Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

EPILOGUE III

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Siraulo ka siguro 'no?!" Kakapasok ko palang ng kwarto namin ay agad akong nasermonan ni Shawn. Andito silang lahat maliban kay Adrian. 

"Siya yung huma--"

"'Wag mo nga kaming gaguhin!" Naglakad palapit sa akin si Shawn, bakas sa mukha nito ang galit at panggigigil, "Ano ba Alonzo?! Nasisiraan kana ba ng bait?!" Hinawakan ako nito sa magkabilang braso bago inalog-alog. 

"Ano?! Mahal mo pa ba talaga si Camille?! Ha?! Ano-- ni-rebound mo lang si Cass?! Ha?!!" Nang marinig ko ang pangalan ni Cass ay naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Nanlambot ang tuhod ko bago utay-utay bumagsak sa sahig. 

"Ngayon iiyak ka?! Ha?! Iiyak-iiyak ka matapos kang gumawa ng eksena sa lintik na party na yun!" Sigaw sa akin ni Shawn, napasapo ako sa mukha ko bago sunod-sunod na nag-unahang umagos ang luha sa pisnge ko.  

"Ang tanga-tanga mo kasi! Napaka-tanga mo!" Dagdag pa ni Shawn, naka-upo ako ngayon sa sahig, ang siko ay nakatuon sa magkabila kong hita habang patuloy ang pag-iyak ko. 

"Alonzo we're known to be playboys and fuckers but we're not cheaters!" Para akong kinilabutan nang sumigaw si Edward. Madalang itong magalit kaya naman nakakatakot siya kapag nagagalit. 

"Tangina naman, you're better than this! You're better than me, than Lorenzo, Xandro, than most of us! Hindi ka ganiyan! Then what?! Makikita nalang namin sa feed namin you are kissing a girl in a party--- not just some random girl but your ex! Yung ex mo na pinagseselosan ng girlfriend mo! Yung ex mo na ginago ka! At hanggang ngayon gago ka!" Sigaw niya, nanahimik ang paligid at tanging sigaw lamang ni Edward ang tanging ingay sa buong kwarto. 

"Hindi mo manlang ba naisip si Cass?! Ha?!" 

Siya lang yung laman ng isip ko sa bawat segundo na andun ako sa party na yun. Siya yung iniisip at inaalala ko. 

"Hindi ako galit dahil binahiran mo ng pagiging cheater at manloloko ang mga pangalan namin, damay kami, eh! Damay kaming lahat sa ginawa mo! They see us as one! Pero that's not the point! I'm mad at you for cheating with your ex and I will not be tolerating this bullshit! At sana kayo rin!" 

Nasaan na kaya siya? Nasa airport naba siya? Bumyahe ba siya mag-isa? Nakita na siguro niya? O naghihintay pa rin siya sa kwarto nila? 

Napatayo ako sa pagkaka-upo sa sahig bago lumabas ng kwarto, "Alonzo--" 

Dumiretso ako sa elevator at ilang beses pinindot ang buttons para magbukas ang pinto. Nakuha pa nila akong sundan at samahan sa loob. "Where are you going?! Huh?! Ano tatakasan mo lang yung kalokohang ginawa mo?! Go! Takasan mo! Lumayas ka--" 

Nakita kong hinawakan ni Xandro sa balikat si Edward bago itinuro ang number na nasa monitor ng elevator, "You're going to her room?! Para saan pa?! Ano hihingi ka ng tawad?! Sa tingin mo ba papatawarin ka pa ni Cassandra!?" Hinayaan kong sigaw-sigawan nila ako, hinayaan kong sabihin nila sa akin ang mga masasakit na salita 

Pero nagbabakasakali pa rin akong andoon siya. Baka kaya ko pang makapagpaliwanag. 

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay humaripas ako ng takbo palabas. Agad kong binuksan ang pinto nila gamit ang password, "Alonzo you're insane! You're crazy! Ang kapal ng mukha mo para--"

"Cass?!" Tawag ko sa kaniya, sinuyod ko ang bawat kwarto at sulok, nang hindi ko na makita ang luggage niya ay kumawala ang isang malalim na buntong hininga mula sa labi ko. 

"Are you expecting her to be here?! Sa tingin mo gugustohin ka pa niyang makita?!" Galit na turan ni Edward, napa-upo ako sa sofa bago umiling, "Wala na siya--"

"Hindi mo talaga siya matatagpuan!" Putol sa akin ni Shawn, muli akong umiling, "Umalis na siya, paalis na siya ng bansa." Mahina kong turan, nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang gulat sa mukha ng mga kaibigan ko. 

"Ibig sabihin...--"

"Ihahatid ko dapat siya. Last Friday ko lang nalaman na aalis pala siya, hindi niya manlang sinabi." Nag-unahang umagos ang mga luha ko, napahikbi ako, "Hindi manlang ako nakapag-paalam, tangina!" Napasapo ako sa mukha ko bago napahagulgol. 

"Ang tanga-tanga ko! Puta! Dapat hindi ko na inihatid si Adrian!" Napasabunot ako sa buhok ko, 

"Ayaw ko naman talaga, eh! Ayaw ko! Kasi... kasi tangina paalis na si Cass. Yung isang araw nga lang na hindi ko siya makita nanghihina na ako, paano pa kaya yung... ibang bansa yun! Tapos... tapos ganito pa... nangyari pa yung lintik na yun! HINDI NAMAN AKO ANG HUMALIK EH!!" Napatayo ako sa pagkaka-upo sa sofa, 

"Huwag niyo 'kong sigaw-sigawan na parang kasalanan ko! Dahil hindi ko siya hinalikan! Siya yung humalik sa akin! Siya! Siya!!" Nangilid ang mga luha ko, bumagsak ako sa sofa bago napasapo sa ulo ko. 

Naramdaman kong may humamplas sa likod ko, "Please. 'wag niyo naman akong pagbintangan, kasi... masakit na nga na aalis na si Cass tapos ganito pa." Pagmamaka-awa ko sa mga kaibigan ko, 

"Hindi ako cheater, I didn't... fuck, she forced me! Hindi ko ginusto yun!" Nag-ikot ang tingin ko sa mga kaibigan ko, sinusubukang kumbinsihin sila. 

"Maniwala naman kayo sa 'kin, you've said it na walang cheater sa atin. So please... please, maniwala naman kayo, damayan niyo naman ako." Nag-iwas ng tingin si Edward, si Lucas ay naglakad palapit sa akin para tabihan ako, nang himasin nito ang likod ko ay utay-utay akong lumapit dito para umiyak sa balikat niya. 

"Hindi niyo nararamdaman yung nararamdaman ko. I only had 2 days to accept the fact that my girlfriend will be leaving. Naisip niyo ba kung gaano kasakit yun? Gaano kahirap tanggapin?! Tapos ngayon... she's mad at me, she probably cursed at me and she left the country already!" Hagulgol ko sa balikat ni Lucas, 

"Iiyak mo lang 'yan," bulong sa akin ni Lucas, 

"Alam niyo namang mahal ko talaga si Cass! Alam niyo yun!" Naramdaman ko ang pagyapos sa akin ni Lucas bago hinimas ang likod ko. 

"Ako nanaman yung dehado, ako nanaman yung... naiwang mag-isa, ako nanaman yung talo, tangina talaga ng babaeng yun!" sigaw ko, walang sunod na nagsalita, nabalot kami ng katahimikan at tanging hikbi at paghagulgol ko lang ang ingay sa buong kwarto. 

Kaya naman laking gulat namin nang biglang bumukas ang pinto, napatayo ako sa pagkaka-upo, nagkakasakaling si Cass ito, pero nang makita ko ang galit na ekspresyon ni Simon ay nabalot ako ng takot.

"Hayop ka!!" Nang humaripas ito ng takbo papunta sa gawi ko ay parang umurong ang sikmura ko. 

Humamba ito ng suntok pero agad pinigilan ni Edward at Shawn, "Napakahayop mo! Gago ka-- bitawan niyo 'ko!!" Itinutulak nito si Edward at Shawn, galit na galit ito na puntong pati si Edward ay sinisiko nito sa panga. 

"Hindi kapa nadala! Hindi kana natuto! Mapapatay kitang hayop ka! Ang kapal ng mukha mo! You had your fucking second chance! Pero anong ginawa mo!? Ha?! Sa ex mo pa talaga?! Ano bang tingin mo kay Cass?! Laruan!? Ha?! Pamalipas oras?!!" Sigaw nito, tumayo sa harap ko si Lucas kung sakaling mabitawan ito nila Edward, 

"Hindi kaba na-aawa kay Cass?! Tangina mahal na mahal ka nun! At ang sakit makitang nasasaktan at umiiyak siya nang dahil sa 'yo! Kasi kung ako yun?! Kung ako ang boyfriend niya?! Hindi siya iiyak nang ganun! Hindi ko siya sasaktan kagaya ng ginawa mo dahil hindi ako tanga, bobo, hayop at walanghiya gaya mo-- ano ba!!?" Nagulat kami nang maitulak nito si Shawn dahilan para tumilapon ito at rinig na rinig namin nag pagkabagok nito sa sahig.

"Tama na!!"

"Howard!!" Agad napatakbo si Xandro kay Howard nang itulak nito si Simon. Pare-parehas kaming takot na baka kung anong magawa ni Howard kay Simon. 

"Ano ba--"

"Shut up! Shut up!!" Agad pumagitna si Xandro kay Howard at Simon, "Howard tama na," malumanay kong tawag dito, 

"You don't know the whole fucking story! Wala ka naman dun! You don't know what happened! Kaya 'wag mong gaganyanin si Alonzo at 'wag mong sasaktan ang kaibigan namin!" Napasugod kami ni Lucas papunta kay Howard nang itulak nito patabi si Xandro na natumba sa sahig. 

"Howard!" Agad ko itong hinawakan sa balikat pero huli na dahil kumawala na ang isang suntok nito na agad tumama sa mukha ni Simon, sa laking tao ni Howard ay halos hindi ko ito mapigilan. 

"Wala kang karapatang sabihan nang ganiyan si Alonzo dahil hindi mo alam ang nangyari!!" Nahawakan nito sa kwelyo si Simon na agad hinigit ni Edward para ilayo ito. 

"Howard tama na! Tama na!" Pigil ko rito, hawak ko ang kaliwang braso nito habang si Lucas naman sa kanan, si Xandro at Shawn ay nasa harapan nito, si Lorenzo ay nakasangga kay Simon, tatlo silang pumapagitna sa dalawa.

"Camille kissed Alonzo! She forced herself into him! She forced Alonzo for a kiss! Hence, inosente si Alonzo!!--"

"Oh!! Oh!!"

Ilan na kaming humahawak at pumipigil kay Howard para hindi makalapit kay Simon. 

"Naiintindihan mo ba?! Ha?! Walang kasalanan si Alonzo! Sink that in your fucking mind! Wala siyang kasalanan! Wala! Now go and tell that to your fucking friends! Hindi yung naniniwala kayo sa nakita niyo sa social media-- fuck it! Bunch of idiots na naniniwala agad!" sigaw nito, binitawan ni Edward si Simon bago ito nagmartsa palabas ng kwarto. 

"Howard? Hey, bro kalma," malumanay kong turan dito, malalim at mabilis ang paghinga nito na animo'y sasabog pa siya sa galit. 

"Wala na bro, umalis na, naintindihan na niya yung nangyari, kumalma kana." Dagdag pa ni Xandro, hindi pa rin namin ito binibitawan, baka mamaya ay hindi pa pala kalmado at sa amin naman magbuntong ng galit. 

"Howard? Howard, bro kalma lang, kalma, breath in, breath out, hingang malalim." Malumanay na turan ni Edward, sa kaniya lang tumingin si Howard nang diretso sa mata, ipinapakita nito kay Howard ang paghingang ginagawa niya at maya-maya ay sumasabay na sa kaniya si Howard. 

Nang masigurado namin na kalmado na ito ay naupo muna kami sa sofa. Si Lucas ay naghanap ng first aid kid para gamutin ang sugat ko, si Edward ay nilagyan ng yelo ang pangang nasiko ni Simon habang si Shanw ay pinapatingnan kay Xandro kung may bukol ba siya sa ulong nabagok kanina. 

May hawak-hawak na baso ng tubig si Howard sa tabi ko, malalim pa rin ang paghinga nito pero kalmado na siya. Nakuha na kasi ni Lorenzo ang gamot nito sa kwarto nito at naka-inom na siya. 

"Alonzo," tawag nito sa akin, agad ko siyang nilingon, "Mhmm?" I calmly hummed, "Go file a case, it'll help." 

I was crying for nights and days. Nagaulong ako sa condo, ni-isang tawag mula sa mga kaibigan ko ay hindi ko sinagot. Chats, message, mentions, lahat yun, hindi ko sila pinapansin. Hindi ko rin ginawang mag-check ng social media. I was isolating myself from everyone else.

I even lost my phone. Hindi ko ito mahanap, noong mga unang gabi at araw ay naririnig ko pa itong tumunog pero sa mga sumunod na araw ay hindi ko na ito napansin. 

I would found myself drunk by the balcony, cans and bottles of beers scattered on the floor. Marami naman akong nakatago sa condo ko na mga alak. They finally served their purpose. 

I was almost not eating. Wala akong gana magluto pero mas ayaw kong lumabas o magbukas ng cellphone para um-order kaya pinipilit kong magluto. 

I lost count on the days, I even forgot what date it is or what day is it. I was just... existing there. 

"ALONZO?!" My eyes shot open when I heard someone call my name, it sounded like Xandro, am I hallucinating? 

I sat on my bed and waited for another call, "Alonzo?!" Now it sounded like Lucas, nababaliw na yata ako. 

I waited again for another call, "Haze isa! Buksan mo 'to! Rarangkahin ko 'tong pinto!" Nanlaki ang mata ko bago napatayo mula sa kama at dali-daling nagbukas ng pinto, 

"Ano?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo!" turan ni Xandro bago dire-diretsong pumasok ng kwarto ko. 

Andito silang lahat, I can't believe it. After almost a month of not socializing, going out, seeing other people, I finally get to see my friends again. 

"Balak mo bang mabulok dito?" tanong sa akin ni Shawn. 

Suddenly I felt... alive. May nararamdaman na ulit ako. Para akong bumalik sa katinuan at katawang lupa ko. 

I no longer feel... lonely. 

"Uh..." I cleared my throat before carefully cleaning my sink while watching them fit themselves on the sofa. 

"Uh... gutom ba kayo?" It was my first time talking for weeks. I don't remember the last time I speak, it was always whimper, crying, wailing, calling out her name, but I never spoke a complete sentence in weeks. 

Napalingon sila sa akin, "Anong pagkain mo diyan boss?" tanong ni Lucas, nagparte ang labi ko bago nagbukas ng ref. 

Shit, wala na akong pagkain, puro oatmeal, gatas at sabaw lang ako noong mga nakaraan. 

"Gusto niyo ng fast-food?" tanong ko pa, I was meters away from them, though I wished I could be closer. 

Nagkatinginan muna sila, tinanong pa nila ang isa't-isa kung ano ang gusto nilang kainin. I waited for few minutes before they all turned their heads at me, "May desisyon na ang hukuman, Chowking daw, boss." sagot ni Shawn at napangiti pa ako nang bahagya bago tumango. 

"Sige, o-order lang ako tapos liligo." sagot ko bago naglakad papunta sa kwarto, "'Yan, tama 'yan, maligo ka, amoy ko bantot mo hanggang dito." Biro ni Shawn at napatawa nalang ako bago napa-iling pagpasok ng kwarto. 

Halos baliktarin ko ang buong kwarto ko mahanap lang ang cellphone ko. Sa kama, sa ilalim ng kama, sa mga drawer, sa sahig, kahit sa cabinet ko ay hinahanap ko na. 

Napakamot ako sa ulo, "Nasaan ba yun?" bulong ko bago ibinalik ang mga gamit na nasa sahig sa kinalalagyan nito. 

"Cellphone mo?" Napa-igtad ako nang biglang magsalita si Howard sa pinto. 

Nahihiya akong tumango, tumuro ito, "Ayun, nasa likod ng drawer." ani nito at bahagyang nanlaki ang mata ko bago inilayo sa pader nag cabinet at doon natagpuan ang alikabukin kong cellphone. 

Pinagpagan ko ito bago agad isinaksak sa charge, "You were 18 days unreachable." I glanced at Howard who's closing the door from behind. 

I shyly smiled, "Sorry," I mumbled, binuksan niya ang malaking ilaw ng kwarto na medyo ikinasilaw ko pa. He sat next to me on the bed. "Hayst, Alonzo," 

I shrugged while watching my phone turn on, "I'm not gonna ask you if how you are, we all know you're not okay." He softly said, I found myself laughing, and seconds after tearing up. 

"At kitang-kita rin namin ang maga mong mata, samang tingnan." Singhal nito at napatawa ako bago agad pinahid ang luha ko. 

"Masakit," I mumbled and he hummed, I played with my hands while he supports his weight on the bed using both his hands, "It is, I know," 

A sigh escaped my lips, "You know something about her, don't you?" I asked and he slowly nod, 

"Yep, Shawn know where she is right now, he told us, but her sister said not to tell you." he replied and I pursed my lips, hanging my head low before nodding. 

"I know, I deserve it." I said, I hear Howard sigh, "Wala kang kasalanan, basically, you don't deserve any karma. It's just that... Cass is going through a tougher time." he said and I immediately nod, "Of course, I know, I know," I said and he hummed, "Plus... she's dealing with a new environment, while you... you have us." I lifted my head and saw Howard smiling, I scoffed before playfully elbowing him, "Sira," Tumayo ako bago napahilamos sa mukha. 

"Liligo lang ako, saka ako mago-order, tell them to wait." I said and he hummed before standing up. 

"I will, take your time," he said and I hummed before he leave the room. 

I just took a quick but decent shower before putting on a comfortable basketball short and a sleeveless shirt. I ordered the food they wanted before heading out. 

I found them playing using the PlayStation, they were screaming, fighting and bickering. 

"Foul! Foul! Putik! Daya!" Pag-eeskandalo ni Shawn habang kalaban si Lucas, tahimik akong naupo sa tabi ni Xandro na umusod pa para makasiksik ako. 

"Bango ah," Biro nito at napatawa kami parehas. Nagpalitan sila sa paglalaro, inaaya pa nila ako pero tinatanggihan ko lang ito. 

Wala akong lakas maglaro at gusto ko lang silang panoorin. Makalipas ang kalahating oras ay dumating na ang pagkain. Nag-unahan pa silang tumulong sa akin sa pagkuha dahil limang paper bag din ito. 

Hindi na nila ito inihanda sa dining at dinala sa sala kung saan sila naglalaro. Habang kumakain ay ipinagpatuloy nila ang paglalaro. Si Shawn, si Adrian at si Lucas ang nagbabangayan sa paglalaro habang payapa kaming kumakain. 

Wala silang tigil sa pagkain at paglalaro. Noong naubos ang binili ko ay nag-order naman si Xandro ng fries at milktea. 

Nagpalit na rin sila ng nilalaro at anim na sila, kami lang ni Howard ang hindi naglalaro pero paminsan-minsan ay nakikipagpalit sa kaniya si Edward kapag sumasakit ang mata nito. 

Pagsapit ng bandang 6:30 ng hapon ay saka lang nila ipinahinga ang PlayStation ko. Pero si Edward at Xandro ay nanood naman sa Netflix. 

"Nagugutom na ako," napalingon kami kay Lucas na nagbubukas ng cabinet ko. 

"Inang tiyan mo 'yan, kakakain lang natin kanina." Napatawa kaming lahat sa tinuran ni Xandro na tutok na tutok sa TV. 

"Ngi, grabe naman kayo! Hindi kaya ako nakakain nang marami." Reklamo ni Lucas at napa-iling kami habang tumatawa. 

"Labas tayo, arat sho-- aray!" Hindi ko na nilingon si Lucas pero alam kong may sumiko dito. 

I've been filled with alcohol for days. This is actually the first time I haven't consumed any alcohol throughout the day. And it actually felt nice. First time I've been sober for a long time. 

"Magluluto ako," napalingon kami kay Shawn, "Ano gusto niyo? Dali, baka magbago isip ko-- tagal naman!" Napatawa kami nang magdabog si Shawn na parang bata, 

"Fried Chicken sa 'kin boss," turan ni Xandro, "Gusto ko rin ng chicken." Dagdag ni Edward, 

Nagparte ang labi ko bago napalunok ng laway, "Ako rin," Bahagya kong itinaas ang kamay ko. 

Nag-request si Lucas at Adrian ng spaghetti, si Howard at Lorenzo naman ay gusto raw ng lechon na halos pag-awayan pa nila ni Shawn. 

"Nagtatanong ka eh--"

"Ayusin mo naman!" Pagmamaktol ni Shawn, napahagalpak ng tawa si Lorenzo na nakikipagtalo rito.

"Hindi ko naman kayang lutuin yun!" sigaw ni Shawn na parang paiyak na, nagkatinginan kami nila Xandro at Edward bago napabungisngis. 

"Bumili ka nalang," turan ni Howard at napanguso si Shawn, "Sige na nga, sige na, para tayong may birthday-an dito." ani ni Shawn bago dinampot ang susi at wallet niya. 

Sumama si Howard at Adrian dito sa pagbili at naiwan kaming lima sa kwarto. Tahimik lang kaming nanonood tatlo habang si Lorenzo at Lucas ay nasa kusina. 

"Alonzo," tawag nito, nag-hum ako bago sila nilingon, "Wala ka manlang kahit anong grocery?" tanong nito, nagparte ang labi ko habang agad napalingon si Edward sa kanilang dalawa. 

Nakita ko sa mukha ni Lorenzo na may sinasabi si Edward sa kaniya. "Uh... inubos ko lang talaga yung mga pagkain diyan." sagot ko, nag-angat ng tingin sa akin si Xandro habang agad akong nalingon ni Edward. 

"Kailan mo balak mag-grocery--" 

Muling lumingon si Edward sa dalawa at nakita kong itinikom ni Lucas ang bibig niya. 

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang nangyayari, "Uh... bukas ba? Free kayo? Samahan niyo naman ako." Aya ko sa mga ito, humarap sa gawi ko si Edward habang agad namang tumango si Xandro. 

"Sige lang, sasama ako," turan ni Xandro, "Ako rin, I'll join you." Dagdag ni Edward, 

"Pwede dito nalang kami matulog?" Napalingon kaming tatlo kay Lucas, bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi ko, "Sige ba, dito lang tayo sa sala matutulog, di tayo kasya sa kwarto." sagot ko at lumawak ang ngiti ni Lucas, "Geh, pagbalik nila Shawn uuwi ako, kukuha ako ng damit!" ani nito na tuwang-tuwa pa. 

"Ayos pala, ako rin dito na tutulog!" Dagdag ni Lorenzo at agad akong tumango, "Sige lang, parang hindi tayo nakikitulog kila Shawn dati." sagot ko, nang magbalik ako ng tingin kila Xandro ay nagsesenyasan sila ni Edward. 

"Kayong dalawa? Dito na rin kayo matutulog?" tanong ko, tumatangong humarap sa akin si Xandro, "Dito na ako, ikaw ba Ed?" tanong nito kay Edward, nag-ayos pa ito ng salamin bago tumango, "Kukuha lang ako ng damit sa bahay." sagot nito at tumango ako. 

Maya-maya ay dumating na sila Shawn, agad namang nagsabi at nagpaalam sila Lorenzo, Lucas at Edward na uuwi para kumuha ng damit. 

"Lahat sila tutulog na rito?" tanong ni Shawn, tumango kami ni Xandro, "Kayo?" Humarap ito kay Howard at Adrian, 

"Well... I have nothing to do tonight so... I probably will." sagot ni Howard, "Ad?" tumingin kaming lahat kay Adrian. 

Nagkibit balikat ito, "I don't see why not." sagot nito at bumuntong hininga si Shawn, 

"Sige na nga, ako na rin, baka pagkwentuhan niyo pa ako." ani nito at napatawa kami nila Howard. 

Tumulong na rin kami sa pagluluto para mapabilis ito. At pagdating naman nila Lorenzo ay malapit na rin maluto ang mga pagkain at kala-unan ay nakakain na kami. 

Pagkatapos kumain ay kami nila Edward ang nag-asikaso ng pinagkainan habang umuwi yung tatlo. 

Pagkabalik nila ay mga nakapantulog na ito, sila Xandro tuloy ay nag-unahan pa sa banyo para makapagpalit. 

"Daya mo Lorenzo!" sigaw ni Xandro nang unahan siya nito, napatawa si Edward na nasa tabi ko. "Mag-unahan pa kayo, hindi naman aalis yung banyo." Bulong nito habang may binabasa. 

Napatawa ako bago nagbalik ng tingin sa TV. Nang matapos silang lahat magpalit ay inilabas na namin ang mga unan at higaan sa sala. Itinabi na rin ang sofa para may mahigaan kami. Nang lumamig ang buong kwarto dahil sa aircon ay pumwesto na kami para manood. 

Nag-microwave pa ng popcorn si Howard na binili nito noong umuwi. 

Mga nakahiga na kami, nakakumot at nanonood ng movie na si Edward ang pumili. Akala ko noong una ay sci-fi ito pero ilang minuto lang din ay napagtanto namin na romance pala ito. 

"Aray, sakit." Napatawa kami nang mag-react si Lucas sa pinapanood namin. 

Tahimik lang akong nanonood habang sila itong nagre-react. Nang dumating na ang climax ng palabas at maghiwalay ang dalawang bida ay para akong nahirapang huminga. Idagdag pa na malungkot na ang kanta. 

Buong araw akong maayos, hindi umiiyak o di naman kaya ay malungkot, pero yung movie lang pala ang makakapagpaiyak sa akin. 

Katabi at kalapit ko lang si Xandro kaya naman tahimik lang akong umiiyak. Ayaw kong mapansin ako ng kung sino. 

Napatingala ako sa kisame bago bumunot ng malalim na buntong hininga. 

Nami-miss ko nanaman siya. Kamusta kaya siya? Wala pa rin akong balita sa kaniya. Kanina sinubukan kong buksan ang messages namin para balikan ang mga ito pero wala na akong nakita. Naka-block na ako sa kaniya dahil pati ang Facebook account niya ay hindi ko na makita. 

Patuloy ang pag-agos ng luha ko na hinahayaan ko lang. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang may nakadagan sa dibdib ko at ang sakit-sakit nito. Nahihirapan din akong huminga at pakiramdam ko ay kakapusin ako. 

Gusto kong umiyak nang malakas, yung humahagulgol kagaya ng ginagawa ko noong mga nakaraang araw pero hindi ko ito magawa. Ayokong makita ako ng mga kaibigan kong umiiyak. Pagtatawanan lang ako ng mga ito o di naman kaya ay kaawaan. 

Hindi ko na nagawang panoorin ang palabas, nagtalukbong na ako at doon ay tahimik na umiyak. Kahit mahirap huminga ay nagpipigil ako hanggang sa makatulog ako. 

Kinabuksan ay nagising ako nang may mag-alarm sa amin. Pagkatanggal ko ng kumot ay saka lang din pala sila gumigising. 

Kagaya kagabi ay nag-unahan sila sa paggamit ng banyo. Mabuti at dalawa iyon kaya medyo mabilis. Kaming dalawa ni Edward ang nahuling naligo kaya pagkatapos namin ay na-abutan namin silang nasa sala. Inalis na nila ang pinagtulugan namin at nakabalik na ang sofa sa kinalalagyan nito. 

Pumasok muna ako ng kwarto para makapagsuklay at maglagay ng pabango. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kitang-kita yung eyebags ko, maga rin nang bahagya ang mga mata ko, namumutla at medyo namayat din ako dahil sa hindi pagkain nang ayos noong mga nakaraang araw. 

"Tagal mo naman," Reklamo ni Lucas nang lumabas ako ng kwarto, "Nagsuklay lang eh," truth is, I gathered my self and my thoughts. Hindi pa yata ako handang lumabas. 

I know I've been around social media for days and I don't want people to see me. Not that I'm being paranoid pero baka kung sino-sino ang lumapit sa akin. I am not in good state to talk and face other people. I can only be with my friends. 

Nang bumaba na kami sa lobby ay parang gusto ko nalang bumalik sa taas. I was anxious about the people around. Pakiramdam ko ay pinagtitinginan nila ako. 

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makapasok ako ng sasakyan. It took me few seconds before to start the engine. Kahulihan pa akong umalis at sinundan ang mga sasakyan ng kaibigan ko. 

"Kumuha kana rin kaya ng sarili mong cart?" Kanina pa nagbabangayan si Lorenzo at Lucas, 

Kumuha rin kasi ng sariling cart si Lorenzo dahil gusto niyang mamili para sa condo niya pero itong si Lucas ay nakikilagay sa cart ni Lorenzo. Pero halos kalahati ng cart nito ay sa kaniya. 

Sila Edward at Xandro naman ay tinutulungan ako sa pagbili ng mga pagkain. Lalo na si Howard nang mapansing hindi manlang ako kumuha ng kahit anong prutas o gulay, siya na ang naglagay nito sa cart ko. 

Nasa pagitan ako ni Edward at Xandro, si Adrian nasa likod ko habang si Howard ang nasa harap. Sila Lorenzo, Shawn at Lucas ang na-uuna at maiingay. 

Namimili ako ng sausage sa may frozen aisle, sila Edward ay ilang metro ang layo sa akin nang biglang may babae na tumabi sa akin. 

"Excuse me, Haze Vergara right? Can we interview you for few minutes regarding--"

"No, hindi pwede," agad tinakpan ni Edward ang cellphone ng babae. "Few minutes lang, we just want to know his relationship with--"

"Hindi nga pwede." matigas na turan ni Edward, nanatili akong nakatingin sa sahig, pinipisil ang sausage na hawak ko. 

"You're not Haze Vergara naman, can we just talk to him for few minutes?" Nag-angat ako ng tingin at nakitang inis na ang babae pero mas inis na si Edward. Si Xandro ay hindi maka-imik pero hawak nito ang laylayan ng t-shirt ko. 

"What's wrong?" Lahat kami napalingon kay Howard, "Pinipilit si Alonzo bro, gustong interview-hin." Sumbong ni Edward, 

Naglakad palapit si Howard, hawak-hawak ang malaking bag ng frozen mixed vegetables. 

"Alam niyo bang pwede kayong i-reklamo sa ginagawa niyo?" Ma-awtoridad nitong turan, nakita kong napalunok ang babae bago utay-utay nagalakad paurong at saka umalis. 

I was embarrassed and ashamed, nakakahiya, I couldn't stand up for myself, kailangan pa akong ipagtanggol ng mga kaibigan ko. 

"Anyare?" Nang biglang dumating si Shawn na walang ka alam-alam ay lahat kami umiling, "Wala, wala naman, ipinapakita lang ni Howard yung mixed vegies." Pagpapalusot ni Xandro, napakunot ang noo ni Shanw bago tiningnan ang hawak ni Howard. 

"Inang 'yan! Dalawnag kilo?! HAHAHAH! Dami niyan! Tama 'yan! Tama 'yan! Healthy living tayo." ani nito bago inilagay sa cart ko ang bag ng gulay. 

Habang naglalakad ay lumapit bigla si Lucas, "Uy, uy, may free sample ng baked mac dun, tara dali!" Pag-aaya nito, nagkabungisngisan kaming lahat bago itinulak ang cart at sinundan si Lucas. 

Naka-ilang free samples din kami. Nahihiya nga ako minsan dahil walo ba naman kaming titikim kaya naman binibili ko nalang yung pagkain. Pagdating naman sa free sample ng alak ay si Lorenzo agad ang kumuha ng tatlong bote kaya naman hinayaan lang kami na kumuha ng ilang free samples. 

Umabot halos ng 15,000 ang bill ko, kahit nasa cashier na ay naglalagay pa si Shawn ng pagkain sa cart ko. 

Tulong-tulong kaming isakay sa sasakyan ko ang tatlong malalaking box ng grocery. Dahil medyo tanghali na rin ay dumiretso na kami ng isang samgyupsal restaurant para magtanghalian. 

"We'll get the private room," Dagdag ni Edward, wala ng naka-angal sa kanila at inihatid na kami ng staff sa isang private room. 

Habang kumakain ay tahimik lang ako sa tabi ni Xandro habang sila Lucas at Shawn ang nagbabangayan dahil sa pagluluto. 

"Aray!" Napaso ako sa pinaglulutuan nang kukuha sana ako ng side dish, inilayo naman ni Xandro ang lutuan para hindi na ako mapaso. 

Madami silang pinag-uusapan, sinusubukan ko namang makinig pero parang wala naman akong naiintindihan o pumapasok sa utak ko. Nakikitango o sumasang-ayon nalang ako kapag nagtatalo-talo sila. 

Alas tres na nang matapos kami. Kami nalang nila Xandro, Lucas at Edward ang bumalik ng condo ko para mag-ayos dahil may aasikasuhin daw ang iba. Pero bago pa sila umalis ay nagka-ayaan na ang mga ito sa bahay nila Shawn dahil wala raw tao rito. 

"Saan 'to inilalagay, Alonzo?" tanong sa akin ni Lucas, naglibot ako ng tingin sa mga cabinet para maghanap ng mapapaglagyan bago itinuro ang cabinet sa taas. 

Nang matapos kaming mag-ayos ay umalis muna sila Lucas at Edward kaya naiwan nalang kami ni Xandro. 

"Wala kang gagawin?" tanong ko rito, naka-upo lang siya sa sofa at nagpapaka-busy sa cellphone, 

"Bakit? Pinapaalis mo na ako?" tanong niya at napatawa ako nang bahagya bago umiling, "Hindi 'no, tinatanong ko lang." sagot ko at ibinaba nito ang hawak niyang cellphone. 

"I won't leave you, you know, none of us will leave you alone." he seriously said, a scoffed escaped my lips before walking towards his direction and sitting on the sofa next to him. 

"Thanks, but you don't have to--"

"We want to, cause we want you to know that you're not alone. You have us, Alonzo. You know that." He cut me off, I sigh and clasped my hands together, my elbows resting on my legs, "Thank bro, really appreciate it." I said and he hummed, 

He smiled, "Plus, I know you'll do the same when I'm going through the same shit." he said and my brows furrowed, 

"What do you mean?" I confusedly asked, he shook his head before resting his back on the sofa, "Wala, wala naman," he replied and I squinted my eyes, "There's something you're not telling us." I said and he laughed, 

"Yeah, but... it's still bearable." he replied and I sighed, "Kailan ka magsasabi? Kapag hindi mo na kaya?" tanong ko at utay-utay siyang tumango. 

"Yep, plus, you're going through tough times too. Ikaw muna, next time nalang ako." sagot nito at parehas kaming napatawa. 

Nagpalipas lang kami ng oras, naglaro nalang kami ng COD buong hapon. Bandang alas sais nang dumating si Edward at Adrian para sumabay sa pagpunta sa bahay nila Shawn. Quarter to seven ay umalis na kami ng condo. 

"Nasaan si Allison?" tanong ni Xandro nang makapasok kami sa bahay nila Shawn. 

Sinamaan ito ng tingin ni Shawn, "Bakit mo hinahanap kapatid ko?" tanong nito at napatawa kami, 

"Kasi lagi siyang andito?" sagot ni Xandro, gets ko naman kung bakit iyon tinanong ni Xandro. Kahit ako ay naguguluhan bakit wala yung kapatid niya. 

Napatawa si Shawn, "Wala, kasama ni mom at ng dad niya, pumunta silang Japan." sagot ni Shawn, 

Pagkarating namin sa poolside ay agad kaming naupo, "Hindi ka sumama?" tanong ni Lorenzo, 

Nagkibit balikat si Shawn, "Siyempre bro... family time nila yun." sagot nito habang inaayos ang mga pagkain na nasa lamesa. 

"Part of the family ka naman, ah?" tanong ni Xandro at tiningnan ito ni Shawn bago bumuntong hininga. 

"Si Xands, parang others, ih." turan nito at napatawa kami, "Eyy! Anak sa labas things!" Pang-aasar ni Lorenzo, agad itong sinita ni Edward habang kami itong napahagalpak ng tawa ganun na rin si Shawn. 

"Hindi naman anak sa labas si Shawn, eh. Ikaw lang--" Agad tinakpan ni Howard ang bibig ni Lucas. 

"Ewan ko sa inyo, gugulo niyo!" Napakamot sa ulo si Shawn bago bumalik ng kusina nila para kunin ang iba pang pagkain. Sinundan pa siya ni Adrian para tulungan ito. 

Sila Lorenzo at Lucas ay agad nag-ayang maligo, sumunod na rin agad si Xandro at Edward. Kumain muna ako saglit bago maya-maya ay nagtagal na rin ng t-shirt at bumaba ng pool. 

"'Di nalang tumalon, eh!" sigaw ni Lucas, napatawa ako nang bahagya habang dinadama ang lamig, "Malamig!" sigaw ko bago tuluyang lumubong ang katawan sa pool. 

"Malamig?! Sus! 'Di kaya!" sigaw ni Lucas, itinubong ko muna ang ulo ko bago naglangoy papunta sa kanila. 

Maya-maya lang din ay sumunod na si Shawn, Howard at Adrian. Si Lucas na parang isda sa galing maglangoy ay nakaka-abot pa sa pinakamalalim na parte ng pool. 

Nagka-ayaan silang maghanapan ng piso sa ilalim, dahil walang gustong maghagis ay idinamay pa namin ang isa sa mga kasambahay nila Shawn. 

"Ang daya mo Shawn!!" sigaw ni Edward nang tapakan ni Shawn ang piso, "Gago--" Napahagalpak kami ng tawa nang biglang buhatin ni Howard si Shawn para maalis ang pagkakatapak sa piso. 

Sa huli ay lahat kami pagod kaya umahon kami sa pool para kumain. May videoke pa sila sa may pool na kay Shawn din naman bentang-benta. 

Bandang 11PM nang na-umay kami sa videoke. Dahil mga basa ay hindi rin naman kami makapasok sa loob. 

"Iinom kaba, Alonzo?" nagulat ako bigla sa tanong ni Edward, nag-parte ang labi ko, lahat sila nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko, "Uh... kaunti lang," sagot ko at tumango si Edward. 

Maya-maya lang din ay may dumating ng mga alak at baso. Alam ko naman na gustong-gusto nilang mag-inom at pakiramdam ko dahil sa akin ay nagpipigil sila. 

Hindi ako laging dinadaanan ng ikot, nilalaktawan ako nito kaya naman sila ang nakakarami at ako ay hindi. 

"Ala una na!?" Gulat na turan ni Lucas nang tumingin sa cellphone niya. 

"Panigabong araw nanaman," Bumuntong hininga si Shawn, pinagmasdan ko ang basong nasa harap ko. 

"Panibagong araw nanaman na wala siya." bulong ko na na-agaw ang atensyon nilang lahat. 

"Alam niyo bang ano... gustong-gusto ko siyang pigilang umalis." turan ko, natahimik silang lahat. 

"Gusto ko siyang pigilan pero ayaw ko rin. Kasi alam kong hindi madali sa kaniya at ayaw ko nang dagdagan pa yung problema niya.." turan ko habang pinaglalaruan ang baso sa kamay ko. 

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko. 

"Imagine... I only had less than 2 days with her. Saka ko lang nalaman na aalis na pala siya noong gabi ng graduation niya. Imagine the plans I have for us. For summer, tangina, alam niyo yung... lahat gumuho, eh." Hindi ko napigilan ang mga luhang umagos sa pisnge ko. 

"Kasi yung isang araw nga na hindi siya nakikita nanghihina na ako what more ng matagal!?" Bumunot ako ng malalim na hininga, "Tapos malayo... tangina, yun palang ang sakit-sakit na, eh." Nagpahid ako ng luha, 

"Tapos... nangyari pa yung sa party." Halos bulong nalang ito, napasapo ako sa mukha ko, "Gagi, paalis na siya, eh. Tapos ganun pa yung ginawa ko!? Ganun pa!? Napakagago ko talaga!" Naramdaman kong may humimas sa likod ko. 

"Ayaw ko naman talaga sanang ihatid si Adrian, pero... siyempre... kaibigan ko 'yan, naawa rin ako. Pero..." Nagsisisi ako, oo, sobra yung pagsisisi ko na inihatid ko pa siya. 

"Alonzo... I'm sorry, pero hindi ako kasabwat ni Camille, I swear. Yung mekaniko namin yung kinausap ko at... I'm sorry." Nag-angat ako ng tingin kay Adrian, 

"Wala kang alam na andun siya?" tanong ko at umiling ito, "Hindi, wala akong alam kasi ibang babae yung pakay ko dun." sagot niya at utay-utay akong tumango. 

At least now I know, at least now... nawala yung maliit kong galit kay Adrian. 

"It was all Camille's fault, Alonzo." I glance at Howard, "Right, lahat ng 'to kasalanan niya." sagot ko bago dinampot ang shot glass na dapat shot ni Xandro bago ito ininom. 

"Kung may dapat man na karmahin, si Camille yun." turan ko at tumango ang mga ito. 

"You can sue her," we all glanced at Howard, Adrian nodded, "Yep, may kalalagyan siya. Even sa mga taong nagpakalat nung video." Dagdag pa ni Adrian. 

My lips parted, a sigh escaped my lips, "Kailangan pa bang umabot sa ganun--"

"So what? Hahayaan mo nalang siya? Yung taong sumira sa relasyon niyo?" Putol sa akin ni Edward. 

Napasandal ako sa bangko, "Karma na ang bahala sa kaniya--"

"Ikaw na yung karma." Putol ni Lorenzo, napakamot ako sa ulo ko, "Gumanti ka, Alonzo. Hahayaan mo nalang siya? There's no way--- we can use money, Alonzo." Napalingon kaming lahat kay Adrian. 

"Philippine's justice system is not as clean as we all think pero... using money to ensure that Camille will pay for the trouble she did, walang masama dun? Kasi alam nating lahat na siya dapat yung managot." Adrian seriously said, I look at Howard to seek approval and he slowly nod.

I pursed my lips, taking time to think. I've never took things this serious.  I would always let things slip and pass. Cause I believe that trying to solve things and take another step would just make things worse. That's what I used to believe... before. 

But the thought of Cass, our relationship that Camille ruined. 

I would stop believing on that belief I had. 

I cleared my throat catching my friend's attention. "So... wha-- how--- I've never actually sued anyone ever. I don't know how." I said, I saw a smile grew on Adrian's lips while Howard scoffed. 

Howard took a sip of his drink, "That's why I pitched it in. I already have things prepared."

KINABUKASAN ay maaga kaming pumunta sa abogado namin. May mga papeles din na dala si Howard para sa isasampa naming kaso kay Camille. Inihanda na nito ang mga dapat ay gagawin ng abogado namin. 

I've never done this before, pero may abogado kami, madalas ay hihingi lang ako ng tulong dito kapag nadadawit ako sa gulo pero hindi pa ako nakapagsampa ng kaso kahit kanino. 

May family attorney na nga kami, parang may personal attorney pa ako. Tinanong ako ni attorney ng detalye na nangyari sa party. Backgrounds at kung ano ang relasyon ko kay Camille. Though we're pretty sure that it's already written on the papers Howard have. 

Before lunch, natapos na kaming makipag-usap sa abogado ko at agad daw niyang ipapa-aalam sa management ni Camille ang tungkol dito. 

"What are you thinking about?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Xandro sa likod ko, andito kami ngayon sa bahay nila Edward, nakatubog ako sa infinity pool nila at tinatanaw ang dagat.

"I'm thinking about two things," I replied and Xandro hummed, "Kamusta na kaya siya?" I mumbled, staring out of nowhere, 

"Ano kayang ginagawa niya? Naiisip niya rin ba ako? Galit ba siya sa akin? O nami-miss niya ba ako? Kinamumuhian na niya ba ako? Masaya ba siya? Tumatawa ba siya? Umiiyak ba siya? Inaalagaan ba niya sarili niya? Nakakatulog ba siya? Kumakain ba siya nang maayos? Napapabayaan niya ba sarili niya? Inaalagan ba siya sa kanila? Kasi tangina kung ako yun--" Napahikbi ako bago napakagat sa pang-ibaba kong labi. 

Naramdaman kong hinimas ni Xandro ang balikat ko, "Iiyak mo lang 'yan," bulong nito, napasubsob ako sa braso ko, ang mga luha ko ay diretso ang pagpatak sa tubig. 

"Xandro... tangina, masakit, ang sakit-sakit. Miss ko na siya, gusto ko na siyang makita, makasama, marinig ulit yung boses niya. Pwede bang puntahan ko nalang siya? Please," Napahagulgol ako, patuloy ang paghimas ni Xandro sa balikat ko, narinig kong may tumalon sa pool, at maya-maya ay may umakbay sa akin.

"Mahal mo talaga siya 'no?" tanong ni Lucas habang hinihimas ang likod ko, agad akong tumango, "Sobra, sobra-sobra," sagot ko at nag-hum si Lucas, sunod-sunod silang tumalon sa pool para puntahan ako.

They were consoling and comforting me. I was expecting them to make fun of me while I cry but all they did was to be there, mumble comforting words and listen to all the things I say. 

"Ganiyan talaga ang buhay, kung kayo, kayo. Malay mo... kayo talaga sa huli?" Napalingon kaming lahat kay Lucas, napatawa ako nang bahagya, "Pinapaasa mo ako--"

"Hindi! Totoo nga! Malay natin diba?" Putol nito at napabuntong hininga ako, "I do hope so," I mumbled, looking at the setting sun. 

"You said you're thinking about two things? What's the other one?" Xandro asked, I took a deep breath, "Natanggap na kaya nila Camille yung... balita?" Nag-aalinlangan kong tanong, tumingin kami kay Howard at nagkibit balikat ito. 

"I don't know, your attorney will be contacting you." he said and we all nod. 

Just the next day, I got a call from Camille that I, of course, didn't answer. Then she spammed me with her messages. She was cursing at me, asking me stuffs, and mostly gaslighting me. 

I brought it to my lawyer immediately as Howard suggested. And in no time, Camille and her management requested to see us. I brought all my friends plus my attorney. Lorenzo, whose family have bodyguards, brought his bodyguards as well. It was too crowded, but my lawyer said it was for the best and our safety. 

"Haze..." there she go again, with her pleasing voice and puppy eyes. We're sitting across each other, next to us is our attorneys. 

"We don't have to reach this point, right?" she said with teary eyes, "I-I have my career, my... my work, my fans-- I can't loose them!" she exclaimed before breaking down into tears. Her manager rushed at her back to console her. 

"If you value your work so much then you should have think first before suddenly kissing me. We're done, Camille. Matagal na panahon na, you just keep on trying to squeeze yourself in my life. I don't know if you don't know or you're just plain... stupid-- but I have a girlfriend! I have a loving girlfriend who makes me feel I am worth it unlike you! Unlike you who made me feel I'm worthless and I could be replaced in no time! And because of you!--" I stood up on my seat, 

"Because of you I lost my girlfriend! You ruined my fucking relationship! And you think I'll drop this case?! What?! I'll let you have the freedom while I suffer, my girlfriend suffer and go through the pain that you caused the both of us?!!?" I felt hot tears stream down my cheeks, my attorney grabbed my by the hem of my shirt to pull me back down on my seat. 

"Sinaktan mo na ako dati, you've ruined me already before. Now... masaya ako eh, masaya ako, kuntento ako, I am living my life with Cass and then you decided to ruin it! May galit kaba sa 'kin? Ayaw mo ba akong maging masaya?! Kasi ako wala akong pake kung masaya ka sa buhay mo, hinayaan kita diba!? You said... nakipag-break ka kasi sabi mo noon your career is striving pero what?! I found out na you were cheating behind my back!" A scoff escaped my lips, I bit my lower lip before brushing my hair back. 

"You've cause me enough pain, Camille." It almost came out as a whisper, she's no longer crying, but I am, so much. 

I leaned closer on the table, "Minahal naman kita dati, ah? Or was I a waste of time to you? Alam kong may pagkukulang ako pero kailangan ba talagang gumanti ka nang ganito? May galit kaba sa 'kin?" Bumunot ako ng malalim na hininga bago pinahid ang mga luha ko. 

"Now, what's your excuse? Give me a good damn reason para i-urong ko yung kaso ko." Matigas kong turan, her lips parted before looking at her attorney. 

Her attorney faked a cough, "Mr. Vergara, are you sure Miss Del Mundo forced you to kiss you? Or did you liked the kiss too--"

"Sinubukan niyo ba akong baliktarin?" Nakagat ko ang loob ng pisnge ko, I scoffed, looking at Camille. "Alam mo ang ginawa mo. Alam mo sa sarili mong pinilit mo ako-- kaya 'wag mo akong babaliktarin!" I shouted, nag-iwas ng tingin si Camille at napa-singhal ako. 

"Mr. Vergara in what way can we deal with this without bringing it to the court? We could just pay you--"

"Pay me?! HA!" Napalingon ako sa mga kaibigan ko, "Babayaran daw ako!?" Hindi ko makapaniwalang turan, nakita kong natawa sila Shawn at Lucas bago ako nagbalik ng tingin kay Camille. 

"You said it, my surname, Vergara. The only inheritor of SilverSky Airlines. Biggest airline in the Philippines. A well known airline-- not just in Asia, the world! And you're telling me to drop the case just for some amount of money?! HA! Gusto niyo bilhin ko pa 'yang lintik na kumpanya niya at sunugin 'yan, eh!" Hinawakan ako ng abogado ko sa balikat para pakalmahin. 

"I don't need your money. Kayo, ikaw!" I pointed at Camille, "Ikaw ang may kailangan ng pera! 'Yan lang naman talaga habol mo, diba?! Passion!? Passion!? No, you want money and in order to have money you must work your a-- nagtatrabaho ka para sa pera. Eh ako?!" Napasinghal ako bago sumandal, 

"No. The only way we can deal with this is by bringing this to the court." I said, calming myself down. 

Nakita ko ang takot sa mata ni Camille, ng manager niya at ng abogado nito. Ilang minuto kaming natahimik, walang nagsasalita o anuman. 

Hanggang sa tumayo si Camille, sinundan ko ito ng tingin at laking gulat ko nang lumuhod ito sa harap ko. 

"What are you doing?" I sternly said, seconds later we heard her sobs. "Haze, please, you said it yourself, I need the money. So please, if you continue this case I'll loose everything, please." She begged, I stood up on my chair so the sight of her kneeling and begging in front of me feels much better. 

"Lucas?" Tawag ko sa kaibigan ko, agad namang tumayo si Lucas, "Yes bro?" 

"Video-han mo," Utos ko rito, nag-angat ng ulo si Camille at kitang-kita at pagkataranta sa mukha nito. 

"Oh sure, I'll drop the case--" her face lit up, "But of course... I won't let you be happy. But hey, you're not in jail!" I sarcastically said, 

Her expression dropped, "You'll beg for it, you'll say sorry, beg me to not sue you. You'll say what you did in that party. And it will all be recorded... and posted online." I saw the horror on her face. 

"Hindi naman pwede 'yan--"

"Edi tuloy ang kaso!" Agad kong pinangunahan ang manager niya. 

"You choose Camille, madali akong kausap." I said, I suddenly felt... the powerful one in the room. 

If I'll drop the case, of course I still won't let her be happy. Of course I won't give her the freedom she wants. 

Camille looked at her attorney, then at her manager. "Ang tagal mo mag-isip. Ikaw ang bahala, Camille. Itutuloy ko ang kaso, or you'll let us take a video of you kneeling and begging in front of me. We'll post it online to let people know what you did. Wala ka pa rin kawala, pero hey, at least hindi ka nakakulong!" Naiinip na ako, I want to destroy her in every way possible. 

Going to court sounds a little too much work. Tinatamad ako. Pero para kay Cass, hindi ko ibibigay sa kaniya ang kailigayahan. 

I heard her sigh, "Take the video," a cocky smile grew on my lips. 

I glanced at Lucas who has been taking a video of the whole thing. 

As I said, she stated what she did, she said sorry and beg for my forgiveness. And it was all in the video. I felt the taste of satisfaction. 

But what made things better was the days after Lucas posted it through Summit Hill Insider's Facebook page. 

It went viral just in the first minutes and hours. And by the next days and weeks, social media, news and even newspapers are filled with her faces. 

Siyempre hindi maiiwasan na madawit ako. They were people hating, but most of them are shocked and are on my side. 

Adrian and Lucas joined forces to create the caption for the post. It was a long caption that I even got tired to read. But they wrote the whole story even from the start of mine and Camille's relationship, then to her plan to use me as her fake boyfriend, then up to the kissing incident. 

Just what I expected and hoped, her career was ruined. Lucas would tell us news about her, the brands pulling out their promotions, terminating contracts, her losing her fans, until she left the country and probably run away from her issues and problems just like what she always does. 

"HIMALA at natagpuan ka namin ngayon." Kakadating ko palang ay binubungangaan na ako ni Shawn. 

Napatawa ako bago naupo sa tabi ni Xandro at agad ako nitong inabutan ng baso, "Dapat malasing ka bago ka umalis." ani nito at napapatawa ako habang sinasalinan ni Adrian ang baso ko ng alak. 

"Hope not, may flight ako ng 8am bukas." sagot ko bago agad sumimsim ng alak, "Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Nagpapalusot ka lang!" Kantyaw ni Shawn at napatawa kami bago ako umiling. 

"No I'm not, I really do." I replied before taking a sip of my drink "Hey, hey, food, baka hindi kapa kumakain." Sita sa akin ni Edward, 

Napatawa ako bago ibinaba ang baso na hawak ko, "Don't worry, I had dinner already. I had pasta sa airport." I said to assure him. Ever since Edward and Xandro became licensed doctors, they won't stop worrying about our health. 

"Kumain ka pa, alam mo namang kakain tayo dito." turan ni Xandro na parang nagtatampo pa, siya nga pala ang nagluto ng ibang pagkain at dinala sa bahay ni Shawn. 

We don't usually get to see each other like before. Of course it's part of adulting. We now have our own jobs, places to live and other stuffs to do. Pinilit ko na nga lang humabol ngayon kahit pagod pa ako sa flights ko. 

We were having fun and it's already 1 in the morning when Shawn had to go, "Puntahan ko lang, babalik ako--"

"No no, magliligpit na kami, then we will go. Kami na bahala rito." Putol ko rito, nag-alinlangan pa si Shawn bago tumango at nagtatakbo papasok ng bahay niya. 

Inayos na namin ang mga pinagkainan at naglipit bago kaniya-kaniyang umalis. 

"LADIES and gentlemen, this is Captain Haze Vergara speaking. On behalf of First Officer Zian Morales and the entire crew, welcome aboard Silver Sky Airlines flight 603 bound for Japan. We're thrilled to have you with us today as we prepare to take to the skies. Our flight time is estimated at approximately 10 hours and 40 minutes. Our crew has gone through thorough pre-flight checks to ensure your safety and comfort throughout the journey. We kindly ask that you fasten your seatbelts, stow your tray tables, and ensure your electronic devices are in airplane mode. Sit back, relax, and enjoy the flight. Thank you for choosing Silver Sky Airlines." 

Just when I finished the take off announcement, I felt a stinging pain on my temples. A small groan escaped my lips as we take off from the ground. 

I've been having a hard time sleeping these past nights and days. Due to a very conflicting schedules, my sleep schedule is also affected. I've also attended the party few days before we flew to San Francisco and it gave me a terrible hang over. I even had a mild fever yesterday, nawala naman kaninang pagkagising ko pero babalik yata. 

We've been flying for hours already, naka auto-pilot naman ang eroplano kaya nagagawa kong makapagpahinga habang naka-upo at mino-monitor ang lipad namin. 

But I must admit that I don't feel so good. The stinging pain on my head got worse. I feel like my whole body is burning. I feel like my head is floating. "Magbabanyo lang ako," Paalam ko sa co-pilot ko, inalis ko ang seatbelt ko bago nagbadyang tumayo. 

Pero sa segundong umalis ako sa kinauupuan ko ay umikot ang paningin ko bago nanlambot ang mga tuhod ko at napa-upo pabalik sa bangko, "Cap!? Okay lang kayo!?" Tarantang tanong ni Morales. 

I couldn't answer properly, I was groaning but nodding. Basically I'm not okay but I don't want people around me to stress over me. Morales called a flight attendant, and few minutes after I heard them asking the passengers for a medical practitioner or a doctor. I wanted to stop them, I don't want the passengers to worry. Minutes passed and no one have entered the cockpit yet. I remained in my seat, catching my breath even though the pulsing in my head is getting worse and worse. 

I was catching my breath but I'm not trying to make it obvious. Baka mag-panic sila Morales at flight attendants, that's not good for our flight. 

Maya-maya ay may pumasok sa cockpit, hindi ko ito magawang lingunin dahil sa bigat ng pakiramdam ko. But I heard the familiar voice, it's unclear but I was sure. 

"Good evening, I am doctor Cassandra Gonzales, I am a medical doctor, I will be giving you first aid, sir." 

I don't know if it helps, pakiramdam ko ay mas lalong bumigat ang paghinga ko pero hindi sa masamang paraan kundi sa galak. I felt her undoing the buttons of my shirt. When I had the urge to open my eyes, our eyes met. I felt my heart beat went animalistic pace. 

I couldn't talk, but I wanted to, specially when her hands shifted on the belt of my pants. "Sir we have to loosen your belt so you can breath." 

She sounded so casual and professional. Her calling me 'sir' feels wrong. 

After she finished loosening my belt and undoing some buttons of my shirt, we were left alone by my co-pilot and flight attendants. Great. 

I don't know if I should feel happy about this or not. This isn't what I imagine of us seeing each other again. Hindi yung himamatayin ako. 

I wanted to speak, I wanted to talk to her. Who knows when will be the next time we'll see again? But all I could do is to catch my breath as I feel like I'm loosing a lot of air.

I couldn't even get to look at her face. Hindi ako makalingon sa kaniya. Pero gustong-gusto ko siyang makita at mapagmasdan. 

Her face almost didn't changed. Her cheeks still looks soft and chubby. Her lips got plumper, her brows got more defined and prominent, but her eyes... no longer show the spark it used to have before. 

It wasn't the same. It wasn't like before when we were together. 

A small sigh escaped my lips before I closed my eyes, taking deep breaths. Pinagpapawisan ako kahit ang lamig-lamig ng cockpit. I felt her presence beside me, but I didn't dare to open my eyes. I missed her, yes, but I also have this shame inside me for what happened in the past. 

"Shouldn't you be leaving me once I'm okay?"

I felt her leaving and walking away. I don't want her to leave. I want to feel her presence beside me. 

Our eyes met once again and I'm still trying to look for the spark that it used to have. But instead, she looked  at me like she was pissed. 

"Ano pa bang nararamdaman mo?"

"Nahihirapan pa rin akong huminga," I replied, talking didn't help. I suddenly felt like throwing up and I started to get dizzy. 

I closed my eyes as I feel like my head is going to explode. I was catching my breath. My shortness of air got worse and I feel like I'm about to collapse. Am I dying?

"Wala ba kayong oxygen tank? Kahit ano? Hindi ka pwedeng mahimatay rito!" I heard the panic in her voice, I felt her undo the remaining buttons of my shirt. She untucked my sando and pulled my shirt down to my arms. Pinaypayan niya rin ako bago inalok ng tubig. 

I don't know if she cares because I'm a patient, I'm the pilot or because I used to be someone in her life. 

What she did helped, yung pagpapaypay at yung pagpapaginhawa ng suot kong damit. 

When I felt her turn her back at me, I stopped her and plead her to stay. I thought... somehow we're in good condition at this moment, but I was wrong. 

"If you think we're okay... you're wrong. Hindi porket inasikaso kita ay may pake na ulit ako sa 'yo. It was my duty and responsibility to help you cause at this time you are my patient and it's just that. Don't think too much or even try to think further than this." I could hear the pain and anger in her voice. 

I pursed my lips as I hear her footsteps leaving the cockpit, "Cass... please," I called out but she didn't even stop. 

When I heard the door of the cockpit closed, I fixed my clothes, buttoned my shirt and buckle my belt. Nakakahiya kung ma-aabutan ako ni Morales at ng mga flight attendant na ganito ang kondisyon. 

Hindi nawala yung pagkahilo ko pero nabawasan naman. Pagkalapag namin sa Japan ay sinubukan ko pang hanapin si Cass pero naka-alis na agad siya. 

Dahil may lay over ulit kami sa Japan ay nagpahinga nalang ako sa hotel at nagpagaling. 

Pagdating ng hapon ay nagutom ako kaya bumaba ako para kumain sa buffet. Nang pabalik na ako sa kwarto ay laking gulat ko nang tawagin ako ni Cass. Nag-aalinlangan akong kumaway sa kaniya. 

Kinamusta niya ako at hindi na siya mukhang galit kagaya ng sa eroplano kagabi. "Masama paba pakiramdam mo?" tanong nito, 

"Ah ano, okay--" nagulat ako nang hawakan niya ako sa leeg para salatin ang init ng katawan ko. 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang lamig ng palad niya sa leeg ko. Napalunok ako ng laway dahil pakiramdam ko ay sasabog ako sa paghawak palang ng palad niya. 

Ayon sa kaniya ay may sinat pa raw ako kaya naman agad na akong nagpaalam at pumasok ng kwarto. 

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko nang maisara ko ang pintuan sa likod ko. 

It still feels unreal, yung nakikita ko siya, kinakausap niya ako, magkaharap kami! 

It's been years! 

Kamusta na kaya siya? Ano na ang mga nangyari sa buhay niya? Masaya ba siya? Inaalagaan niya ba ang sarili niya? 

Ang dami kong gustong itanong, gusto ko siyang kamustahin, gusto kong makipagkwentuhan at kausapin siya na gaya ng dati. 

"ANO ngayong balak mo?" tanong ni Shawn, 

Kakauwi ko lang ng Pilipinas, busy ang marami sa amin pero dahil si Shawn ang boss sa sarili niyang kumpanya ay ito ang hindi gaanong busy sa amin at napuntahan ko sa bahay niya. 

Napasapo ako sa ulo ko, "Hindi ko alam, I-I mean... mukha naman siyang okay? May galit na kaunti, oo, pero... kinamusta pa niya ako sa hotel!" Narinig kong napatawa si Shawn, 

"Kalma lang, para kang nasisiraan ng bait." ani ni Shawn at napabuntong hininga ako bago sumandal sa sofa. 

"Mukha naman siyang... okay. Mukhang... balewala nalang, mukhang--"

"Naka move on na?" tanong ni Shawn, ilang segundo ko siyang pinagmasdan bago tumango. 

"Oo, mukhang naka move on na." sagot ko rito. 

Hindi pa ako nakuntento na i-kwento kay Shawn dahil maski sa iba naming mga kaibigan ay ikinwento ko ang nangyari. 

Halos mabaliw-baliw ako habang nagkekwento at hindi na naiwasan pa ang mapaiyak. Napapadalas akong magpapalit ng flight papuntang San Francisco at madalas ko rin binibisita ang mga pasahero para tingnan kung andito ba siya. 

"ALONZO!" Nagulat ako nang isang gabi ay dumating si Xandro sa bahay, "Oh? Urgent ba talaga 'yang sasabihin mo? Sabi ko naman sa 'yo sa condo nalang--"

"I think Cass is coming back to the Philippines." My lips parted, I felt my knees gone weak. 

I was speechless for a seconds. I'm still trying to sink things in. Yung sinabi ni Xandro, iniintindi ko pa. Nabibingi na yata ako, eh.

"Wha- What do you mean na coming back? Bibisita o--"

"Settling here, I don't know! Allison is asking me kung may vacancy raw ba sa MMH. Sabi ko wala para sa profession niya pero ang sabi niya sa akin ay hindi para sa kaniya kundi para kay Cass." Putol nito sa akin, parehas kaming natatarantang dalawa. 

Bakit ba siya natataranta?! Natataranta rin tuloy ako! 

Para akong kakapusin ng hininga. Hindi ako makapag-isip nang ayos. 

Hinawakan ko sa balikat si Xandro, "Well... may vacancy ba para sa profession ni Cass? Tinanggap mo ba siya?--"

"Of course! Bro, of course! I know Cass is an excellent doctor. Plus... I know that you'll be happy to see her around." A smile grew on my lips and so did Xandro before the two of us burst out laughing. 

"Alam kong kukulitin mo akong tanggapin siya. Plus, connection, she was also a friend of mine, you know. And like what I said, I know she's a great doctor." Xandro said and I slowly nod, "Thanks bro, I owe you one, big!" 

The next days, Xandro and I would always keep in touch. He updates me on the progress of Cass's transferring so I'll know when I'll pretend to visit him at work. 

But turns out that I don't have to pretend to visit him because I had to go to the hospital to get my ankle checked. I got into a minor motorcycle accident and I might have a broken bone on my feet. 

"Malayo naman sa bituka," biro ko kay Xandro habang tinitingnan ang paa ko, 

"Hihintayin pa rin natin yung results ng x-ray mo." sagot nito at napabuntong hininga ako, "Nakakalakad naman ako--"

"Pero masakit, sabi mo." Putol nito sa akin at napabuntong hininga ako. 

"Balita kay Cass?" tanong ko, "Well... pauwi na siya, yung clinic na para sa kaniya, naayos na. Siya nalang yung hinihintay. Sa mga susunod na araw andito na siya." sagot niya at nag-hum ako, 

"Tapos ako ito, pilay nanaman." turan ko at napatawa si Xandro, "Lagi naman," 

Kahit may pilay ay pumasok pa rin ako sa trabaho. Nakakalakad naman ako, medyo pilay, masakit kapag tinutuunan pero kaya naman. 

Nasa airport ako ng Thailand nang biglang mag-message sa akin si Xandro. Nasa ospital na raw si Cass. Nabuo agad ang araw ko, na-excite tuloy akong umuwi ng Pilipinas. 

From: Xandro Nicholas

don't forget may check-up ka sakin bukas, 10:30am

To: Xandro Nicholas

oo naman, gusto mo alas nuebe palang andiyan na ako eh! 

Kinabukasan ay may early morning flight ako. Pero by 8am ay pabalik na rin agad kami ng Pilipinas. Galing South Korea lang ang flight ko kaya mabilis din akong nakabalik. 

Umuwi muna ako ng condo para magpalit ng damit. Nag-ayos din ako ng sarili dahil baka sakaling makita ko si Cass. Kung magkikita ulit kami, yung maayos na ako, hindi yung himamatayin ako. 

Nakangisi ako nang pumasok sa ospital. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nasa iisang lugar kami, iisang building, hindi malabo na magkasalubong kami. 

I wasn't late on my check-up. I'm just on time. It's exactly 10:30am when I exited the elevator. I turn on my side to go to Xandro's clinic when I heard a familiar voice. 

"Aww, thank you doktor Dizon."  My lips parted to see Cass talking to another doctor. 

"Just call me Kendrick, starting now, doktora Gonzales." Hindi ko mamukaan yung lalaki dahil nakatalikod ito sa akin. 

Pinagmasdan ko ang mukha ni Cass, nakangiti siya, yung ngiting kasama ang mata. Yung makikinang niyang mata... nakita ko na ulit. Pero sa oras na 'to, kumikinang ito dahil sa ibang lalaki. Hindi dahil sa akin, kundi dahil sa iba.

"Okay, then call me Cass,"

I wonder if I could make her eyes shine like that again? If I could make her smile just like how she used to do. If she would smile and laugh with me again? 

Our eyes met, I saw how her expression dropped. 

It hurts... seeing her happy with another guy. 

I couldn't help it, I couldn't take it. I can't bare to see it. 

Naglakad ako papunta sa hagdan na katapat ko lang para takasan yung sakit. Para hindi ko na sila makitang dalawa. 

Dahil kung magtatagal pa na makita ko ang nangyayari ay baka hindi ko na kayanin at umiyak nalang doon. Naupo ako sa hagdan at nagpalipas ng ilang minuto. Hinintay kong umalis lang silang dalawa doon bago bumalik at pumasok ng clinic ni Xandro. 

"Well, it looks like wala ka namang fracture, pakiramdam mo lang yun, congrats!" Nakangiting turan ni Xandro, tumango lang ako sa sinabi niya. 

"Late ka today, ah? May nangyari ba?" Sumandal ito sa lamesa niya na para bang hinihintay niya akong magkwento. 

Napabuntong hininga ako, "I saw Cass--"

"Anong sabi--"

"He was talking to this one guy... Kendrick? If I'm not mistaken." I said in a sullen tone. 

Xandro's smile dropped, his lips parted and lean away from his table, "Kendrick? Dizon?" he asked and I slowly nod. 

"Damn, then what?" he urged, I sighed and slowly shake my head. "Hindi ko na alam, they were just talking. But there's this... spark and shine in her eyes that... I didn't saw when we met at the plane." It almost came out as a whisper. 

I am still... brokenhearted with what I just saw. It still hurts. Naiinggit ako kasi kaya niyang pangitiin nang ganun si Cass. 

"Umiiyak kaba?" Napa-angat ako ng tingin kay Xandro, agad kong pinunasan ang mga luhang nasa pisnge ko. 

"Can you blame me?" I asked and Xandro shook his head, "Well, I'm sorry to hear that. But you have to go now, may pasyente akong dadating in 5 minutes. Kung gusto mo namang umiyak, dun sa bedroom." ani nito at bahagya akong napatawa bago tumayo at nagpaalam na. 

Hindi ko na gaanong inaasahan na makita o makasalubong siya. Pero nalungkot pa rin ako nang hindi ko rin naman siya nakita. 

THAT day at the hospital haunted me for days and weeks. I would always remember how she smiled at him. How her eyes sparkle and shine while talking to him. 

I know the pain never disappeared, I never get to move on. I am still here, I am still here hoping for things to work out again. 

But at the same time, she looks like she have already moved on. She looks like she's happy-- and I'm glad she is! I'm happy that she's happy in her life. 

And I'm scared that if I try to comeback in her life, I might just ruin it again. She might remember the pain I caused her 5 years ago. 

"Mukha ka nanamang lantang gulay?" Inilapag ni Shawn ang bote ng beer sa harap ko, napabuntong hininga ako bago dinampot ang bote. 

"Alam mo na yung nangyari last month diba? Sa ospital?" Pa-alala ko rito at tumango ito, 

"Iniisip mo pa rin?" tanong nito at tumango ako bago sumimsim ng alak. "Umayos ka nga, para kang tangang natutulala d'yan." ani nito at bahagya akong napatawa. 

"Masakit eh, sakit." Nakatulala lang ako sa lamesa, 

Narinig kong tumawa si Shawn, "Ganiyan talaga, hindi natin mapipilit ang isang tao na mag-stay sa atin." Rinig ko ang lungkot sa boses ni Shawn, nag-angat ako ng tingin dito at nang magtagpo ang mga mata namin ay parehas kaming napahagalpak ng tawa. 

"Si sadboy naman 'to--"

"Ikaw nga rin!" Hirit agad nito, "Sabagay, mas matagal na yung akin tapos hindi pa rin ako nakaka-move on?! Tanga ko 'no?" ani ko at tumawa ito bago sumimsim ng beer at tumango. 

"Anong balak mo? Tagal mo nang iniiyakan 'yang nangyari sa ospital pero wala ka namang ginagawa." tanong nito at napabuntong hininga ako bago sumandal sa bangko. 

"Shawn," tawag ko at nag-hum ito habang sumisimsim ng beer, "Naranasan mo na yung... pinalaya mo yung tao dahil alam mong mas sasaya siya sa iba kaysa sayo?" tanong ko at halos maibuga ni Shawn ang beer na iniinom niya bago humagalpak ng tawa. 

"Gago! Parang tanga 'to! Tingnan mo nga ako! Hindi ko alam kung nasaan siya pero kung saan siya masaya, edi dun siya." Natatawa nitong sabi kahit na alam kong masakit din itong pag-usapan sa kaniya. 

Ilang segundo akong nanahimik. 

Normal lang naman pala iyon. Hindi lang pala sa akin nangyayari. We're not in movies to guarantee the happy ending we hoped to have. It's not always a happy ending. Sometimes it's just an ending we should just be happy about. 

"Bakit? Papalayain mo nalang si Cassandra? Ganon-ganon nalang yun?"tanong nito at nagkibit balikat ako.

"Mukha nga siyang masaya kasama yung Dizon na yun." sagot ko at bumuntong hininga si Shawn, "Hay naku Alonzo, nagpapatalo ka sa Dizon na yun, pabugbog mo kay Lorenzo!" ani nito at napatawa ako, 

"Sira, eh kung dun siya masaya." sagot ko, "Hindi natin alam kung masaya ba talaga siya sa Dizon na yun. Nakita mo lang na kausap at nakangiti masaya na agad? We know Cass, friendly talaga siya, kaibigan siya ng lahat. Malay mo naka welcoming face lang siya that day?" ani nito at napahagikhik ako nang bahagya. 

"Xandro would message me sometimes, madalas daw magkasama yung dalawa sa ospital. They get along so well." turan ko at napatango si Shawn, "Oh tapos? Ano naman?" Pabalang nitong tanong at napatawa ako nang bahagya. 

"Shawn... kasi... I caused so much trouble and pain on her. At... natatakot ako na baka kapag bumalik nanaman ako, kapag nagparamdam ako, baka ma-alala niya yung sakit at yung mga nangyari. Mukha na nga siyang masaya, eh. Sisirain ko ba yung kasiyahan niya?" Paliwanag ko rito, nagparte ang labi ni Shawn bago utay-utay tumango. 

"Gets, gets ko na, iyon pala ang ipinuputok ng buchi mo." ani nito, ilang segundo kaming natahimik, parehas nag-iisip. 

"Edi... hahayaan mo nalang talaga?" tanong nito at nagkibit balikat ako, "Titingnan ko pa," sagot ko at nag-hum ito, 

"Sige, tingnan mo, pero basta yung birthday ko, sa susunod na araw! 'Wag mong kalimutan!" ani nito at napatawa ako bago tumango. 

ON the day of Shawn's birthday, I was a bit late and didn't get to hear his speech. Agad ko namang nakita ang mga kaibigan namin sa isang tabi. 

"Akala namin hindi ka pupunta!" Inakbayan ako ni Lucas, "Na-delay kasi yung flight ko kaya hindi agad naka-alis kanina." sagot ko at tumango ang mga ito, "Si Shawn?" tanong ko at tumuro si Howard, "Kinakausap mga bisita niya." sagot nito at nag-hum ako. 

"Anong regalo mo? 'Wag mo sabihing pabango, pabango rin yung akin." Pag-uusisa ni Lucas sa regalong dala ko. 

"Sira, relo 'to-"

"Relo?! Parehas tayo ng regalo!" Napatawa kaming dalawa ni Lorenzo, "Wala talaga kayong creativity." Pagyayabang ni Adrian, "Bakit? Anong regalo mo?" tanong ko rito, 

"Gatas," sagot nito at napahagalpak sila ng tawa habang napakunot ang noo ko, "Gatas? Bakit?" Taka kong tanong, 

"Para kay ano--"

"Ah oo!" Napasigaw ako at naghagalpakan sila lalo. "Dami-daming pambili ng gatas ni Shawn." singhal ko, 

"Si Howard tanungin mo kung ano," Turo ni Lorenzo, humarap ako kay Howard, "Anong regalo mo?" tanong ko rito, "Matching outfits para sa kanilang dalawa." sagot nito, 

"Naks! Okay pa yun kaysa sa gatas, eh!" Pang-aasar ko kay Adrian. 

Nang dalhan na kami ng pagkain sa table ay saka lang din lumapit sa amin si Shawn. "Oh, nasaan si ano?" tanong ko rito, ano nga ba pangalan nun? Nakalimutan ko! 

"Kasama si mom-- tsaka bakit siya yung hinahanap niyo?! Andito ako oh! Ako yung may birthday!" Pagmamaktol nito, napa-iling kaming lahat habang humahagikhik. 

"Tanda mo na boi, 'di na bagay sa 'yo magmaktol." ani ni Lucas at pinandilaan ito ni Shawn. 

"By the way, Alonzo," Nag-hum ako nang tawagin ako nito, "Andiyan na si ano... yun... si ano--"

"Si Cass, 'di nalang sabihin, eh." Putol ni Edward at napatawa kami nang bahagya. 

"Oh, edi goods, magkikita ulit sila." turan ni Lucas at napabuntong hininga ako. "Kaso..." napalingon kaming lahat kay Shawn, 

"Andiyan din si ano...--"

"Si Kendrick, kayo naman, bakit hindi niyo nalang sabihin yung pangalan?" turan ni Xandro, 

"Eh!? Bakit andito yung asungot na yun? Tara Lorenzo, tambangan natin." Pabirong tumayo si Lorenzo at Lucas na ikintawa naming lahat. 

"Hayaan niyo na, hayaan niyo na silang dalawa." Awat ko rito, pinagmasdan naman ako ng mga ito, 

"Bakit ang sadboi mo? Hindi, kaya pa 'yan! Hangga't hindi ikinakasal!" turan ni Lucas at napatawa ako bago umiling at kumain nalang. 

Maya-maya ay umalis si Shawn para puntahan ang iba niyang mga bisita. Pagkatapos ay bumalik ito sa amin bago kami inaya sa isa pang event room kung saan ang after party. 

Doon kami nag-inom at sumayaw pa sila Lucas at Lorenzo. Para lang kaming nasa bar. Just like before, just like college days. I actually miss it, I sometimes miss studying and just being a student. Getting to sleep during class or vacant. 

Naiwan ako sa table namin dahil nasa gitna ang mga kaibigan ko. Pumunta ako sa may bar para kumuha ng iba pang inumin. 

Payapa akong sumisimsim ng alak nang makita ko si Cass na sumasayaw kasama ang Dizon na iyon. Napatawa ako nang pagak bago inubos ang laman ng baos ko, "Can I have one more of the same drink? Add 2 more shots of vodka," I asked the bartender, while waiting for my drink, I can't remove my eyes on Cass. 

She's dancing so... sexily in front of that Dizon. She looks like having fun, he looks too. 

"Here's your drink sir." Agad kong nadampot ang baso bago agad sumimsim ng alak. 

Napabuntong hininga ako, pinipigilang mas lumago ang pagseselos na nararamdaman ko. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang silang dalawa. Maya-maya ay tumigil sila sa pagsasayaw at may sinasabi si Dizon. 

Napakunot ang noo ko nang iniwan siya ni Cass at naglakad papalapit sa gawi ko, mukhang hindi pa niya ako napapansin dahil umupo siya mismo sa tabi ko. 

"Done having fun?" I gathered the courage inside me with the help of the alcohol.

"Why? Do you want to have some more fun with me?" I was shocked with her response. I could tell she's drunk just by the way she talk and look at me. 

She really have changed, a lot. Maybe it's the alcohol but she no longer look as innocent as before. She look at me seductively, as if she's undressing me in her mind. 

"Sex? Come on, show me what you got." She's teasing me and I can't handle this too much tension between us. It's in the air and it's suffocating me. With this attitude of her, she's turning me on. 

"Don't tease me like that--"

"Why not? Why? You have nothing to show me?" She's pushing me to my limits. If she keeps on teasing me we might end up on something she'll regret. 

But we're both intoxicated with alcohol. We're both... hungry for each other. 

We ended up in a hotel room Shawn had for me. It was a night full of pure lust and thirst. Ever since she left, I never tried to look for someone else. I never tried to look for another to fulfill the empty space in my heart. Nor fulfill my needs just like what my friends suggested. 

It was her all I could think about. No one could take me good just how she takes me. No one could scream my name the way she does. No one could turn me on like her. 

Her screams, her moans, her whimpers and squeals, it was all music to my ears. It was turning me on even more. Seeing her helpless under me, squirming on every touch. How she bites her lips, how her expression twitches on every thrust, it was giving me the urge to go more, harder and faster. I've been deprived of this, of everything that's happening between us for years. And it feels like it was saved up in me that I had to release everything tonight. 

I WOKE up with an empty space next to me. I sat up on the bed to look around but as I expected, Cass have already left. 

That day, I went back to my condo with a heavy feeling. Though last night was fun, I can't change the fact that it will just remain like that and nothing more. 

Few days later I got a call from mom, dad was hospitalized due to his high blood pressure. And I need to fly to the US to take over the growing company there. 

It was so sudden, I wasn't able to bid goodbye to some of my friends. It was only Shawn who was with me at the airport. 

It was hard, it was new to me. Though I was trained to do this, I was meant for this, to take over the company, it was still new. Dad have been working on this project here in the US while I was trying to learn how to manage the airline in the Philippines. 

[Kailan kaba uuwi? Ilang buwan kana rin diyan, ah. Baka hindi kana umuwi, ha! 'Wag naman!] tanong ni Shawn at napatawa ako nang bahagya, 

"Hindi ko pa alam, pero gumagaling na si dad, he just need to recover at magpalakas, then baka maka-uwi na ako." sagot ko rito at nag-hum ito, parehas kami ngayong nasa opisina. 

[Kamusta ka naman?] tanong ni Shawn, napabuntong hininga ako bago naglibot ng tingin sa opisina ko, "Ito, hindi pala masyadong okay, ang hirap pala, ang hirap maging boss. Paano mo nagagawa yun? Paano mo... paano mo napapagsabay lahat-lahat?" tanong ko rito at napatawa ito nang bahagya, 

[Ano... sometimes you just have to let go on some things and focus on things that you should really focus to.] he replied and my brows furrowed. 

"Like what? Everything seems important." I asked and he sighed, [Take it from me, I stopped looking for her, and focus on what I have now.] he replied and my lips parted, 

[Then, when I stopped looking for her, I stopped stressing over her, I got more time to focus on other things. Less stress,] he added and I slowly nod, 

"You mean... should I stop thinking about Cass now?" I asked and he pursed his lips, [So you're really not over her, yet?] he asked and I sighed, "She was my... everything." I mumbled and Shawn slowly nod, 

[Not anymore, Alonzo, not anymore. Kinaya mo dati na wala siya, kakayanin mo ulit yun.] turan ni Shawn, 

[Alonzo... it's been years, move on, let her go, so then... you can move forward. Maybe that's what holding you back. Subukan mo lang, admit and just accept it na... wala na talaga, tapos tingnan mo kung mas gagaan yung pakiramdam mo.] Malumanay na turan ni Shawn, 

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago utay-utay na tumango. "Okay, I'll try... but--"

[No buts, Alonzo, nakita mo naman na diba? Sinabi mo, na she looks happy, contented and she seems to moved on already. Ikaw naman Alonzo, it's your time to move on too.] he cut me off, I took a deep breath before slowly nodding, "Fine, I'll do it."

Just like what Shawn suggested, I admit to myself that everything between me and Cass is over. I no longer give myself false hope that things will go back how it was before. 

Pinipigilan ko na ang sarili kong mag delusyon at isipin na kami talaga ang para sa isa't-isa. 

And to my surprise, it really worked. Mas nabibigyang pansin ko na yung trabaho ko, yung mga ginagawa ko at pag ma-manage ng kumpanya. 

Gumaling na rin si dad at naka-recover. Noong una ay tinanong niya ako kung gusto ko na raw bang manatili dito sa US. It took me weeks to think about it. I seek help from my friends specially Shawn. 

[Kung babalik ka lang ng Pilipinas dahil iniisip mo si Cass, 'wag na. Ikaw na rin ang nagsabi na you got better when you stopped thinking about her. Back to zero ka nanaman pag-uwi mo?] tanong nito at napabuntong hininga ako. 

"Shawn... hindi ako babalik dahil sa kaniya. Babalik ako dahil sa inyo, sa trabaho ko na pagiging piloto. Iba ang pakiramdam ko rito. You know me, I suck at making friends. Wala manlang akong kaibigan dito, kapag diyan sa Pilipinas, andiyan kayo, pito pa!" sagot ko at napatawa ito bago tumango. 

[Sige na, sige na, binobola mo ako. Sabihin mo nalang kung kailan ka uuwi para masundo kita.] Paalam nito, napatawa kami parehas bago ibinaba ang tawag. 

I stayed in the US for few more weeks, I even celebrated Christmas there with my parents. But before New Year, I went back to the Philippines. Si Shawn at Lorenzo ang sumundo sa akin sa airport. 

"Ikaw ba nagpalipad ng eroplano?" tanong ni Lorenzo habang isinasakay namin sa sasakyan ang maleta ko. 

Napatawa ako sa tanong nito, "Sira! Hindi 'no! After New Year pa ang balik ko sa trabaho." sagot ko rito at tumango ito. 

Pagka-uwi ay nag-ayos muna ako ng gamit sa condo. Pagsapit ng gabi ay saka bumisita sila Edward at Xandro na may mga dalang alak. Salubong daw ito sa akin. Nagkamustahan lang naman kaming lima, nagka-asaran, nagkabiruan at may pikunan pa. 

Wala ring nangamusta sa akin pagdating kay Cass. Nakakapanibago, pero siguro para na rin yun sa ikabubuti ko. Malaki na ang naging improvement ko sa pagmo-move on ko kay Cass. 

Hindi na siya ang laging laman ng isip ko. Paminsan-minsan ay hindi ko na siya na-aalala pero may mga oras na pumapasok pa rin siya sa isip ko, sa mga oras na yun, hindi na kasing sakit ng dati. 

"TARA na?" tanong ni Lorenzo at tumango lang ako bago sumakay ng sasakyan niya. 

Papunta kami ngayon ng airport dahil lilipad kami papuntang Iloilo. Doon kami nagka-ayaang tatlo na mag-celebrate ng bagong taon. 

"Bakit hindi ka kasi sumama?" tanong ko kay Shawn, kakadating lang namin sa hotel at wala pang isang oras na nakakalapag ng Iloilo pero hagas na hagas na agad ito. 

Umiling ito bago ibinulsa ang cellphone, "Gusto raw kasing makasama nila mommy. At ako... gusto ko munang magpahinga." sagot nito at napatawa kami parehas ni Lorenzo, "Feeling binata ka pa kasi, eh. Hindi nalang tanggapin na hindi kana binata." Pang-aasar ni Lorenzo, 

Napabuntong hininga ako nang magbangayan ang dalawa. Mukhang magiging taga-awat ako nitong dalawang 'to. Si Lorenzo na mahilig mang-asar at si Shawn na pikon. 

Natulog muna kami at pagsapit ng hapon ay saka namin naisipang lumabas. Unang gabi palang namin ay marami na agad nabibili sila Lorenzo at Shawn. Kung ano-ano na rin ang natikman naming mga pagkain. 

Nang lumalim ang gabi ay saka naman kami nagka-ayaang uminom sa may dagat na inabot kami ng madaling araw. 

Kinabukasan ay nagpalipas lang kami ng oras sa hotel at pagsapit ng hapon ay saka kami naligo sa dagat. 

"Mata mo Lorenzo, mata mo!" Pabulong na sita ni Shawn kay Lorenzo na may halo pa na panggigigil. 

Napatawa si Lorenzo, "Sira, hindi naman ako nakatingin." Depensa nito at napa-ismid ako, "Sus," bulong ko, 

"Kung makahabol ka ng tingin--"

"Hindi kaya!" Nagbabangayan nanaman sila, "Good boy naba Lorenzo?" tanong ko rito at napatawa lang ito at hindi na nakasagot. 

Pagsapit ng gabi ay lumabas kami ng resort para kumain ng hapunan. Nilakad lang namin ito kaya naman gutom na gutom na kami pagbalik. 

"Media Noche na pala mamaya ano?" tanong ni Shawn at napakunot ang noo ko bago napahagalpak ng tawa. "Limot ko!" turan ko, "Ako rin!" Dagdag pa ni Lorenzo, 

"Sa sentro raw ng may fireworks display, punta ba tayo?" tanong nito at tumango nalang kami ni Lorenzo. 

Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad pa kami para makapaggala. Kung ano-ano nanaman ang binili nila Lorenzo habang ako ay  tsinelas palang ang nabibili. 

Bandang 11PM ay naglakad na kami papunta sa sentro. Doon ay mas marami ang nagtitinda, ang daming tao at mga pagkain. Si Shawn ay nakabili agad ng pagkain habang si Lorenzo ay nakabili agad ng t-shirt, pang-apat na t-shirt na niya yata 'yan. 

Habang naghihintay ay naupo kami sa tabi habang kumakain ng tusok-tusok na binili ni Shawn. 

"Kuya, pogi ka raw po sabi ng kasama ko!" Nagulat kaming tatlo nang may tatlong babae ang lumapit sa amin para sabihin iyon sabay takbo. 

Nagkatinginan kaming tatlo bago napahagalpak ng tawa, "Sino raw sa atin?" tanong ni Shawn, "Si Lorenzo yata," sagot ko, agad umiling si Lorenzo, "Si Shawn, sa kaniya nakaturo." turan nito at napatawa ako, 

"Tinik mo talaga, mukhang college palang yung mga yun, eh." ani ko bago sumubo ng kwek-kwek. 

"Papasa pa nga na grade 12!" Hirit ni Lorenzo at napahagalpak kaming tatlo ng tawa. 

Nang mag alas dose na ay tumayo na kami para manood ng fireworks. 

Ang gaganda, sobrang dami, kaniya-kaniya kaming tatlo ng pag vi-video rito. Nakangiti akong nanonood nang ma-alala ko ang una at huling bagong taon na magkasama kami ni Cass. 

Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko at ang pamamasa ng mata ko. Agad ko itong pinahid at pinanood nalang ang fireworks. 

Kinabukasan ay nag island hopping kami, puro ligo at kain ang inatupag namin buong araw kaya pagsapit ng gabi ay bagsak kami sa kama. 

Sa sumunod na araw ay lumabas ulit kami at pagsapit ng gabi ay bumalik na kami ng Manila. 

Nagpahinga lang kami ng January 3 at pagsapit ng January 4 ay pumunta naman kami sa La Union para mag celebrate ng birthday ko. 

"Buti nakapunta kayo!" Nakangiti ako nang makita si Howard at Adrian, "Holiday leave, buti nga kinaya pa, eh." sagot ni Adrian bago ini-abot sa akin ang regalo niya. 

"Baka ito gatas, ha? Hindi ako pamilyadong tao." Biro ko rito at napatawa ito. 

Um-order pa kami ng mga pagkain at inumin. Dahil madalang na kaming magkita-kita ay dire-diretso ang kamustahan namin. Ang mga pag-uusap at pagkwe-kwentuhan. 

Bahagya akong napatawa sa biro ni Lucas bago sumimsim ng alak. Nagulat ako nang bahagya akong sikuhin ni Shawn at ini-abot sa akin ang cellphone niya. 

Pagtingin ko rito ay napakunot ang noo ko. Binasa ko muna ang caption bago tiningnan ang picture ng post. 

Parang umurong ang sikmura ko. Pakiramdam ko ay bumagsak ang sikmura ko at kinapos ako ng hininga. 

Nag-angat ako ng tingin kay Shawn na may hindi maipaliwanag na ekspresyon, "Ikakasal na siya?" tanong ko rito at utay-utay itong tumango. 

Um-order ako ng ilang bote pa ng alak. Sunod-sunod ang inom at ang salin ko. Ang iba kong kaibigan na hindi alam ang nangyayari ay tuwang-tuwa pa sa sunod-sunod kong inom. Kahit ang gusto ko nalang ay magpakalunod sa alak hanggang sa makalimot. 

Hindi ko na nagawa pang maka-uwi dahil sa kalasingan. Inihatid ako nila Shawn sa hotel at doon na kaming lahat magpapalipas ng gabi. 

Kahit lasing na lasing ay hindi ko magawang makatulog. Hindi ko kaya lalo na sa mga oras na itong nalaman ko na ikakasal na siya. 

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak habang naka-upo sa terrace ng hotel room. 

Hawak-hawak ko ang cellphone ko at nagdadalawang isip ba kung tatawag ako. Ilang minuto akong umiiyak sa terrace, hanggang sa hindi na ako nakatiis at nag-message na sa kaniya. 

To: Andrea Cassandra

ikakasal kana pala?

Masakit pa rin pala, sobrang sakit pa rin. Proud na proud pa man din ako sa sarili ko na nakaka-move on na ako tapos bigla kong makikita ang post na iyon. Lahat ng sakit at pagsisisi ko bumalik. Siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Siya pa rin ang mahal ko. 

"ALONZO?!" Nag-angat ako ng tingin nang biglang dumagundong ang- katok sa pinto ng condo ko. 

"Isa! buksan mo 'to! Sisirain ko talaga 'to!" sigaw ni Shawn sa pinto, napabuntong hininga ako bago tumayo at lumapit sa pinto para pagbuksan sila. 

"Ano!? Nagkukulong ka nanaman?!" Hagas na hagas si Shawn, napabuntong hininga ako bago ito tinalikuran at hinayaan silang pumasok. 

"Akala ko ba okay na?! Akala ko ba naka move-on kana?!" Sermon sa akin ni Shawn, naupo ako sa sofa bago binuksan ang TV na agad namang pinatay ni Edward, "What the...-"

"Pull yourself together Alonzo. It's been years, move on!" Edward sternly said, I bit the insides of my cheeks before bitterly chuckling. 

"Don't tell me what to do..." I mumbled and I heard Edward scoff, "It's for your own good too." he said and I slowly shook my head, 

"Alonzo, when was the last time you were sober." We all looked at Xandro's direction who's looking at the bottles of beers by the fridge. 

"You've been drinking?! Again!? Balak mo bang mamatay nang maaga!?" Sigaw ni Shawn at nagkibit balikat ako, 

"Siguro, pwede naman," sagot ko, nakatulala sa TV. 

Naupo si Xandro sa tabi ko, "Alonzo, tama na, wala na, eh. Ikakasal na siya," Nang marinig ko iyon ay naramdaman ko ang pagluluha ng mata. 

Napatawa ako nang mapait bago napatungo, "Yun na nga, ikakasal na siya..." Napahikbi ako, 

"Ilang araw kanang hindi pumapasok sa trabaho. Sabi mo sa 'min papasok kana after holiday, anong nangyari?!" Nanggigigil na turan ni Edward, napa-iling ako habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisnge ko. 

"Alonzo... hindi naman pwedeng ganito ka nalang lagi. Sinabi na ni Shawn, move on, Alonzo. Let her go, let yourself go. Pakawalan mo naman yung sarili mo. Masyado kang nababaon sa nakaraan, tama na." Bakas sa boses ni Xandro ang pag-aalala. 

Napa-iling ako bago sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa labi ko, naramdaman ko ang kamay ni Xandro sa likod ko bago himasin ito. 

"Masakit, masakit pa rin pala. Akala ko noon... okay na, okay na ulit. Pero yung isipin ko na ikakasal siya sa iba, sobrang sakit." Pinahid ko ang luha sa pisnge ko, 

Napahikbi ako, "Mahal ko talaga siya, sobrang mahal ko siya. Mahal na mahal ko..." napatakip ako sa mukha ko. 

Wala ng nagsalita, wala ng  nagsermon. Tanging mga hikbi at pag-iyak ko nalang ang naririnig sa buong kwarto.

Nanatili sa condo ko sila Shawn, nagluto pa ito ng tanghalian habang nasa sala kami nila Xandro at nanonood, nililibang ako. 

Pagkatapos naming magtanghalian ay inaya ako ng mga ito na lumabas, pumunta kami sa mall at nagpagupit. Medyo humahaba na ang buhok ko dahil noong nakaraang taon pa ang huli kong pagpapagupit. 

Nag-aya rin ang mga itong mamili ng damit at ng kung ano-ano. Bago umuwi ay bumili kami ng ilang tub ng ice cream bago kinain sa condo ko habang nanonood. 

Habang kumakain ay hindi ko pa rin maiwasan ang maiyak, pero wala na silang sinasabi at hinahayaan nalang ako. Napagod na rin siguro sila sa akin. 

IT was hard, of course. Every day, I would try my best not to break down at work. I was trying not to tear up. Though she would still slip in my mind. 

Kapag may babae akong nakikita na kasing tangkad niya, kasing haba ng buhok, kahugis, kagaya niyang maglakad, iisipin kong siya ito. 

Madalas ko rin ipanalangin na sana maging pasahero ko siya. Pero mukhang suntok sa buwan iyon. 

May mga oras na gusto ko siyang i-stalk sa Facebook. Pero gaya ng sabi ng mga kaibigan ko, mag move-on na ako. 

May mga nagiging progress naman, may mga araw na nakakalimutan ko siya. May mga araw na hindi siya pumapasok sa isip ko. 

Kapag may babae akong nakikita na inaakala ko ay siya, hindi ko hinahabol, hindi ko nilalapitan para makita kung siya ba ito. 

Hanggang sa... kapag pumapasok siya sa isip ko. Hindi na masakit. 

Napapangiti nalang ako bago napapa-iling. Siguro nga ay mabuti na iyon. Mabuti na kalimutan ko na ang mga nangyari. 

At habang mas tumatagal, mas nagiging magaan ang pakiramdam ko. 

I could say I finally moved on. 

Not until...

From: Andrea Cassandra

Hello, I would like to know when are you free? Maybe you have a few minutes or an hour for us to talk? 

It was 1 in the morning when I've read the message, nasa bahay ako ni Shawn at kasama si Lorenzo. 

Ini-abot ko kay Shawn ang cellphone ko at ipinabasa ito, gumuhit sa mukha nito ang gulat. 

"Oh, e-eh... anong gagawin mo?" Maski ito ay nagpa-panic. Nagpa-panic din ako, hindi ko lang ipinapahalata. Pakiramdam ko nga ay hindi ako makahinga nang ayos. 

Napanguso ako nang bahagya bago nagkibit balikat, "Sa tingin mo? Okay lang na makipag-usap ako sa kaniya?" tanong ko rito, 

Utay-utay tumango si Shawn, "Oo naman, kung okay lang sa 'yo. Basta... hindi ka magba-back to zero." sagot nito at tumango ako bago binawi ang cellphone ko. 

To: Andrea Cassandra

Hello, I'm free at 6pm this day, Thursday, if the time is convenient for you. If not, 5am on Saturday is fine. 

It took her hours to reply, umaga na nang mag reply ito. 

From: Andrea Cassandra

6pm today is fine. Can we meet sa C5 Shell? 

My hands were shaking when I replied back. Though I'm still keeping my self together. I've spent months to work on myself and move on, I won't my efforts go to waste. 

I was nervous and excited at the same time. I've been looking forward for the clock to strike 5PM before I left work. Dumaan muna ako sa isang cafe para bumili ng pagkain bago dumiretso sa C5. 

I was 20 minutes early, though it's fine. I still have time to prepare and gather my thoughts. 

She wants closure, and she will probably ask about what happened that night. Even though I buried the things that happened that night at the back of my head, I had no choice but to remember everything. 

The moment our eyes met, I felt like I run out of breath. I tried not to stutter or show her that I'm nervous. 

Akala ko agad niyang ibubuntong ang galit niya. But surprisingly, she made a short conversation first. And it helped to ease the nervousness inside me. 

I took out the foods from the bags for us to eat. I'm trying my best to make the atmosphere as comfortable as possible. 

"May I know why you asked to see me?" Though I already had speculations why,  I wanted to start this conversation now. 

And just like what I thought, she asked me about that night. First thing I did was to apologize, I never get to say that. Not in those two times we met, not even once I apologized to her about what happened. 

While explaining what happened, I tried to composed myself. I tried not to feel hurt anymore. But of course, regret was still there. I still regret everything that happened that night. It will forever haunt me. 

Months of efforts to move on, while talking about what happened, I still couldn't help myself to cry.

"I'm sorry," I can no longer hold my tears, I end up breaking down in front of her. I couldn't help it. 

It was still here, all here, the pain, the regret, it was all here and it hurts. Yung panghihinayang ko sa lahat ng meron kami dati at sa lahat ng pwede pang mangyari, lahat yun pinanghihinayang ko. 

"Baka pwede pa, please?" It sounded pathetic and I am pathetic. Baka kaya pa, baka kaya pang ilaban. 

I begged for another chance, I was hoping for another chance. Maybe I could do better. 

"I loved you too, Haze, higit pa sa pagmamahal mo sa 'kin." It hurts hearing that. 

"... Mahal nalang kita, pero mas higit na mahal ko si Kendrick." I forced a smile on my face before nodding. 

"Then we're clear here." As long as she's happy and as long as that Kendrick loves her, I'll be fine. 

"Congrats on your engagement," I said, trying to light up the mood after a heavy situation. 

"Thank you, you're invited to our wedding." I was shocked upon hearing that. I was unsure about it, if her future husband would want that but when she told me that he was the want who wanted me there, I felt at ease. 

The next minutes of our conversation went smooth and way lighter than the first half. We enjoyed our food while catching up on each other's lives. I tried not to ask very personal question and most of it are general. 

It was as if she didn't changed. She's still bubbly, talkative and cheerful. I'm thankful that she didn't change much. I'm glad that she finally moved on from what happened. I'll get there too, just not now but soon. 

I SPENT months to prepare myself for the day of her wedding. Si Shawn pa ang nag-abot sa akin ng invitation dahil hindi ako ma-abutan ni Cass sa trabaho o sa bahay. 

I stared at it for minutes, I read it thoroughly. 

Reading her name next to his, it still hurts. But it will forever remain like that. It will forever hurts and I would never get to remove that pain and all I could do is to learn how to live with that pain. 

I didn't know what to get for them as a gift. Instead I bought a gift I know she would love. 

On the day of her wedding, I felt like crying, again, for the nth time, it'll always be her who's the reason behind my tears and cries. 

I sat next to Shawn, Edward and Xandro at the church. I glance in front and saw him talking to his best men. 

"Kami sana yun," bumulong si Xandro sa tabi ko at bahagya akong natawa, "Yung best men?" tanong ko at tumago ito, "Isipin mo, pito kaming best men mo." Biro nito at nataw ako, "Baka siyam pa kayo, o sampo, si Simon, si Matt at si Allan pa." sagot ko rito at parehas kaming natawa. 

That little chat with Xandro before the wedding starts lessen the pain I'm feeling right now. 

When the wedding song started playing and the humongous doors of the church opened, I felt like my heart sank. 

She's so beautiful, in that white dress, with her veil on, holding a bouquet. 

My throat went dry. 

Hinahabol ko siya ng tingin habang utay-utay siyang naglalakad papunta ng altar. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga hula ko. 

Lahat ng mga naging ala-ala at pinagsamahan naming dalawa, lahat ng mga tawa, saya, lungkot at pagod. 

It was just 1 year of relationship, damn, no, it was 9 months. 

But the memories we had felt like an eternity. Hindi masusukat ng taon at haba ng panahon ang saya na pinagsamahan namin. 

"Umiiyak ka?" Napalingon sa akin si Edward at Xandro nang tanungin ako ni Shawn. 

Napangisi ako nang bahagya bago nagpahid ng luha, nakatutok pa rin ang mata kay Cass. Saktong dumadaan siya sa tapat namin nang asarin ako nila Xandro at Shawn. 

Hindi ako nagpahalatang masakit, hindi ako nagpahalatang umiiyak. 

Masaya ako para sa kaniya. 

Hangga't masaya siya, minamahal siya, at inaalagaan siya, magiging masaya ako para sa kaniya.

I took my own car to go to the reception. On my way there, I let out all the tears that had been wanting to fall throughout the whole wedding. 

I pulled up a smile when I entered the place. 

I couldn't be crying on her big day. Baka makita pa niya akong umiiyak. 

She was so busy with her guests. Yung regalo ko ay inilagay ko nalang sa table kung nasaan ang ibang mga regalo. 

The food was great, it's almost all her favorite. 

I wanted to leave already. Though it'll be disrespectful to the both of them. I stayed even after the program ended. 

Cass is checking up on her guests, going to every table. 

Baka umiyak nanaman lang ako, "Shawn, magba-banyo lang ako." Paalam ko kay Shawn nang malapit na siya sa table namin. 

But the truth is I left the venue, crying. I drove to the nearest beach, it was the best place I could be alone and take a deep breath. 

It was the place I could cry let everything out. 

I'm done pretending, I'm done faking a smile. 

Masakit pa rin, at mananatiling ganun iyon. Palagi't-palagi ay masakit pa rin isipin na hindi siya ang makakasama ko sa habang buhay. 

Lagi't-lagi... siya pa rin talaga. 

[NASAAN kana ba?!] Hagas na hagas ang boses ni Shawn, minamadali ako. 

Napatawa ako bago dinampot ang cellphone ko, "Ito na nga oh, ito na. Tapos na akong magbihis, pupunta na ako diyan." sagot ko rito bago pinatay ang tawag. 

Reunion ngayon ng Summit Hill, nag-usap kaming walo na lahat kami pupunta. Sa sobrang busy sa trabaho at kaniya-kaniyang mga buhay ay hindi na kami gaanoong nakakapagkita. Kaya naman ngayong reunion ay napagkasunduan namin na pupunta kaming lahat. 

"Akala ko hindi ka sisipot!" Agad akong inakbayan ni Shawn, gumuhit ang ngiti sa labi ko bago dumampot ng kutkutin na nasa table. 

"Sus! Kayo pa?! Lakas niyo kaya sa akin!" ani ko at nagtawanan ang mga ito. 

Ang iba sa kanila ay may mga dalang anak. Ang kakulitan ng mga ito ay manang-mana sa mga ama nila. Nakikipaglaro pa ang mga ito sa akin, dahil wala naman akong sariling anak ay medyo sabik ako sa bata. 

"Kung nag-aanak kana kasi," turan ni Edward at napatawa ako, "Asawa nga wala," turan ko at tumawa ang mga ito. 

"Bakit hindi maghanap?" tanong ni Lucas at napabuntong hininga ako, "'Wag na," 

I decided not to settle in life. Kung hindi siya, huwag nalang. Masaya naman ako kahit mag-isa. Kaya ko namang mabuhay nang mag-isa. 

At kung sa pagtanda naman, kapag alam kong malapit na ang oras ko, makikitira na ako sa isa sa kanila para hindi naman mabulok ang bangkay ko sa condo. 

Nang maubos ang pagkain sa table namin dahil sa mga bata ay tumayo ako para pumunta sa buffet at doon ay kumuha ng pagkain. 

Nakita ko pa doon ang mga dati kong blockmates na kinamusta ako. Kasama nito ang mga asawa at anak nila. 

"Sige bro, dito na ako," Paalam ko rito, 

Saktong paglingon ko sa aking kanan ay siyang pagtatagpo ng mga mata naming dalawa. 

My heart skipped a beat. 

It's been years since we last saw each other. It was her wedding when I last saw her face. And now, it didn't even changed a bit. Iyan pa rin ang mukha ng Cass na minahal ko noon, at mananatiling mamahalin ko hanggang ngayon. 

I smiled at her, raising my glass of wine. But her husband called her causing her head to snap at his direction before she rushed towards him. 

My smile faded. I lowered down my glass and went back to my friends. 

I really am a pilot. Meant to bring people to their love once. I was born to love you, but forced to bring you to the person you truly love.



-------

a/n: oh well, it was a nice flight.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top