Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

FINALE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Tapos sa honeymoon may balak kana ba? Wala akong masyadong idea, eh. Well you can go abroad, marami kayong choices dun. pero kung gaya nga ng sabi mo na gusto mo ay dito lang sa Pilpinas, maganda siguro sa ano... Palawan? Boracay?"

"TULALA!!"

Napa-igtad ako nang biglang sumigaw si Faye bago ako pinalakpakan sa harap ng aking mukha, "Kanina pa ako dada nang dada rito, oh. Andito ka pa sa Pilipinas pero yung utak mo lumipad na yata sa ibang bansa." ani ni Faye at napatawa ako bago umiling,

"Pagod lang, eh, ito naman. Nag space out lang, sorry na." ani ko bago kinuha ang kape kong nakapatong sa lamesa bago sumimsim nito.

Pagkalapag ko ng kape sa lamesa ay nahagip ng mata ko ang singsing sa daliri ko. PInagmasdan ko ito, makapal ang singsing, may kalakihan din ang diamond nito, makinang at talagang maganda.

"Anong bumabagabag sa isip mo?" tanong sa akin ni Faye, nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago ngumiti at umiling.

"Wala, ito naman, nanahimik lang ako, may bumabagabag na agad?" ani ko at napatawa siya bago sumandal sa sofa,

Nang tumunog ang doorbell ng kaniyang condo ay parehas kaming napalingon sa gawi ng pinto, "Ayan na ang delivery guy natin." ani ni Faye at napatawa ako bago tumayo para pagbuksan ng pinto si Kendrick.

"Hi!! Good morning!" Agad ko siyang niyakap, "Sorry talaga hindi ako nagising sa alarm ko, natuloy kaba mag jogging?" tanong ko, napatawa siya bago tumango, "Yes, pero ilang miles lang." sagot niya, pumasok na kami ng condo para ihain ang mga pagkain na dala niya.

"Anong dala mo?" tanong ni Faye, "Uh... Jollibee, gusto raw ni Cass ng spaghetti ng Jollibee." sagot ni Kendrick at tumango si Faye,

"Eh ako? Anong binili mo sa 'kin? Pag 'yan hindi masarap, pag uumpugin ko kayo ni Cassandra." ani ni Faye at napatawa kami parehas ni Kendrick,

"Ito na nga po madam, pancake, sandwich, fries at, sundae." ani ni Kendrick at parang bata na nagtatalon si Faye sa tuwa.

Inilabas lang namin ang iba pang pagkain na dala ni Kendrick bago kami nagsimulang kumain.

"Ano na ang mga plano niyong dalawa para sa kasal niyo? Tagal naman, excited na ako, eh." tanong ni Faye, napatawa si Kendrick habang ako napasimangot,

"Grabe ka naman, ayaw mo na ba talaga akong makasama? Pinapalayas mo na ako?" Pag-iinarte ko, napa-irap ng mata si Faye habang si Kendrick naman ay humagikhik, "Gusto mo pagkakasal natin, kay Faye ka tumira--"

"Hoy!! NO! Pass! Sa 'yo na si Cass." ani ni Faye at napahagalpak kami ng tawa ni Kendrick, "Pinagtatabuyan mo na talaga ako, hayst!" Pagda-drama ko,

Pagkatapos naming kumain ay nauna akong naligo habang si Faye at Kendrick ay nag-ayos ng pinagkainan. Pagkaligo ko ay si Faye naman ang pumasok ng banyo habang nagsalang naman ako ng mga damit sa washing machine.

Habang naghihintay matapos ang mga damit ay naglinis kami ni Kendrick ng unit habang si Faye ay nag-aayos pa rin ng sarili.

"Senyorita, ito pong mga pinaglagyan niyo ng parcel itatapon ko na ba?" Sumilip ako sa kwarto ni Faye,

"Sige lang katulong, itapon mo na." sagot nito bago nasundan ng malakas na paghalaklak, "Nakakainis ka talaga! Hindi bagay sa 'yo!" ani ko bago itinapon ang mga bubble wrap ng parcels ni Faye.

Nang matapos ang nilalabhan ay binuhat ni Kendrick ang mga ito papunta sa terrace para isabit at patuyuin.

"Kakabili ko lang ng mga hangers nung minsan, kaso parang mahuna naman sila." ani ko kay Kendrick habang nagsasabit kami ng mga damit,

"Try mo ihampas para malaman kung matibay ba talaga." ani nito at sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman itong malawak ang mapang-asar na ngiti, "Eh kung sa 'yo ko kaya ihampas para makita natin?" Pagsusungit ko at napatawa ito bago lumapit para yakapin ako,

"Ito naman eh, binibiro lang kita, galit ka naman agad." Paglalambing nito bago ako hinalikan sa pisnge,

"Eh ikaw kasi eh, kinakausap ka nang matino tapos..." Napanguso ako habang inilalagay ang damit sa hanger,

"Sorry na, pero kahit awayin mo ako nang paulit-ulit okay lang sa 'kin." ani nito bago ako hinalikan ulit sa pisnge.

Pumameywang ako, "Aba dapat lang 'no! Ikaw ang nag-aya ng kasal, magtiis ka!" Pinandilaan ko siya, napatawa si Kendrick bago ako ginumol ng halik.

"Ah--! Kendrick!! Para kang sira--!! Ang landi mo!!" Sinusubukan ko siyang itulak pero masyado siyang malakas, habang humahalik sa iba't-ibang parte ng mukha ko ay siya naman itong panay ang pagtawa na para bang giliw na giliw siya sa ginagawa niya.

"AHHH!!" Napalingon kami sa may pintuan ng terrace nang marining namin ang palirit ni Faye,

"Mga malalande!! Mga higad! Ang kakati niyo para kayong rashes!!" sigaw nito at napahagalpak kami ng tawa ni Kendrick bago ko siya bahagyang itinulak palayo,

"Inggit ka lang, bleehh!" Pinandilaan ni Kendrick si Faye, nanlaki ang mata ni Faye bago nahawakan ang isang hanger, "Anong inggit, ha!?" Nang tumakbo ito hawak ang hanger ay siyang pagtakbo rin ni Kendrick,

"Ang kati-kati niyo!! Sa terrace ko pa talaga?!" Habang hinahabol ng hanger ni Faye si Kendrick ay ako naman itong hagalpak nang tawa habang pinapanood sila.

Napahawak ako sa aking tiyan dahil sumasakit na ito sa kakatawa habang si Kendrick ay napapasigaw habang hinahabol ni Faye.

"Huli ka!!" Nahawakan ni Faye si Kendrick sa damit, nang akmang hahampasin niya si Kendrick ay saktong naka-alpas ang hawak nito sa damit kaya naman sa pader tumama ang hanger na dahilan kung bakita naputol ito.

"Ay... mahuna nga yung hanger." ani ni Kendrick at napahagalpak nanaman ako ng tawa,

"Sinasabi ko talaga sa 'yo Cassandra, pagkakasal niyo, mag-alsabalutan kana rito, hindi ko kinakaya ang landi niyong dalawa!" ani ni Faye na parang bata na nagmamaktol,

"Oo na, ilang months nalang, wait ka lang." sagot ko at napasimangot si Faye, "Tatlong buwan mo na sinasabi 'yan, almost 4 months na kayong engaged... ready na akong sumambot ng bouquet." ani ni Faye at napatawa ako,

"Hm? Sasambot ka? Bakit may boyfriend kaba?" Pang-aasar nanaman ni Kendrick, "Aba't-- gusto mo sa 'yo ko na talaga ihampas yung hanger?" ani ni Faye at napatawa nanaman ako na halso ikatumba ko pa kung hindi lang ako nakakapit kay Kendrick.

Kinabukasan ay may pasok na kami ni Faye, tuwing umaga ay hatid sundo kami ni Kendrick. Iyon nga lang si Faye ay hatid lang ni Kendrick sa may LRT. Siyempre dahil nagtatrabaho lang kami sa iisang ospital ay kasama niya rin ako sa pag-uwi.

Madalas kaming kumain sa labas, pero madalang na kaming dalawa lang. Sa tuwing mag-aaya kasi si Kendrick na kumain sa labas ay inaalok niya rin si Faye, baka raw kasi isipin ni Faye na pinagdadamutan siya, pero dahil may kakapalan ang mukha ni Faye ay talagang sumasama siya.

Kung hindi naman kami kumakain sa labas ay bibili kami ng pagkain bago dalhin sa unit para kasabay naming kumain si Faye. Sa amin madalas maghapunan si Kendrick, siya rin ang bumibili ng pagkain kaya hindi problema sa amin ang kakainin sa gabi. Sa almusal naman ay minsan nakikikain ito, minsan may sarili rin siyang dala.

"Bakit raw hindi makakauwi si Faye sa condo niya?" tanong ni Kendrick sa akin habang nagmamaneho,

"May surgery raw siya, over time, kaya sa ospital na siya matutulog." sagot ko at nag-hum si Kendrick, nakadungaw ako sa bintana ng kotse niya nang makita ko ang mababang paglipad ng eroplano ng SilverSky Airlines. Biglang pumasok sa isipan ko si Haze.

Ni minsan ay hindi ko nabanggit ang kahit anong tungkol kay Haze kay Kendrick. Naisip ko rin kasi na baka ayaw niya itong pag-usapan at masama naman kung ike-kwento ko pa ito sa kaniya. Pero minsan naiisip ko rin na baka walang ideya si Kendrick tungkol sa amin at baka lamang gusto niyang malaman bago kami ikasal.

"Ken?" tawag ko sa kaniyam nag-hum siya bago mabilis akong nilingon at nagbalik din agad ng tingin sa kalsada.

"Alam mo ba na may ex ako?" tanong ko at tumango siya pero hindi sumagot, "Alam mo na si Haze Vergara?" Nag-aalinlangan kong tanong, nakita kong bahagya siyang napangiti,

"Yes, I am aware of that." sagot niya at utay-utay akong napatango, alam pala niya? Kanino niya nalaman? kay Faye?

"Doctor Mendoza mentioned it to me before, I don't know if it was really an accident that he and Doc Custudio mentioned it in front of me knowing that they are good friends. But yes, I know." he added, and I slowly nod, hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong kasunod kong sasabihin, napaka-impulsive ko talagang tao, kung ano-ano nalang ang sinasabi ko!

"What about him?" he asked, napalingon ako sa kaniya at akmang sasagot na 'wala' nang napasinghap siya,

"Mahal mo pa 'no---"

"Hindi 'no!!" Putol ko agad sa kaniya, napahagalpak siya ng tawa habang ako ay nakanguso na nakatingin sa kaniya.

Napabuntong hininga ako, "Nag message kasi siya sa akin, matagal na, January pa. Sabi niya 'ikakasal kana pala?', nakita siguro yung mga ipinost ko sa Facebook, obvious naman, eh. Kaya hindi ko nalang siya sinagot." Pagkekwento ko at nag-hum si Kendrick,

"Why don't you... invite him sa kasal natin?" ani niya at bahagya akong nagulat sa mungkahi niya,

"Hindi ka seloso 'no?" Pabiro kong turan at napatawa siya bago tumango.

"Ang weird naman kapag ganun. Hindi naman na kami nag-usap after break up... well... may bagay ka na dapat malaman." ani ko at doon ay nakita ko na bahagyang kumunot ang noo niya.

"Mabigat ba 'to? Dapat ko bang itigil yung sasakyan?" tanong niya at hindi ko iyon halos masagot,

"Well... siguro for safety... oo." ani ko at napahagikhik pa siya bago itinabi ang sasakyan sa may bakery,

"Just so you know, medyo nerbyoso rin ako so isang bagsakan nalang, ha? Wala ng maraming pasakalye." ani niya at napatawa ako,

Tiningnan ko siya sa mga mata bago bumunot ng malalim na hininga, "Noong gabi na umamin ka sa akin sa birthday ni kuya Shawn, that same night... nag-sex kaming dalawa--- pero it was pure lust! I promise! After that night, we never spoke ever! I also realized na hindi ko na pala siya mahal kagaya ng dati! Promise!!"

Para akong hinahabol ng isang dosenang kabayo sa sobrang hapo ko pagkatapos magsalita. Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Kendrick pero mukhang sinusubukan pa rin niyang intindihin ang mga sinabi ko.

Ilang segundo kaming nanahimik. At sa mga sandaling iyon ay kinakabahan ako. Ni minsan ay hindi pa nagalit sa akin si Kendrick, sa ibang tao, nakita ko na siyang mainis, pero sa akin ay hindi pa kaya naman sobra ang kaba ko.

"So..." I tensed up when he spoke,

"You're telling me this because...?" My lips parted,

"Uhm... ano... kasi baka... baka big deal sa 'yo? Baka kapag nalaman mo na nag-sex kami is... you call the wedding off and--"

"Silly, of course not! Mas nerbyosa ka pa pala kaysa sa akin. Akala ko naman kung ano na, it's not a big deal for me. That was before, I just confessed my feelings for you that night, hindi pa nga ako sigurado kung ganun din ba ang tingin mo sa akin. Come here, nga." Lumapit siya sa akin at lumapit din ako sa kaniya, niyakap niya ako bago hinalikan sa tuktok ng ulo.

"What happened in the past remains in the past, okay?" he softly said, and I nod, when we pulled away from the hug, he held the steering wheel, "Tara na? Wala naba?" tanong niya at tumango ako,

Nang makarating kami sa kainan kung saan kami maghahapunan ay agad kaming um-order dahil sa gutom ko. Habang naghihintay ng order ay umikot ang paningin ko sa restaurant para libangin ang sarili ko.

"Hey," agad akong nagbaling ng tingin kay Kendrick, "Yes?"

He held my hand that is on the table, "You said hindi pa kayo nagkakausap dalawa after your breakup? Why don't you two talk? Closure, ganun? Hindi kaba binabagabag ng isip mo minsan?" tanong ni Kendrick at napakunot ang noo ko bago napahagikhik.

"Hindi ka talaga seloso 'no?" turan ko at napatawa siya bago nagkibit balikat.

"Mayaman siya, piloto, tagapagmana ng malaking airline, para wala namang nakakaselos dun." Sarkastiko niyang turan at napahagalpak ako ng tawa na agad ko ring tinakluban ang bibig ko.

"So nagseselos ka pala?" Pangungulit ko at umiling si Kendrick, "No, I'm not, pero I'm just suggesting the two of you to have closure. Mag-usap kayo, kasi... I also heard what happened between the two of you, and I'm just thinking about you. Baka may mga katanungan ka pa na hindi nasasagot sa isip mo at mahirap 'yan, baka hanggang sa ikasal tayo ay dala-dala mo 'yang mga katanungan mo na siya lang ang makakasagot." Malumanay niyang turan, napanguso ako bago utay-utay napatango,

Pagkahatid sa akin ni Kendrick sa unit ni Faye ay nagpaalam ako sa kaniya na ime-message ko si Haze tungkol doon, wala naman itong kaso sa kaniya.

Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit ay agad akong nahiga sa kama bago kinuha ang cellphone ko.

Pinagmamasdan ko ang huling message sa akin ni Haze. Iyon ang huli at una, nawala lahat ng pinag-usapan namin simula sa simula kaya walang kalaman-laman ang convo namin.

Tumipa ako sa cellphone ko ng message sa kaniya.

[To: Alonzo Haziel]

[Hello, I would like to know when are you free? Maybe you have a few minutes or an hour for us to talk?]

I stared at it for a long time, thinking and analyzing each word. I didn't want it to sound begging or desperate. At the same time, I didn't want it to sound cold.

After making up my mind, I finally hit send. I didn't mind waiting for his response tonight, so I decided to head to sleep and see if he responded the next day.

The next morning, as usual, I checked my phone firs and , when I went to my messages, there it was. Alonzo Haziel Vergara replied, he replied around 1 in the morning.

I didn't have the courage to open it yet, I hopped off bed, went to take a shower, and prepared a breakfast.

On our way sa ospital ay tinanong ako ni Kendrick kung nag reply na raw ba si Haze, ang sabi ko oo pero hindi ko pa binabasa nang buo.

Bakante ako nang buksan ko ito, para akong hihikain sa sobrang kaba. Pagpindot ko rito ay parang tumigil ang paghinga ko habang binabasa ang reply niya.

From: Alonzo Haziel

Hello, I'm free at 6 pm this day, Thursday, if the time is convenient for you. If not, 5am on Saturday is fine.

Napalunok ako ng laway bago tumipa nga sagot sa message niya.

To: Alonzo Haziel

6pm today is fine. Can we meet sa C5 Shell??

I placed down my phone, clasping my hands together while waiting for his reply. I heard my phone made a small sound, then the typing sound, then a message.

From: Alonzo Haziel

cge

A sigh escaped my lips, I turned my phone off before exiting my clinic. I went to Kendrick's clinic, I'm about to knock on the door when I heard him talking to a patient. I stopped and lean on the wall next to the door, tapping my foot on the ground.

Few minutes after, the patient in hus clinic left, before the door could even close, I peaked my head inside, "Hey," I greeted, his head immediately turn at my direction,

"Hey, something wrong?" he softly ask before walking towards me, he welcomed me with a warm hug. "Me and him will be meeting by 6pm, Shell C5." I blurted out,

His lips parted, "Oh... okay, that's great, ihahatid kita." ani nito bago bumitaw sa pagkakahawak sa tagiliran ko at may inasikasong mga papeles sa lamesa niya.

"I'm scared," I admitted, his head turn at my side, his brows furrowed, "Bakit naman?"

Napabuntong hininga ako, "Kasi... makikita ko nanaman siya, ma-aalala ko nanaman lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sa kaniya." sagot ko,

I saw his eyes softened, "But this is for you too, right? Unless you don't really want to do it, I won't force you. But for your peace of mind, itanong mo na lahat ng gusto mong itanong sa kaniya, and maybe... may mga gusto rin siyang itanong sa 'yo." Malumanay nitong turan,

Sa kung paanong paraan niya itong sinabi ay parang gumaan ang pakiramdam ko.

I smiled at him, "Yes... it's for me, him and you too." I said and he squinted his eyes,

"Bakit ako nadamay?" tanong niya at napangiti ako nang bahagya, "Baka mamaya... kapag kasal na tayo... mag-overthink ka bigla." ani ko at napatawa siya, "Sus... wala sa vocabulary ko ang overthink." Pagyayabang niya at napatawa ako,

I walked towards him before planting a soft kiss on his cheeks, "Ewan ko sa 'yo," bulong ko bago kami parehas napahagikhik ng tawa at saka ako umalis ng clinic niya.

Pagpatak ng 5:30 ay nag clock out na ako habang hinihintay ko naman si Kendrick. 5:45 nang umalis kami ng ospital. Hindi kalayuan ang ospital sa C5 kaya naman bago mag 6pm ay nasa Shell na kami.

"Cass," tawag niya, "Mhmm?" I smiled at him, he pursed his lips, "Medyo magulo buhok mo, tapos... medyo...--"

"Haggard ba?" tanong ko, napakagat siya sa labi niya bago tumango, "Sus, doesn't matter, I don't have to look pretty for him." I said, but he shook his head,

"Show him that you're doing fine without him." he said, and my brows furrowed before a chuckled escaped my lips,

"Ipakita ko ba yung sinayang niya?" tanong ko at napatawa siya bago tumango,

"Yes, hayaan mo siyang manghinayang. Plus... baka isipin niya hindi kita na-aalagaan nang maayos." sagot niya at tumango ako bago kinuha ang make up pouch ko, nag apply ako ng pwder, blush, lipstick at inayos ko ang buhok ko sa isang ponytail.

"How do I look?" I asked, he smiled, "Sobrang ganda," sagot niya at natawa ako bago siya hinampas sa hita, "Bolero," I mumbled,

Lumabas siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto, "Do you see him anywhere?" he asked, I looked around the place, a familiar car caught my eyes.

"Maybe," I answered, "I'll message you, keep your phone near you." I said, and he nodded,

While taking the stairs, I glanced at the blue car I saw a while ago. Could it be the same car?

The moment I reached the deck, I looked around to scan the place to look for Haze. I spot a man in black long sleeves by the terrace, his back facing me.

I took a deep breath before walking towards that man's direction, unsure if he's Haze. I stopped behind him and he immediately sensed my presence and lifted his head from his phone. Our eyes met... this time, both of us sober, no one's drunk, no one's out of their mind.

"Hey..." his voices sounded shaky,

I smiled at him, "Hey, kanina kapa?" I asked, and he shook his head, he stood up to pull a chair for me.

"Thanks," I mumbled. When he sat back down on his chair, I could feel the heaviness of the surroundings.

"I bought us food and drinks... I hope you don't mind." he sounded hesitant, and I gave him a nod.

"Oh, I don't mind." I said, and he nodded before preparing the foods. I tried to examine his expressions, his eyes were shaking, looking everywhere possible. Since the table is made out of glass, I could see his legs bouncing.

When he looked at the sky, I realized the sun was starting to set, coloring the sky with beautiful colors.

"Do you see this every time?" I asked, trying to break the silence. His head snaps in my direction, "Hindi naman lagi... depends on the flight. But I do see this sometimes." he answered, and I hum,

"It's beautiful," I said, mesmerized by the sky mix of orange, pink and purple colors.

"Yeah, it is," he said,

He pulled out the foods from the paper bag he had. I was shocked to see how much he got.

"I didn't know if you still like these, but... I hope you still do." he said, and I pursed my lips before nodding.

"I still like them," I said before taking a sip of my drink,

"May I know why you asked to see me?" he started the conversation, and my eyes looked at him.

I straightened my posture and cleared my throat, gathering my thoughts, "Well, I... uh..." my voice cracked,

"I wanted to talk about what happened before." I blurted out. When I looked at him in the eyes, it screamed... guilt.

He cleared his throat, "Uh yes... about that... I'm sorry. I know it sounds stupid, and it's useless, but never get to say that. I wasn't able to apologize, I wasn't able to... to explain." he said, lowering down his head, playing with his hands.

"That night... sabi kasi ni Adrian magpapahatid lang siya sa isang party. I was having second thoughts, ayaw ko, kasi paalis kana, pero... he begged because he badly wanted to be there. So I did, I left you, kasi akala ko mabilis lang, akala ko... maihahatid pa kita." His voice cracked on the last thing he said,

I felt my throat tighten, I felt tears building up in my eyes. Thinking about that moment years ago, I remembered it so well. "Dun sa party... anong nangyari?" I tried to keep my voice stable, I picked up my drink to take a sip.

I heard a sniffle coming from him. He wiped the side of his cheeks, and when he lifted his eyes, I felt a pang in my heart to see him crying.

"Sa party... fuck... biglang nawala si Adrian, hiniram niya phone ko before he left me kasi may tatawagan daw siya, so I was looking for him. I took a seat, took a glass of juice, orange juice, nililibang ko yung sarili ko. Then she approached me--"

"And she kissed you?" I cut him off, a hot tear streamed down my face. He looked at me straight in the eyes, his eyes screaming pain and guilt.

He shook his head, "She asked how I was doing, I was answering her cause I don't want to be rude, but I wasn't making any eye contact or anything else. I was answering her questions coldly, then suddenly someone asked for the seat I was sitting at, like... pinapatabi yata ako, so I stood up, and there... she... she kissed me." It almost came out as a whisper, his voice full of pain and sorry.

I felt another tear stream down my cheeks that I immediately wiped, "I'm sorry," I was taken a back when he broke down into tears.

Nanlaki ang mata ko habang humahagulgol siya sa harapan ko, "I'm sorry, I am so sorry," he chanted, nanlaki ang mata ko bago nag-ikot ng tingin para tingnan kung may nakatingin ba sa amin.

"Sobra kong pinagsisihan lahat. Gabi-gabi akong kinakain ng guilt ko. Araw-araw kong iniisip kung... paano kung hindi ko nalang inihatid si Adrian? Paano kung... hindi na kita iniwan?" Napasapo siya sa mukha, doon at nagsimula nang mag-unahan ang mga luha sa aking pisnge habang pinapanood siyang umiyak sa harapan ko.

"I know na... I gave you so much pain and I made you suffer. I know that because of me you went through a lot and I'm sorry. Alam kong hindi ko na maibabalik ang panahon at mababago yung nangyari. Pinagbabayaran ko lahat ng kasalanang ginawa ko sayo."

Lumingon ako sa gawi ng langit bago pinunasan ang mga luha na umagos sa pisnge ko.

"I missed you..." his faint voice caught my attention,

"I missed you, Cass, tangina. Ako yung may kasalanan kung bakit tayo nagkaganito pero ako yung iyak nang iyak." Natawa siya sa sinabi niya na maski ako ay napangisi.

Siguro dahil nai-iyak ko na dati pa yung akin, ikaw ba?

Pinahid nito ang mga luha sa kaniyang pisnge bago nag-angat ng tingin.

"Ang daming pumasok sa isip ko noong gabing yun, gusto kong sumunod, gusto kong magpaliwanag, gusto kitang kausapin kahit alam kong ayaw mo pero maraming pumigil sa akin. Maraming nagsabi na huwag na, na tigilan na raw kita, na sobra na raw ang sakit na ibinigay ko sa 'yo. Pero naisip ko kasi na baka... baka mabawasan kapag nakapagpaliwanag ako."

Para akong sinasaksak sa puso sa kada pangungusap na bibitawan niya. Kung noon ay sakit ng ginawa niya ang pumapatay sa akin, ngayon ay sakit na nagmula sa awa ko sa kaniya.

Nang muli siyang magbalik ng tingin sa akin ay diretso niya akong tiningnan sa mga mata ko, "Cass... sobrang mahal na mahal kita. Alam mo ba yun, Cass? Mahal na mahal kita," hindi ko kinaya ang pagtingin sa kaniyang mga mata, napatungo ako sa aking mga kamay at pinaglaruan ang mga ito,

"I love you so much that I was willing to do anything, anything for you. When I left that party... all I could think about was you, all I could think about is to hold you, be with you bago ka umalis. Pero hindi ko nagawa, hindi na kita na-abutan."

I started to remember the moments after I saw that post. Kay Simon ako unang tumakbo para magpahatid. Papunta at pagdating ng airport ay umiiyak ako, buong flight ay umiiyak ako, tuwing gabi umiiyak ako, ilang buwan at halos taon kong iniyakan ang mga nangyari.

"I was longing for you the whole time. Hinahanap-hanap kita, yung boses mo, yung ngiti mo, yung pagmamahal mo, yung alaga mo at yung presensya mo. Akala ko nga hindi ko kakayanin. May mga oras na... umiiyak ako dahil miss na kita pero naiisip ko na... kasalanan ko naman kung bakit ka nawala. Kasalanan ko lahat ng nangyari, na deserve ko yung pinagdadaanan ko at ikaw, hindi kita deserve. Hindi ko deserve yung pagmamahal na ibinibigay mo. At ako... puro sakit ang binibigay ko sa 'yo, puro problema, puro... kalintikan." Napahilamos ito sa mukha niya habang ako itong patuloy ang pagpatak ng mga luha sa aking pantalon,

"When we met at the plane... I had hopes, I had my hopes up. I almost jumped in joy only if I wasn't dying. Kasi finally... after years, I finally got to see you again, I was finally able to feel your warm and touch again. Then, when Xandro told me you came back... I was so ready to do the right thing. Shit, akala ko talaga maayos ko ang lahat." Napatawa siya nang mapait kaya napa-angat ako ng tingin,

"But when I saw you with him... I saw something in your eyes that I didn't see when the two of us met at the plane." he said that made my brows furrowed,

"I saw you smile, and I was like 'Shit, baka kapag bumalik siya sa 'kin, masaktan ko lang ulit siya.' and I don't want that to happen. You're so precious, Cass, so so precious, and I feel like all I do is to break you. Iniingat-ingatan nga kita noon pero hindi ko namamalayan yung mga pasakit na naibibigay ko sa 'yo." Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata niya, ang mga mata niya ay namaga na sa kakaiyak at namumula na ang kaniyang ilong.

"I let that go, I decided to let you go. I thought it ended there, but what happened on Shawn's birthday? It gave me hope. It was stupid and we were drunk pero akala ko talaga... kaya pa. But the morning after, you were gone. Hinayaan ko, I didn't contact you cause I don't want to disturb you, ayokong magpatong-patong yung galit mo sa 'kin. Kaya nagpalipas ako ng oras... but I was too late..." he paused and looked straight at me, "Ikakasal kana, fuck," Napasapo ulit siya sa mukha niya at doon ay narining ko ang kaniyang paghikbi.

"Tangina, sobra ko yung iniyakan, sobra akong... nasaktan. Tangina ang tanga pakinggan pero... akala ko kasi kaya pa talaga, akala ko maayos ko pa. Akala ko babalik pa ang lahat sa dati, akala ko babalik kapa sa 'kin." Nang humikbi siya ay bumunot ako ng isang malalim na hininga,

"Mahal kasi kita, Cass, mahal na mahal kita. Sa ilang taon na wala ka ni-minsan hindi ko sinubukang magmahal ng iba. Kasi... naniniwala ako na babalik ka at magkaka-ayos tayo. Hindi ko nakikita ang sarili ko na iba ang kasama, ikaw lang. Ikaw yung ipinagdasal ko na mapapangasawa ko at makakasama ko sa habang buhay. Ikaw yung babaeng handa kong mahalin hanggang sa dulo. Ganun kita kamahal, Cass. Ganun kita mamahalin."

Umiling ako, "Wala na Haze, hanggang dun nalang yun--"

"Baka pwede pa, please?" Nagulat ako sa kaniyang sinabi, "Cass... another chance, please, please Cass." his hand reached for mine that is on the table,

He looked at me with pleading eyes, "Subukan pa natin? Please... ako nalang ulit. Leave him..."

Kahit mahina ang huli niyang sinabi ay narining ko iyon, agad kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya.

"Hindi na Haze, hindi--"

"Cass, please... I need you--"

"Ikaw na ang nagsabi na puro pasakit ang ibinigay mo sa 'kin. The whole time na merong tayo lagi akong binabagabag na... tangina I always felt like I was never enough! I felt like I don't deserve you! Lagi kong kine-kwestyon ang sarili ko, lagi akong may takot na baka ipagpalit mo ako, na baka iwan at lokohin mo lang ako. I was living in fear and insecurities! I never get to have that peace of mind na mahal mo talaga ako. I'm sorry to say this, but I never felt like you really loved me. Pakiramdam ko... ginagawa mo yun sa lahat ng naging babae mo. Lagi kong iniisip na pinaglalaruan mo lang ako, lagi akong takot, Haze. Natatakot ako..." Before I knew it, my tears started streaming down my cheeks,

"But with Kendrick... I felt peace. Walang bumabagabag, wala akong iniisip, I don't overthink, Haze. I don't have to think I wasn't good enough. Hindi ko iniisip na napakadali kong paltan, na napakadali kong iwan at lokohin. Hindi ko naramdaman lahat ng yun kay Kendrick, eh sa 'yo? Hindi ko alam kung nasaan yung probelma, siguro ako? Pero napakataas mo, Haze. You're up in the sky and I'm just here, on the ground. It could never work between us, I should've kept that in mind from the start. Edi sana hindi na tayo umabot sa ganito." Napabuntong hininga ako habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisnge ko,

Natahimik kaming dalawa habang patuloy ang pag-ikot ng mundo sa paligid namin. Pinahid ko ang mga luhang nasa pisnge ko at ganun din siya.

"I'm sorry... that I wasn't able to make you feel loved. Maybe I am really incapable of loving people. It's too late to say this, believe it or not, I truly, truly love you, Cass." he sounded sincere and genuine, and I actually felt it,

"I loved you too, Haze, higit pa sa pagmamahal mo sa 'kin." Ngumiti ako nang bahagya,

"Wala nabang natitirang pagmamahal para sa akin?" tanong niya at napapikit ako bago bumuntong hininga,

"Meron... pero hanggang dun nalang yun. Mahal nalang kita, pero mas higit na mahal ko si Kendrick." Paglilinaw ko, gumuhit ang isang ngiti sa labi niya bago tumango.

"Then we're clear here." he said, and I nodded,

He breathed out a large amount of air, "Shit, it's really happening. Talaga palang wala na," he said, and I nodded,

None of us two are crying anymore. It no longer feels heavy, this , it feels light and calm.

"Congrats on your engagement," he said, and I smiled, "Thank you, you're invited to our wedding." I said, and his lisp parted, "Are you sure? Is it okay for you, fiance?" he asked, and I nodded,

"He was the one who wanted you there. He even suggested this whole closure thing." I replied, and he nodded,

A faint smile drew on his lips, "Then expect me there,"

Even though I cried a lot on that night, just like what Kendrick said and what I hoped, it was able to give me peace of mind. Nagkalinawan na at yung mga gusto kong sabihin ay nasabi ko na.

Doon, natapos na talaga ang lahat sa pagitan namin ni Haze.

Lumipas ang mga buwan at nagsimula na kaming magplano ng kasal. Nakahanap na kami ng simbahan, recption, mga ninong at ninang sa kasal, mga abay at caterer. November 15 ang planadong araw ng kasal namin.

Ang mga motif at mga damit ay natapos na October palang. Ang gown ko ay November 1 dumating.

Sa bawat paglipas ng araw at papalapit nang papalapit ang araw ng kasal, hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako.

Parang noon college lang ako, sa dorm lang ako nakatira, mag-isa lang ako tuwing bakasyon. Ngayon may makakasama na ako sa habang-buhay.

November 13 ay dinala na namin ang mga gamit ko sa isang hotel na malapit sa simbahan na pagdadarausan ng kasal. Ang gown, accesories, bouquet at sapatosb ko.

November 14 ay dinala ako nila Faye at Marga sa salon, nagpalinis ako ng kuko, nagpa-ayos ng buhok at nagpamasahe. It was our prep day, we spoiled ourselves to the fullest level.

And by the evening, we had wine and a movie night. Para siyang bachelorette party pero kaming tatlo lang. We were celebrating the last night na dalaga pa ako, na lagi nilang akong makakasama.

Nangako naman ako sa kanila na walang gaanong magbabago, magkikita-kita pa rin kami at makakasama pa rin nila ako. Iyon nga lang ay mas madalas ko nang makakasama si Kendrick at hindi na rin ako makikitira kay Faye.

Kinabukasan, 4am palang ay gising na ako. 9am ang kasal kaya mahaba pa naman ang oras para makapaghanda. Nag-almusal muna kami nila Faye sa buffet sa baba ng hotel bago ako naligo. 5:30 nang simulan akong ayusan. Si Faye at Marga ang Maid of Honors ko kaya naman kasabay ko na silang ayusan.

"Kinakabahan kana ba?" tanong sa akin ni Faye habang inaayusan ako,

Napatawa ako, "Hindi ko alam, excited pero may kaba, pero hindi gaano." sagot ko at napatawa sila,

"Oo or hindi lang yung sagot, eh." ani ni Marga at napatawa kaming tatlo.

Naunang matapos ayusan sila Faye at Marga. Bago ko isuot ang wedding gown ko ay nagkaroon pa kami ng pictorial sa loob ng hotel room. Hindi kami gaanong nagtagal bago isinuot na sa akin ang wedding gown ko. Kinunan ulit ako ng photographer pagkatapos kong maisuot ang gown at sapatos ko.

8:30 nang umalis kami sa hotel, ang sabi sa amin nila Simon at Allan ay maayos na raw ang lahat sa simbahan at magsisimula ang kasal nang tama sa oras.

Bago mag 9am ay nasa labas na ako ng simbahan. Bago bumukas ang malalaking pintuan ng simbahan ay inayos muna ang gown ko, may mga videographer halos sa bawat anggulo.

Isang malalim na hininga ang binunot ko nang sinabi sa akin na magbubukas na ang pinto.

At sa segundong bumukas ito ay para akong kinapos ng hininga.

It's happening, I'm getting married. Every step I took, everything felt surreal. Nakikita ko si Kendrick sa unahan katabi ni Simon at ng isa niyang kaibigan na mga Groom's Men niya.

Ilang metro ang layo ay nakita ko ang pagpapahid ng luha ni Kendrick, doon ay bahagya akong napatawa sa reaksyon niya.

"Gorgeous," he said when I stopped in front of him.

We both took a step towards the altar, and a step towards the future.

The day ended and I became Mrs. Dizon. A lot of people came, everyone congratulated us. A lot of people from my college came, a lot from the hospital came and brought their gifts.

"Congratulations," kuya Xandro raised his glass of wine, I smiled at him, "Thank you kuya, si Haze?" I asked, his brows furrowed before looking around.

"Andito lang siya kanina, baka nag-cr." sagot niya at tumango ako,

We enjoyed the reception so much. Iyon ang request ko sa invitation, I didn't want the reception to be too formal. Instead I wanted it to be fun and playful. And everyone was so cooperative, may mga sumayaw, kumanta at halos mag-away na parang bata dahil sa mga laro.

After the reception, me and Kendrick head back to the hotel to rest. And the next day, we both took our flight to Palawan for our honeymoon.

We had a lot of fun in Palawan, hindi kami bumisita sa iba't-ibang isla dahil hindi iyon ang pakay ko sa Palawan. Most of the time nasa hotel room lang kami, nagpapahinga. Kapag lalabas naman ay bili lang ako nang bili ng kung ano-ano.

Para kaming nagbakasyon na may kaunting honeymoon sa Palawan dahil pagbalik namin ng Maynila ay balik nanaman kami sa realidad. Ang kaibahan lang ngayon, magkasama na kaming haharapan ang mga pagsubok ng buhay.

[Hello? Nasaan kana?]

"Hello Ken, nasa airport na ako, kakaland lang namin, start naba?" tanong ko kay Kendrick habang nagmamadaling lumabas ng airport,

[Hindi pa naman? Pauwi kana ba sa condo? Susunduin na kita--]

"No need, diyan ka nalang, kaya ko 'to." Putol ko sa kaniya,

[Sigurado kaba? Cass I won't really mind picking you up.] tanong niya at nag-hum ako,

"Yes yes, it's fine, here oh may taxi na." Tinawag ko ang taxi na paparating sa direksyon ko,

"Sige na, I'll be there in 30 minutes, okay? Mag-aayos lang ako sa condo, okay?" I said and he hummed,

[Okay, take care, love you!] I smiled, "Love you!" I replied before ending the call.

When I reach the condo, I immediately took a half bath before putting on the clothes Kendrick prepared for me. I put my hair into a high ponytail before applying make-up.

It's Summit Hill University's 73rd anniversary and all the alumni are invited to the party. Faye, Marga, Simon, Matt and Allan are coming that's why I had no choice but to come. At first I didn't want to but Kendrick also planned to go so here I am, rushing things.

I booked a ride to the event, "Nakasakay na ako, saan parte kayo?" I asked Kendrick, medyo malapit na rin kasi ako,

[When you entered the place, nasa left side kami, kasama ko na sila Simon.] sagot niya at nag-hum ako, "Sige sige, see you! Love you!"

[See you, take care! Love you more!] I giggled before ending the call,

I arrived at the place, I asked the receptionist for the direction of the party and they guide me to the place. From outside I could hear the music playing. It was an OPM song, a very mellow, soft and romantic songs.

The moment I entered the room, I was surprised to see a lot of people. I looked around and recognize some faces.

And there... I saw him, I saw Haze. The last time I saw him was 7 years ago, on my wedding day.

Our eyes met, he smiled and raised a glass of wine at me.

"Cass! We're here!" My head snap at Kendrick's direction who's with my friends, waving at me. A wide smile grew on my lips before walking towards them.

In a room full of boy's I've loved, I'll be running towards him but I'll take a glance at you.

---------

A/N: well... some things just don't work, who's ready for Haze's chapter!

Credits kay miss @brb.m on TikTok for the picture ng C5 Shell View Deck!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top