Truyen2U.Top - Tên miền mới của Truyen2U.Net. Hãy sử dụng ứng dụng 1.1.1.1 để đọc truyện nhé!

Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Coleen's POV :

Na-gather kaming lahat sa isang private room at lahat sila ay seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Gabb, pero parang wala lang kay Gabb yun lahat habang ako nahihiya at di alam ang sasabihin kung sakaling magtanong sila.

"So, ano na ang nangyari?" Tanong ni ate Lara sa seryosong boses at malamig na mukha, ang attitude nya talaga ang nakakatakot. Hindi man lang nagpapakita ng ibang ekspresyon.

"Kailangan ko pa bang mag-explain?" Tanong ni Gabb sa malamig na boses, "Malamang..! Di namin alam ang nangyari kasi itong JL na to, magke-kwento na lang ng storya, yun pang hindi kompleto!!" Parang galit si ate Abby nung tinuro nya si JL.

Gabb's POV :

Kahit talaga kailan, madali talagang madulas si JL sa mga sinasabi nya. Pero nakalimutan ko din na sabihin sa kanya na wag nyang sabihin sa iba. Hay naku!!

"Oo.. May nangyari." Sabi ko sa malamig na boses kasi wala na akong magagawa, natapon na ni JL ang katotohanan at magsisinungaling pa ba ako sa harap nilang lahat.

"Bakit?" Tanong ni ate Abby at klarong pinakakalma sya ni ate Sela, "Lasing kami at di ko napigilan." Sabi ko at nagpakita lang sya ng disappointed expression.

"So, yun yung reason ba't nahihirapan syang maglakad?" Tumawa naman si Ella sabay turo kay Coleen, pero binatukan sya ni ate Ash at sabi, "Ang funny mo..! Nakita mo na nanasa gitna tayo ng usapan tapos ganyan ka kung magtanong." Sabi ni ate Ash sa seryosong mukha.

"Sorry." Sabi ni Ella and then clear her throat.

Napabuntong-hininga ako at nakita ko na parang takot si Coleen, hindi sya nagsasalita at parang malalim ang iniisip nya. But I can't just ask her kung anong mali, kasi alam ko na iisipin nila na may relasyon talaga kami even one night stand lang ang nangyari.

"So ano relasyon nyo?" Tanong ni Amy sa aming dalawa, "Wala. It's only a one night stand, wala kaming relasyon." Sabi ko para maklaro na ang gusto nila.

"Panagutan mo si Coco!" Parang galit na si ate Abby.

"Abby, relax!" Sabi ni ate Sela sa kanya, "Relax?! Sela, pinsan ko yan! Mabuti kung sa ibang tao lang!" Sabi nya sabay turo kay Coleen.

"We know.. We know na pinsan mo sya pero si Gabb lang naman ang naka-one night stand nya, mapagkakatiwalaan si Gabb at I'm sure na hindi nya sinaktan si Coleen." Paliwanag ni ate Sela kaya kumalma bigla si ate Abby. Totoo naman si ate Sela, hindi ko sinaktan si Coleen.

Nanghihina lang talaga sya dahil sa nangyari kagabi, pero gusto ko nang kalimutan yun!

Mahirap pala makipag one night stand lalo na pinsan lang ng kaibigan mo. Hay naku! Naiinis talaga ako sa mga coincidences.

Tapos biglang pumasok si Gelo, "Gabb, nandito na si Josh!" Sabi nya at hindi ako masyadong nagulat dun.

Tumayo ako at naglakad palabas, "Teka! Gabb?!" Narinig ko pang tinatawag ako ni ate Sela pero hindi ko sya pinansin.

Lumabas ako at naglakad sa hallway, alam kong nasa likod ko na sila Gelo, Nate, JL, Akira at Mikki.

Nakita ko na sobra ang galit ni Josh sakin pero pinigilan sya ni Ken.

"Kamusta, Josh? Natanggal ko ba ang bulok mong ngipin?" Sabi ko sa mapang-asar na mukha, "Hindi naman. Isang ngipin lang naman ang natanggal mo, eh. Kaya magpakasaya ka kasi hindi kita bubogbugin." Sabi nya sa naiinis na mukha.

Natawa lang kami nila Gelo, Akira, nate, JL at ni Mikki. "Hay naku... Nakakatawa ka parin." Sabi ko at ngumiti ng marahan.

I can see that he's angry pero hindi nya yun kayang gawin kasi puro pasa at sugat pa ang nasa mukha nya.

Napabuntong-hininga si Josh at sabi, "Magkita na lang tayo sa laban, I'm sure kaya kitang patumbahin." Sabi nya at ngumiti sa harap ko, nakakairita pero ano ba ang magagawa ko. "Sige." Sabi ko at kinalma ang sarili.

"Josh, tayo na." Sabi ni Ken at hinila sya papalayo, sumunod sa kanila ang mga wala nilang kwentang alagad.

"Gabb, ano gagawin?" Bulong ni Akira sakin at nagpakita lang ako ng seryosong mukha, "Hayaan mo sila gumawa ng first move. Dun natin malalaman ang gagawin natin." Sabi ko.

Umalis lang muna ako at dumeretso sa dorm ko para matulog lang muna.

Humiga ako sa kama at huminga ng malalim, tapos bigla naman pumasok si ate Ash, ate Abby at Ate Sela habang inaalalayan si Coleen.

"Oh, Gabb. Nandito ka pala?" Sabi ni ate Ash, "Ano ba kayo? Wala naman ata syang sakit, bakit kailangan nyo pa syang alalayan?" Tanong ko, "Baka nakakalimutan mo na ikaw dahilan kung bakit sya nagkakaganito!" Parang galit na naman si Ate Abby sakin.

"Ate Abby, tama naman sya eh. Atsaka hindi naman masyado masakit balakang ko... Kaya ayaw kong sabihin to sayo eh." Sabi ni Coleen at halatang ayaw nya talaga sabihin sa kanya.

Napabuntong-hininga ako at lumapit kay Coleen, "Sige na. Ako na bahala sa kanya." Sabi ko at tinutulak sila ate Abby palabas pero ayaw nila.

"Hindi! Malay ko ba kung ano gawin mo sa kanya!"

"Ate Abby..! Hindi ako lasing..!" Sabi ko para klaro sa kanya na nasa tamang pag-iisip ako ngayon. Huminga sya ng malalim at sabi, "Malapit lang kwarto ko sa inyo.. Coleen sumigaw ka ng tulong!!" Sabi ni Abby na nag-aalala.

Parang tanga.

"Ano ba akala mo sakin, rapist?" Sabi ko at nakakairita ang pinapakita nyang mukha, "Pwede din..!" Sabi nya at gusto kong magalit sa kanya pero pasalamat sya kasi di ko nakakalimutan na mas matanda sya sakin.

Umalis na sila at sinara ko ang pinto, tapos binuhat ko si Coleen at hiniga sya sa kama. "Magpahinga ka.. Aalis lang muna ako." Sabi ko at inayos ang kumot para sa kanya, pagkatapos nun ay umalis na ako sa room at sinarado ang pinto.

Bakit nagiging normal ang mood ko kapag si Coleen kaharap ko? Di ko din maintindihan sarili ko paminsan.

---

Chapter 4 ends

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Top