa, hindi mo 'ko pinapansin." Pagrereklamo niya, napakunot ang noo ko, "Well... the music's loud that's why." I replied and she rolled her eyes, "Come dance with me!" she reach for my arm that I immediately yanked away. 

"Uh... no, I don't dance." I said with a straight face. I'm clearly not interested in her. 

Her lips parted, "What about... it's maingay nga here 'no? Labas tayo?" Pag-aaya niya, I squinted my eyes before massaging my temples. 

"Look, no, I'm not interested." I blurted out, her lips formed a big 'o' shape, "Gosh, come on! This will be fun--"

"Miss, no! I'm not interested." I sternly said before picking up my drink, she stomped her feet on the floor before marching away. 

A chuckle escaped my lips, "I saw that," nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Howard. 

"Ang bilis mo," turan ko at napatawa siya, "Bathroom's too crowded, had to leave immediately." he replied, 

Half an hour after, bumalik na sila Lorenzo. Mali sa inaakala namin ni Shawn na may mga kasama silang babae. 

"Wala kang nabingwit, ah?" Bati ni Howard nang maupo sila, natawa si Lorenzo, nakatingala, "Tangina, ang sarap niya." Halos maibuga ko ang iniinom kong alak,, 

"Gago?!" Gulat na tanong ni Shawn, napatawa si Lorenzo bago humarap sa amin, "Yung labi niya!! Ughh! Tangina!!" Napahilamos sa mukha ni Lorenzo, nagkatinginan kami bago sabay-sabay napa-iling. 

"Kawawa panganay na anak nito," bulong ni Xandro habang napapa-iling, napatawa ako bago sumimsim ulit ng alak, um-order pa kami ng isa ni Howard habang hinihintay sila. 

"'Wag sana babae ang panganay ni Lorenzo." Dagdag pa ni Howard at napapatawa nalang ako. 

Nagpahulas lang ang iba bago kami nagka-ayaan nang umuwi. Medyo nahuli ako sa kanila dahil mabagal na ang pagpapatakbo ko, hindi pa bumababa ang tama ko at sumasakit pa rin ang ulo ko. 

Hindi agad ako dumiretso ng dorm dahil magpapababa muna ako ng tama. Pumunta muna ako sa 7/11 para bumili ng tubig at pagkain. 

I'm paying by the cashier when a familiar face caught my attention. A smile drew on my lips before walking towards her. 

This is the first time I get to be this close to her. 

Masyado naman siyang busy. 

She's too focused on her reviewer. She would spare me some glance, look at me and answer my nonsense questions. But at least she still do. 

Cute pala siya kapag nagfo-focus. Nakanguso siya habang nagbabasa pero nakakunot ang noo niya.  I enjoyed watching her study. Though I kept on asking questions and bothering her. Nakakatuwa siyang mainis. Hindi man niya ipinapakitang naiinis siya pero alam kong nagpipigil siya. 

"Okay na, I'll shut up na." I said before leaning on the table, pillowing on both my arms. 

Hindi ko namalayan ang oras, nakatulog ako sa tabi niya habang nakasubsob sa lamesa. Naramdaman ko ang pagtapik ni Cass sa balikat ko habang tinatawag ako. 

I wanted to wake up, kaso masyadong mabigat ang talukap ng mga mata ko at parang binabaak ang ulo ko. 

She stopped from trying to wake me up, giving me the chance to fall asleep again. 

"Huh!?" 

Nagulat ako nang bigla akong tumayo, "Gago?!" Napalingon ako sa kaliwa't kanan ko, "Gago?" Napatawa si Lorenzo at Xandro, 

"Tangina mo, kanina pa kami natutulog sa dorm tapos ikaw andito ka lang pala." ani ni Lorenzo at napatawa ako nang bahagya, 

"Inistorbo mo pa talaga si Gonzales," Dagdag ni Xandro, napa-angat ako ng tingin, "Andiyan pa siya?" tanong ko, nakita ko siyang kausap ni Howard. 

"Gago, Alonzo!--" Halos matumba kami nila Lorenzo nang muntikan na akong ma-out balance. 

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong tumatakbo palabas si Cass. Napabuntong hininga ako, "Gago, Alonzo! 'Wag ka magpabigat!" Saway sa akin ni Lorenzo, 

"Nakakapaglakad kaba nang maayos o hindi talaga?" tanong pa ni Xandro, "Pre... kaladkarin niyo nalang ako, ang sakit na ng ulo ko." turan ko bago napatungo, may narining akong humagikhik bago nga ako kaladkarin nila Lorenzo. 

"Susi mo, Alonzo?" tanong ni Edward, "Bulsa," bulong ko, 

"Bulsa raw!" sigaw naman ni Lorenzo, kinapkapan ako ni Edward bago niya nahanap sa bulsa sa harap ang susi. 

Naririnig ko pa silang mag-ingay bago ako biglang ipinasok nila Lorenzo sa sasakyan, "Ayusin niyo naman! Para nating isa-salvage si Alonzo!" Napatawa ako sa sinabi ni Shawn, tumabi sa akin si Lorenzo sa kanan habang si Xandro naman ay umikot sa kabila. 

"'Di mo ba talaga kayang maglakad?" tanong ni Lorenzo habang kinakaladkad ako sa hallway, ilang metro nalang layo namin sa kwarto. 

Napangisi ako, "Kaya ko, ayaw ko lang," sagot ko, "Gago ka, Alonzo! Bigat mo gago!" ani ni Lorenzo bago kami tuluyang nakapasok sa kwarto. 

"Gising na pogi!" Napa-inat ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko, 

"Lasing kaba talaga kagabi o... nagpapanggap ka lang para kay Gonzales?" Napa-upo ako bago sinamaan ng tingin si Xandro na naka-upo sa kama niya, umiinom ng kape. 

"Lasing ako kagabi--"

"Si Haze Vergara?! Nalalasing?! Kami nga hindi, eh." Putol sa akin ni Lorenzo, napabuntong hininga ako, "Ulol, umisang bote pa kasi kami ni Howard noong wala kayo, kaya mas malakas tama namin." sagot ko bago bumangon ng kama. 

Pagkadampot ko sa cellphone ko sa lamesa ay naagaw ng isang papel ang atensyon ko. "Ano 'to?" Taka kong tanong nang damputin ang papael, 

"Ah 'yan? Review 'yan ni Gonzales, ginawa mong unan kagabi. Kinuha ko na, baka kailangan pa niya, eh." sagot ni Xandro at tumango ako bago kinuha ang towel ko para maligo. 

Akala ko ay mala-late ako sa pagpasok, mabuti naman at hindi. Yun nga lang ay tinulugan ko lahat ng klase ko sa umaga. 

Lunch time nang nagpasama sa amin si Xandro sa Medical Department, naglalakad kami sa hallway na maingay nang may biglang nakabangga kay Xandro. 

Una akong napatingin sa nakabangga kay Xandro bago naglipat ng tingin sa mga kasama nito. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita si Gonzales. Napatikhim ako bago nag-iwas ng tingin. Hanggang sa malampasan namin sila ay hindi ko manlang siya nilingon. 

Pagkagaling namin sa Medical Department building ay dumiretso na kami sa canteen dahil andoon na ang iba. 

Akala ko ay papalipasin nila ang nangyari kagabi pero maling-mali ako dahil hndi nila ako pinapatahimik. 

"Kaya pala ayaw sa mga babae sa bar at yung babae na nasa 7/11 ang gusto." turan ni Howard at napabuntong hininga ako habang halos sakalin na ako ni Shawn sa pang-aasar. 

Lumapit sa akin si Lucas, "Deny pa na hindi mo trip si Gonzales!" Pabulong na sigaw nito, napasaltik ako ng dila bago napa-iling. 

Tinapik ako bigla ni Edward, "Alonzo, 'wag ka munang titingin. Nakatingin sa 'yo si Gonzales sa may likod--" 

Hindi ko gaanong naintiindihan ang unang sinabi ni Edward. Nilingon ko ang direksyon na sinasabi niya at doon ay nahuli kong nakatingin sa akin si Gonzales. Nanlaki ang mata niya bago nag-iwas ng tingin. 

"Sabi ko 'wag ka munang tumingin!" Hinampas ako ni Edward sa braso, napatawa ako nang bahagya bago napa-iling. 

"Kulit mo, nahiya tuloy." bulong ni Edward na kaming dalawa lang ang nakakarining. 

"Bakit? Anong ginagawa?" tanong ko bago sumubo, nakita kong bahagyang tumingin si Edward sa likuran, 

"Nag ce-cellphone, lumilingon pa rin." sagot ni Edward at tumango ako, 

Pagkatapos namin kumain ay naghiwa-hiwalay na ulit kami para pumunta sa mga sari-sarili naming klase. Himala dahil hindi ko nakatulugan ang panghapon kong klase. Sapat na siguro ang pagtulog ko kaninang umaga. 

Wala namang kahit anong pag-aaya sa amin kaya naman pagkatapos ng last period ko ay dumiretso na ako sa dorm. Nagpalit agad ako ng damit bago nahiga sa kama para matulog. 

6:30 nang magka-ayaan sila sa baba, may binili sila Howard na pizza, sakto dahil hindi pa ako naghahapunan. 

Pagbababa namin nila Xandro ay andoon na sila. Halos maubos ang unang box ng pizza, mabuti nalang at tatlong box ang binili nila Howard. 

"Kanina pa kami nag me-message sa inyo, hindi niyo pinapansin." turan ni Shawn habang nakanguso, 

Napasuklay ako ng buhok, "Sorry, tulog ako." sagot ko bago kumagat ng pizza, "Lagi naman," Napatawa kami sa tono ng boses ni Shawn, halos masamid pa ako sa pizza. 

Saka lang ako ng check ng messages ko, marami na ang ang message nila sa group chat. Napakunot ang noo ko nang makita ang message na sinend ni Gonzales na kanina pang tanghali. 

From: Andrea Cassandra 

Hi kuya! May nakakuha po kaya sa inyo ng reviewer ko kagabi? Naiwan ko po yun sa table, if may nakakuha po, pwede po kayang mahingi? Thankie po! 

"May kukunin lang ako sa kwarto," tumayo ako mula sa pagkakaupo bago lumabas ng lobby. 

Pagkabalik ko sa kwarto namin ay agad kong kinuha ang reviewer na nakita nila Xandro kagabi bago bumalik sa baba. 

"Ano 'yan? Yung review ni Gonzales?" tanong ni Xandro at tumango ako habang nag ta-type ng reply sa kaniya. 

To: Andrea Cassandra

hi, I have your reviewer, andito ako sa lobby. 

"Bakit?" tanong ni Lorenzo, umiling ako bago inilapag ang cellphone ko, "Wala, hinahanap niya yung reviewer, sabi ko andito ako sa lobby." sagot ko bago kumagat sa pizza. 

Nagka-ayaan kaming maglaro habang kumakain. Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang magsalita si Xandro. 

"Andiyan na si Gonzales, papalapit na." bulong ni Xandro na hindi ko pinansin. 

Dahil nasa may gilid ako ay naramdaman ko na agad ang presensya niya sa tabi ko. 

"Kuya Haze?" Narinig ko ang una niyang tawag, hinihintay ko siyang tawagin niya ulit ako pero tinapik naman ako ni Xandro kaya napa-angat na ako ng tingin. 

"Kuya Haze raw." turan ni Xandro, saka ko siya nilingon sa tabi ko. 

"Bakit?" Patay malisya kong tanong, "Yung reviewer ko po," ani nito, dinampot ko ang papel na nasa may kay Lorenzo bago ito ibinalik sa kaniya. 

Pagka-abot ko nito ay agad akong nagbalik ng tingin sa nilalaro ko. Hindi ko alam kung ano paba ang sasabihin ko. Medyo nahihiya na rin ako dahil alam kong kakantyawan nanaman lang ako ng mga kaibigan ko sa isang maling galaw ko lang. 

"Thank you po," narinig kong turan niya bago naglakad palayo, 

"Aray!" Napadaing ako nang bigla akong batukan ni Shawn, "Napaka-snob mo! Mag thank you ka kay Gonzales! Kung hindi dahil sa kaniya baka napag-initan ka nanaman sa 7/11!" Nanggigigil na turan ni Shawn na katapat ko.

"Oo nga, wala ka bang puso?" Pang-aasar pa ni Xandro, napakamot ako sa batok bago napatawa at naunang magsalita ang bibig ko kaysa mag-isip, "Salamat nga pala sa kagabi! Sorry rin dahil na-abala kita!" I shouted, catching the attention of other students in the lobby. 

A lot of head turned at our direction, Gonzales, who I was talking to stopped walking. She turned around and smile before raising a thumbs up and rushing out of the lobby with her friends. 

"What was that?" I look back at Howard, "Why are you making a scene--"

"What?! I'm not!" I cut him off before sitting back down, Xandro chuckled, "You are, you just did. Grabe, we just told you to thank her not make a movie-like scene." he said and my brows furrowed before shaking my head and picking up my phone, "Talo tuloy," I hissed before shaking my head. 

THE next day, my friends won't stop teasing me about what happened. They kept on teasing and making fun of me. Mocking and repeating what I just said. 

Every time we would see Gonzales, every time we would pass by them, they would immediately make fun of me once we're meters away. 

Some people, my blockmates would sometimes ask me about what happened that night. They probably heard it from others and would keep on teasing me about it, nakakainis na rin. 

Girls would ask me if there's something between me and Gonzales, I would always not give them any respond and would laugh instead. 

"Alonzo, we're going na, saan kapa?!" Edward shouted when I run back inside the aviation building, "May nakalimutan lang, I'll be quick!" I shouted back before taking the stairs, 

I'm walking through the hallways when voices started echoing, my brows furrowed before tracking where the voices are coming from. 

It's surely not ghosts because ghosts won't talk about me. 

"Pero kamusta naman kayo ni Haze?" 

Napakunot ang noo ko bago dahan-dahan na sumilip sa bintana ng isa sa mga classrooms. 

"Hindi nga ako pinapansin. Para siyang sira..."

"What are you--"

"Ssshh!!" I covered Edward's mouth before immediately shushing him, his brows furrowed and I slowly removed my hands from his mouth. 

"The fuck? What's wrong with you?" he mumbled, I scratched the back of my head, "Sav, Gonzales and her friends are inside. I forgot my charger inside, would you get it for me?" I asked and he raised his brow. 

"You get it yourself--"

"No! They're talking about me and there's no way I'll go inside." I cut him off, he sighed before nodding. 

"Anong ginagawa niyong apat dito?" 

Nang pumasok si Edward sa loob ng classroom ay agad akong tumakbo pababa ng hagdan. Baka ma-abutan pa nila ako at makita, iniiwasan ko nga sila, siya. 

"Si Ed?" tanoong ni Xandro nang makalabas ako ng building, "Nasa taas, may pinapakuha lang ako," sagot ko bago dali-daling pumasok ng sasakyan ko. 

Ilang minuto ang nakaraan bago ko nakitang bumaba ng hagdan si Edward, kasunod nito sila Sav at Gonzales. 

I let out a sigh before starting the engine of my car and soon drove off. 

"The fuck happened kanina?" Takang tanong ni Xandro bago ibinaba ang baso niya, 

Napabuntong hininga ako bago umiling habang pinaglalaruan ang baso kong may lamang alak. 

"Alonzo's avoiding Gonzales." Edward blurted out, my brows furrowed before my head turn at his direction. 

"I'm not avoiding her," I defended, Edward took a sip of his drink before raising a brow, "You could've just entered that room even though Gonzales is there, but no, you didn't. Why? Because you're avoiding her." Edward snapped, I sigh before taking a sip of my drink, shaking my head. 

"I just don't wanna see her--"

"So you're avoiding her?" I glared at Howard who have this teasing smirk printed on his face. 

I sighed again, shaking my head, "No nga sabi, ang kulit niyo. I just don't want to see her, that's all." I said before reaching for food. 

"Why? It's weird, why don't you want to see her? Are you perhaps... embarrassed because of what happened?!" Adrian started making ridiculous assumptions. 

"Oo nga naman! Yun ang dahilan!" sigaw ni Shawn, napa-iling ako habang sila itong nang-aasar na, 

"Kung ako yun? Binantayan ng babae kasi lasing? Papaputol ko--"

"Sana nga, sana ipaputol mo na!" Putol ko kay Lorenzo at napahagalpak sila ng tawa, 

"Allowance, allowance kasi." sagot ni Lorenzo at napahagikhik ako, 

"Mas okay pa yatang si junior mo ipaputol mo kaysa allowance mo." turan ni Howard at napahagikhik ako habang umiiling. 

"Alam niyo hindi pa rin ako naniniwala na nag pass out si Alonzo kagabi. Siguro umaarte ka lang para bantayan ka ni Cass, ano?" Sinamaan ko ng tingin si Shawn, "Ulol," turan ko bago sumimsim ng alak. 

Nawala sa akin ang atensyon nila, buti naman. Tahimik akong umiinom habang nakikitawa sa mga pinag-uusapan nila nang biglang magsalita si Howard. 

"Could it be that you like Gonzales, Alonzo? I mean... isn't it a normal reaction when you see your crush? To walk to the opposite direction?" 

We all went silent, my brows furrowed while trying to understand what he just said. 

"Kung ano-ano sinasabi mo--"

"Tama! Tama ka dun!!" Nagulat ako nang biglang pumalakpak at tumayo si Shawn para kamayan si Howard. 

"Alonzo, crush mo si Gonzales 'no? Kaya ka ganiyan? Boi, ni isa wala kang babaeng iniiwasan! Si Gonzales lang! Naku! Si Gonzales lang pala ang magpapatibok ulit sa puso mong inaamag." Napahagalpak sila ng tawa sa sinabi ni Shawn habang ako naman ito napa-irap at singhal bago umiling. 

"Lasing kanang hayop ka!" ani ko bago ito itinulak paupo. 

Hindi pa sila nasiyahan sa lima na bote ng alak na naubos namin at bumili pa talaga. Hindi na ako gaanong uminom dahil nagpapababa na ako ng tama. Nang tumunog ang kilala nilang kanta ay tumayo silang lahat. 

Sumayaw sila Lorenzo, Shawn at Lucas habang ang iba ay tinatawanan lang sila. Sumunod-sunod ang magagandang kanta at kung hindi lang malakas ang tama ko ay baka nakisayaw na rin ako. 

Nakita kong nagvi-video si Shawn habang sumasayaw sila Lorenzo sa gitna. Napapatwa at napapa-iling nalang ako. Nilapitan pa ako ni Shawn para mag-picture. 

"Ito nalang boss, picture nalang, hindi ka kasi maalam sumayaw." Panlalait nito, napatawa ako bago napa-iling at nag-pose para sa picture niya. 

Kalahating oras ang nakalipas at nagka-ayaan na silang umuwi. Noong una ay pinapakiramdaman pa namin ang isa't-isa. 

"Hoy! Kaya niyo ba?!" sigaw ni Shawn habang nakadungaw sa sasakyan niya, 

"Mas okay pang magkabanggan tayong walo kaysa mahuli ng pulis!" sigaw pabalik ni Edward at napatawa ako bago umiling. 

Ang tanging nagmabilis lang sa aming tumakbo ay si Adrian. Malakas din ang tama nun, sadyang mayabang lang pagdating sa kalsada. 

"Sumayad ako sa gate, tangina!" 

Pagkalabas ko palang ng sasakyan ay nakita kong nagkakagulo sila sa may sasakyan ni Xandro. Lumapit ako para makitingin, "Kamusta yung gate?" tanong ni Shawn at napatawa kami bago binatukan ni Xandro si Shawn. 

Pagpasok namin ng dorm ay dumiretso na agad kami sa elevator. Doon ay nakasabay namin ang kaibigan ni Gonzales 

"Musta tayo boss?" Binati ito ni Shawn, napatawa sila dahil ang random ng pagbati ni Shawn dito, 

Napatawa naman si Simon, "Lasing ba kayo?" Hindi makapaniwalang tanong nito, 

"Hindi boss, ha, hindi kami lasing." Pagkukulit ni Shawn at napapa-iling ako. 

Naglibot ng tingin sa amin si Simon, "Lasing ka rin kuya Haze?" tanong nito at nahihiya akong tumango. 

Utay-utay siyang tumango, "Try mo pumunta 7/11 mamaya, baka pumunta si Cass." ani nito at napakunot ang noo ko, 

Sila Shawn, Xandro at Lorenzo na kasama namin ay napangisi habang nakatingin sa akin, "Bakit?" Taka kong tanong, 

Nagkibit-balikat ito, "Wala lang, makulit kasi si Cass, pinagsabihan ko na yun. Panigurado nakita na niya yung IG story ni kuya Shawn na nag-bar kayo, baka i-check nun 7/11 mamaya. " sagot nito, bumukas ang pinto ng elevator bago ito lumabas. 

"Hindi ka pupuntang 7/11?" tanong sa akin ni Xandro, nakahiga na kami ngayon at patulog na. 

Umiling ako habang nakatutuok sa cellphone, "Hindi na, inaantok na ako." sagot ko at nag-hum lang si Xandro bago nagtalukbong at naiwan akong gising. 

Mag a-alas dose na nang patayin ko ang cellphone ko at nagkumot. Nakaharap ako sa may bintana nang matanaw ko mula sa kwarto namin ang 7/11. 

Napabuntong hininga ako bago tumalikod sa bintana. 

Hindi naman siya pupunta sa 7/11 diba?  Delikado na para pumunta pa siya. 

Ilang segundo akong nakapikit... hanggang sa hindi ako nakatiis at bumangon. Dinampot ko ang wallet at cellphone ko. 

"Hindi ka nakatiis 'no? Puntahan mo na." Napalingon ako kay Xandro na nakapikit pero nakangisi, 

"Sira, may bibilhin lang ako," sagot ko bago lumabas ng tulugan.  

Dali-dali akong lumabas ng dorm. Kahit medyo malamig ay naglakad ako papuntang 7/11. 

Napakunot ang noo ko nang nasa labas palang ako ay nakita ko si Gonzales sa may cashier. Pagpasok ko ay hindi ako nagpahalatang nakatingin sa kaniya. 

Mabilis akong kumuha ng sandwich at energy drink at sumunod sa kaniya sa pila. Pinagmasdan ko siya habang nakatalikod, lingon ito nang lingon kung saan-saan. Nang lingunin niya ako at magtagpo ang mga mata namin ay agad siyang naglayo ng tingin bago nagpasalamat sa cashier at umalis. 

"'Yan lang po," turan ko sa cashier bago inabot ang bayad ko, paglingon ko sa may pinto ay andoon pa rin siya at nakatayo. "Thank you," kinuha ko sa cashier ang binili ko bago lumapit kay Gonzales. "Lalabas kana ba?" Nagulat pa siya sa tanong ko at nagpasalamat. 

Magkasama kaming bumalik ng dorm. May mga tinanong siya sa akin na sinagot ko nalang. Hanggang pagsakay namin ng elevator ay magkasama kami. Tahimik lang siya sa buong elevator ride. Pinagmamasdan ko ang kamay niyang hawak ang isang supot dahil medyo malikot ito at umiingay. 

She seems uneasy and frustrated. Ramdam ko kahit magkatabi lang kami at wala siyang sinasabi. Nang bumukas ang pinto para sa floor ng dorm namin ay agad akong humakbang palabas, "Kuya!" Agad kong hinawakan ang gilid ng pinto ng elevator nang tawagin niya ako. 

"Sa inyo nalang po," Ini-angat niya ang supot na kanina pa niya pinaglalaruan, "Hindi ba para sa inyong tatlo 'yan? O para sa 'yo?" tanong ko, umiling siya, "Hindi po, kanina gusto ko, pero hindi ko na po pala gusto, sa inyo nalang." sagot niya, utay-utay akong napatango bago ito kinuha. 

"Thank you," I smiled at her, I'm truly thankful. 

For some reason the thought that she went there thinking I would be there sounds very thoughtful for me and it moved me a bit. 

I let go of the elevator and faced my back at her before walking away, opening the paper bag filled with the chocolates she bought. Is she this thoughtful to everyone? 

"WHY are you here?!" 

I didn't mean it to sound rude or mad, nagulat lang ako na andito si Gonzales sa office ng mommy ko. Sa dami-daming lugar na pwede kaming magkita, dito pa. What is she even doing here?! 

I don't like the idea of my mother meeting a girl who's somehow related to me. Lagi niyang iniisip na girlfriend o nililigawan ko ito. Kahit si Savanna napagkamalan niyang nililigawan ko. And I hated it, I hate how she always assume things. 

I had no choice but to join them two as they chat. If this is a different girl, I would have already left. But it's different this time, I don't know why but I don't want to leave. Baka kung ano-anong tanungin ni mommy. Baka maging uncomfortable si Gonzales. 

As expected, mom asked her if she has a boyfriend. I sighed and looked at her, waiting to answer. When she said she don't have one, a  scoff escaped my lips. 

"I'm... I'm interested in this one guy po, pero secret lang." 

My brows furrowed, I looked at her as she talks with my mother. What she just said started echoing in my mind. I tried to brush it off but it kept repeating and repeating. 

When mom asked me if I have a girlfriend, that's when I got into a bad mood. 

"Let's go Cass, ihahatid na kita sa baba." I wanted to leave but I also don't want to leave Gonzales here. 

Makulit si mommy, ayaw pakawalan si Gonzales. Nag e-enjoy pa sa pakikipagkwentuhan. 

I had to come up with an idea, "Balita ko may lab test kayong kailangang tapusin? Your groupmates are probably waiting for you, tara na." I said, trying to convince mom to let her go. Mabuti nalang mahilig magkwento sa amin si Shawn, pati projects ng kapatid niya sinasabi niya sa amin. 

Thank God mom bought it. I was able to leave her office with Gonzales. 

"KJ," 

"Hindi ako KJ, I was saving you from my mother's kadaldalan." I said, hearing what she just murmured. 

I thought I did her a favor, turns out she's enjoying being interviewed by my mother with her silly questions. Kaya siguro sila nagkasundo ni mommy dahil parehas silang makulit. 

"Let's go, I'll treat you ice cream." I need something to make her shut up. 

"Saan mo 'ko ili-libre? Gusto ko sa DQ!" Napakunot ang noo ko bago siya nilingon, "Mahal naman," turan ko, 

"Grabe ka naman sa mahal! Ang yaman-yaman mo! Namamahalan ka sa DQ? Kuripot kaba, kuya?" tanong niya, napatawa ako sa kakulitan niya bago umiling. "Fine, sige na, bayad na rin sa pagbabantay mo sa 'kin sa 7/11." 

"Na-aalala mo yun, kuya?" I was caught on guard when I realized what I just said, I faced her and shook my head.  "Hindi, sinabi lang sa 'kin nila Shawn." I said before continue walking. 

Tinanong niya kung sasakay ba kami sa sasakyan ko. Naisipan ko biglang pag-tripan siya kaya naman nilakad namin ang papunta sa malapit na mall. Nauuna pa akong maglakad sa kaniya at ilang metro ang layo namin nang marining ko siyang sumigaw. 

"Are you okay?" tanong ko rito, "Oks lang po," sagot niya at napatawa ako nang bahagya sa mga pananalita niya. 

Walang Dairy Queen na gusto niya sa mall na ito. Masyado rin malayo ang mall na may Dairy Queen. 

"Wait here, ibibili kita ng ice cream." I felt guilty that I had her hopes up. I still need to get her ice cream so I look around and thankfully found an ice cream stall. 

"Ayan, masarap 'yan." I said as I gave her the ice cream I bought, I hope she's fine with the flavor. 

We had a small talk or quite a big one. She kept on asking and I had to answer, of course. Hindi ko siya tinatanong pero nagke-kwento siya tungkol sa buhay niya. Nadudulas pa ako minsan sa mga sinasabi ko. I'm actually having fun, she's not that bad. May kadaldalan lang talaga pero okay lang naman sa 'kin yung pagiging madaldal niya. 

Her phone beeped and she had to check it, mine beeped next. My brows furrowed upon seeing a message sent by Howard. 

He sent me a picture, a picture of me and Gonzales just now followed by a message. 

From: Patrick Howard

your secret is safe with me ;) 

My eyes widened, "I have to go, may kailangan pala akong gawin." She was about to say something but I cut her off, 

"Sige po, ingat po!" I smiled at her before picking up my ice cream and running away, trying to find Howard. 

It didn't took me that long before seeing him by the railings, "Bakit mo iniwan date mo--"

"It wasn't a date," I immediately cut him off, he raised a brow before a teasing smirk drew on his lips. He sighed and shook his head, "Alonzo... denying it won't help." he said and my brows furrowed. 

"I told you, hindi kami magka-date." I stressed out, 

He slowly nod, "I wasn't talking about the date." he said and my brows furrowed, "Alam mo pare ang labo mo, eh." Pagmamaktol ko at napatawa siya, "Denying your feelings won't help, Alonzo." 

"SA study room tayo mamaya, ha? Don't forget!" sigaw ni Howard habang paalis na ako, bago pumasok ng sasakyan ay tumango ako rito bago nag-thumbs up at umuwi na. 

Natulog muna ako sa dorm ng ilang minuto bago magpalit at bumaba na sa study room para asikasuhin ang mga gagawin namin para sa fire drill na gaganapin. 

Pagdating ko doon ay andun na sila pati ang ibang members ng org na katulong namin sa pag-aasikaso.

"Wala pa tayong hapunan, bumili naba kami?" tanong ni Lorenzo, napatingin ako sa relo habang si Adrian naman ay agad kinuha ang funds ng org. 

"Anong bibilhin natin? McDo nalang? Buckets at platter?" tanong ni Howard, 

"Ibili niyo na ng tig-iisa para sakto, baka mamaya magkulang pa." Mungkahi ko, tumango sila Howard bago kumuha ng pera kay Adrian, tatlo silang umalis para bumili ng pagkain. 

Payapa kaming nag-aasikaso ng mga gagamitin bukas sa fire drill nang bigla akong sikuhin ni Adrian, "Bebe mo," bulong nito sa akin, napakunot ang noo ko nang tingnan siya. May itinuro siya gamit ang nguso niya at nang sundan ko ito ng tingin ay napa-iling ako. 

"Sira," bulong ko nang makita si Gonzales sa hindi kalayuan, narining kong napatawa pa si Adrian kaya muli akong napa-iling. 

Maya-maya ay dumating na sila Howard na dala-dala ang mga pagkain. Inuna naming bigyan ang ibang members bago kami kumuha ng sari-sarili naming pagkain. 

"Alonzo, oh, pagkain mo." Ini-aabot sa akin ni Howard ang pagkain na para sa akin. 

Umiling ako, "Busog pa ako, ibigay mo nalang sa wala pang pagkain." sagot ko at napakunot ang noo ni Howard.

"Sakto naman yung binili namin, ah." sagot niya, pinagtaasan ko siya ng isang kilay, "Tumingin ka sa paligid at tingnan mo kung sino ang walang pagkain." turan ko at muling napakunot ang noo niya bago naglibot ng tingin. 

"Si... Gonzales lang ang walang pagkain kasi hindi naman siya--" Pinagtaasan ko ng kilay si Howard, may ipinapahiwatig. 

Nagparte ang mga labi niya bago gumuhit ang nakakalokong ngiti sa bibig niya, "I see, sige, sabihin ko bigay mo." Pipigilan ko pa sana siya nang mabilis siyang naglakad papunta sa gawi ni Gonzales. 

Bigla akong nataranta, hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman dali-dali akong umalis para magbanyo. Nagpalipas lang ako ng ilang minuto doon, pagbalik ko ay bigla akong tinabihan ni Howard.

"Thank you raw sabi ng bebe mo." bulong nito sa akin, nang mag-angat ako ng tingin sa akniya ay nakangisi ito, nang-aasar. 

Nang bahagya kong silipin si Gonzales ay kinakain na nito ang manok na ipina-abot ko sa kaniya. Kinakamay niya ang manok at inuunang kainin ang balat. Sinisimot rin niya ang maliliit na mumo ng pagkain na nahuhulog sa box ng pagkain niya. Sa tuwing kakagat siya ng manok ay bahagya siyang sumasayaw na parang batang kumakain. 

"You know I can see you smiling," I jolted up when Howard suddenly spoke, I glared at him, "I'm not," I said before going back to work. 

Howard hummed, "So we're still denying feelings?" he asked and I sighed, not bothering to answer him. 

Maaga kaming pumasok nila Xandro at Lorenzo dahil utos ni Howard. Maaga kaming nag-asikaso at nagpatuloy sa paggagawa ng mga gagamitin mamaya sa fire drill sa head quarters ng DPRT. 

"Miryenda muna tayo, please lang gutom na ako." Pagrereklamo ni Lucas, mabuti nalang at halos lahat kami ay gutom na rin kaya iniwan na muna namin ang quarters. 

Sinusundan ko lang sila sa paglalakad papunta sa isang table. Nang maupo kami ay napansin ko ang pagngisi ng mga ito sa akin. "Bakit?" Taka kong tanong, may itinuro si Lorenzo gamit ang mata niya na sinundan ko ng tingin, agad akong nagbalik ng tingin sa kanila. 

'Siraulo,' bukang bibig ko nang makita si Gonzales sa katabing table. Pare-parehas silang tumawa nang walang tunog habang ako itong napatungo sa cellphone ko. 

Maglalaro sana ako nang biglang umingay ang group chat namin. 

CONGRESS 


Daddy Lorenzo:  kinikilig ka boi? 

Sexbomb Lucas: parang eh, ano nga boi? kinikilig ka eh!! yieee 

Shawnty: wag mo na itago boss, mahirap yan kapag pinigil baka mai-utot mo 

Kuya Cap: hayp kau 

Edu Manzano: nakatingingin sa 'yo si Gonzales

Nag-angat ako ng tingin kay Edward para samaan sana siya ng tingin. Pero nahuli ko sila Edward, Lorenzo at Lucas na nakatingin sa gawi ni Gonzales. Agad silang nag-alis ng tingin bago humagikhik. 

Nanlaki ang mata ko bago nag-chat sa group chat. 

CONGRESS

Kuya Cap: craulo kau! nakkhiya kau!! 

Shawnty: bobo niyo!! bakit kayo tumawa!?!? 

Sinamaan ko ng tingin sila Lorenzo na humahagikhik pa rin, "Bakit parang ang saya ni Haze ngayon? Kas... i ba matatapos na ang pagdudusa niya?" Malakas na sabi ni Lorenzo, napakunot ang noo ko habang masama ang tingin sa kaniya. Si Lucas na katabi ko ay halos mahulog sa bangko sa kakatawa. 

Nakita kong may hinabol ng tingin si Xandro at nang lingunin ko ang table sa katabi namin ay umalis na si Gonzales, "Wala na, wala na, ang iingay niyo kasi, eh." turan ni Shawn, napatawa ako nang bahagya bago umiling, 

"Tapos naba kayong kumain?" tanong ni Howard, tumango kami bago tumayo at umalis. 

Nagtatapon sila ng pinagkainan nang mapansin ko ang isang clam sa lamesa kung nasaan si Gonzales kanina, dali-dali ko itong dinampot at itinago sa loob ng damit ko bago pa nila ako makita. 

"Una na kayo, C-CR lang ako." Paalam ko sa kanila, lumihis ako ng daan habang sila ay umakyat na ng hagdan. 

Agad din akong nakasunod sa kanila at sumakay sa elevator. Pagbukas ng pinto ng elevator ay laking gulat ko nang makita si Gonzales sa may balcony. 

Balak ko na sanang pumunta sa quarters, ano ba kasing ginagawa niya rito? Malamang ay hinahanap ang mga kaibigan niya. 

Hindi na ako nakatiis, "Hinahanap mo ba yung quarters?" tanong ko rito, 

"Opo, may pinapadala po kasi sila Marga, pwede po ba na kayo--"

"Andito, halika." Putol ko rito bago naglakad papunta sa quarters, 

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil lahat sila lumingon sa amin. Gaya ng inaasahan ko ay naging tampulan nanaman ako ng asar ng mga kaibigan ko. Mula sa simula ng event hanggang sa matapos ang seminar. Hindi nila ako tinitigilan. Itinataboy pa ako ng mga ito sa gawi ni Gonzales. 

"Nasaan bebe mo?" Sinamaan ko ng tingin si Shawn, kanina pa sila, naasar na ako. "Awan," maikli kong sagot, 

Pinanood naming magpatay ng apoy ang ibang mga estudyante. Nakatayo lang ako sa may lilom, naka-cross ang mga braso habang nanonood. 

"Ayan na, bebe mo." Bumulong sa akin si Shawn, noong una ay hindi ko ito pinansin at naglihis ng tingin, maya-maya ay may mga nagsigawan. 

"Cass may asthma ka!!!" 

"Cass 'wag na! Iba nalang!!" 

"Cassandra! 'Wag na!!"

Agad akong napabaling sa gawi niya, "Wait, safe ba siya mag-extinguish?" tanong ni Shawn, napakunot ang noo ko bago pinanood si Gonzales na lumapit. 

"Asthmatic siya, she shouldn't be there!" Hagas na lumapit sa amin si Howard, 

"Baka naman kaya niya," turan ni Lucas, nilingon ko ang gawi ng mga kaibigan nito, hagas na hagas sila. 

"Hindi niya napapatay yung apoy..." bulong ko, naka-antabay na kami sa kaniya. Nang humangin ay biglang lumaki ang apoy at ang usok ay biglang lumakas. 

Naningkit ang mata ko para sipatin siya, "Lucas... ikaw na yung pumatay sa apoy!!" Itinulak ko si Lucas nang makita kong gumewang na si Gonzales. 

"Cass!!"

"Uy si Gonzales!!" Sabay sumigaw si Shawn at ang kapatid niya nang bumagsak si Gonzales sa damuhan. 

Dala na siguro ng pagkataranta ay napaharipas ako ng takbo papunta sa kaniya habang si Lucas ay pinatay ang apoy. 

"Cass? Cass?!" Sinubukan ko siyang gisingin pero nakapikit na ang mga mata niya, namumutla na rin ang mga labi niya. 

"Isakay niyo sa spine board--" 

"Dadalhin ko na sa clinic!" Sa isang iglap ay nabuhat ko si Gonzales, dali-dali akong tumakbo papasok ng building para isugod siya sa clinic. 

"Nurse? May asthmatic po na nahimatay, passed out po talaga." Agad kong inihiga si Gonzales sa kama, nang bumukas ang pinto ay napalingon ako at nakita sila Shawn at Lorenzo na kasunod ko. 

"Black out talaga?" tanong ni Lorenzo at tumango ako,

I stepped back as we watch the nurse inject something on her arm. Natatakpan ng nurse si Gonzales kaya naman bahagya ko itong tinanaw. May mga damo sa buhok niya, may amos din siya ng lupa sa may pisngi. 

Nang humarap sa amin ang nurse ay nag-ayos kami ng tayo, "Pakihintay nalang po siyang magising, pakitingnan din yung kulay ng labi. Mga... 10 minutes kapag hindi pa bumabalik yung normal na kulay ng lips niya, tumawag na kayo ng ambulansya." Agad akong napatango, iniwan na kami ng nurse at agad kaming lumapit kay Gonzales. 

"Picture-an niyo yung labi para makita natin kung may pagbabago in 10 minutes." ani ni Lorenzo, napakunot ang noo ko habang nag-aalinlangan na kinuha ang cellphone ko. Zinoom ko ang picture para labi lang niya ang kita. 

Tinanggal ko ang mga damo sa buhok ni Gonzales, pinahid ko rin ang lupa na nasa pisnge niya. 

"Nag-training pa tayo ng first aid at paglalagay ng pasyente sa spine board tapos bubuhatin mo lang mag-isa?" Napalingon ako kay Shawn, "Wala naman siyang bali, tsaka kung inilagay pa natin sa spine board mas lalong tatagal." sagot ko bago nagbalik ng tingin kay Gonzales. 

"Nataranta ka 'no?" tanong ni Lorenzo, "Oo naman--" Natigilan ako bago utay-utay nilingon si Shawn at Lorenzo na parehas nakangisi. 

Napabuntong hininga ako, "Natural reaction," Dagdag ko pa, 

Maya-maya ay dumating sila Lucas dala ang gamit ni Gonzales. Hinintay namin ang 10 minutes na sinabi ng nurse at mabuti naman ay nagkakulay rin agad ang labi niya. 

Nagpaiwan na ako sa kanila para hintaying magising si Gonzales. Hindi ako nakaligtas sa pang-aasar nila pero agad ko silang itinulak palabas. 

"Ay--!" Nagulat ako nang mahulog ang bag niya sa kinapapatungan nito dahilan para manabog ang mga laman. 

Inaayos ko ito nang bigla akong tawagin ni Gonzales, akala ko noong una ay nasa isip ko lang ito pero nang lingunin ko si Gonzales ay gising na ito. 

Nang makita ko siya na parang nanghihina ay bigla kong na-alala ang nangyari kanina. Parang kumulo ang dugo ko nang malaman na may senior ang tumulak sa kaniya. Napilitan lang siyang mag-extinguish ng apoy at hindi naman talaga niya gusto yun tapos napahamak pa siya. 

I had another conversation with her. Once again, it felt nice. I enjoyed talking to her. Kahit nahimatay lang siya kanina ay madaldal na agad siya. Iniisip na rin agad niya ang mag-aral. 

She should take care of herself more. 

I would catch myself smiling. It didn't feel forced, and I didn't tried to stop myself. It all came out naturally. And it felt good, to not suppress what I'm feeling. 

Maybe Howard was right? 

"Oh, bakit hindi ka nagpapahinga?" 

I didn't expect to see her here. Gabi na at madilim na ang langit. She should be resting and not here. 

I never thought I would approach her. I never thought we would be talking naturally and out of nowhere. Before I always feel... tensed talking to her, this time... it felt nice. 

I was supposed to help her with the foods when Simon suddenly appear. Siya ang kumuha ng pagkain na dala ni Gonzales at hinigit si Gonzales pauwi. 

I sighed, I'm sensing two things. One, Simon doesn't like me. Two, there's this weird and unexplainable feeling inside me. 

This unexplainable feeling inside me kept lingering for the following days. Sa tuwing makikita at makakasalubong ko siya. I no longer feel tensed, it's now a little of excitement with a hint of nervousness. 

Sa tuwing aasarin nila, hindi na ako naaasar, kinikilig na yata ako? Pero syempre hindi ko pinapakita sa kanila, tampulan nanaman ako ng asar sa kaniya. 

Naibalik ko na sa kaniya ang clam na matagal nang nasa akin. Siyempre inasar nanaman ako nila Lorenzo pero hinahayaan ko nalang sila. 

The past days I noticed her avoiding me or was I analyzing things too much? Either way, it upsets me. 

May nasabi ba akong masama? May nasabi ba akong mali? May ginawa ba akong masama? 

Eventually it lasted for a long time. And the sudden change of not seeing her much like before makes me upset and sad. 

Nami-miss ko ba siya? 

"Howard I need help," We're at a bar now and I know I'm already drunk. 

"Is this about Gonzales? You're asking me about her when there's just the two of us." he asked, I took a sip of my drink before nodding, 

"Bro, you know it's been so long since I had a love interest right? After Camille, wala na, but now... Gonzales... hindi niya ako pinapansin, kita niyo diba? Hindi na natin siya laging nakaksalubong at kita natin na umiiwas siya." Pagkekwento ko, narining kong mag-hum si Howard, 

"And?" he urged, 

I sighed, "And... hindi ko alam bro, I'm upset! Bakit siya umiiwas?! I didn't do something wrong! Tapos yung nararamdaman ko pa... hindi ko maipaliwanag. I'm upset and worried, it's haunting me! Then... I want to see her, that's what I'm feeling!" I exclaimed, when I look at Howard, he's laughing at me. 

"Alonzo... you miss her." he stated, my brows furrowed, "I miss her?"

"You miss her." he said, my head tilted before taking a sip of my drink. "Maybe I do miss her." 

And just like that, the moment I stepped inside 7/11 before I go back at the dorm, I saw her inside. I couldn't help but to ask her if she really is avoiding me, turns out my speculations were right, she is indeed avoiding me. 

When I found out why she's doing that, I honestly felt sorry and bad for her. I feel guilty that my friend's joke offended her. Thankfully she easily forgave me and didn't had any hatred towards me. 

The empty feeling of me for not seeing her for days once again got filled with joy and happiness the moment we started talking about other things. I felt at ease when she talks. I love the way she talk, the way she smile, the way her expression changes while talking. I could watch her all day, all night. 

When I found out they're taking their clinical, I felt upset. That just means I won't be seeing her often inside the campus. Of course I didn't show to my friends that I'm upset, but the thought of having no chance of seeing her at a random time makes me sad. 

"Alonzo, tingnan mo, IG story ni Gonzales." Ipinakita sa akin ni Edward ang tinutukoy niya, gusto ko sanang kunin ang cellphone niya mula sa kamay niya pero ayaw kong magpahalata. Kunyari ay wala nalang ako pakialam pero ang totoo ay si Howard ang kinulit ko habang hindi sila nakatingin para tingnan ko ulit ang IG story niya. 

At first I wanted to follow her, but I'm avoiding to appear too obvious that's why I would just ask Howard for a favor and look at her story through his account. 

More than a week passed since their clinical started. It's really upsetting and disappointing that I don't see her much like before. 

There were times I was hoping she would pop out of nowhere or we would bumped at each other in the hallways. Every opportunity I have, I would pass by canteen to check if she's there, sometimes library, but she's not. 

"Haze sama ka!" Aya sa akin ni Shawn, nagvi-video sila na balak nilang i-post sa IG story ni Shawn. 

Agad akong umiling bago akmang iiwas nang hawakan ako ni Howard sa braso at bumulong, "Sumama kana, magpakita ka lang sa frame, I'm sure Cass will watch this IG story, magpakita kana." Napakunot ang noo ko bago utay-utay umupo sa harap mismo ng camera. Habang tumutugtog sila ay nakikisabay lang ako sa pagkanta, iniiwasan kong tumingin sa camera pero sinisigurado ko na nasa frame ako. 

Nang matapos silang mag-video ay parang wala lang sa akin iyon at hindi sila pinapansin habang pinapanood ang video, "Si Alonzo nasa gitna pa talaga, hindi naman halos marining yung boses." Singhal ni Shawn at napatawa nalang ako, 

Nang dumilim na ay nagka-ayaan na kaming umuwi. Kakalabas ko palang ng sasakyan nang tawagin ako ni Lucas na galing na sa loob ng dorm, 

"Bakit?" Taka kong tanong nang makalapit, paglingon ko kila Lorenzo ay nakangisi ito habang nakatayo sa may receptionist, 

"May nagpapabigay po sa inyo pero ayaw po niya magpakilala." Ini-abot sa akin ng receptionist ang isang box ng brownies. 

Napakunot ang noo ko, "Sino po nagpapabigay-- aray!" Napasapo ako sa ulo ko nang batukan ako ni Xandro, "Ayaw ngang magpakilala," turan ni Xandro at utay-utay akong tumango. 

"Pasabi nalang po salamat," sabi ko sa receptionist, "Tara na," pag-aaya ko sa kanila papunta ng elevator. 

Nagulat ako nang lahat kami bumaba sa floor ng dorm namin nila Xandro, "Bakit andito kayo?" Taka kong tanong sa mga hindi naman taga-floor namin, 

"Iisipin natin kung kanino galing 'yan." sagot ni Adrian bago tumuro sa kahon ng brownies na hawak ko, tumango nalang ako bago nauna-unang maglakad. 

Pagpasok namin ng kwarto ay dumiretso muna ako sa tulugan para ibaba ang gamit ko. Paglabas ko ay nakita ko silang inuusisa ang kahon ng brownies. 

"Para kayong mga tanga," lahat sila napalingon sa akin. 

"Pusta ko 200, yung 2nd year na nursing student ang nagbigay niyan." ani ni Lucas, napakunot ang noo ko bago naglakad papunta sa kanila. 

"Hindi, 300, yung 1st year na anak ng mayaman na nagpa-picture kay Alonzo noong 1st day ng classes." Pusta naman ni Xandro, naupo ako sa sofa sa tabi ni Howard habang pinapanood silang magpustahan. 

"400, yung tourism student 'yan, yung matangkad, sexy, maputi, long hair na malaki ang pwet." Napalingon ako kay Lorenzo, 

"Ay weh? Talaga ba? Parang ikaw ang may gusto dun, eh." Napatawa kami sa sinabi ni Xandro, si Lorenzo naman itong napanguso. 

"500, aviation student 'yan, blockmate mo." Pusta ni Adrian, napatango ako nang utay-utay habang nag sco-scroll sa Facebook, walang pake sa mga sinasabi nila.

"Lumalayo pa kayo, 1000, si Gonzales 'yan." Natigilan ako bago nag-angat ng tingin kay Howard na may nakakalokong ngisi. 

Naglipat ang tingin ko kay Shawn nang biglang pumalakpak ito, "Tama! Galing mo dun, boi!" Nakipag-apir pa ito kay Howard, "Yung pusta niyo, ha, ako panalo." ani ni Howard at napangisi ako nang bahagya. 

"Hindi naman kayo sigurado, walang panalo hanggang walang nagsasabi kung kanino galing 'yan." Turan ko habang nakatututok sa cellphone ko,

 "Sa tingin mo Alonzo, sino nagbigay sa 'yo niyan?" tanong ni Lorenzo, nag-angat ako ng tingin bago ibinulsa ang cellphone ko, "Ayokong tingnan," sagot ko bago tumayo at dumiretso ng banyo. 

Kinabukasan ay sa canteen kami nag-almusal, dala-dala ang brownies na ipina-abot sa akin kagabi. Ang sabi kasi sa akin ni Howard ay may paraan daw siyang naisip para malaman kung sino ang nagpabigay sa akin nito. 

"Bebe mo," siniko ako ni Lorenzo, napa-irap ako bago dumiretso sa pagbili, hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang tinutukoy nila dahil alam ko na rin naman. 

"Alonzo, kumain ka nung brownies, dali." Bumulong sa akin si Howard, napakunot ang noo ko bago kumuha ng brownies kahit hindi pa ako kumakain ng kanin. 

Kumagat ako dito bago lumingon kay Howard na nakalingon sa ibang direksyon, napakunot ang noo ko, "Bakit?" tanong ko sa kaniya nang magbalik siya ng tingin sa akin. 

"Confirmed, si Gonzales nga." turan niya at napakunot ang noo ko, paglingon ko sa gawi nila Gonzales ay paalis na sila.

"Si Gonzales ang alin?" tanong ni Lucas, sumubo ng kanin si Howard, "Nagbigay nung brownies." sagot niya at napakunot ang noo ko, 

"Ngi? Paano mo nasabi?" tanong ni Lucas, "Kumain si Alonzo nung brownies, pagtingin ko kila Gonzales, nanlaki ang mata niya tapos namula siya na para bang gulat na gulat siya habang nakatingin kay Alonzo na kinakain yung brownies. That supports my assumption na she's the one who gave that." he explained, my lips parted while the other's started complaining. 

"Wala, lugi tayo mga boss, psych student 'yan. Maalam manghula ng nasa utak." Turan ni Lucas, 

"Lugi-lugi, para akong nasa korte, lugi tayo mag-aabogado 'yan." turan naman ni Shawn, 

Habang nginunguya ang brownies ay pinagmasdan ko ito, napalingon ako sa box, siya ba talaga ang nagpabigay? May ibig ba siyang sabihin? 

That same day, by the evening, Lucas told us something he heard while he was downstairs. 

"Ha?" taka kong tanong, kila Edward at Xandro niya lang kasi ito halos sinabi pero narining ko rin. 

Ngumisi si Lucas, "Yiee! Narinig lang pangalan ni Gonzales tumayo na agad tainga mo. Sabi ko nabastos si Gonzales sa daan, mag-isa raw kasi siyang umuwi at may sakit yung dalawa niyang kaibigan." Pag-uulit niya, napatikhim ako bago nagbalik ng tingin sa cellphone. 

"Maraming gago sa daan, hindi dapat siya umuuwi nang mag-isa." ani ko habang busy sa cellphone, 

"Yieee!! Concerned!" sigaw ni Lucas at napa-iling ako. 

Am I concerned? She was in danger, maybe it was a normal reaction? Even them are concerned, why is it an issue if I'm the one who's concerned? 

Coincidence is something that does not happen to me always that's why when I saw her at the basketball court one morning, I felt something different. I approached her first, wala naman akong mga kaibigan na makakakita at mang-aasar. 

It's been so long since the last time the two of us talked. I tried to start a conversation with her. I was willing to teach her how to play basketball, I would gladly teach her. She decline the offer, it hurts me a bit but I brushed it off and gave her a nod. 

"ANONG oras na?" tanong ko kay Adrian, vacant sila habang ako naman ay wala ng klase. 

Tumingin ito sa relo niya, "2:50, why?" tanong nito, umiling ako bago tumayo. 

"Saan ka?" tanong sa 'kin ni Xandro, dinampot ko ang cellphone ko, "Uh... may ano... may pupuntahan lang ako sa Taft." sagot ko bago umalis. Dali-dali akong pumunta ng parking kung nasaan ang motor ko. 

Nagmadali akong umalis at binilisan ang takbo papuntang Ayala. I was hoping to see her there and pick her up from their clinical. 

Binabaybay ko ang kalsada nang matanaw ko si Gonzales na naglalakad sa may side walk. Nalampasan ko na ito dahil sa bilis ng patakbo ko, para siguraduhin kung si Gonzales nga ba ito ay tumigil ako at nilingon siya. 

Nag U-Turn ako para bumalik nang masigurado ko na siya nga ito. Patakbo na sana siya nang tawagin ko ito, "Cass!" sigaw ko, 

"Kuya Haze!?" hindi siya makapaniwala, "Sakay na, papunta rin ako ng university." turan ko rito, "Huh? 'Wag na po! Nakakahiya!" Tanggi niya, napakunot ang noo ko, "Come on, it's dangerous for you to walk alone. Sakay na." turan ko, I almost smiled when she accepted my offer. I already prepared a helmet for her this morning, hindi ko lang ipinakita sa mga kaibigan ko. 

I can feel my insides going insane the whole ride. Nang humawak siya sa akin at mas lumapit ay naramdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam sa loob-loob ko. Sinisigurado kong okay lang siya sa likod ko lalo na at unang beses niya palang sumakay ng motor. 

Nagsabi siya na sa gate ko nalang daw siya ibaba, pero nang makita ko ang mga kaibigan ko sa may canteen ay napabungisngis ako bago dumeretso sa kanila. 

I was trying to act cool, I purposely drop her in front of my friends so they would see me together. I have a love and hate relationship with them teasing me. But I also like to give them something to think of. 

"Fool, ang paalam mo sa Taft Avenue ka pupunta. Paano ka nakarating ng Ayala kung saan sila nag cli-clinical? Hindi mo yun madadaanan papuntang univeristy."  My lips parted, my brows furrowed looking at Shawn, buking ba ako?

Tinanong pa nila nang tinanong si Gonzales. Naupo lang ako sa isang monoblock habang nagpapaka-busy sa cellphone ko. Hindi dapat ako magmukhang apektado, cool lang dapat. 

Napa-angat ang tingin ko nang alukin ni Shawn na samahan si Gonzales pa-akyat ng dorm. Hinabol ko sila nang tinging dalawa nang pumasok na sila ng dorm. Nahuli pa ako ni Gonzales na nakatingin kaya naman agad akong nag-alis ng tingin. 

"Hoy, anong trip mo?" Nag-angat ako ng tingin nang bahagya akong sipain ni Edward sa paa. 

Nag-parte ang labi ko habang naka-angat ang magkabilang kilay, "Si Gonzales, hindi nagtutugma mga palusot mo." turan nito, napakunot ang noo ko bago nagbalik ng tingin sa cellphone ko. 

"Hindi ako nagpapalusot," sagot ko, narinig ko siyang bumuntong hininga, "Kung totoo na sa Taft ka pumunta, hindi mo madadaanan ang MMH pabalik unless... sinadya mo na dumaan doon--"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa monoblock at dinampot ang bag ko, "Bahala kayo," turan ko bago dire-diretsong pumasok ng dorm. Pagkadating ko sa kwarto ay agad akong naligo at nagpalit ng damit, nahiga ako sa kama at nagpaka-busy sa paglalaro. 

Maya-maya ay dumating na sila Xandro at Lorenzo, "Anong kakainin natin?" tanong ni Lorenzo, nagkibit balikat ako, 

"Kayo bahala," sagot ko, nakatututok sa cellphone. Nang lumabas si Lorenzo ay narinig kong bumuntong hininga si Xandro, "Gusto mo ba si Gonzales?" Agad ko itong nilingon habang nakakunot ang noo.

"Gago," bulong ko bago nagbalik ng tingin sa phone, narining itong tumawa nang bahagya, "You know Alonzo, you can deny it to us but you can't keep on denying it to yourself." turan nito bago tumayo at lumabas ng tulugan. 

Napa-upo ako sa kama ko, hindi ko naman dine-deny sa sarili ko. Hindi ko lang maintindihan yung nararamdaman ko pero may nararamdaman ako.

UM-ORDER nalang sila ng pagkain at maya-maya ay andito na ang iba sa kwarto namin. Habang kumakain ng hapunan ay bigla akong tinawag ni Shawn, "Alonzo, ikaw na kaya maghatid kay Gonzales bukas?" Napakunot ang noo ko habang sila naman itong sinimulan na akong asarin. 

Napakamot si Shawn sa batok, "Nagsabi kasi sa akin si Allison na ihatid ko si Cass habang may sakit pa silang dalawa, kaso maaga akong bukas at may pupuntahan kami." Dagdag pa nito, 

"Alonzo pumayag kana, sige ka, aagawin ni Shawn si Gonzales sa 'yo." Sinamaan ko ng tingin si Lucas habang sila naman itong nagsitawanan. 

"Alonzo sige na, sus papayag din 'yan!" Pang-aasar sa akin ni Shawn, bumuntong hininga ako bago tumango, "Sige na, sige na, anong oras?" tanong ko, 

"YOWN!!" Napasigaw sila Lucas at Lorenzo, may kasama pang pagtayo at pagtalon, 

"Mga 6:50 raw kasi bumababa si Cass, abangan mo nalang." sagot ni Shawn at tumango ako, 

Kinabukasan ay maaga akong bumangon, naligo at nag-ayos, 6:30 palang ay nasa baba na ako at hinihintay siya. Saktong 6:50 ay bumaba na nga siya. Tatanggi pa sana siyang ihatid ko pero pumayag din kalaunan. 

"Cassandra?" It took me a lot of courage to call her, "Yes po?" 

"What time ka uuwi?" I want to make sure she gets home safe. "Susunduin kita, 'wag kang aalis hangga't wala ako." Para akong napaso sa sobrang init ng pakiramdam ko pagkasabi ko nito sa kaniya. Humarurot ako nang takbo paalis. 

"WOOOH!!" Napasigaw ako, pakiramdam ko ay sasabog ako sa nararamdaman ko. Ano ba 'tong lintik na pakiramdam na 'to?! Para akong naiihi! 

The whole day, I was waiting for the clock to strike 2:45. 2:30 ang tapos ng klase ko kaya naman pumunta muna ako ng canteen para bumili ng pagkain para kay Gonzales. Baka gutom siya pagsundo ko. 

"Musta pre?" Nagulat ako nang akbayan ako bigla ni Lucas, magkakasama sila ni Xandro, Sav, Lorenzo at Edward. 

"Tao pa rin," sagot ko bago kinuha ang sukli ko sa tindera, paalis na sana ako nang higitin ako pabalik ni Lucas, "San ka?" tanong nito, inalis ko ang braso nito sa balikat ko. 

"Susunduin si Gonzales," sagot ko bago umalis, narining ko pang sumigaw si Lucas pero hindi ko na gaano naintindihan ang sinabi nito. 

Bumalik pa ako ng dorm para magpalit ng sasakyan, medyo mainit pa ang sikat ng araw at baka mabilad si Gonzales kung susunduin ko siya ng motor. 

Pagdating ko sa labas ng ospital ay naglibot ako ng tingin at nang hindi ko siya makita ay kinuha ko ang cellphone ko para i-message siya. 

To: Andrea Cassandra

andito na ako,, 

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko habang hinihintay siyang mag-seen sa message ko. Nang mabasa na niya ito ay pumasok na ako sa sasakyan at hinintay siya. 

Maya-maya ay nakita ko siya sa side mirror na naglilibot ng tingin, agad ko naman siyang binusinahan na naka-agaw ng atensyon niya. 

Napakunot ang noo ko nang makita siyang tumatakbo, agad ko namang inabot ang pinto ng passenger seat para buksan ito. 

"May pagkain diyan, yung nasa bangko mo kanina." turan ko rito habang nagmamaneho, medyo tahimik kasi kami. Gusto ko sana yung nagsasalita siya pero hindi ako sumasagot. 

"Oo, nadaan ko lang kanina, baka gutom ka." sagot ko sa kaniya nang makita niya ito, 

"Can I have some?" I was trying to make a move, napatawa ako nang i-abot niya sa akin ang cup, "Can't, nagmamaneho ako." Gumana ang plano ko na subuan niya ako ng kwek-kwek. I was trying not to smile and make it obvious. But a smile grew on my lips when I saw her panicking with her doe eyes. 

Kagaya kahapon ay ibinaba ko siya sa harap ng mag kaibigan ko. I was trying to show her off but at the same time not making it obvious. 

Of course they started teasing me and I tried to change the topic immediately. "Diba pupunta tayo sa birthday ni Edward? Ano na? Tara na!" Pag-aaya ko, pumasok na ako ng sasakyan ko habang tinitingnan si Gonzales sa side mirror. Isa-isa kaming umalis at tinanaw ko pa siya sa side mirror. 

We arrived at a private pool for Edward's birthday, I was actually expecting a bigger party but it was just us in the place. 

I realized Edward is actually an introvert and would rather drink with just us. The foods started arriving served by their personal chefs that we immediately dive into. After eating, drinks are out, we all changed into our swim wear to dip in the pool while drinking. 

I lost count on how much shots of tequila I had, but it was a lot. Every shot, I would dive back into the pool and if it's my turn, they would just call me. 

Kahit kami-kami lang ay nakapagsaya pa rin naman kami, may alak, maraming pagkain, may pool at may videoke na ako lang din halos ang kumakanta. 

"Dapat kapag ganiyan sumasali sa competition, eh. Mga dance competition, ganun." Napahagalpak kami ng tawa sa hirit ni Shawn, ini-abot sa akin ni Adrian ang shot ko at naupo sa tabi ni Howard. 

"Truth or dare na? Ano g?" Pag-aaya ni Adrian, lahat naman kami pumayag kaya naman itinabi namin ang mga pagkain na nasa gitna ng lamesa at inilagay ang isang bote ng Heineken sa gitna. 

Sa unang ikot ay kay Lorenzo ito tumapat, "Buena mano!" sigaw ni Shawn at napatawa kami, kay Lucas naman tumapat ang puwetan ng bote, 

"Sex or--"

"Sex! Sex boy! Sex!!!!" sigaw ni at napahagalpak kami ng tawa, halos mahulog pa ako pabalik sa swimming pool, 

"Tangina, kastang-kasta na! Sex or... validation mula sa tatay mo?" tanong ni Lucas, 

"Oooh! Grabe yun," turan ni Shawn, napatawa si Lorenzo bago sumimsim ng Heineken, "Sex pa rin boy!!!!" sigaw nito na animo'y baliw na sabik na sabik. 

"Pake ko sa matandang yun!? Bahala siya sa buhay niya!!" sigaw nito bago sumubo ng lechon. 

Si Lorenzo ang kasunod na umikot ng bote, sa sobrang lakas ng pag-ikot niya ay halos mahulog ito sa sahig, "Ang sabi paikutin, hindi basagin." ani ni Shawn bago siya na ang kasunod na nag-ikot. 

Kasunod itong tumapat kay Adrian, "Truth or Dare?" tanong ni Xandro, 

"Ay gago? Truth or dare pala? Bakit nagtanong agad si Lucas?" Nagtatakang tanong ni Lorenzo, napahagalpak kami ng tawa, hinawakan pa ako ni Howard sa shorts dahil muntikan akong tumimbuang patalikod sa kakatawa. 

"Dare ako, bro." sagot ni Adrian, mukhang mahina pa ang tama nito, maayos pa kausap. 

"May cards tayo diba? Nasaan na?" tanong ni Sav, may kinuha si Edward sa bag niya bago inilabas ang mga drinking cards. 

Bumunot si Xandro, "Kiss the person on your left or take 2 shots." Nagkatingin kami ni Adrian bago napahagalpak ng tawa parehas, "Give me the damn shots!!" sigaw ni Adrian, 

"Aba?! Ayaw mo ba sa 'kin? Ako na 'to, oh!!" sigaw ko habang hawak-hawak ang kamay ni Adrian na umiinom ng shots niya. 

"Over my dead body, bro!" ani nito bago iwinaksil ang kamay ko. Siya na ang kasunod na nag-ikot ng bote. 

"Karma!!!" sigaw ni Adrian nang sa akin tumapat ang nguso ng bote at puwet kay Savanna.  

"Truth," sagot ko agad, 

Tumawa si Lucas, "Sayang, ida-dare ko sanang umuwi." ani nito at humagalpak sila ng tawa habang ako itong ngumuso habang masama ang tingin kay Lucas. 

"Truth? Uhm...-"

"May cards ah--"

"Hindi, may naisip ako." Putol sa akin ni Sav, napanguso ako bago sumandal kay Adrian. 

"Uh... between Cass--"

"Yown, dale," 

"and other girls that... ano... basta, between Cass and other girls, sino ang mas pipiliin mo?" tanong nito, napakunot ang noo ko, "Pipiliing ano?" Taka kong tanong, 

Napatawa sila at ganun din si Savanna, "Ano... pipiliin na... mas maka-close." sagot ni Savanna, napatawa ako nang bahagya, 

"Si Gonzales..." sagot ko at halos lamugin ako nila Lucas sa kilig, "Aray! Aray!!" Itinulak ko ito palayo dahil sinasakal na ako nito, 

"Bakit? Bakit?" tanong ni Savanna, napakunot ulit ang noo ko, "Ano... kasi... siyempre... si Gonzales, mas friendly, mas... mabait, mas... hindi ko alam, mas magaan ang pakiramdam ko. Yung iba kasi... masyadong atat." sagot ko bago nag-shot, 

"Bakit ka nag-shot?" tanong ni Adrian, umiling ako, "Wala, trip ko lang." sagot ko at humagalpak sila ng tawa. 

Patuloy kami sa paglalaro, puro kami kaguluhan at kalokohan. Si Lorenzo humihiga na sa sahig kaya naman nang tumapat sa kaniya ang bote at kay Edward ay na-dare itong matulog na at doon ay nagpawala na kami ng tama bago bandang alas quatro ay umuwi na ng dorm. 

"Alonzo! Alonzo gising! Ihahatid mo pa si Gonzales!!" Kunot-noo akong bumangon ng kama nang gising ako ni Lorenzo, "Ano ba?? Hindi ako papasok."

"6:30 na! Diba inihahatid mo si Gonzales?" tanong niya, nanlaki ang mata ko bago napabangon sa kama. 

Dali-dali akong naligo at nagbihis, naka-alis na sila Lorenzo at Xandro, may message pa sa akin na kasama raw nila si Gonzales at paalis na sana kung hindi lang nila napigilan. 

Halos lumipad ang sasakyan sa sobrang bilis ko magmaneho, idagdag pa na hindi ito nakikisama kanina at ayaw mag-start, buti naman at bago mag 7am ay nakarating ako ng school, andoon nga si Gonzales at kasama sila Lorenzo. 

Parang binabaak ang ulo ko sa sobrang sakit, sobrang lala ng hangover ko dahil sa dami ng alak na ininom namin kagabi. Wala nga akong balak pumasok o bumangon manlang pero nang ma-alala ko si Gonzales ay pinilit kong bumangon. 

"Kaya ko mag-commute." I felt the guilt building up the moment she said those. I know I should have respond when she asked me if I was okay. 

"Sorry," I apologized, she looks uncomfortable a while ago and I don't want that. She also looks like she don't want to be with me anymore. And after hearing that she also feels the same, I wanted to make it up to her. 

Bumawi ako sa kaniya, dumaan kami ng drive thru para bumili ng pagkain ko at pagkain niya mamaya sa ospital. I was glad to see her smiling before she left for her clinical. 

AS days goes by, this unexplainable feeling inside me kept growing and growing. If before I would suppress and deny that I am feeling butterflies for Gonzales, as time goes by, I would just let myself feel things. 

Hinahayaan ko nalang ang sarili ko at pinipiling tanggapin nalang ang nararamdaman ko. There were times that I really couldn't contain my emotions and would run to Howard and talk about Gonzales. 

"So? Ano nang nararamdaman mo para sa kaniya?" tanong sa akin ni Howard, nagkibit-balikat ako, "Ano ba dapat? Hindi ko kasi alam ang mag ganiyan." sagot ko, 

"Well... what about crush?" tanong ni Howard, napakunot ang noo ko, "Do you think? But isn't it a little to childish?" I asked, Howard chuckled, "Then you like her?" he asked, I tilted my head followed by a shrug, "Maybe, maybe I do like her." 

Just when I admitted to myself that I like, just when I'm living and enjoying the moment. Memories from my last relationship started haunting me. What if she don't see me like that? What if she would also replace me with another guy? It was a very traumatic experience and I refuse to go through the same shit. 

Pero sa tuwing makikita ko si Gonzales, sa tuwing makakausap at makakasama ko siya, lahat ng pag-aalala at takot ko, lahat yun nawawala. She never fails to make me comfortable and at peace. I started to have this soft spot for her. I started to care and worry for her. All I wanted was for her to be happy and comfortable. And as time goes by, I started to feel the same for her. I started to feel peace and at home with her. 

"Howard, I figured it out na." Gladly Howard is alone in the library now, he lifted his head and fixed his glasses, "What? What did you figured out?" he asked, 

I sat across him, "I like Gonzales, I like her, and... gusto ko siya!" I whispered shouted, Howard closed his book and chuckled, "Bro I know, you just find out now?" he replied and I sigh, 

"I was expecting you to be happy for me." I said and his brows furrowed, "I am happy for you, Alonzo, this is my normal excited reaction." he said and I sighed before nodding, 

"So all this time... kinikilig pala ako kapag kasama ko siya, tapos nami-miss ko siya, tapos hinahanap-hanap ko siya minsan, it all make sense now." I said and Howard chuckled, "Hirap kapag matagal na single 'no? Nakakabano?" he said before opening his book once again, I rolled my eyes before leaving the library. 

"ALAM mo Alonzo, magtapat ka nga, trip mo ba si Gonzales?" Naghahapunan kami sa kwarto nila Edward nang bigla itong magtanong, 

Napabalot kami ng katahimikan at lahat sila ay nakatingin sa akin, "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong, 

"Akala mo ba hindi namin  napapansin? Yung totoo, trip mo si Gonzales?" tanong ulit ni Edward, tiningnan ko si Howard na nagkibit balikat. 

Bumuntong hininga ako, "Oo, medyo matagal na." sagot ko, nagulat ako nang biglang tumayo sila Lorenzo at Lucas bago nasundan ng mga kantyawan, "Akala ko ba hindi mo trip dati?" Pang-aasar ni Adrian, si Xandro ay hindi mapakali sa kina-uupuan niya habang sila Lorenzo at Lucas ay parang mga tangang kinikilig sa may lamesa. 

"Simula ngayon Alonzo, we got you na bro! Kami na bahala sa inyo ni Gonzales!" Kantyaw ni Lorenzo na parang bata na hindi mapakali. 

Napapa-iling ako habang nakangisi at kumakain, "Ingatan mo yun, swerte mo." Napalingon ako kay Shawn, "Of course I will," I replied, he lifted his head and a small smile grew on his lips before nodding. 

Sa mga sumunod na araw ay naging papansin na sila kay Cass, hanggang sa canteen at sa mga pagkain. Lagi na rin nila akong inaasar kay Cass at sa tuwing makikita nila ay tatawagin nila ako para makita ko rin siya. 

Hindi ko alam na umiinom pala si Cass kaya naman laking gulat ko nalang nang makita sila sa inang resto bar na nag-iinom. Hinintay na rin namin ito nila Shawn dahil mukhang malakas na ang tama nila.

It was the first time seeing her drunk and wasted. "Alonzo tara, malakas na tama ng mga yun." Tinapik ako ni Shawn at inakit nang puntahan sila Gonzales. 

Hindi rin ako gaanong nag-inom nang nakita ang sitwasyon nila Cass, kaya naman nang oras na ng uwian nila ay agad namin silang dinaluhan. Pero hindi lang naman silang tatlo ng kapatid ni Shawn at si Margaret ang dapat asikasuhin, pati ang mga kaibigan namin ay lasing na. 

"Howard ayusin mo, bantayan mo si Adrian! Don't let him drive!" I was also worried for my friends, of course. Madalang lang silang malasing nang sobra. 

This is the first time I experience such thing like this. Mahirap palang mag-asikaso ng mga lasing, kapag kami-kami kasi ang nalalasing ay sari-sarili kaming sikap. Pero iba ngayon, kailangan namin silang mai-uwi. 

Hirapan akong ibaba si Cass sa hagdan dahil medyo matarik ito, mabuti nalang at hindi kami lahat nagdala ng sasakyan dahil na-alalayan ng iba ang mga lasing naming kasama. It was a total yet memorable chaos. 

"I wish he knows how much I like him, 8 fucking billions heart and my heart beats for him." 

I felt moved, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa bawat sinabi niya. It was the first time I hear someone to think of me like that. I tried to tell her some bad sides of me but she would always have something good to say about it. She would always defend me. 

And it made me fall for her even more. It made me fall for her deeper knowing she sees me like that. And knowing that she likes me and even the small details of me, I found myself smiling while listening to her. 

"ARAY!!" Napasigaw ako nang batukan ako bigla ni Shawn, "Umamin ka nga, pinagsamantalahan mo ba na lasing si Cass--"

"Of course no!! The fuck?!" sigaw ko rito, 

"Wait wait, bakit mo naman naisip 'yan?" tanong ni Xandro, "Oo nga, bakit mo naisip 'yan?" Pag sang-ayon ko, 

"Cass don't remember anything from last night, tapos hindi kayo umuwi agad? Where were you two?!" tanong ni Adrian, napakunot ang noo ko, "What? We were at the water fountain, ayaw niyang umuwi agad. Andito kami ng 1am, hindi ko nalang siya ginising, stop being so malicious!" I explained, 

"Plus... do you really think I would do that? Grabe ka naman sa 'kin, Shawn! Ikaw talaga, utak mo-- gago!!" Napasigaw ako nang habulin ako ni Shawn, 

"Joke lang! Hoy! Biro lang, eh!!" sigaw ko habang hinahabol ako nito paikot ng sasakyan, "Biro mo mukha mo!" sigaw nito pabalik, nagtago ako sa likod ni Howard habang si Edward naman ang umawat kay Shawn. 

"We were concerned about you two nang malaman namin na wala sa dorm si Gonzales kaninang umaga." Seryosong turan ni Edward, 

Napabuntong hininga ako, "I know, I'm sorry, should've informed someone. Biglaan eh, ayaw niya raw umuwi ng dorm." sagot ko, "Ano ba--!!" gumanti ako kay Shawn na tinapakan ang paa ko, may galit pa rin yata sa akin. 

Napabuntong hininga si  Xandro, "Tumigil na kayong dalawa, tapos nang kumain si Cass, pauwiin niyo na ng kwarto nila." 

MADALAS akong nasa training o di naman kaya ay nasa field. Kaya naman pinakiusapan ko muna ang mga kaibigan ko na dalhan ng ice pack si Cass para sa rashes niya. Medyo strict din kasi ang training namin sa basketball dahil may dine-defend kaming championship kaya imposible akong makapunta sa kaniya. 

 CONGRESS

Edu Manzano: @Alonzo , may nagdala naba ng ice pack kay Cass? 

Sexbomb Lucas: pwede naman ako? ako na ba? 

Kuya Cap: ako na, wala ako sa training, 

Patrick Star: nasan ka? 

Kuya Cap: ppunta n ng prctice nla, hehe, pilay aq 

Daddy Lorenzo: nadale ka nanaman ng sakit mo HAHAHAHAH

Nang mapilay ako ay saka ko lang nagawang bumisita at magdala ng ice pack sa kaniya. Hinintay ko na rin na matapos ang practice niya ng cheerdance bago sabay na kaming nagtanghalian. 

Pag-uwi ay nagpahatid ako sa mga kaibigan ko sa kwarto para hindi mahirapan si Cass na mag-akay sa akin. Alam kong pagod siya at ayaw ko siyang lalong mapagod sa akin. 

MABUTI naman at gumaling ako bago dumating ang araw ng laban namin. Sabi rin ng coach namin ay makakapaglaro naman daw ako, mabuti naman. Sayang dahil ako rin ang captain ball namin. 

Since the gates are open for other student, there are a lot of unfamiliar faces. Para nanamang artista sila Lorenzo at Lucas sa mga nagpapa-picture. 

"Kuya pwede po bang magpa-picture sa inyo?" Nagulat ako nang lumapit sa akin ang isang babae, 

Napatingin pa ako kay Edward na nakangisi, lumingon ako sa gawi nila Cass na alam kong nakatingin sa amin bago nagbali ng tingin sa babae, "No miss, may magseselos." sagot ko at ngumuso ang babae bago tumango. 

Lumapit pa kami sa kanila at nag-asaran pa ang magkapatid. Habang ako itong pinagmamasdan lang si Cass na tawang tawa sa magkapatid. 

Inasar pa ako nila Lorezno tungkol dun sa babaeng gustong magpa-picture. Siyempre hindi ako papayag, hindi naman siya si Cass. 

"Kawawa ka naman, walang mag che-cheer sa 'yo!!" Pang-aasar sa akin nila Lucas, kaka-alis palang nila Cass at nagka-ayaan sila na kumain sa labas sa oras mismo ng laban ko. 

"Sira," Tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Lucas, nagpapaka-busy sa cellphone ko. 

"Yiee! Tampo siya, oh!!" Pang-aasar lalo nito, 

During our game, hindi ko siya agad makita sa crowd. Sa sobrang laki ng gymnasium at sa sobrang dami ng tao ay hindi ko siya makilala. Hanggang sa magsimula ang laro ay hindi ko siya nakita. 

"WOOH! GO KUYA HAZE!!"

I heard it, kahit sobrang dami ng tao na sumisigaw, that voice stood out. I look at the direction where I heard the voice coming from. And there I saw her, with her friends. A smile grew on my lips, seeing her was enough to be my motivation for the whole game. 

"Congrats!! Congrats!" Bati ko sa mga teammates ko, paupo sana ako nang may mga babaeng dumating. Mga teammates ko ang una nitong kinausap hanggang sa maya-maya ay tinawag ako ng isa sa kanila. 

"Alonzo, magpapapicture raw." turan ng isa, napakunot ang noo ko at maya-maya ay dinumog na nila ako, 

"Ang pogi pogi mo! Pwede magpapicture? Isa lang kuya!" Pagpupumilit ng isa, halos mahilo ako sa kanila,

Agad akong umiling, "No, hindi pwede, may magseselos--"

"Picture lang kuya--"

"Hindi nga pwede," Tumaas nang bahagya ang boses ko, ang kukulit! 

Maya-maya ay may tatlong babae ang dumating, nagbibigay ng tubig, Gatorade at pagkain, agad ko silang tinanggihan, "No thank you," Tanggi ko rito, nakakunot na ang noo ko sa sobrang inis nang bigla akong hampasin ni Sav ng bote. 

"Oh, ayaw lumapit ni Cass, nahihiya sa mga fans mo." sabi ni Sav bago ini-abot sa akin ang bote ng Gatorade. 

Napakunot ang noo, "Fans? Anong fans?" Taka kong tanong, hawak-hawak ang bote. 

"Yung mga babae kanina, gustong ibigay sa 'yo 'yan ni Cass kaso nahihiya." Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko, 

"Talaga?! Nasaan siya?! Grabe, salamat!" Akmang aalis sana ako para hanapin si Cass nang tawagin ako ng mga teammates ko para sa picture. 

Gladly I was able to see her during the football match. Umalis din agad kami dahil sa dami ng tao para kumain. Pero tumawag naman si Adrian na hagas na hagas dahil sa injury ni Lorenzo. 

"Anong nangyari?!" Kunot noo kong tanong nang madatnan si Lorenzo na nakalupasay sa sahig, bali ang bukong-bukong nito, 

Habang inaasikaso nila Howard si Lorenzo na isakay sa spine board ay ako naman itong tumawag na ng ambulansya. 

"Aray! Dahan-dahan!" sigaw ni Lorenzo habang isinasakay nila Shawn sa spine board, dahil anim naman na sila ay hindi na ako tumulong pa at pinanood nalang ito. 

Napapangiwi ako sa tuwing dadaing ng sakit si Lorenzo. Pagdating ng ambulansya ay saka ako tumulong sa pagsampa kay Lorenzo. 

"Ano bro? Kamusta?" Matapos ang halos ilang oras ay saka lang namin nakita si Lorenzo, tumawa pa ito, "Buhay pa, sayang." sagot nito at napatawa kami, 

"Bakit ka naman nag-dive sa damo?" tanong ni Lucas at napatawa si Lorenzo, "Wrong sports bro, nalito ako, akala ko nasa swimming ako." sagot ni Lorenzo at napapa-iling nalang kami. 

"Dislocated lang 'no?" tanong ni Xandro at nag-hum si Lorenzo, "Malayo sa bituka," sagot ni Lorenzo, 

"Maganda sana sa leeg agad, ano?" Pagbibiro ni Lucas at napahagalpak kami ng tawa. 

"Alonzo, 'di ba may laban kapa?" tanong ni Lorenzo, napatingin ako sa relo, "Shit, oo nga, una na ako, Lorenzo pagaling ka bro." Tinapik ko ito sa tuhod bago nagmadaling umalis ng ospital. 

Habang naglalaro ay pilit kong hinahanap si Cass sa mga nanonood. Dahil mas dumami ang mga tao ay mas lalo akong nahirapang maghanap. Quarter 2 na nang mapansin ko siya, paanong hindi? Siya lang ang nag-iisang nakasuot ng Engineering shirt sa gitna ng mga med students? 

Napakunot ang noo ko, kaninong shirt yun? 

Naramdaman ko ang pamumuo ng inis sa akin, sa bawat pagkakataon na hawak ko ang bola ay pilit ko itong ipinupuntos. Hanggang sa pamuntos na ako nang pumuntos. 

"Iba ka talaga, Alonzo!!" Kinantyawan ako ng mga kasamahan ko, pagkatapos ng laro ay kinunan kami ng group picture at pagkatapos ay agad akong umalis para hanapin si Gonzales. 

Malayo palang ay nakilala ko agad ang likod ni Cass, dali-dali ko itong nilapitan habang sinasamaan ng tingin ang apelyido sa likod ng shirt na suot niya. 

"Jersey 'yan ni Shawn diba?" It's obvious, Estrella ang nakalagay sa likod. Impossibleng kay Faye ito. 

"Hindi bagay sa 'yo, Aviation jersey will suit you better." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Why is she wearing another man's shirt? I'm jealous. 

The next day is their cheer dance competition, I made sure she have all the energy she needs that's why I bought her Gatorade and Salonpas just incase. 

Magkakasama kaming walo sa isang tabi ng gymnasium at nagkekwentuhan nang biglang dumaan sa harapan namin si Cass. Diretso ang tingin nito sa mga kaibigan niya. 

"Nakita niyo ba si kuya Haze?! Hindi ko mahanap!" sigaw nito, agad namang lumingon sa akin ang mga kaibigan ko at walang tumunog na tumawa. 

"Ayun oh!" Turo sa akin ng kaibigan niyia, nanatili akong kalmado at hindi nagpapakita ng kahit anong senyales na kinikilig ako. 

Pinagtaasan ko siya ng kilay habang pinapanood siyang tumakbo sa gawi namin, "UY!!" Napasigaw kami nang matisod ito, "Dahan-dahan," bulong ko pa, nahawakan naman agad siya ni Xandro kaya hindi siya tuluyang natumba. 

Hindi ako halos makapagsalita habang tinitigan siya. She looks... beautiful, their outfit fit her so well, her hairstyle, the make up, everything suits her. 

"Hoy!!" 

"Y-You look great!!" 

Napasigaw ako nang sampalin ako bigla ni Lucas. "Bobo..." bulong ni Lucas bago sila humagalpak ng tawa. 

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge habang nanatiling tahimik at hinahayaan silang kantyawan ako. Nang hindi ko kayanin ang sobrang kahihiyan ay napasapo ako sa mukha ko. 

"Goodluck!" sigaw ko rito nang paalis na siya, nag thumbs-up lang siya bago humaripas ng takbo paalis.

"Yieee!!" Halos malamog ako sa mga kaibigan ko sa kaka-alog at hampas sa akin nito. Si Lucas ay sinakal pa ako na agad ko namang binawian ng batok. 

"High school ka boy? Parang high school lang, ah? Yung brief mo baka mahulog." Pang-aasar ni Lorenzo at sinamaan ko ito ng tingin, 

Tutok na tutok ako sa kaniya habang nagpe-perform sila. Lalo pa at may mga parts siya na nasa harapan ko mismo. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisnge ko habang pinapanood siya. Gustong-gusto kong mag-video pero masyado akong mahahalata at baka hindi ko siya mapanood nang maayos. 

"Galing! Galing!!" sigaw ko habang pumapalakpak nang matapos ang routine nila. 

Nang umalis na sila sa gitna ay agad kong sinundan ng tingin si Cass na nasa isang, 

"Excuse...!" Agad akong napatakbo papunta sa kaniya nang makita itong halos matumba sa gilid habang nakahawak sa mga bangko. 

Agad ko siyang inabutan ng towel, papainumin ko sana siya ng Gatorade na ibinigay ko sa kaniya kanina pero naiwan niya raw ito sa dressing room nila. 

"Anong nangyari?" bulong sa akin ni Edward nang sumunod sila, "Sino may tubig sa inyo? Painumin niyo si Cass." turan  ni Edward, mabuti nalang at may tubig pa si Lucas, agad namin pina-inom si  Cass. 

Basang-basa siya ng pawis, nahawakan ko ang braso niya at basang-basa ito ng pawis. Pinunasan pa siya ni Xandro sa likod. Nag-aalala pa kami dahil baka inaatake siya ng asthma niya. 

Maya-maya ay dumating na ang mga kaibigan niya. Napakunot ang noo ko dahil naramdaman ko ang bahagyang pagtulak sa akin ni Simon para lang makalapit kay Cass. 

Hinawakan ako ni Adrian sa braso, "Tara na," bulong nito, napakunot ang noo ko, "Bakit?" Taka kong tanong, 

"Sinisiksik kana diyan, umalis na tayo." ani nito bago ako hinigit paalis. Nilingon ako ni Simon pero hindi ito nagsalita bago nagbalik ng tingin kay Cass. 

"Tara na," Aya ni Adrian at saka kami tuluyang umalis. Nang lingunin ko si Cass ay animo'y hinahanap pa kami nito. 

"Cause of traffic, tayo." Napatawa kami sa sinabi ni Lorenzo nang dumating kami sa parking para kunin ang mga sasakyan namin para umuwi. 

"Feel ko mag ca-cause ka talaga ng traffic, napilay ka lang kahapon, gumaling kana agad? Ano ka may magic?" Biro ni Lucas kay Lorenzo, pinandilaan ito ni Lorenzo, "Tawag dun, magaling." sagot nito bago pumasok na sa sasakyan niya. 

"Alonzo..." tawag ni Shawn, "Ano?" 

"Sila Cass oh, pauwi na yun, ihahatid mo ba?" tanong nito, agad kong nailabas ang ulo ko sa bintana ng sasakyan para tanawin ito. 

"Oo, dali! Puntahan mo na agad!" ani ko bago nag-start ng makina ng sasakyan, naunang umalis si Shawn at sinundan ni Lorenzo. Agad akong sumunod dito papunta sa gawi nila Cass. 

"Hey, sakay na." I greeted her with a smile. 

"HALIMAW talaga kayo maglaro, kainis!" Nag-cheers si Lorenzo kay Edward, "Gagaling niyo," Dagdag pa nito bago sumimsim ng alak. Pagkatapos ng volleyball game ay nagka-ayaan kaming mag-inom para i-celebrate ang pagkapanalo nila Xandro at Edward sa volleyball 

"Kami pa, ano nga, Ed? Best duo 'to 'no!" Pagyayabang ni Xandro at napatawa lang si Edward, 

"Uy, tingnan niyo, diba si ano 'to..." Inaharap sa amin ni Lucas ang cellphone niya at nang makita ko ang babae sa picture ay biglang kumunot ang noo ko. 

"Hayop ka talaga," bulong ko bago sumimsim ng alak, 

"Grabe ang laki na ng pinagbago ni Camille--"

"Tama na 'yan," Awat agad ni Edward kay Lucas, "Nakita ko lang naman sa feed ko." sagot ni Lucas, napabuntong hininga ako bago muling sumimsim ng alak. 

"Kaya nga tama na. Enough na, may Cassandra na, bakit isisingit pa 'yang isang 'yan? Ginago lang naman niya si Alonzo." sagot ni Shawn, 

Bigla kong na-alala lahat ng nangyari dati. Akala ko hindi ganun kasakit kapag niloko ka kagaya ng mga nasa palabas. Pero kapag ikaw na pala ang nakaranas, nakakasira pala talaga. 

"Alonzo, Alonzo," Nagulat ako nang lumapit sa area namin si Xandro, "Bakit? Bawal ka rito." Saway ko sa kaniya, 

Napangiwi ito, "Si Cassandra, maglalaro ng tug of war, baka mapa-ano yun." turan nito, napakunot ang noo ko bago tumanaw sa mga players ng tug of war. 

"Kaya niya yun, bantayan niyo nalang din." sagot ko bago tinapik sa balikat si Xandro, tumango ito bago umalis. 

Habang nanonood siyang mag tug of war ay hindi ako mapakali. Siya pa man din nag rope leader at halatang nahihirapan din siya. 

Hagas na hagas akong habang nanonood pero nang manalo sila ay napatalon ako sa tuwa. Tumabi sila para pumunta sa gawi ng med department nang biglang may sumigaw ng medic. Kahit hindi ko alam kung sino ang sugatan ay napaharipas ako ng takbo. 

Nakita ko si Cass na hawak-hawak ni Edward ang braso at tumutulo ang dugo nito sa braso. 

"Mag desisyon na kayo!!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw, nagtatalo pa sila kung saan dadalhin si Cass at ang laki ng sugat niya, ang daming dugo na rin ang tumutulo. 

Itinakbo na ni Lucas si Cass sa clinic, pagdating namin doon ay halos halughugin namin ang buong clinic para maghanap ng panggamot. Nagkakagulo sila habang ako itong nanatiling nakatayo sa tabi ni Cass. 

"Alcohol muna, alcohol, linisin niyo." Malumanay kong turan, nagkakagulo na sila lalo na si Edward na laging praning at hagas kaya naman may kailangang maging kalmado sa amin. Mabuti si Cass ay tahimik at kalmado lang. 

Habang pinapanood ang mga kaibigan ko ay hindi ko mapigilan ang mapatawa. Madalas silang matitinong tingnan pero pagdating talaga ng emergency para silang mga bata na nagkakagulo, lalo na si Edward. 

Niyapos ko ang ulo ni Cass nang lagyan ito ni Lorenzo ng alocohol sa kamay. Napapangiwi ako habang nakikinig ang pag-iyak ni Cass, "Dahan-dahan Lorenzo," 

Nang matapos gamutin si Cass ay umalis na sila para mag first aid pa sa iba habang nagpa-iwan naman ako para bantayan si Cass. Ibinili ko na rin siya ng pagkain para hindi siya magutom. 

WHEN the day of the awarding came, we received the award for our basketball team. I also got the MVP award with 77 points. 

Cassandra and their team placed 3rd on the cheer dance competition. I was so proud of her, of course. But seeing her sad and disappointed to herself made me sad too. She did so great and she was so awesome during the routine, I hope she sees herself the way I see her. 

Who could've thought that a girl as joyful as her is keeping a lot of problems and stress inside? Matapos ang awarding inaya niya akong mag-inom. Of course I had to keep an eye on her. Dinala ko siya sa bar na madalas naming pinupuntahan. 

She talked about her problems in life. It wasn't the first time I heard her talk about her problems but things sure got worse now. 

She looks so low on herself. She's too hard on herself. And I'm trying my best to comfort her and make her feel at least a little bit better to herself. I want to make her feel that she deserve to be love, she deserves all the great things in the world. And I want to let her know that someone out here is loving her. 

Ang dami kong nalaman tungkol sa kaniya. Mga failed relationship at talking stage niya. Kung noong una ay malungkot siya, nagawa niyang magbiro tungkol sa mga pinagdaan niya maya-maya lang ay nagsimula na siyang umiyak. 

Sa dinami-dami ng sinabi niya sa akin ng gabing iyon. Pinakang tumatak sa akin ang sinabi niyang gusto niya ako. Akala ko kasi noong unang beses niya nabanggit iyon ay parang hindi ako naniwala agad. At noong mga nakaraan ay nakikiramdam pa ako sa nararamdaman niya para sa akin. 

Hindi naman ako katulad nial Lorenzo at Lucas na iniisip ko lahat ng babae ay may gusto sa akin. Isa pa ay crush lang ang sabi niya sa akin noon, maari pa na magbago. Kaya naman nang sabihin niya sa akin na gusto niya ako ay para akong sasabog sa tuwa. 

[What do you mean hindi ka papasok?! Anong trip mo?] Bakas sa boses ni Howard ang pagkahagas, 

Napabuntong hininga ako bago naupo sa sofa, "One day lang, kalma naman. May atraso lang ako." sagot ko habang pinaglalaruan ang unan ng sofa. 

[Atraso? Anong atraso?]  Takang tanong nito, "Ano... wala naman, may nagreklamo lang sa akin na anak pala ng mayor--"

[What?!]

"Hindi ko naman alam na anak pala siya ng mayor! At isa pa, hindi lumapit ang kamay ko sa kaniya, pinagbantaan ko lang siya." sagot ko kay Howard, 

[Pinagbantaan na ano?] Hagas na tanong nito, napanguso ako, "Na ano... babasagin ko bungo niya, ganun." Narinig kong bumuntong hininga si Howard, 

"Pero hey, hey, chill... we got it under control, may CCTV footage ang bar and I'm clean! Wala akong mali, basically he was the one who's in trouble. Kaya kumalma ka lang." Paliwanag ko kay Howard, 

Mapait na tawa ang narinig ko mula dito, [Ewan ko sa 'yo, feel ko talaga dahil sa inyo kaya ako makukulong.] Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Howard, "Silly, hindi 'no! Now I'll end the call and treat Monday a rest day. Bye!!" 

[Mhmm, fine, bye, next time 'wag ka nang makikipag--]

"Byee~~" Napahgikhik ako nang patayain ko ang tawag. 

Dahil hindi ako pumasok ng Lunes ay para akong lantang gulay sa bahay. Lalo na at hindi ko pa nakikita si Cass ay miss na miss ko na siya. 

Kaya naman pagsapit ng hapon ay sinundo ko ito para dalhin sa isang cafe para mag-date kami. I wanted her to confess her feelings again, but this time she's sober. Napag-usapan naman namin ito noong gabing lasing siya, baka lang usapang lasing lang iyon at hindi naman pala siya seryoso. 

I was ready to tell her the same thing. To confess my feelings for her. Pero ayaw niya akong pagsalitain. 'Wag ko raw muna siyang i-reject. Silly, hindi ko naman siya ire-reject. 

"Tingnan niyo si Alonzo, parang tanga-- ay, ay, ay, iba na tama nito!" Nasa kwarto kami ngayon nila Edward at kumakain ng siomai na luto ni Shawn. 

"Ayan po kung makikita niyo, isang aviation student, huling-huli na kinikilig sa ka-chat niya." Napatawa ako sa sinabi ni Shawn, 

"Iba na tama nito--" 

"Tanginang toyo mo 'yan, Shawn, ang asim!!" 

Hindi ko sila pinapansing nagkakagulo sa paligid ko, basta ako, kausap ko si Cass at kinikilig ako. 

"Nakikikain ka na nga lang ng siomai nagrereklamo kapa!" 

"Alonzo yung ngiti mo umaabo ng langit, kalma lang! Wag mo naman ipahalata na kinikilig ka." Napa-ngat ako ng tingin at doon ay nahuli ko si Shawn na kinukuhaan ako ng video. 

"Gago? Ano yun?" taka kong tanong kay Shawn, nakangisi ito pero umiling, nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong tiningnan, message ni Cass ay may naka-forward itong video, video ko!? 

"HAYOP KA SHAWN! BAKIT MO SINEND KAY CASS!?" sigaw ko rito bago tumayo sa kinauupuan ko at inilapag ang siomai bago siya hinabol. Nang ma-abutan ko ito ay agad ko siyang binatukan. 

"Nahihiya siya kasi huling-huli siyang kinikilig--"

"Gago!!" Sinampal ko sa bibig si Shawn bago siya binitawan, bumalik ako sa kina-uupuan ko at nag-message ulit kay Cass. 

To: Andrea Cassandra

Sira talaga si Shawn! 

Nang makita kong hindi na siya online ay nag-goodnight na ako dahil malamang ay tulog na ito. 

Sa mga sumunod na araw ay nangangapa ako. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na gusto ko siya dahil gusto ko ay espesyal na okasyon ito pero ayaw ko rin naman iparamdam sa kaniya na hindi ko siya gusto. 

Kaya naman nagpapa-abot ako sa kaniya ng kung ano-ano. Pinagtutulakan ako nila Edward na ibigay ko nang kusa pero hindi ko magawa dahil may pagka-torpe at mahiyain ako. 

Nagkaroon din kami ng trip sa Japan para sa isang flying school. Hindi ko nagawang makapagsabi kay Cass dahil biglaan at nawala rin sa isip ko ang magsabi. Maski ang i-message siya ay hindi ko nagawa. Pero araw-araw naman akong may ipinapabigay sa kaniya. Iniisip ko rin na baka ma-istorbo ko siya. Pero habang nasa Japan naman ako ay na-aalala ko siya at binilhan siya ng pasalubong. 

Sobra-sobra ang saya ko nang makita ko ulit siya matapos ang isang linggo. Para makabawi ay inaya ko siyang pumunta ng MOA sa seaside para mag-date. It was a normal date for, we're eating and there were fireworks. 

"You're prettier than that." I smiled at her, 

Our eyes locked with each other, I noticed how sparkly her brown eyes are, how long are her lashes and how cute are her doe eyes. 

I took risk and started leaning closer, trying to initiate a contact. I was unsure and hesitant at first but the moment our lips touched, I felt fireworks inside of me. We kissed... we just kissed. 

Everything was perfect, everything feels perfect. After our kiss, everything is starting to feel dreamy. I would catch myself  smiling like an idiot that my friends would catch me. I also told them about about the kiss and I couldn't help but to smile. 

"Luh, parang tanga, nangingisay si Alonzo sa kilig--"

"HAHAHAHAHA!!!" Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Lucas, "Hindi niyo kasi naiintindihan-"

"Naiintindihan namin--"

"Hindi, come on... puro kayo... ano... laplapan ba yun? Yung amin... soft, passionate, sweet lang!!" Pagkukumpara ko rito, napahagalpak sila ng tawa habang ako itong naka-upo sa sofa, nakataas ang magkabilang paa at yapos-yapos ang mga tuhod. 

"LUH... si tanga nakangiti nanaman." Napalingon ako kay Lucas bago ito pinandilaan, "Inggit," bulong ko bago kumagat sa burger na binili ko. 

"Ako? Inggit?!--"

"Oo, inggit ka kasi marami ka ngang babae pero tingnan mo, malungkot ka pa rin." Basag ni Edward dito, napahagalpak kami ng tawa habang si Lucas ay sinasamaan ng tingin si Edward. 

"Alonzo," nag-hum ako bago lumingon kay Adrian, "Mhmm?" 

Humaharap ito sa gawi ko, "If you and Cass are in good terms... paano si Camille?" My smile dropped, my brows furrowed before facing him, 

"What about her?" I asked, irritated. 

He shrugged, "Paano kung bumalik--"

"Hindi yun babalik," sagot ko bago dinampot ang cellphone ko, "Paano nga lang--"

"Hindi nga!" Putol ko rito, 

"At kung bumalik man siya... wala na siyang babalikan." Dagdag ko pa. 

Bago mag lunch ay may isa pa akong klase. Mabuti nalang at hindi ko ito nakatulugan, dahil na rin siguro sa inis ko sa tanong ni Adrian kanina. 

"Sav, kakain kana? Sumabay kana sa 'min." Pag-aaya ko sa kaniya, ilang segundo pa itong napa-isip bago tumango, 

"Uy, Sav, musta?" Bati agad ni Lucas dito, "Maganda pa rin," sagot ni Savanna at napatawa ako bago umiling. 

Pagkalapag namin ng mga gamit ay bumili na rin kami ng tanghalian. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makakasalubong sana namin si Cass pero agad itong nawala nang nag-lihis sila ng daan. Napakunot ang noo ko, "Huh?" 

"Masarap 'yan? Patikim nga," Tumuhog ng shanghai si Lucas mula sa pinggan ni Lorenzo, "Saks lang, yung sa 'yo Sav--"

"Subukan mong tumuhog ng barbecue ko, ikaw ang itutuhog ko!" Napahagalpak kami ng tawa, si Lucas ay agad binawi ang tinidor niya at nag-ayos ng upo. "Sungit," bulong nito at napa-iling ako. 

"Alonzo, makakasalubong pala natin yung bebe mo kanina, hindi ka manlang nag-hi?" tanong ni Xandro, 

Napabuntong hininga ako, "Siya nga itong umiwas, eh. Nakita niyo ba? Hinawakan ni Simon sa tagiliran." sagot ko at walang nakasagot agad, 

"Eh paano, nalaman ang tungkol kay Cami--"

Agad kaming napalingon kay Sav na natigilan sa pagsasalita, nanlaki ang mata nito bago napahagat sa labi. "Shit... di ko dapat sasabihin yun." ani nito at napasapo ako sa noo ko. 

"Alam niya ang tungkol kay Camille?" tanong ko at utay-utay tumango si Savanna, "Oo... nagtanong kasi siya! Pinilit ako! Sorry Alonzo," tumango napabuntong hininga ako bago tumango, "Hindi okay lang, magpapaliwanag nalang ako sa kaniya." sagot ko bago sumubo ng pagkain. 

The whole afternoon I was thinking on how to reach her.  Shawn immediately had an idea. Pagkatapos ng klase ko ay agad akong pumunta sa parking, "Sana abutan natin," turan ni Shawn bago pumasok ng sasakyan niya. 

Inikutan namin ang campus para pumunta sa gawi kung saan naghihintay ang mga estudyante ng jeep. Sakto dahil malayo palang ay kita ko na si Cass. Pero bago pa ako tumigil sa harap niya ay dumating si Simon at hinigit siya papasok ng campus. 

Napabuntong hininga ako bago dire-diretsong nagmaneho. 

I had to come up with another idea, this time I took things on my own hands. I messaged her, hoping she would notice it. Nag-hintay ako sa garden kung saan sinabi ko sa kaniya kung nasaan ako. I waited for minutes. Though chances were small, I still waited. 

Until I saw her coming, I know on that moment I should tell her everything about Camille. 

Talking about Camille was hard. Though I am sure that I have already moved on from her. Talking about what she did feels... uncomfortable. I was mad rather than sad. What she did was... horrible. 

"You're fully healed?" she asked, I smiled before humming, "Of course, I won't do all these if I'm not." I wanted to assure her, I wanted to let her know that everything about Camille will remain in the past. 

I DID all I could do to make show her and make fer feel that I love her. Lahat ng alam kong paraan, lahat ng pwede kong gawin, ginagawa ko. Lahat kaya kong gawin at ipakita ay ipinapakita ko sa kaniya. I'm proving myself that I am deserving of her and her love. 

We would go on dates often, I would pick her up most of the time then we would go out. Whenever I would see something that reminds me of her, I would get that and give it to her. I was developing love languages I didn't know I would have. But I'm doing it all for her. 

Even when it comes to studying, I've improved a lot. Since she likes to study a lot, I have adapt to her routines. Kahit ako ay napapa-aral at napapa-review dahil sa kaniya. We would go on study dates sa mga cafe o kung saan man. Magkasama kami sa tuwing mag-aaral kaming dalawa para sa finals. 

"NAPAKADAYA mo Alonzo!!" sigaw ni Lucas nang matalo ko siya sa laro, "Hindi madaya 'yan, ganiyan talaga kapag may inspirasyon." turan ni Edward habang nagbabasa, 

"Oo nga, inggit ka lang, eh!" Pinandilaan ko si Lucas, nakangiti akong nagbalik ng tingin sa cellphone ko nang may mag pop-up na notification, agad bumagsak ang ngiti ko bago ito inalis. 

"Isa pa ba?" Pag-aaya ko kay Lucas, iisang laro pa sana kami nang may tumawag. 

Napakunot ang noo ko dahil unknown number ito, "Saglit lang," ani ko bago tumayo para sagutin ang tawag. 

"Hello?" Kunot noo kong sagot sa tawag, 

[Haze...] 

Natigilan ako sa paglalakad, "Saan mo nakuha number ko?!" Inis kong turan, 

[That doesn't matter, Haze, I need you, I need your help.] she plead, I took a deep breath before massaging my temples, "No," I dropped the call. 

I blocked her number before going back to my friends, "Sino yun?" tanong ni Lucas, umiling ako, "Wrong number, Shopee raw." sagot ko bago naupo, 

Agad akong pumunta sa messages ko para hanapin ang convo namin ni Cass. 

To: Andrea Cassandra

kita tayo mamaya, mga 7pm, may importante akong sasabihin. 

Camille is trying to get back in the picture. I won't let her ruin what I have with Cass. I need to tell Cass what I truly feel about her before Camille ruin everything. 

It's around 6PM nang magka-ayaan na kaming umuwi, "Busy kaba Alonzo? Tara may pupuntahan lang na cafe." Pag-aaya ni Adrian, 

Napangisi ako bago umiling, "Pass bro, aamin na ako kay Cass." sagot ko bago isinakbat ang bag ko, 

"Naks, si loverboy." Pang-aasar pa ni Lucas, "Mabilis lang 'to bro, promise! Tara! Tayong lahat, sa cafe, malapit lang, may bibilhin lang ako." Pag-aaya ni Adrian, 

"'Wag na bro, sila nalang." Pagtanggi ko, 

"Grabe naman, dali na, graduating na tayo, oh." Pagsusumamo nito, napatawa ako nang pagak, "Sige ha, mabilis lang." Napapalakpalak ito, "Yun! Promise! Mabilis lang 'to." ani nito, pumunta na kami sa parking at kinuha ang mga sasakyan namin bago nanguna-nguna si Adrian sa pag-alis. 

Napapakunot ang noo ko habang nagmamaneho kami, medyo napapalayo na kami at malapit na ring mag 7pm. 

"What's so special about this place?" tanong ko kay Adrian nang makapasok kami ng cafe. 

"Dito tayo sa taas." Nangunguna-nguna itong umakyat, napatingin ako kay Edward na nagkibit-balikat. 

Naglilibot ako ng tingin habang umaakyat hanggang sa hindi ko namalayan na nasa 2nd floor na pala kami ng cafe. 

"What the... fuck?" Napamura si Edward, napalingon muna ako sa kaniya bago sa tinitingnan nito. Doon ay parang umurong ang sikmura ko, "What is this, Dri?!" Inis kong tanong kay Adrian na naka-upo na, 

He smiled at me, "She wanted a second chance." he replied, my eyes widened before looking at Camille who's sitting meters across from us, 

"Fuck it, I'm going." Paalis na sana ako nang bigla akong hawakan ng mga bodyguard ni Camilee, "What the?! Let go! Bitawan niyo 'ko!" I was fighting and squirming around them, pero ang lalaki ng katawan nila! Para silang mga MMA fighter! Dalawa pa ang nakahawak sa akin!! 

Sapilitan nila akong ini-upo sa bangko sa tapat ni Camille, "Hey--"

"'Wag mo 'kong ma 'hey-hey'! Tapos na tayo! I don't want to see your face every again!" I shouted at her, 

"Hoy! 'Wag mong sigaw-sigawan si Camille!" Hinampas ako ng isang bakla na kasama niya ng pamaypay, "What the?! And who are you!?" I asked, 

"Ako ang manager ni Camille at kailangan niya ng tulong mo." sagot nito, napasinghal ako bago nilingon ang mga kaibigan ko na napapalibutan na ng mga bodyguard ni Camille. 

My jaw tightened, "No, I won't help her." I sternly said, 

"Haze..." she called me, I looked at the other direction, not wanting to make any eye contact, "Haze, please? Haze... look at me--"

"Don't touch me!" I yanked her hand away, "After what you've done?! Sa tingin mo tutulungan kita?! Pasalamat ka nga hindi ko sinabi sa media yung ginawa mo! Kung hindi... will you be in your damn position now!?" Dinuro-duro ko siya, 

I saw how her eyes sparkled with tears, "Haze... I need you... my... my ex-boyfriend is blackmailing me and--"

I stood up, "You deserve that! Heck! You deserve every bullshit in the world!! 'Wag kang umiyak na parang inosente ka cause heck, you're not!!" Agad akong hinawakan ng bodyguards niya para pa-upuin, "Let go!" I pushed the body guards away, 

Nakita kong umiiyak na si Camille at napatawa ako ng pagak, "Listen to me first--" "No,"

"Haze please--"

"Ayaw ko nga! Ang kulit mo! Akala mo ba dahil umiiyak ka ngayon at dahil babae ka ay kakaawaan na kita!? Tangina mo! Napakagaling mo lang umarte at magpa-awa, napakagaling mong manloko ng tao!  At hinding-hindi mo na ako maloloko!" Pakiramdam ko ay puputok na ang litid sa leeg ko, sumandal ako sa bangko at huminga nang malalim, tanging iyak lang ni Camille ang ingay sa paligid. 

"I know I've hurt you, I know I've cause you pain, but Haze, please, I need your help now." She pleaded, 

I scoffed, "Paawa ang puta..." bulong ko, 

"Hindi kaba talaga na-aawa sa kaniya?! Ex-girlfriend mo siya! Lalaki kaba talaga?!" Sinamaan ko ng tingin ang manager nito, huminga ako ng malalim bago nilingon si Howard.

"Pag sinapak ko 'to, ako pa mali, diba?" tanong ko kay Howard at tumango ito, napasinghal ako bago nagbalik ng tingin kay Camille. 

"Haze, please, just this one. After this I will never bother you again. Please, Haze..." I looked away, she's looking at me with those teary, pleading eyes. 

"I need you... Haze, kaunting tulong lang." I closed my eyes before pinching the bridge of my nose. 

"What is it?" I asked, maybe it wasn't that bad. Gusto ko nang matapos 'to.

Her face lit up, pinunasan niya ang mga luha sa mata at pisnge niya. "So... my... ex-boyfriend, he's blackmailing me now about... some picture. And, I need you to... be my... boyfriend--"

"HECK NO!!" Agad akong napatayo, "Be your boyfriend?! Fuck you!!" I wanted to throw fists, gusto ko siyang... sugurin pero agad akong akong nahawakan ng bodyguards niya. 

"FUCK NO!! NEVER!! It was the worst decision I had with my life and I will never go through that same shit again!!" I shouted, I don't care if there's customers downstairs. I am so mad at her now that I might actually hurt her. 

"Haze, listen to me, please!!" she pleaded again, I scoffed before yanking my arms from the bodyguards, I sat back down, "Ano nanaman?" Tanong ko rito, 

"Just for the public's eye, just... a fake dating. Please?" I took a deep breath, running my fingers through my hair.

"I said no, I won't do it." I said with a straight face, Camille's expression dropped before looking at her manager. 

"Tingnan mo nga paligid mo, napapalibutan kayo ng bodyguards ni Camille--"

"So? Are you threatening us? Ano? Papatayin niyo kami?" I cut him off, "Go, gawin niyo, tingnan natin kung sino ang mananagot." Dagdag ko pa, 

"Alonzo..." May tumawag sa akin sa mga kaibigan ko na para bang pinipigilan ako. 

Bumuntong hininga ang manager ni Camille, "Pumayag ka nalang kasi, just for the public's eye! Napaka-choosy mo naman!" Napasinghal ako sa inasal ng manager niya, 

Lumingon ako sa mga kaibigan ko, si Shawn parang natatakot na. Sinesenyasan pa ako nitong pumayag nalang, si Howard ay nagkibit-balikat habang ang karamihan ay nakatingin lang sa akin na para bang sa akin nakasalalay ang mga buhay nila. 

Naawa ako bigla sa mga kaibigan ko, pati sila nadadamay dahil sa akin. 

I sighed before facing Camille, "Fine, pumapayag na ako--"

"Thank--"

"But... in one condition..." I cut her off, "Pagkatapos matapos lahat ng problema mo... sasabihin mo sa public lahat ng kahayupang ginawa mo kasama na ang pagpapanggap ko bilang boyfriend mo." Bumagsak ang ngiti ni Camille, 

"That's ridiculous! Edi masisira ang image ni Camille--"

"Edi walang deal! Fuck! Aalis na kami!" Pagtayo ko ay siya namang hinarangan ako ng mga bodyguard ni Camille, 

"Ughh!! Putangina! Oo na! Papayag na ako! No more deals! No more condition! Fine! Papayag na ako! Pwede na?! Aalis na kami!!" Sigaw ko, muling lumiwanag ang mukha ni Camille. 

"Tabi!" Itinulak ko ang mga bodyguards bago bumaba ng hagdan. 

Halos mabasag ang glass door ng cafe nang lumabas ako. Paglabas ko ay sakto naman ang kalakasan ang ulan, "Ugh! Putangina talaga!" Halos sirain ko na ang pinto ng sasakyan ko nang buksan ko ito. 

Pagkapasok ko ay saka ako humarurot ng pagmamaneho. Napatingin ako sa orasan sa sasakyan ko, "Shit! 8:45 na!" Tinapakan ko ang gas at mas humarurot ng takbo. 

Basang-basa ako nang bumaba ng sasakyan, pagpasok ko ng lobby ay agad akong sinalubong ni Cass. 

"Magpalit ka muna ng damit mo, kuya, magkakasakit ka niyan." She keeps on thinking about me, I need to tell her about Camille first. I need to tell her what trouble I got myself into. 

"Sorry, I'm really sorry pero... pwede bang friends muna? Kasi... Camille needs me and--" 

I watched her as she storms off, as she march out of the lobby and walk away from me. I felt a painful pang in my heart. I didn't know what to do... I didn't know what to say. 

If I'll be Camille's fake boyfriend I need to get her out of the picture or else she'll get involve. I know it will be a fake relationship between me and Camille pero sa mata ng tao totoo iyon at kung magpapatuloy ang kung anong meron kami ni Cass ngayon ay magmumukha siyang kabit sa mata ng tao at ayaw kong madawit siya. 

"HAYOP KA!!" Nagulat kaming lahat nang umalingawngaw ang sigaw ni Simon sa buong kwarto. 

"TANGINA MO KA!!" Hinawakan ako nito sa kwelyo bago nagpakawala ng isang suntok, 

"Awatin niyo..." may maliit  na boses akong narining mula sa mga kaibigan ko, 

Pulang-pula ang mukha ni Simon sa sobrang galit, "I tried to stop her... sabi ko... 'wag kana, kasi gago kayong magkakaibigan! Pero hindi siya nakinig at nagpatuloy pa rin... hinayaan ko siya, hinayaan kita... kasi mukhang masaya siya sa yo!" Nangggigil ito, hawak-hawak ako nito sa kwelyo ng damit ko, habang naka-ambang susuntok, 

"Tangina mo ka... tangina mo, paano mo nagawang saktan si Cass? Hindi mo ba alam na napaka-swerte mo?! Ha?! Napaka-swerte mo kasi ikaw yung gusto niya!! Isa ka nanaman sa mga lintik na lalaking minahal niya tapos ginago mo nanaman lang?!" Nakita ko ang pangingilid ng luha niya, 

"HAYOP KA!!" Naramdaman ko ang pagputok ng labi ko sa mga sumunod niyang suntok, binatawan ako nito at naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa sahig, pumaibabaw ito sa akin at sunod-sunod ang pagsuntok sa akin, "Tangina mo! Hayop ka! Hayop!" Hindi ko siya pinipigilan, hindi ko siya nilalabanan. Tinatanggap ko lang ang bawat suntok na pinapakawalan niya. 

"Ako yung laging andiyan para kay Cass! Ako! Ako yung may pake sa kaniya! Ako yung laging nag-aalala sa kaniya! Tapos ikaw ang pinili niya!? Tapos ganun lang ang gagawin mo kaniya!!? Bobo kaba?!! Tanga ka rin, eh! Tangina mo!" Ilang suntok pa ang pinakawalan nito hanggang sa maramdaman ko na ang dugo na umaagos sa mukha ko. 

"Awatin niyo na...!" Narinig ko mula sa isa sa mga kaibigan ko, 

"Biatawan niyo 'ko! Bitaw!!" Nakita kong hinawakan ni Howard at Lorenzo si Simon, itinayo naman ako ni Shawn at Xandro. 

"Huwag na huwag mo nang lalapitan si Cassandra! Kuha mo?! Ha!!? Sa susunod na lumapit ka sa kaniya hindi lang 'yan aabutin mo!!" sigaw nito habang pilit na inilalayo sa akin nila Howard, hanggang sa paglabas nito ng pinto ay minumura pa ako nito. 

Tumahimik ang paligid nang mailabas si Simon. Naupo ako sa sofa bago pinahid ang dugong umaagos sa baba ko. 

"Anong nararamdaman mo?" tanong ni Howard, umiling ako, "Wala, ayos lang," Maikli kong sagot, 

"Bibili lang ako ng panggamot diyan." turan ni Lucas, "Hindi, 'wag na, deserve niya 'yan." Napa-angat kami ng tingin kay Shawn. 

"You had a chance to explain it to Cass pero anong ginawa mo? You fucked up, you had the worst approach ever! Anong you can't reciprocate her feelings?! You are downbad! You love her! How can you say those things to her!?" Napatungo ako habang pinapakinggang magbuntong ng galit sa akin si Shawn. 

"You could've told her the whole thing! Nang mabilisan! O dapat hindi mo siya pinaalis! Hindi yung... she was hurt, Alonzo! And she was probably crying by now based on what Simon did! And that's because of you!" Hinampas ako ni Shawn ulo, 

"Shawn tama--"

Nagbaling ito ng tingin kay Adrian, "Ikaw Adrian! Kasabwat ka ni Camille 'no?!" Napa-angat ako ng tingin sa tanong ni Shawn, sumama ang tingin ko kay Adrian na hindi makasagot. 

Suminghal si Shawn, "You and your pagiging kunsintidor--"

"She was just asking for help--"

"At hinayaan mo naman!? We were in dangerous situation there! Nakita mo diba?! Pinagbabantaan tayo kung hindi pumayag si Alonzo--"

"Pero pumayag siya--"

"Dahil napilitan siya!!" Napasapo ako sa mukha ko nang magsabatan si Shawn at Adrian, 

"Napaka-kunsintidor mo! Sa amin! Sa ibang tao! Hindi kaba nag-iisip?! Napaka-tanga mo!!" sigaw ni Shawn, 

"You think so high of yourself, Shawn--"

"At tanga ka!!" 

Napa-angat ako ng tingin nang mapasigaw si Xandro, doon ay nakita kong magsuntukan si Shawn at Adrian..

"Napaka-yabang mo, ah! Akala mo kung sino ka!!" sigaw ni Adrian, napabuntong hininga ako bago sumandal sa sofa, gustohin ko mang umawat ay parang bibigay na ang katawan ko. 

"At ikaw napaka-kunsintidor mo! Inilagay mo sa panganib buhay nating lahat!!" Pinapanood ko silang magsuguran sa harap ko, si Lorenzo at Xandro ang umaawat kay Shawn habang si Lucas naman ang umaawat kay Adrian. 

"Enough of you two! Para kayong mga bata!" Pumagitna si Edward sa dalawa, 

"Isa ka pa Edward-"

"Bakit ako?!" Takang tanong ni Edward, "Sa inyo natuto si Alonzo ng mga kalokohan na 'yan! 'Yang mga pambabae niyo nila Lorenzo!" Sumbat ni Shawn, napagbalingan ng galit si Edward.

"Magtino nga kayo! Matutuo naman kayong maging seryoso sa mga babae niyo!!" Gigil na sigaw ni Shawn, 

"Mga inosenteng babae, ginagago niyo! Ikaw Alonzo!" Hinarap ako ni Shanw bago dinuro-duro. 

"She was an innocent and lovely girl! Napakabait! Napakamaalalahanin! Tapos yun lang ang ginawa mo?! May mga lalaking naghahangad sa babaeng gaya niya tapos ikaw... gagaguhin mo lang?!" Napangisi ako bago isang buntong hininga ang kumawala sa labi ko. 

"Bakit? Gusto mo si Cass?" tanong ko, napansin ko na rin naman yun noong mga nakaraan pero hindi ko gaano pinagtutuunan ng pansin. 

Nakita kong umigting ang panga ni Shawn, "Oo, tangina oo, parehas lang kami ni Simon na hinahangad si Cass pero ikaw ang gusto niya! At napakatanga mo para gawin yun sa kaniya!" turan ni Shawn bago itinulak patabi si Lorenzo at nag-martsa paalis ng kwarto. 

Napabuntong hininga ako bago isinandal ang ulo ko sa sofa, "Bibili lang ako ng gamot diyan." turan ni Lucas bago lumabas. At utay-utay ay umalis na ang iba ng kwarto. 

Ilang minuto akong nakatingala sa kisame, kasabay ng pag-agos ng dugo ay siya rin ang pag-agos ng luha ko. 

Tumabi sa akin si Xandro, "Gusto mo ba talaga si Cass?" tanong niya, nilingon ko siya, patuloy ang pag-agos ng luha ko, "Sobra, sobra-sobra ko siyang gusto." sagot ko bago mas dumagsa ang luha na umagos sa pisnge ko. 

Bumuntong hininga ito, "Kaya mo pang ayusin yung nangyari, siguro."  

-------

A/N: ANG HABA!! that's all I can say huhu

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top