Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

Chapter 27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Third person's POV :

Binuksan nilang lahat ang mga mata nila at nagulat si Zhou Shiyu na makita na si Wang Yi ang sumalo sa bala na para kay Gabb.

"Sister Yi?" Nagulat si Gabb at ngumiti lang si Wang Yi sa kanya.

"Yi Yi!!!" Sigaw ni Zhou Shiyu at tumakbo papalapit kay Wang Yi, agad naman hinuli ng mga pulis si Josh at pinusasan ang mga kamay.

"Yi Yi?" Sabi ni Zhou Shiyu at nagsimula nang umiyak, "别担心。(Don't worry)." Sabi ni Wang Yi at tiningnan ni Coleen ang sugat nya.

Nakahinga sya ng maluwag nung makita nya na daplis lang sa braso ang nakuha ni Wang Yi, "It's a missed hit." Sabi ni Coleen at nakahinga din si Gabb ng maluwag nung malaman nya yun.

Makalipas ang dalawang araw, naging mabuti na ang lahat sa kanila at gumawa ng announcement si Gabb sa school nila.

"I would like to say in this announcement that Mr. Trinidad is the new Co-owner of the Skribikin school! And now, the title of this school will now be called at ST University which stands for Skribikin and Trinidad school!" Sabi ni Gabb and smile widely, everyone give her an applause.

"And this school also thank Ms. Wang Yi and Ms. Zhou Shiyu for bringing peace to this university." Gabb added and everyone applause for Wang Yi and Zhou Shiyu.

Bumaba si Gabb sa stage at nakipag-shake hands sa papa nya at mama nya, pati na din sa papa ni Coleen. At pagkatapos nun, ay nakipagkamay din sya sa mga guro at principal ng paaralan.

Niyakap naman sya ni Wang Yi at Zhou Shiyu at naghigh five pa silang tatlo.

"Your great!" Sabi ni Zhou Shiyu sa kanya.

Lumapit si Coleen at niyakap si Gabb ng mahigpit.

Ang mga tao ay nagsimula nang magsi-alisan sa lugar.

"Gutom ka na?" Tanong ni Coleen kay Gabb, "Oo.. Libre mo ko?" Tanong ni Gabb at ngumiti si Coleen at tumango sa harap nya.

Tapos biglang lumapit si Mr. Trinidad at sabi, "Maaari ba kitang makausap, Coleen?" Tanong ng papa ni Coleen sa kanya.

"Sige po, tito. Dun lang po kami sa gilid." Sabi ni Gabb at lumayo muna kasama nila Wang Yi at Zhou Shiyu.

Coleen's POV :

Ayokong makipag-usap kung tungkol lang ito sa babaeng mahal nya.

"Ano ba yun, papa?" Tanong ko kay papa at nagpakita lang sya ng isang simpleng ngiti sa harap ko. "Gusto ko lang sabihin sayo na, hindi na ako magpapakasal.. Tama ka.. Pera lang ang habol nya sakin." Sabi nya at nagulat ako bigla.

"Papa?"

"Coleen, I'm sorry.. I should've listen to you!" Sabi nya at bigla nalang nya akong niyakap, hindi galit ang naramdaman ko kung di awa. I want to comfort him kaya niyakap ko din sya.

"Okay lang pa.. Wag ka nang umiyak." Sabi ko at tiningnan ang mukha nya, tapos pinunasan ang luha nya. "I'm very proud kasi di mo ko iniwan." Sabi nya and I hug him tight.

"Ako rin Pa.. Thank you for believing in me this time." Sabi ko at tumawa nalang kaming dalawa.

"Sige na. Puntahan mo na si Gabb." Sabi nya and I smile widely, "Sige po." Sabi ko at pinuntahan si Gabb.

"Ano sabi ng papa mo?" Tanong ni Gabb sakin, "Okay na kami ni Papa." Sabi ko at niyakap si Gabb.

"Gabb, sabi mo we'll eat outside." Paalala ni ate Shiyu samin at natawa nalang kami ni Gabb. "Yeah, I almost forgot.. Sige na, Libre ko." Sabi ni Gabb and I smile widely.

Umalis kami sa school at nagpatuloy na pumunta sa restaurant.

Ilang buwan din ang nakalipas at nagstay parin sila ate Shiyu at ate Yi sa philippines at bumuti din ang relation nila sa mga ate.

Habang sila Gelo at Mikki ay in a relationship na.

At kaming dalawa ni Gabb.. Payapa nang nabubuhay sa iisang bubong, kasi we decided to live in together.

Pareho kaming naglilinis ng bagong bahay at nakita ko na pawis na pawis na si Gabb, kaya nilapitan ko sya at pinunasan ang tumutulong pawis nya.

Ngumiti sya at tiningnan ako, "Thank you." Sabi nya and I show a simple smile at her.

Tapos biglang nagring yung doorbell, "Ako na magbubukas." Sabi ni Gabb at pumunta sa labas para buksan yung gate.

Gabb's POV :

Binuksan ko yung gate at nakita ko ang isang lalaki na may dala ng box, "Ma'am, delivery po para sa inyo." Sabi ni kuya at binigay sakin yung box.

"Kanino po galing?" Tanong ko at sabi nya, "Kay Mr. Akira Morishita po." Sabi ni kuya at pinapirma ako sa papel.

"Thank you ma'am." Sabi ni Kuya katapos kong pumirma sa papel.

Napapatanong parin ako kasi bakit naman magpapadala si Akira ng ganito kalaking box? Pumasok ako sa loob at nilagay ang box sa sahig.

"Ano yan?" Tanong ni Coleen at kinuha ko yung gunting para buksan yung box, "Galing kay Akira.. Di ko alam bakit sya nagpadala ng ganito." Sabi ko at binuksan ang box.

Pero nagulat ako sa nakita ko.

---

Guys wag nyo akong i-bash sa last chapter!!! 😭😭😭😭🤧😭😭😭😭

Kasalanan to ng madumi kong utak!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top